30 January 2012

United Bloggers Experience: Photography 101 and Backpacking Tips


"Not all who takes pictures are photographers"
"Respect their rules and cultures."

Isang maulan na hapon ng Sabado. Aaminin ko excited mode, bukod sa first time eh solo flight din akong pupuntang Megamall. Although madalas naman akong nagsosolo, I'm a bit nervous and shy, OMG! Artey lang sana ! Pero di ako nagpatinag sa kaba at hiya at nagpa-awat sa maulan na panahon. At 2:00 PM magsa-start ang first United Bloggers Experience. Napaka-interesting ng topic, Photography 101 and Backpacking Tips. Magagamit ko to sa future career (as photographer? Lol) at travels ko. Honestly, ngayon-ngayon pa lang nag-uumpisa ang long travel plans ko. 

Pagpasok ng Max's super shy naman ako sa kanila, pero dapat makapal pa din mukha kaya keri lang. Pagka-upo, kwentuhan at Q&A ng konti. Kainan muna before we proceed sa program proper (ansabeh?) habang naghihintay na din ng ibang bloggers. After few minutes nag-start na ang inuman session este sharing and learning session pala na pinangunahan ni Kuya John of kumagcow.com for Photography 101 and followed by Kuya Joel of batangmangyan.com for Backpacking Tips. Andami kong nalaman at natutunan, mga basic or rule of the thumb,  na kung tutuusin hindi lahat sa atin ay nakakaalam. To summarize the lesson punta lang sa blog ni Kuya Bino na siyang masipag mag-notes.

Bago tuluyang lisanin ang Max's ay namudmod ng libreng shirt si Otep, at masuwerte namang isa ako sa nabiyayaan. Meron din kaming bitbit na giveaway from Kuya Bernard. At para sulitin ay nagpunta na din kami sa CBTL  para mag-inuman ng kape LOL. Kwentuhan dito, tawanan dun, picture-picture applying the rule of thirds at "when you cut it mean it". LELS

Naging Masaya at makabuluhan ang kabuuan ng kauna-unahang UBE. Kahit first time ko makipag-EB, hindi ako nakaramdam ng pagka-OP. Dito napatunayan kong malaki ang nagagawa nito hindi lang para mabuo ang isang samahan kundi isang pangmatagalan na pagkakaibigan na din na kahit lumabas ka sa mundo ng blog o cyber world ay patuloy mo silang malalapitan at maasahan. Iba't iba man ang mga interes at paraan ng pagba-blog, iisa lang ang layunin ng mga miyembro ng Ublog lalo na ang mga admin nito. Ang pagbuklodin ang mga pinoy blogger at bigyan sila ng kaalaman at karanasan na pwedeng ipagmalaki sa mundo. OHYEAH!

Libreng T-shirt ni Otep =)

Joel, John, JC, Salbe, Bernard, Otep, Ako, Jim and Bino
(photo credit to Kuya Joel)


24 comments:

  1. Replies
    1. ako ba'y may mapapala? haha peace bes. di na kita inabala.

      Delete
  2. wow...tuloy tuloy na yan..uu nga di mo isinama si kamil :) sabi sau itxt mo eh hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. ikaw nga hindi sumama eh! tablado weh. haha

      Delete
  3. Ano yung rule of thirds? hehehe.. Muukhang enjoy nga. Iba tlga ang Ublog. Mas masaya sana to kung mas madami.. Still, iim sure nag enjoy kayo. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayun po yung gumagamit ka ng imaginary gridlines. hehe para magkaroon ng maganda angle ang object :)

      Delete
  4. kakainggits naman... buti ka pa na ka attend na ng mga ganito ganito.... ehehehehe....

    ReplyDelete
    Replies
    1. nakaka-attend ka din pag-uwi mo.. don't worry :)

      Delete
  5. hindi ako nasama daya!!! :(

    http://theoscasanova.blogspot.com/

    thats my new link sa blog :)

    ReplyDelete
  6. inggit me! sana makasama din ako next time kahit wala naman akong camera na gagamitin hihihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. okay lang kahit walang cam. magagamit mo din yan in the future. Mas maganda nga yun,magkakaroon ka kasi ng idea kung anong cam ang maganda.

      Delete
  7. ikaw na! ^^ ganda yung sa photgraphy!

    ReplyDelete
    Replies
    1. akoo na nga! next time ikaaw namaan!!! haha

      Delete
  8. tiyak masusundan pa ang pagkikita kita na nangyari.....

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga eh, nakikini-kinita ko na yan :)

      Delete
  9. hehe., sana pala sumama ako dito, hehehe :)

    btw, i have a blog contest where you can win Sony PSP, P3,000, P1000 etc., :) Join now.,
    and care for an exchange link?

    -from www.strifeofcloud.com

    ReplyDelete
  10. jhengpot, check your email. may isang eb ka pang pupuntahan.

    ReplyDelete

Say Wuht?