27 February 2012

Sinong Love Mo?


Na-aalala mo pa ba yung unang pagkakataon na sinabi mo ang salitang "mama", "papa", "lolo", "lola" o "tita"? Malamang hindi pa, dahil hindi pa lubos na nahahasa ang consiouness mo nung mga araw na yun.

Naalala mo ba yung unang pagkakataon na binanggit ng anak, pamangkin, inaanak mo ang pangalan mo? Yung may pagkabulol effect pa? O kaya ma-ala budoy style?

Simpleng salita, madaling bigkasin, madaling gawin na pag narinig natin sa mga bata ay sadyang nakakatuwa.

Tulad nitong aking cute na cute na pamangkin na si Muymoy sa kanyang ikaanim na buwan sa mundo. Nakaya niyang sabihin ng buong-buo ang salitang "Teta" at pinilit pa ulit ng kaunti para maging "Tita". Tuwang-tuwa naman ako dahil yung itchura niya talaga pinipilit niya maperfect yung salitang "tita" na ilan lang sa mga salitang kaya niyang bigkasin bukod sa "papa" at "mamam"

Muymoy Chapilit
Nakakatuwa ang batang to at super proud tita naman ako kasi yung first time niyang magsalita ng "papa", at 4 months, ako yung nagtuturong pilit sa kanya. Siya din yung kapag tinawanan mo tatawanan ka din. Kaya naman tanggal talaga pagod ko sa kanya. Sa gabi lagi ko pinapanuod tong video niya at hindi ko mapigilang mapangiti at mapatawa.


Tuwang-tuwang-tuwa ako kapag sinasabi niya ang salitang tita. 

Biglang out of the nowhere...

Naisip ko siguro tuwang-tuwa din si God sa tuwing binabanggit ko ang pangalan niya. Hindi naman ganun kahirap diba? Isang salitang kalakip ang dalangin, salitang inaasam niyang marinig sa atin. Sa kalagitnaan ng galak o hinagpis, may kasama mang pasasalamat at hiling. Mabanggit mo lang ang pangalan niyang walang kasing tamis, siguro tuwa niya ay lagpas hanggang langit :)

Sinong Love ni Muymoy? TITA!
Eh ikaw sinong love mo? 

Godbless!

19 comments:

  1. Replies
    1. helo daddy! wooh daddy ka na! matatawag ka ng daddy! libre!lol

      Delete
  2. priceless moment ang mga ganyan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga eh. kung naibebenta lang yan siguro mayaman na ko. ano daw? lels

      Delete
  3. hehe.. ang cute naman niya. naalala ko tuloy pamangkin ko noong maliit pa

    ReplyDelete
    Replies
    1. nakakatuwa naman kapag bata pa. hehe

      Delete
  4. super cutie cute cute na baby ^^

    --at tsaka tama yung sinabi mo gurl, na matutuwa talaga c God pag binabanggit natin siya in our prayers ^^

    nice ;P

    ReplyDelete
  5. uber cute!tuwang tuwa naman ako dito. naalala ko tuloy nung mga bata pa mga kapatid ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe. ako naalala ko nung bata pa ko, ganito din kaya ako? wahehe

      Delete
  6. Replies
    1. okay lang yan... namis ka din nila. hehe

      Delete
  7. ang kyut . .ansarap pisilin ng pisngi ..hehhehe

    ReplyDelete

Say Wuht?