16 February 2012

Labing-isa

I'm so ispeechless nung i-tag-ga sa akin ito ni Ate Leah. Agad akong tumawag sa blood bank ng Red Cross para magpa-reserve ng dugo dahil mukang maagasan ako dito LOL. Paunti-unti kong sinagutan, ang hirap pala para kasi akong nasa beauty pageant sa mga katanguang inilatag ni Ateng. So para naman hindi lang ako puro beauty (wagas) ay sinagutan ko na ang mga ito. Pero bago yan may mga golden rules muna:
  • Post 11 random things about yourself
  • Answer the tagged questions
  • Create 11 questions for the people you tag to answer
So here we sago! lesdudis!

11 Random (Wagas) Things


1. I love cars. Dream car ko Nissan GTR
2. I can cut my own hair, I'm proud na ako gumupit ng buhok ko ngayon (trip ko lang bakit ba)
3. Super idol ko si Yeng Constantino. Astig siya.
4. Super fan ako ng all female bands like General Luna and Sesa band.
5. I played bass guitar in a band. I can also play drums (slight, 16 beats lang kaya ko), sa keyboard yung triads lang alam ko. Ayan lang talent ko, hindi ako nakanta.
6. Hindi ko kaya kumagat ng icecream that's why I enjoy eating sundae. Sobrang saya ko na sa Mcdo sundae, di ko alam kung bakit, basta nakakatanggal ng stress.
7. I preferred dark chocolates than plain and white chocolates.
8. Pinaka-ayaw kong ride ang anchors away. Mamamatay ako, paulit-ulit kasi yun eh! Mas okay pa yung space shuttle.
9. Hindi ako nakain ng carrots pag luto. Mas okay pa pag hilaw.
10. Matatakutin ako sa multo. Hindi ako mahilig manuod ng horror movies.
11. Mainit o malamig, lagi ako nakakumot pag matutulog. Di pwedeng hindi.



11 (Wagas) Questions from SuperLeah

1. What type of music do you like? 
All of the above. Lels. Kahit ano, Im pond of everything basta music. Classic, rock, alternative, pop, rnb, reggae, techno, rap or opm.

2. What do you do when you get bored at work/school?
I'm likely to this stuffs. Tipong gagawa ng blog entry o kaya magbabasa ng blog. O kaya bubuksan ko lahat ng folders at files sa pc ko may magawa lang ako.

3. What's you favorite day of the week? 
Friday and Sunday. Friday kasi excited ako umuwi from work. F na f ko ang "TGIF" mode. Sunday din kasi ayun yung magpapaka-busy na ko before weekend ceases.


4. Are you an optimist or a pessimist? 
More on optimist, I always want to be positive kasi I believe in Law of Attraction. Whatever you feel, you attract. Whatever you imagine, you become. Therefore, kung positive thinker ka, probably ma-attract mo yung good vibes.

5. Do you believe in extraterrestrial life? 
Medyo, may mga mysteries kasi na hindi masolve kapag may mga nakikitang kakaiba sa kalangitan. haha ano daw

6. If you win an all-expense paid trip for two for a destination of your choice, where would you go and with whom? 
Paris or Italy , o somewhere in Europe . This where I always wanted to go. Nag-start yun nung highschool, may nabasa kasi akong book. Ang yaman kasi nila sa arts and literature, which is indeed my very interest. I wanna travel with my father, gusto ko siyang i-treat dahil siya yung tumayong tatay, nanay at kaibigan ko.

7.  If you are to have an awesome super power, what would it be? 
Healing power. Para mapagaling ko papa ko pag may iniinda siyang sakit. 

8.  If you are to win a million dollars, what would you do with the money? 
Bibili akong rest house sa Baguio tsaka sa Bora. Tapos bibili akong sariling bus, para pag may gala buong family o tropa hindi na mamroblema sa transportation. Then papagawan ko ng musileo si mudra. Papagawa ko yung bahay namin. Mapapag-aral ko na yung bunso namin. Then bibili akong car. Magpapatayo ako ng retreat house for Franciscan youth. Magpapagawa akong headquarter for Ubloggers. Haha

9. If a movie is to be made based on your life, who would you choose to play? 
Glaiza De Castro, hawig ko daw kasi yun. Lol. Haha. Pero marami na ding nagsabi (sige ipilit pa). O kaya si Alex Gonzaga, kasi parang ganun ako kakulit.


10. If you could travel through time, when and where would you wanna go? 
When my Mama is still alive. If I could, I'll make more quality time with her.

11. If you could live anywhere in the world, where would you live? 
Sa puso ni Karass. Lels. Actually Masaya naman ako sa lugar namin. Although hindi ganun ka-garbo ang buhay, masaya naman. I could live anywhere basta kasama ko family and friends ko. An-anhin ko naman kasi ang pagtira sa maganda at bonggang lugar kung ako lang mag-isa. Pero going back sa tanong, kung mai-sasama ko lahat ng mga taong mahal ko sa buhay, titira kami sa Bundok. Haha. Masaya kaya mamundok!

Medic! Stretcher please! haha. Ang hirap pala magsagot ng mga ganito. Pero I survive kaya ako naman ngayon.

11 (Wagas) Questions from Jhengpot

1. Anong ibig sabihin ng pangalan mo?
2. Kung bibigyan kang pagkakataon pumili ng magiging presidente ng Pilipinas other than PNoy, sino ito at bakit?
3. Wagas experience mo about love?
4. Anong kulay ng puso mo ngayon, seryoso, bakit?
5. Sa anong bagay mo maihahalintulad ang sarili mo at bakit?
6. Sinong karass mo, maliban sakin (lol)?
7. Kung papalitan mo ang pangalan mo, ano ito at bakit?
8. Anong ginagawa mo pag malungkot ka?
9. Paanong gagawin mo pag nakita mo yung katapat mo sa jeep may nakalabas na kulangot sa ilong?
10. Gaano ka kasarp magmahal (wagas na wagas)?
11. Ano ang gusto mong itanong sayo ng mga tao?

At ang mga ito ay ina-award ko kina... drumroll please... Kuya Rence, Kuya Al Musingan, Kuya Akoni, Kuya RommelMakina ni Monik, Superjaid at Orange Pulps. Please bear with the inconvenience. LELS


25 comments:

  1. Woot woot!! Ang galing nga mga answers! Wagas! hihi..

    Sa music palang talaga ang talent mo. Bass guitar, drums.. diba, gusto mo pang matuto ng violin, right? :) Practice ka na rin ng kanta. Sige na, para all around. Baka bigla kang pakantahin ng mga ka-banda mo, diba? :D

    Ang galing ng sagot sa #4 question. Tama, whatever you imagine, you become. I like that..

    At sa #8! hehe.. Magpapagawa ng Ublog HQ! Nice! Sana manalo ka na ng 1M USD para mai-suggest na to sa mga admins! hehehe..

    Thanks for answering the questions, potpot. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ikaw kasi ate lei! Ang lakas mo sa akin e. Nag-enjoy din naman ako, parang nasa pageant talaga. lels

      Delete
  2. wAW! sa lahat ng sinabi mo ate jheng siguro ang pinakawala ako yung pagiging optimist. I'm fake optimist. LOL sige sagutan ko to. Sabaw ako ngayon wala talaga lumalabas sa utak ko. ahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. konting pilit pa magiging optimist ka din. lel

      Abangan ko sagot mo ha.

      Delete
  3. Ang galing ng mga sagot. Kung beauty contest ito, siguradong number 1 ka sa question and answer portion.

    Idol ko rin si Yeng Constantino. At yung number 11 mo, ganoon ako dati. Kahit pawis na pawis na sa init, kailangang may kumot pa rin. Di ko alam kung paano ko na-overcome yon.

    May dugo ka pa bang hindi nagagamit? Padala mo dito, dahil nung nabasa ko pa lang ang pangalan ko na una sa listahan mo, e parang may naramdaman akong sumabog na ugat.

    Durog na naman ang utak ko nito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. cartwheel talaga ako sayo kuya Rence. Naiimagine ko itchura mo. Siguro namumula ka na! lol

      Delete
  4. ang bilis mo naman makasagot potpot, baka matatagalan ung akin, hehe!..pero try ko nxt week. saan ang nosebleed jan? wow! chocolates! magkakasundo tayo jan.. haha! titira sa puso ni karass, sana mapabuksan ka na sa gate na..LOL

    Nice answers!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha tumbling na naman ako sayo me!!! pano ako papasok eh lagi siya nakasara. haha

      Delete
  5. Ang galing ng mga sagot mo parang gusto kong sumagot sa mga ganito kasi tagalog yong mga katanungan mo maiintindihan ko ng buong buo.

    Suwerte ng PAPA mo kung nagbabasa siya ng blog mo kasi natuwa ako malamang sobrang happy siya dahil love na love mo siya.

    Umaapaw ang talent mo sa musika.Kaya dapat may sample yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dahil jan kasama ka na! wahehehe

      Salamat kuya Rommel. Yung sample tsaka na, mag teach me how to dougie na lang ako. haha

      Delete
    2. talagang sinali mo ako diyan. sigi gagawan ko yan.thanks

      Delete
    3. hahaha... akala ko kasi busy kaw e.

      Delete
  6. hanga nman me sau, u can play music instrument...
    galing pti ng mga sagot mo....

    ReplyDelete
  7. And by the way, nice haircut sa EB natin.

    ReplyDelete
  8. Ang daming tanong...sa sunod sana may bayad o premyo..hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. For the friendship naman eh. demanding! haha

      Delete
  9. huwaw. salamat sa pag tag sa 'kin mareng jheng.

    we are so the same talaga. di ako nakakatulog without a kumot. hehe.

    ReplyDelete
  10. pareho tayo mas gusto ko ang space shuttle kesa sa anchors away. mas nakamamatay yun for me. hahaha at stress reliever ko rin ang mcdo sundae. langit yun para sa akin hahaha (balik sa pagbabasa)

    nakakarelate ako sa iba lalo na dun sa kagustuhan mong magtravel sa europe. hehe at like ko ang idea mo na magpatayo ng U-bloggers
    headquarters. hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks nga pala sa pagtag. gagawin ko to asap hehe =D

      Delete
  11. Like ko si Yeng..Hawak Kamay! Wot!

    ReplyDelete
  12. Done... ahahahah... weow.. pinahirapan mo ako... napahaba ata ang blog ko e no... huwaaaa.......

    ReplyDelete
  13. ang daming takot sa multo.....ako din kaya,hehe....

    ReplyDelete

Say Wuht?