08 February 2012

Oh Very


"Naglalakad o lumilipad, buhay o patay, peke man o tunay... IPIS pa din yan!!!"
Ito ang isa sa mga famous lines ng mahal at pinakamatalik kong kaibigan habang hinahabol ko siya hawak ang laruang ipis sa aking kanang kamay.

Ang kaibigan kong pasaway at suwail. Wala pa sa history na nagkaroon kami ng matinding bangayan o pag-aaway. Baka ngayon pa lang, sa puntong makita niya ang blog entry na ito. LOL



Si Aubrey. Nine years ago nung una ko siyang makilala. Ito yung wala sa sa ulirat ko ang pagpupulbo at pagsusuklay ng buhok. Lagi ko siyang nakakasabay sa jeep dahil isa lang ang lugar na pinang-gagalingan namin papasok ng LiceoHanggang sa isang araw sa tawiran, ang bilis ng mga sasakyang dumadaan. Bigla niya ko nilapitan at kina-usap "anong section mo? Tatawid ka na ba? Sabay tayo oh!" and poof! We became cococrunch! Sa ganoong eksena na nga nagsimula ang aming pagkaka-ibigan. Dahil hindi siya marunong at takot siya tumawid kaya kami pinag-tagpo ng tadhana.

At ngayon marunong na siya tumawid, kaso hindi tumitingin sa tatawidan. Kaya siguro mag-kaibigan pa din kami, sabi ni Lord "I-guide mo yang si Aubrey sa pagtawid."

Malabo ang mata. Hindi mo nga siya pwedeng iwan ng mag-isa lalo na sa byahe. Dahil hindi niya kita yung mga signages na nagsasabi kung san ang ganito at ganyan.
Atapang atao! Mapapa-away ako dito. Kapag may bumangga sa kanya, naku po patay na! Minsan pa nga eh usapan namin bago ang araw ng fieldtrip ay magkakasama kaming matutulog sa isang bahay. Angtagal niya kaming pinag-hintay. Pagka-dating niya lasing pa at may mga kamot sa leeg at muka. Susmiyo! Napalaban na naman ang kaibigan ko!

Kung papaglistahin ako ng tatlong taong kilala kong pasaway ay kasama siya doon. "Zuwail" nga ang tawag niya sa sarili niya. Nag-aral, tinamad mag-aral. Tumambay, tinamad tumambay. Nagtrabaho, natapos ang trabaho, tambay ulit. Yan tuloy ipinatapon sa London para doon mamuhay.

Pero kahit ganun ang kaibigan ko, NEVER niya ko inimpluwensyahan sa maling mga bagay na ginagawa niya. One time nga may pupuntahan kami, pero may pupuntahan daw muna siya. Sabi ko sama ako, sabi niya wag na daw. Pag-para niya sa jeep para bumaba sumunod ako. Tapos bigla ba naman ako tinulak papasok sa jeep, ehdi naiwan ako. Ayun pinagtawanan pa ko. Pero ayun nga yung araw na napalaban siya, ehdi sana nabanatan din ako.

Alam ko mas mabait ako sa kanya. Hehe. Pero kayo siguro ako mabait dahil na rin sa kanya. Dahil ipinapakita niya sa akin na "sige gawin mo toh, gusto mo maging ganito? Sige ka." Siya yung dahilan kung bakit ako laging neutral lang sa tropa. Kapag naka-inom na, dapat nasa wishu ako, kasi baka pagnalingat ako makita ko na siyang inaanod sa banginLOL. Sa bahay nila ako lagi dati tumatambay, nakiki-agaw sa computer nila para mag-internet. Pag-ginabi, rekta tulog na din.

Marami na siyang pinag-daanan. Maraming sakit na naramdaman. Lahat ng yon pilit niyang nilalagpasan sa tulong ni Big Bro. Kahit ganun si Aubrey napakatatag ng faith niya kay God. May tinatagong talino. Humble at laging nagpapasaya sakin. Siya yung kasama ko mag-adik, lakas trip! One time nga nag-cutting classes kami para magpunta ng SM, pagdating namin ng SM bawal ang naka-uniform pa. Alas singko pa daw papapasukin ng mall kung walang kasamag parents, jusmiyo! Para san pa't nagcutting kami. Kaya ayun sa labas ng SM, nangungunchaba kami ng aastang magulang namin para papasukin ng guard. Pero di umepek ang paawa peg! Kaya nag-Robinson na lang kami.

Si Aubrey. Ang tanging kaibigan kong mumura sakin pero nakangiti pa rin akong haharap at tatawa pa sa mura niya. Si Aubrey yung pag gusto ko umiyak tahimik lang siyang yayakap sakin. Siya yung susuporta sa lahat ng ginagawa ko. Hindi ako laging pinagsasabihan pero ramdam ko anjan siya sa bawat bukol, gasgas at sakit na mararamdaman ko. 

At dahil ngayon BIGDAY niya. HAPPY BIRTHDAY SAYO BES-PLEN KO! Remember "Nothing's impossible with the LORD!" Happy Yipee Birthday!!!


28 comments:

  1. Sa tagal natin magkakilalal Jhengpot, at sa dami ng nabasa kong blogs mo..ITO ANG PINAKAPABORITO KO!!!

    Happy Birthday sa BEST FRIEND MO!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Talaga kuya? Weh? Sige nga pengeng bente... hahaha

      Slamat kuya habs!

      Delete
  2. Happy Birthday s iyong best friend :))

    ReplyDelete
  3. Happy birthday kay Aubrey. Naku parang nakikini-kinita ko na reaksyon niya sa mga pinagbibisto mo dito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha. pero alam mo naiyak daw xa. wahehe

      Delete
  4. isang kang tunay na kaibigan!!!

    hapi bday sa besplen mo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo naman, ako pa! Akoo na nga! lol

      Salamat kuya Jay :)

      Delete
  5. galing naman ng story ng pagkakaibigan niyo... hehehe. Happy birthday!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga e, unexpected. lol.

      Thanks empi!

      Delete
  6. ang kyut ng story niyo. hihihi happy birthday sa kanya. =D

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo kyut parang ako lang. chos! Salamat kapatid!

      Delete
  7. at talagang ni-read aloud ko to sa loob ng room ko...ndi ko alam, napaluha na lang ako bigla sa kalagitnaan ng pag read-aloud-with-feelings ko..nakaka touch kc, naalala ko besplen ko na parati kong inaaway O.o

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat mare sa iyong appreciation!

      Delete
  8. hang ganda niya... ehem.. baka pwede mo ako ipakilala sa kanya... eheheh... happy birthday po....

    ReplyDelete
  9. isa kang tagong yaman para sa kanya ganun din sya sayo. Maligayang kaarawan sa kaibigan mo.

    ReplyDelete
  10. hahaha poof! cococruch hahah labet! ganda ng BFF mo Jheng, she's so lucky, she have you as her friend! happy weekend jhengpot!

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you po mommy mathea. we're both lucky to have each other crazy. lol

      Delete
  11. Hahaha! ako din may sariling kwento sa ganyang sitwasyon. nakakalowka! :D BFF talaga kayo kasi ang gaganda nyo eh. ;)

    Ingat sis!

    Jewel Clicks

    ReplyDelete
    Replies
    1. ikwento mo na kapatid! go! salamat, sa susunod gagandahan pa namin. lel. haha

      Delete
  12. Meme here!!! Happy b-day Aubrey..

    ReplyDelete

Say Wuht?