02 February 2012

PAG-IBIG: Simple at Hindi Kumplikado


Pebrero. Ang panahon kung saan itinakda ang araw ng mga puso. Hindi limitado sa mga taong may kasintahan o may iniirog. Ito ay para sa lahat ng uri ng tao, kahit ano pang edad o estado. Basta may puso, basta marunong magmahal. Nasusuklian man o walang masumpungan. Maligaya o laging nasasaktan. Naduduwag o may lakas ng loob ipaglaban. Hindi kailangan ng mahabang paliwanagan, kung paano at kailan. Basta nararamdaman, kahit kanino mo pa inilalaan.

Malapit na ang kapistahan ng pagmamahalan. Malapit na din umabot sa isang milyong views/hits o silip ang video na ito ni Yeng Constantino sa Youtube. Ito ay tungkol sa Pag-ibig at ang titulo ay walang duda kundi "Pag-ibig". Simple ang mga salitang ginamit, simple ang pagsasalarawan sa kantang gustong ipahiwatig, simple ang kabuuan ng bidyo, simple ang pananamit at kilos ni Yeng Constantino. Simple lahat at hindi kumplikado. Parang pag-ibig, dapat simple at hindi kumplikado. Madaling pakinggan, kayang unawain, hindi mahirap intindihin. Para sayo, sa akin, sa kanila at sa ating lahat. Isang simpleng salita, isang emosyon, isang desisyon at isang aksyon. Hindi isang laro at hindi ginagawang biro. 

Pag-ibig. Dahilan ng ngiti sa ating mga labi at siya ring naglalagay ng luha sa ating mata. Pag-ibig. Paano na lang kung wala? Ang mundo marahil ay puno ng galit, sakit, pait at kaguluhan. 

Pag-ibig. Ang siyang dahilan kung bakit ako, ikaw at tayo ay nabuhay sa mundong si Bathala ang nagbigay. Ang pag-ibig NIYANG inalay sa sanlibutang puno ng kasalanan at tukso. Pag-ibig na mapagpasensya, mapagpatawad at hindi humihingi ng kapalit. Kaya't sana ay huwag nating kalimutan ang pagmamahal ng AMA na kailan man sa atin ay hindi ipinagkait. Bumababa mula sa langit upang tayo'y masagip. Naririnig ka kahit pabulong, handang iaalay ang pagtulong. Mapagbigay kahit walang sukli, masilayan lang ang 'yong ngiti. Lungkot at hapdi ay handang mapawi, huwag ka lang makitang sawi. Single ka man o It's complicated, huwag mong kakalimutan may nagmamahal pa din sayong tunay. Abot kamay at walang humpay. Yan ang Pag-ibig.



PAG-IBIG by Yeng Constantino

Ang pag-ibig, hindi parang cellphone

'pag naluma, papalitan

Ang pag-big, hindi parang damit
'pag may bagong uso, papalitan

Kung sabihin kong mahal kita
Yan ay totoo sinta
Wag na wag kang magdududa 
Hindi kita binobola

Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa'yo, o sinta
Kahit na ika'y pumangit, hindi kita ipagpapalit
Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa'yo o sinta
Kahit na ika'y makalbo, hindi ako magbabago

Ah ha hum.. 4x

Ang pag-ibig, hindi parang pagkain
'pag pinagsawaan, pamimigay nalang
Ang pag-ibig, hindi parang pusa
pag maingay, ililigaw nalang

Kung sabihin kong mahal kita
Yan ay totoo sinta
Wag na wag kang magdududa 
Hindi kita binobola

Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa'yo, o sinta
Kahit na ika'y tumaba, hindi ako mangangaliwa
Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa'yo, o sinta
Kahit na magka-wrinkles ka, iki-kiss pa rin kita.

Ah ha hum.. 4x


Love is patient, love is kind, it does not envy, it 
does not boast, it is not proud, it is not rude
It is a not self-seeking, it is not easily angered, it 
keeps no record of wrongs
Love does not delight of evil, but rejoices with the 
truth
It always protects, always trusts, always hopes and 
always perseveres.

Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa'yo, o sinta
Kahit na topakin ka, iintindihin kita
Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa'yo, o sinta
Kahit na may kasalanan ka, iiyak ako
pero papatawarin kita

Ah ha hum.. 2x
Ah ha ah ha ahm..

Ah ha hum.. 2x
Ah ha ah ha ahm..

Follow Yeng Constantino's official sites/pages (siya mismo talaga ang mga nagpopost dito):

MULTIPLY: 
http://yengunplugged.multiply.com/ (kaso di na 'toh updated)


32 comments:

  1. Oo nga, ang simple ng MV niya. XD
    Kaya, maganda. :)
    Cute siya ngayon no? Dati rocker yung dating niya eh.

    ReplyDelete
    Replies
    1. rocker pa din naman siya. medyo patweetums lng ngayon. soo love yeng! hehe

      Delete
  2. ang pag ibig!masakit,makirot,masaya,baliw,maaliwalas,tarantado,masarap..

    neym it!Pagibig!

    ReplyDelete
  3. napanuod ko n rin ang video na eto mganda ang message!
    pag-ibig ang daming pakahulugan pero komplicado tlga!

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga eh, ikaw kasi eh. hahaha chos! pero dapat magkaintindihan parin sa bandang dulo :)

      Delete
  4. cute song heheh...at sino kabalentino mo jhengpot?

    ReplyDelete
  5. oo nga... siya ang nagmemaintain sa tumblr nya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. love na love ko nga yung tumblr niya, dun mo makikita na simple siya pero rock!

      Delete
  6. maganda ang pagkakasulat.....makabuluhan at lahat ng tao ay nakakaranas ng may kaugnayan sa pag ibig.....alam ko mahilig ka mag banda at kung gusto mong sa banda niyo ay may awitin na original song ay puwede ko ikaw bigyan ng mga sinulat kong kanta....sobra iyon 100 na tumigil na ako magsulat 2005....ang na post ko dito ay 2 lang na lyrics ng kanta.....email mo na lang ako kung gusto mo makahingi ng sinulat kong kanta.....siyempre kung sakali na awitin niyo iyon sa band competition ay pangalanan mo ako,hehe.....ok................................

    ReplyDelete
  7. i mean ang na post kong sinulat kong kanta sa blog ko ay 2 lang....alam mo na siguro kung ano iyon....

    ReplyDelete
  8. ang ganda ganda nya dito sa vid na to. super cute. =D

    ReplyDelete
  9. ang cute ni jheng constantino ^_^

    ReplyDelete
  10. ang pagibig BOW! isa lang ang masasabi ko.... baka inlababo si potpot???

    ReplyDelete
  11. i wonder how it feels to fall in love again?

    0,o

    ReplyDelete
  12. ahahaha... hindi halatang idol mo si Yeng... ehehhehe... ako rin... gusto ko rin siya... gusto ko nga eh mapakasalan siya eh... anyway... kamusta ka na.... katulad ni T.R. I as well wondering how it feels to fall in love again... ehehheh... sarap siguro no.... hayst.. sana makita ko na siya....

    ReplyDelete
    Replies
    1. makikita mo din yun, basta buksan mo lang ang isip mo't mga mata :) oo idol ko talaga si yeng.

      Delete
  13. Uyyy...Ikaw Jhengpot ha, love is in the air ka parati. Haha. Weee...

    ReplyDelete
    Replies
    1. oi hindi ah. nakiki-uso lang sa panahon. haha

      Delete
  14. haaaay...lab na lab ko yang c yang..updated ako lage nyan sa utube channel nya!!!
    ...and sa pag-ibig...dumating ka na sana! hahaha..

    ReplyDelete
    Replies
    1. pareho tayo mare. yeng is really love!

      Delete
  15. Ay! hindi ko alam to, may bago pala song si Yeng. Hindi lang siguro ako updated sa music.


    www.vankaizer.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. trending na nga toh kuya, pahuli-huli ka! hehehe

      Delete

Say Wuht?