22 January 2012

Practice and Execution

It's Kung Hei Fat Choi Day! At kapag walang pasok ng Monday asahan mo nang madaming tao sa mall, park, at iba pang pasyalan sa Pinas. Sapagkat long weekend, isa na ata ito sa mga nakasanayan ng mga Pilipino noong naging Presidente si GMA at ngayon ay inadapt na rin ni PNoy. Kung isa kang estudyante friday pa lang nagfi-fiesta ka na dahil sa haba ng bakasyon (oa 3 days lang naman), pero ngayon na-realize ko mas masaya ang mga empleyadong walang pasok. No work pero may pay. At dahil jan ay sinulit ko ang dalang pagkakataon nitong ating panahon.


Nung pumasok ang bagong taon, isa sa mga gusto kong gawin ay ang makapunta sa The Feast na ginaganap every Sunday sa PICC. Bo Sanchez fanatic kasi ako, I admire him sa mga reflections niya sa buhay. Isa siya sa mga kilalang Catholic Preacher sa bansa. Ang founder ng KERYGMA, and nagsulat ng "How to Find Your One True Love" at "Your Past does not Define Your Future". Sa kanya ko natutunan pahalagahan at i-appreciate yung mga munting mga bagay sa buhay-buhay.

Kahapon ng Linggo, maaga akong bumyahe pa-QC. Nung una medyo nagdadalawang isip dahil solo flight ako. Pero buti na lang nangibabaw ang kagustuhan ko. Pag-pasok pa lang ng PICC napakagaan na ng pakiramdam. May mga taong bumabati sayo at nag-aasist kung san ka uupo. First time pero at ease ako sa kinauupuan ko. During the mass, overwhelmed na ko sa homily ni Father at sa mga background songs. Right after the mass ay sumunod na ang talk ni Bo Sanchez. Excited pa rin yung feeling, parang nasa panaginip ako. Alam mo yung nasa isang lugar ka na puno ng mga taong gustong magpasalamat at magpapuri sa Diyos. Yung as in lahat actively participating. Gustong-gusto ko yung naging topic. Sayang lang hindi ko na-umpisahan from the 1st week of January.

"Overhaul: Change your life in 30 days"
"Purpose, Plan, Practice, Produce"



So dahil 3rd week na ko naka-attend, ang tema for that day ay "Practice or Execution". Patama sakin yung naging topic, dahil isa akong procratinator. And just to share lang yung naging talk ni Bro. Bo, i took down notes para ma-iblog ko.


JUST START

Mamaya na, Bukas na lang. Tsaka na kapag ganito-ganyan. We always procrastinate, we wait for the perfect time to execute things we wanted to do. You just have to do it, without any further ado. No excuses,  no escape, just execute. Don't wait for the perfect execution, remember "nobody's perfect", seek for the persistent execution instead. Like in our daily routine, especially in the morning, when we're taking a bath. Sa Pinas uso ang paggamit ng tabo, yung unang tabo (considering yung lamig ng tubig) ang pinaka-challenging. But right after you have poured it into your body, the second one wala na masyado effect. See, you just have to start and everything will follow. 

START SMALL

Big thing comes from small packages. Sabi nga nila, if you start at the bottom there's no other way but to go up. Start little by little, cause in time magiging malago at malaki din yung mga ininvest mo. Like Bro. Bo, he was only 20 when he started writing a book, sabi niya nga awful book. He almost puke with his grammars, sentence constructions, etc. Ehdi sana walang Bo Sanchez na isa sa mga most best selling authors in the industry kung hindi niya sinimulan yung book na yun. That's why lalo kong gusto i-push through yung Project ni Potpot para sa mga munting bata ng Agustinian. As in patama yung sinabi niyang "If you have this project, even if it's small, then do it!"

START AGAIN

If you fail, start again. It's a PDCA cycle: Plan, Do, Check, Act then Plan, Do, Check, Act and so on and so forth. Trial and error. "No matter how our dreams may seem unreachable, dream them anyway. No matter how we've been hurt by the people we love, love them anyway. No matter how hard life is, live it anyway. No matter how our prayers seem unanswered, pray anyway. Remember, God always make a way." Sabi nga ni Bro. Bo "You're not yet in the awarding ceremony, you're still in the race. You're not yet in your room, you're still in the elevator." So hang on, never give up and don't lose hope.

I'm so blessed. Kaya dahil jan hindi pa ito ang last na pagpunta ko sa feast. I also joined one of their caring group. So I'm looking forward talaga for another visit sa PICC. Kung gusto niyo sumama, pm niyo ko. hehe




18 comments:

  1. i have heard na maganda nga daw umattend ng The feast :))

    ReplyDelete
  2. "No matter how our dreams may seem unreachable, dream them anyway. No matter how we've been hurt by the people we love, love them anyway. No matter how hard life is, live it anyway. No matter how our prayers seem unanswered, pray anyway. Remember, God always make a way." I like this line potpot. Para lang akong umatend ng service sa church ah. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. kung ganun, quality service yan chong. hehehe..

      Delete
  3. nakakainspire naman tong post mo jheng. i am a fan of bo actually dahil na rin sa mga words of wisdom simply pero tatama! ang problem kasi sakin hindi ako mahilig magbasa ng book naluluha na ako pero kaya kong magbasa ng blog lels. pero dahil sa post mo nato subukan kong magbasa at maghanap ng libro ni bo, ano ba ang latest book niya now na available sa nbs?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo try mo magbasa. Actually pag-inumpisahan mo magbasa parang magkakaroon ka ng urge na tapusin agad dahil sa ganda ng mga sinasabi niya.

      Delete
    2. hayop ka jheng URGE talaga ang ginamit mo!! hahaha madumi kasi utak ko hahaha lol anyways, hanapin ko yan sa nbs at ipost ko sa blog ko pag nabili ko at iplug kita sa pandadamay mo sa akin nito!! hahaha

      Delete
    3. hahahaha. ang bad mo mare! ikaw ang nakaisip niyan hindi ako! lol

      Delete
  4. super like. kung FB lang to iseshare ko pa hehehe anyway..nakakainspire sa lahat ng bagay daw ganito ang attitude. =D

    ReplyDelete
  5. nice nice very nice.. talagang total overhauling ito...

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga eh, andaming kailangan i-repair...hehe pero for good naman

      Delete
  6. Replies
    1. nakaka-tuwa naman yang comment mo mare. haha

      Delete
  7. I've attended this one before.
    Thanks for sharing this to all. I've been one of the consistent followers of Bro. Bo and I like to share myself too.

    Keep goin'.

    Godbless.

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow. apir ate gracia! nice to now na may mga follower din si bro.bo sa blogger :)

      Delete
  8. di pa ako nakaka attend ng The Feast....solo flight ka lang pala...pero ok na rin iyon kasi wala namang mag aano sa iyo......lagot kasi sila sa iyo,hehe...

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. sinabi mo pa, anuhin ko sila eh. haha

      Delete

Say Wuht?