11 January 2012

TESTING lang pala


Alam mo yung feeling when you came out of nothing?
Ang saya nga eh na parang wala na ngang kulang na dati ay "wala lang".
Biglang nagkaroon na lang ng bagong pag-asa ang lovelife kong wala na halos panlasa.
Lahat ng sabihin mo tila ba ninanamnam ko, kahit minsan alam kong hindi totoo.
Ang mga nararamdaman dinadaan na lang sa biro, dahil sa takot na baka ika'y maglaho.
Minsan pa tumitingin sa kawalan ini-imagine ang iyong larawan.
Sabay nagso-solong ngumingiti akala mo sarili'y kinikiliti.
Gusto ko sana sulitin ang pagkakataon, ngunit sadyang bitin ang ating panahon.
Ngayon unti-unti kang lumalayo kaya "pangarap na sana" ay biglang lumabo.
Pagtingin sa langit nag-isang buntong hininga, wala ng magawa kundi tumunganga.
Diyos na ang bahala, sa kanya lahat ko na ay ipauubaya.
Gusto ko man hilingin na sana ikaw na lang ang akin, siya pa din ang sasagot sa aking dalangin.
Bakit ba naisip ko ikaw na, akala ko kasi tayo na.
Pero hindi, testing lang pala.

Isang tula ng batang hindi naman makata. Pagkatapos matulala, narinig ko ang malambing na boses ni Bro sa akin "Slow down Potpot, testing lang muna ha. Be patient my child, if we don't do this mas lalo ka mahihirapan. Kaya kalma kalma lang, okay?"

Bigla kong napagtanto, na not at all times you can find happiness. Sometimes you just have to make your own happiness, start with yourself then share it with others. Sabi nga ng mahal kong kaibigan "Do more what makes you happy". Kaya araw-araw kakain ako ng sundae sa mcdo :) 

God is in control. Okay Lord, your will be done. Minsan hindi ko na pinipili ang lugar kung san ko siya kakausapin. Nasa banyo, sa jeep, sa office, habang naglalakad sa kalsada, kapag walang magawa at maka-usap. Find time to talk with Him and make it a habit. He listens unconditionally and in return gusto niyang maging mas understanding and patient tayo. Please bear the inconvenience my child, it takes time.

Gusto kong lawakan ang pag-intindi at pag-unawa ko sa mga hindi inaasahang bagay na dadating sa buhay. Hindi ko alam kung sino ang sino, kung saan ang saan, kung kailan ang kailan at kung paano ang paano. Ang tanging pinanghahawakan ko ay ang pag-asa at panalanging sa langit ko na lang ibubulong.

Yes God, alam ko testing lang. Sana pasado ako :)


26 comments:

  1. Replies
    1. dont get it, cant understand.. im sorry... (annoyed)

      Delete
  2. huwaw! bagong bihis ang bahay!!!!!!!! IlabIT

    ReplyDelete
    Replies
    1. syempre bagong bihis din yung iyo eh.. dapat ako din.. hehe

      Delete
  3. kayganda naman ng pananaw mo sa buhay..nkaka inspire... napadaan here ^^

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat kaibigang saging, sabi na ikaw ay may puso. haha anu daw :)

      Delete
  4. everyday is laging testing lang talaga. trial and error nga ang buhay. i admire you for your good point views in ur life. keep it up!!

    ReplyDelete
  5. i agree 'lil sis. lahat tayo may test hehehe...happy new year to you! kisses!

    ReplyDelete
    Replies
    1. happy new year momi mathea! siguro ikaw marami ka ng napagdaanang test sa buhay, siguro laging perfect scores. hehe

      Delete
  6. bagong bihis nga ang blog ^^ for sure pasado ka jan ^^

    ReplyDelete
    Replies
    1. sana nga eh! di ako makakopya eh, no cheating eh.. haha

      Delete
  7. ganun talaga ang buhay...madaming pagsubok. cheers! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga eh, more struggle more challenge more fun in the phils. haha anu daw!

      Delete
  8. thank you for sharing this sis..i personally need this..haaay nakakalungkot man pero tama ka may plano ang Diyos para sa atin. we just have to be patient.

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat kapatid! hope you're okay... sama kita sa prayers ko. whatever you're going thru God is always with you :)

      Delete
  9. Maganda yung tula. Yung tipong hinugot mula sa kawalan. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha syempre ganito talaga tayong mga adik... hits pa! haha lol

      Delete
  10. Le Chemin: what??? (annoyed)

    meme: oo me, new year eh. new house, saka na pa-blessing.hahaha

    hana: salamat po :)

    mommy mathea: thanks! sana nga lahat tayo makapasa sa bawat test na toh. happy new year too :) muaks!

    kuya lhan: Baka pasang awa! hahaha no cheating kasi e. haha nuh daw

    empi: oo nga eh! apir! tagay pa! haha lol

    jaid: Salamat kapatid. hope you're okay. Anyway dito lang ang bahay ko para sayo :)

    ryan: oo hugot yan sa kawalan, kasi wala akong magawa. haha . produkto ng adik. nuh daw. lol

    ReplyDelete
  11. Aw. Yung sakin, testing din yun. Akala ko sya na, hindi pala. Which I'm thankful na rin at nangyari yun. Siguro hinahanda ako ni God.. Sigurado, God has plans. His will be done. That's so true.. :)

    Bagong bihis ang bahay ah.. and so full of doodles. And cute. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakakarelate te lei!! apir! haha.. sige yaan mo ihahanap kita ng labah mo! haha echos!

      Delete
  12. Pasado ka na. perfect score pa. alam mo bakit? kasi close ka kay Boss. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. huwaw! tats naman ako dun, tulo luha pati sipo joke! lel!

      Delete
  13. wow ang ganda, padoodle naman :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. cgecge ba! ano po bang gusto niyong idoodle ko???

      Delete
  14. gnada ng doodle o... mas gusto ko ito :)

    ReplyDelete

Say Wuht?