25 January 2012

SLAMBOOK ni POTPOT ft. Kamila

The long wait is owvers! Para simulan ang pagbabago ng ating pamayanan. echos! oa much lang! 


Eto na talaga yung totoo. Para pasimulan ang Project ni Potpot na "SLAMBOOK ni POTPOT" (redundant lang sana) narito ang unang tumugon sa aking panawagan. Actually ipinapa-check ko lang sa kanya ang construction ng aking slambook. Pero dahil eksayted siya, siya na nga! 


Letsdudis!!!


Ang ating unang SLAMMER, eto ang gusto kong itawag sa mga sasagot ng slambook ko, walang paki-alamanan, allright??? 


Si Kamila ng Do More What Makes You Happy



Part 1: Easy Round

Personal Information

Name: Camille Tibayan
Nickname: Kamila
Age: 21
Marital Status: In a serious relationship
Location: Manila







Blog Profile

Blog(s): http://tea-cup-for-kamila.blogspot.com; http://kamilkshake.tumblr.com; http://kamilaproject365.tumblr.com
Blog objective/purpose(if any): magkwento ng magkwento sa ka-narcisitican ko at para may ala-ala ako ng sarili ko kung sakaling magka-alzheimer's ako.
Blogger since: since.. uhmmm yung informal, since 2007 siguro.
Blog influence: mahilig talaga ako magsulat ever since, influence? Bob Ong.
Describe your blog(s): Lagi lang tungkol sa kin yung mga blog ko. SA AKIN!
Paano ka nag-umpisang mag-blog: Hmmm.. mahabang kwento yan, pero to make it short, nagsimula ako sa FRIENDSTER blog, at ayun.

Describe the following:

Yourself: Matangkad, mataba, maputi, malabo ang mata, uhmm? weirdo.
Love: Love is realizing that you have to sacrifice your EGO.
Death: Death is innevitable. LAHAT TAYO mamatay! Hindi mo lang tanggap kase lagi mong iniiwasan, pero ang totoo ito ay isang bagay na dapat paghandaan.
Pain: Rank it from 1 to 10, that 10 is the most excrusiating feeling you had ever feel and 1 is the most comfortable feeling you had ever experience.
Happiness: People can always try to make you happy, but no one can make yourself BELIEVE that you're happy except believing in yourself that you're happy.

Favorites

Food: Hotdog, Chicken, Cake, Leche Flan
Hobby: Blog
Singer/Band: Sarah Bareilles, Parokya ni Edgar and recently Adelle
Song: Love Song by Sarah Bareilles
Color: Rainbow
Book and its author: Little Prince,  basta may french author siya.



Part 2: Average

Give new meaning to the following:

WTF: WATDAPAK
FU: PAKU
SOP: School of Pharmacy
ASAP: As Soon As Possible
LQ: Love Quotes
TL:  True Libog
LOL: ULOL.

What and Who

What is your most unforgettable moment? 
Nung pareho kameng mukhang tanga ni Maykel nung una pa lang kameng nagkakilala in person.

What is your most embarassing experience? 
Wala, makapal mukha ko. Joke. Hindi seryoso, wala akong maalala.

What drives you everyday, to strive and survive? 
Ang aking Mama na nagpapakahirap abroad.

What are the simple things that make you happy? 
Kwek-kwek sa tabi tabi.

What is your greatest dream? 
Gusto ko na mag-asawa.

What are your unique talents? 
Kaya kong i-angat ang kasuluk-sulukan ng labi ko ng hindi inaangat ang kabuuan ng labi ko at kaya kong itupi ang dila ko palikod.

What are the weird things about you? 
Ang kabuuan ng pagkatao ko ay WEIRD.

What/Who completes you? 
Si Maykel. Seryoso ito. Hindi lang ito pag-iinarte. Siya na yun.

Who is your crush? 
Hmmm.....

Who is your first kiss, except your parents/relatives? 
Wala bang ibang tanong? Boring na mga ganitong question sa kin. Joke.

Who is your hero? your idol? your great influence? 
Si ZOOEY DESCHANEL.

Who is your favorite blogger? 
WALA.



Part 3: Difficult

Please answer seriously.

Kaninong cartoon character mo maihahalintulad ang sarili mo at bakit?
Kay Judy Abott, free spirit, mahilig din magsulat.

Kung gagawing telenovela ang buhay mo, anong title nito at sinong artista ang gusto mong gumanap bilang bida?
Hmmm... Ayuko, hindi ako ganun ka narcissistic na tao! Ayuko magka-telenovela ang buhay ko, isa pa, boring ang buhay ko para sa telenovela, kulang ang drama.. okay na ko sa Maalalaala mo Kaya, at ang gaganap ay si Bea Alonzo (charing!)

Kung manalo ka sa loto ng 100M, saan at paano mo ito gagastusin?
Ibibili ko ang Nanay at Tatay ko ng isang house and lot na complete furnished, hindi binabaha, at kompleto sa gamit at business, para hindi na ako pupuntang ibang bansa at lalayo kay Maykel para magtrabaho.

Kung bibigyan ka ng chance maging member ng super friends o mas kilala ngayon sa tawag na justice league, anong super power meron ka at pangalan mo?
Nagbabasa ng isip ng lahat.

Kung magkakaroon ng pambansang gulay, ano dapat ito at bakit?
KALABASA. Pampalinaw ng mata.

Kung mabibigyan ka nga pagkakataon maging isa sa bananas in pajamas, sino ka? si B1 ba o si B2? Bakit?
Kahit si B2 na lang, okay lang naman ako kahit saan, hindi ako competetive na tao, kase feeling ko pag ganun may natatapakan akong tao.

Kung babaguhin mo ang nakasanayang tunog ng tawa from hahaha, hehehe, at hihihi, ano na dapat?
Abubabatski lalalala.

Kung ikaw si Elisa, bakit hindi ka na lang naging si Budoy?
Hindi ako si Elisa kase una sa lahat hindi ako payat. Hindi ko alam ang kwento nilang dalawa ni Budoy at wala akong pake.


Sino sa mga artista, local o foreign, ang sinasabi nilang look-alike mo? Kung wala huwag ipilit please.
Hindi ko ubod maisip na kamukha ko daw si Camille Prats (Kuya Akoni), tapos sa tweeter kumakalat daw na kamukha ko si Jenelle Manahan (AL Diwalay), pero ang totoo kamukha ko daw si Yasmin Kurtis, na hindi ko masyadong pinagmamalaki dahil ayuko sa kanya umarte. Tapos pinipilit ko sa sarili ko na kamukha ko si Reese Witherspoon pero payat na siya ngayon kaya ok bye!



Part 4: Bonus Round

Dedication to Potpot (freestyle, kahit gano kahaba at anong sabihin mo pwede, basta para kay Potpot)
Bes, sorry naman dahil sobrang late ako, sana maintindihan mo na busy ako. Ayun lang! Love you! UHmm.. hindi ako makapag emote, dahil nagmamadali akong magsulat! Pero basta alam mo na naman yata lahat ng gusto kong sabihin. Lab na lab kita at ang kabuuan natin.

 

-End of Slambook-

Gusto mo ba makigulo? Mag-email lang dito emjhay_bentedos@yahoo.com.ph

24 comments:

  1. ito na yun, finally...hehe..kalabasa lang kami pareho ni kamil...hahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. natatawa nga ko sa sagot niyo dun, halos pare-pareho ang mga sagot.. abangan! haha ikaw na ang susunod. wahahaha

      Delete
  2. AT umekstra na naman ang name ni AL Diwallay na yan... tsismoso talaga no.... eheheheh... kamukha mo nga daw sabi ng mga kasama ko.... ehehhehhe... kamukha mo daw si Janelle Manahan....

    ReplyDelete
    Replies
    1. napansin ko nga din ngayon lang. ka-akum! wahahaha

      Delete
  3. kala ko naliligaw ako ng blog! nag-iba din dito!! hehehe

    pa sign naman ng slambook na yan! lels

    ReplyDelete
    Replies
    1. sure ate iya send ko sa mail mo... nuh ba mail mo? wahehe

      Delete
    2. hahaha! iahdz09@gmail.com cge sasagot ako ng matino pramis!

      Delete
  4. Naku, durog na naman utak ko pag sinagutan ko yan.

    ReplyDelete
  5. Haha.. ayos ang sagot ni kamil sa question na Elisa/Budoy. hihi.. wala talagang pake. pareho kami, malamang.. haha!

    Gusto ko sanang magjoin dito, kasi nahiya mey. hihi..

    ReplyDelete
    Replies
    1. ano email mo ate leah? send ko sayo, or may email ka ata sakin. check ko :)

      Delete
  6. POts! sali ako dito tagalog lang ang sagutan at tanungan eh hahaha! yakang yaka ng rurok ng utak ko ^_^

    nag iiba-iba ba yung tanong kada blogger?

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. hindi pare-pareho lang para fair, para walang away! hahaha ano email mo dali???

      Delete
    2. looks fun hehhee...hi jhengjhengpot. finally medyo ok na ang site ng gastadora. www.gastadoramathea.blogspot.com
      sana madami bumili ahhaha gudluck sa pag promote sis. salamat din ng madami.

      Delete
    3. nakita ko nga po mommy mathea! so cool! makapag window shopping nga muna. hehe

      Delete
  7. wow umpisa na pla, salamat sa pagsali mo saken sa slambook mo ha :) di ko lang sure kung natanggap mo na :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi ko pa natanggap bosing. wahuhuhu. pa-resend!

      Delete
  8. ANG PANGIT! TSAKA ANG IRONIC NG MGA SAGOT KO..

    NARCISTIC AKO KAYA AKO NAGBBLOG SABAY HINDI NA AKO NARCISTISTIC SA IBA KONG TANONG!! BALIW>

    ReplyDelete
    Replies
    1. ewan ko sayo puro ka narcistic! umay! hahaha peace bes. mua!

      Delete
  9. astig!!!

    random ka ba pi2li ng ila2gay sa islambook mo?

    :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayun na po yun, pagandahan ng sagot. parang pageant lang! wahaha

      Delete
  10. nakakatuwa naman mga sagot ni sis kamil. teka kaya pala di ko na siya nasusundan kasi nagpalit ng url. tsk buti na lang nabasa ko dito. sama din ako? uhmm..pero parang nakakahiya..

    ReplyDelete
    Replies
    1. nako kapatid wag na mahiya! mag-email lang sa email address na nakasaad sa itaas!

      Delete

Say Wuht?