18 February 2012

Pabili pong Chichirya!

Hindi lang antok ang isa sa mga kalaban mo sa pagtra-trabaho, kundi pati gutom. Mas masaya kung oras-oras may nginunguya ka. Mas feel at home ako pag-ganun dahil parang nasa bahay lang ako habang nanunood ng TV. Pero nakakahiya naman kung minu-minuto ay nakatambak ang mga pagkain sa lamesa mo. Yung totoo? Nagtra-trabaho o nagpapataba? Empleyado o patabaing baboy?

Kaya naman sa opis ay #trending ang mga mamisong chichirya. Mas madaling kainin, mas madaling itago, mas madaling ishare(pwede ding hindi kasi pang-solo lang), mas madaling bitbitin, at abot kaya ang presyo.

Habang kumakain ng isa sa mga chichiryang nabili sa canteen ay biglang gumana ang kapilyahan namin ng boss ko. 

"Pag may garlic and chili may vitamins agad? di ba pwedeng maanghang lang muna? "






Pero infairness, masarap! Tsaka parang na-feel ko lumakas ako ng sampung guhit. lels. 

Naalala ko tuloy nung bata ako, lagi akong nabili ng assorted na chichirya. Tapos lalagyan ko sila ng pagkasunod-sunod sa kung ano ang uunahin kong kakainin at ihuhuli. Syempre yung masarap ang pang finale. Tapos minsan naman magluluto-lutoan ka. Paghahaluin mo lahat. 

Sino bang makakalimot sa Dipsy, Pompoms, Lumpia, Pritos Ring, Lechon Manok, Moby, Cheese-it, Boy Bawang at yung mga chichiryang may mga libreng laruan sa loob. Hindi ka dumaan sa pagkabata kung wala kang alam sa mga nabaggit ko, o baka mayaman ka. sosyal! Ikaw na ang naka-pringles at lays! LELS. Noon, kada bigyan ako ng dos ay ito ang mga binibili ko. Iiyakan ko pa si Mama kapag hindi ako binigyan kahit piso.

Sa mga panahong to mangilan-ngilan na lang ang mga tagpipisong chichirya. Mayroon namang nanatili sa presyong piso, pero tipong kaunti na lang ang laman at lumiit ang size kumapara sa dati. Swak din ang mga ito sa inuman, pang-pulutan. 

Ilang dekada na ang lumipas, sadyang di pa rin kumukupas ang panindang ito sa mga suking tindahan sa Pinas. Hindi mo masasabing sari-sari store ang isang tindahan kung wala ang mga mamisong chichirya.

28 comments:

  1. namiss ko yang mga ganyang mangunguya kapag walang laman ang tyan, takbo lang sa tindahan at ang 5 petot, busug na minsan

    ReplyDelete
    Replies
    1. tomo!!! kahit nga dos lang eh pwede na!

      Delete
  2. well said.. and well done... ako mahilig ako sa timbura at bobot... nyeheheheh... alam mo kaya yun??? mahilig din ako sa bazuka bubble gum... sa candy ment, sa viva ment, greenpeas, cornbits... yung Honey Chocolate na bilog... turon the best ever pantawid gutom... noong nasa call center ako... boy bawang naman ang pinagtitripan ko.. pero yun boy bawang kasi bago na yan di ba... sa mga medyo may kamahalan ng konti.. snacku ang favorite ko.. nyehehehhehe.....

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi ko alam yuuunnn! antanda mo na!lols
      the best yung cornbitz! pinaliit ng clover. hehe

      Delete
  3. naq naq ingat2 din sa maxadong pagkaen ng cher2ya, tignan mo napala ko UTI, hahaha

    :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. ako din may uti, pero dahil naman softdrinks. pasaway eh... ansarap ng bawal! hehe

      Delete
  4. haha nakakamiss yung cheese ring..tapos lalagay mo sa mga daliri mo bago mo kainin. hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama ka jan sisteret! korak na korak! tapos tsaka mo kakainin. hehe

      Delete
  5. wow! pagbili ng boy bawang [haha]
    naalala ko rin eto at lagi ko pa rin nkakain at napupulutan
    one time sumuka ako ng piro boy bawang ang isinuka ko at ang hapdi sa lalamunan. [inam + maiyak-iyak na ko]
    nice post!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. naiimagine ko tuloy dude. buo-buo pa din ba nung isnuka mo??? hahaha

      Delete
  6. Kumakain din ako ng mga ganyan, love ko ung mamiso na safari, ang sarap hehe! sa mga malalaki naman nova, mr chips, chippy, V-cut at madami pang iba, naalala ko tuloy ung nagustohan kong chips sa KSA ang sarap non, I cant remember the name.. share ko lng here tnx to heaven ni anak, pinadalhan ako non bago lang.. hehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. v-cut is my all time favorite me!
      Sana ag pumunta ang KSA mapasalubungan mo ko nun. hehe

      Delete
  7. paborito ko yung Wonder Boy, at saka spicy pusit.
    ngayon ang paborito ko yung potato fries ng oishi, catsup flavor

    ReplyDelete
    Replies
    1. wonder boy!!! nakatikim na din ako nyan. hehehe. nung college favorite din namin yang potato fries, pang madamihan kasi, pambarkada.

      Delete
  8. parati ko binibili noon yung yakee (d ko alam spelling) ..yung maasim na bubble gum ba ^^ hihi.... tapos dinidikit ko sa ilalim ng table pag wala nang lasa ;) da best!

    ReplyDelete
    Replies
    1. pareho tayo! sinisimot ko pa nga yung mga naiwang asim sa balat e. hahaha

      Delete
  9. gawain ko rin yan sa tuwing umuuwi ako sa amin sa probinsiya.yong pamangkin ko ang utusan ko bumili ng mamisong chichirya.Kasi nahiya me sa binibili ko.kaso nalungkot me kasi isa na lang ang tinitinda doon sa amin. ang pangalan Kiss,masarap siya kahit ganon lang.wala na ring gatas-gatas,at katuy lola. yong gammy na candy na kulay itim.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. nauso din dito yang kiss na yan! parang doris na matabang. hehe

      Natuwa ako sa comment mo. Nung elementary kasi ako uso din yung mga gatas-gatas na naka-pack ng mamiso.

      Delete
  10. Replies
    1. hindi wala wala joke lang toh!

      anubeh kuya empi!!! lol

      Delete
  11. Lumpia, moby, cheese-it, boy bawang, at bida. yan ang mga gusto kong kainin. healthy!

    kaya hindi ako tumataba. hahahah

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. healthy nga! hahahai. naku sabayan mo kasi ng kanin. ano daw? haha

      Delete
  12. Natry mo bang maglutulutuan at paghalu-haluin ang Dipsy, Pompoms, Lumpia, Pritos Ring, Lechon Manok, Moby, Cheese-it, at Boy Bawang?

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo naman. pero di lahat yan ha. hehehe

      Delete
  13. hahaha sa akin naman masaya na akong kupitan ang paninda ni lola... yan dumadaan talaga yan... at namiss ko mangupit ng safari at botchoy noon.. hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha the best yun oh! gulayan kasi yung sa lola ko dati, kaya wala akong makupit kundi piso pambiling chichirya. hahaha

      Delete
  14. Uyyy. Nakakasama yan ng puso. Studies show na ang mga taong palaging kumakain ng mga chichirya, lalo na yung mga pa-piso piso ay nagkakaroon ng athritis. Hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. ang sarap kasi ng bawal eh!!! hehe.

      Delete

Say Wuht?