14 January 2012

Sa Mata ni MIKMIK


Isang araw bago ang 2012, isang bata ang aking nakilala, ang dalawang mata niya ay may tanaw na karamdam ngunit siya ay puno ng ligaya na dala ng kanyang kamusmusan. This kid found love in a hopeful place, God is good dahil tahan siya ng mga madre at taong handang magbigay ng atensyon, pangangailangan at pagmamahal na ipinagkait sa kanya ng pagkakataon.

Sa pagdiriwang ng Greccio 2011 ng Franciscan Youth Movement, nagtungo ang grupo sa isang bahay ampunan sa Tagaytay. Excited ang lahat dahil minsan lang magyari ang ganito, ang mag-celebrate kasama ang iba aside from FY's. Bago pa man yung araw na 'yun, naghahanda na ang lahat para sa mga regalo na ibibigay sa mga mumunting anghel. Basic needs for the babies tulad ng diaper at feeding bottle at laruan naman para sa mga talagang bata batuta na. Baon namin lahat ng 'yon kasama ang aming oras, sigla at kakulitan. Kami'y makikisaya at makikibata.

Si Mikmik ang pinaka-bibong bata sa lahat. Siya lang naman ang nag-teach me how to dougie habang nagbi-break dance, ansaveh! Lahat kami napahanga niya, napakabibo, napakaliksi. Nung lapitan ko siya habang kumakain ng Jobi, napansin ko agad ang mata niya. Ng tanungin ko siya kung sore eyes yun sagot niya ay "allergy" daw. Sabi ko sa sarili ko allergy lang pala sabay tanong sa kanya "kailan pa yan?". "Matagal na po" sagot niya, "Di na po yan matatanggal" sagot naman ni Tutay na kaibigan niya. Agad kong tinawag si Kuya Toms na siya namang Ophthalmologist ng grupo. Hindi ko masyado natandaan ang sinabi ni kuya na medyo may pagka-scientific chorva. Ngunit in broader sense na-gets ko na ang karamdaman ni Mikmik sa mata ay wala pa atang lunas, samakatuwid hanggang pagtanda niya ay dala niya ang mga ito. Nalungkot ako para sa kanya pero siya masaya sa mga bagay-bagay na nakikita niya. Sa likod ng kanyang mga mata ay abot tanaw ang pag-asa at ligaya. 

Marami akong tinanong sa kanya "Kelan ka pa nandito", "Alam mo ba kung nasan ang mga magulang mo?", "Gusto mo ba sila makita?". Mga tanong na ang tanging sagot niya pagtango at pagtanong din sa akin ng "May regalo ka sa 'kin?." Napangiti ako at napatigil sabay sabing "Oo naman meron, kaw pa! Mamaya sina sister mag-aabot sa inyo." . Biglang naisip ko pasulatin siya doodle book ko. Ito yung isinulat niya.



Bago umalis, sa yakap ni Mikmik sa king mahigpit ay humiling siyang muli "Ate pahingeng souvenir!" Kasamaang palad ay wala akong dalang souvenir. 

Ang kanyang munting hiling ay nais ko dinggin. Gusto ko bumalik sa lugar na to dala ang hangad niyang regalo.  Kung sa pagkakataon mang 'yun ay wala na siya sa ampunan at may pamilya ng aaruga sa kanya. Panalangin ko nawa'y mabigyan siya nito ng atensyon at pagmamahal na higit pa sa wish niyang remote control car.




Gayun pa man, nais kong bumuo ng another "Project ni Potpot", ito ay ang mapuntahan ang mga bata sa ampunan kasama ang mga may mabuting kalooban na magbabahagi ng kanilang mga biyaya sa mga munting anghel ng Agustinian Sisters Servants of Jesus and Mary. Sa mga nais makibahagi mag-iwan lang ng komento dito. Salamat!

20 comments:

  1. Hello there. Sige, di na ako mahihiyang mag-kumento sa blog mo. Sabi mo eh. Haha. Wew. Ako ang first commentor (may word bang ganun?)

    Mahilig ka pala sa mga bata. Ako ganun din. Yung mga bata mismo lalapit sakin. Haha. Child Magnet nga raw.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Baka muka ka ding bata, o baka muka kang mascot, o di kaya muka kang cartoon? haha peace parekoy!

      Sabi sayo eh lahat ng comment pinapansin ko! hehe

      Delete
  2. Nahipo ng blog mong ito ang puso ko...

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat kuya, sure ka puso mo lang ang nahipo? haha lol

      Delete
  3. may I know more of this Franciscan Youth??

    I'm an aspirant kase sa Secular Franciscan Order (SFO), group of lay people who are dedicated in following the footsteps of St. Francis of Assisi :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow. hindi naman pala tayo nagkakalayo. I can't explain dito kung ano ang FYM, kulang ang blog na to para ilarawan ang grupo. haha ano daw. Anyway if you have time invited ka sa sunday formation namin. email mo ko :)

      Delete
  4. Replies
    1. salamat me. i know kasi isa kang ina :)

      Delete
  5. like the idea.... kelan ang next project?

    ReplyDelete
    Replies
    1. plan ko this february sana. join kna empi :)

      Delete
  6. masarap ang feeling pagnakatulong. naramdaman mo ba yong parang napakain mo yong kaluluwa mo habang yong isang tao eh nagasasabing salamat ? yon ang isa sa pinakamasarap na feeling na naramdaman ko din. =)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Korek ka jan mare! Alam ko ganyan ang work mo ..

      Delete
  7. galing naman.. kakatats! sama ko jan Mj pag ok ang sched ^^

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo ba kuya lhan kasama ka, ikaw sasagot ng fuds e. whahehehe

      Delete
  8. balik ka agad......baka maampon na iyon lalo at post mo dito sa blog mo,hehe..

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha.. it takes time. ano daw? haha

      Delete
  9. kailan ang next project?sama ko kung pwede at kakayaning puntahan. di man ako catholic gusto ko pa ring makatulong sa mga kagaya ni mikmik

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku welcome ka kapatid! ipopost ko dito kung kelan. salmat :)

      Delete
  10. Hi Jheng! this post is so touching. thumbs up ako sa layunin mo, madami ka pa mararating at sana madami pang matulungan. I wanna be part of this project of yours. I'll send you an e-mail this evening. kisses!

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you mommy mathea, you're ever supportive. Promise i'll let you know kung kailan toh. hugs :)

      Delete

Say Wuht?