15 February 2012

F na F ang Vday

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapag-move on sa nangyaring balentong-tumbling-bending-baktayb na araw ng mga puso kahapon. Hindi naman ako nag-eexpect ng ka-somethingan for this event. Hindi rin ako bitter, neutral or kalma mode lang. Laughtrip nga ko for the whole day. Higit pa dun, bigla ko naging favorite ang araw kahapon. Kahit single, hindi naman ako nag-iisang nag-harlem.

Sa office ay busy much kami for the decoration contest kachorvanels. Umover yung galak ko, as in top of the lungs, ang saya kasi parang foundation day lang. May mga pakulo pang kissing, jail at message booths ang division namin bukod sa mga dekorasyon. Then picture-picture, laughtrip-laughtrip at bandang huli ay tinanghal na wagi ang Marketing Division(SO0 Group). Kaya naman F na F, as in feel na feel ko ang balentayms sa opis. Bunos pa nagtext si karass ko ng Happy balentayms, muntik na ko mapa-teach me how to dougie! Tagumpay! Lels

Jail Booth (kuno)


Kissing Booth (answerte naman ng mga pipila sakin. lol)

Picturan area
Message Wall
Eto ang pinaka-wagas na message para sa 'kin. lel

Ang pakulo ni Kuya Gelo
Marketing, Sales and After Sales Division/ SO0 Group

Dahil wala naman akong date, alangan naman magdala ako ng salamin at i-date ang sarili ko, ay bumili na lang ako ng cake para iuwi sa bahay. Echosera naman tong kapatid kong assuming habang sinasabing "Teh hindi mo pa birthday!". Purkit may cake birthday agad? Di ba pwedeng binyag muna?. Pero bago yun eh ang dami ko ng nakitang lovers na pakalat-kalat sa kung saan-saan. Di ko mapigilan mapatingin at mang-echos sakanila. Di ako bitter ha, natatawa lang ako sa sarili ko. Kasi tuwing mapapatingin ako sa kanila at napatingin sila sa akin ay bigla akong iiwas ng tingin sabay ihip sa bangs. Muntanga lang.

Naalala ko lang at inaalala ko lang kung ano bang naging set up ko last valentines. Sa kasamaang palad ay hindi ko na ma-recall. Ang naalala ko lang kinikilig ako nung mga panahong yun. May kalandian (wagas) at ka-i love youhan pa ko those days. Pero lumipas na ang mga araw na 'yon at tanging bakas na lang ng ala-ala ang naiwan. Masaya pa rin naman ako at natutunan ko magmahal at naramdaman ko ang tamis ng pagmamahal. At ang mahalaga naging Masaya ako kahapon. Attitude lang yan men!

20 comments:

  1. Message Wall ang typ ko jan.. hehe! naku red na red! balentong na balentong..

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga meh, anmi naming bumalentong together! haha

      Delete
  2. nemen! Wagas na balentyms sa office hahahaha

    :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. oo nga baklang bakla ang ofis!

      Delete
  3. eh kung ganyan kawagas ang celebration sa opisina eh, sinong single ang malulungkot hahaha parang OP ang madrama eh. At oo ang daming pakalat-kalat ma magdyowa sa kalsada dagdag trapik ambabagal pa maglakad. Di porket valentine ay lisensyado na sila magkiringking sa kalsada. Hahaha ayaw magtigil sa (Sogo) bahay at magdvd marathon ng one more chance at mga pelikula ni vilma santos. Hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahaha. andami kong tawa dun ha! puksain na nga yang mga yan. lol

      Delete
  4. basta ako nagbabasa lang kahapon ng tahimik at taimtim. nalaman ko lang na valentines pala dahil sa post ni IYa.

    ng makita ako ni tatay nagulat bigla dahil nasa camp ako.

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha. kalimutan daw ba ang araw na ito? adik ka!

      Delete
  5. Replies
    1. wagas ka ha!!! iba-block na nga kita dito! chupee! lols

      Delete
  6. kung lahat ng company eh ganito kapag valentines wala sanang malungkot kahit single pa sila at walang kadate.

    "kung puno ako ng saging, ano ang una mong kukunin, ang puso ko o ang saging ko?"---patok sa akin to. ang dami kong tawa!hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako din dami ko tawa jan. iba na talaga pag greenminded. lols

      Delete
  7. Ang saya ng celebration nyo sa opis ah.. :D at wow.. may kissing booth. Ilan ang nabiktima mo, potpot? hihi..

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku ate lei sa sobrang haba ng pila umayaw ako, lugi eh. hahaha

      Delete
  8. sa office niyo ba yan??? ang kulet lang no... ehehehhe... I remember when I was still in call center,... yahooo.... kukulet ng mga kasama ko...

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo sa ofis. ang saya pag makukulit mga ka office mo noh. kahit single ka feeling mo doble ka. ano daw!

      Delete

Say Wuht?