21 February 2012

Style mo Bulok: Wisdom and Reflections Part1


Last Saturday was a blast - yun oh napa-english tuloy! Actually, yung araw na yun ay super blessed. I've met new friends, found new raket na nagbigay sakin ng new goals sa buhay. Bagong kaibigan plus bagong experience, yan ang isa masarap na parte ng paglalakbay natin.

VICTORY CHURCH GREENHILLS Singles Ministry a.k.a Hardwired presents:
"STYLE MO BULOK: Let God write your pick-up lines."

brokenmindset.org
Ang totoo hatak lang ako dito, rektang isinama ng bago kong friends. Wala akong ideya kung anong gagawin namin, basta sama lang ako ng sama. Pagka-pasok pa lang sa venue ang cute na sa pakiramdam. Parang nasa live talk show lang tulad ng Kris TV. May mga ini-interview na couples at may acoustic performance din, pahabol na kilig for love month. Nung una sa celepono lang ako nagte-take down notes, kaso sa sobrang dami ng napupulot kong words of wisdom at quotable quotes ay di na ko nakatiis ilabas ang dooble book ko para dun isulat lahat. Feel na feel ko ang pagiging single ko at that point at mas naintindihan ko ang season na ito ng aking buhay. Swak na swak ang mga advices at shared experiences ng mga couples at ng pastor na talaga namang dumaan sa matinding pagsubok in the name of love.

WORDS of WISDOM and MY REFLECTIONS

"Clear your motives when you are entering a courtship or a relationship."
Hindi ito yung larong "try ko nga tong ligawan pag nag-OO ehdi okay kapag hindi ehdi hindi" - you're testing the water men. You should be decided and determined when it comes to serious courtship and relationship. Yung tipong hindi mo yun ginawa dahil lang trip mo kasi at the end makakasakit ka lang o masasaktan ka lang. If ever you're confused sa umpisa pa lang, the best thing to do is to seek God's guidance and wisdom. Let Him lead the way and decide for you. If you like or love him/her, so be it! Clear your motives, make sure of your gestures and actions para hindi ka ma-misinterpret at ma-misunderstood, lalo na kung alam mong umaasa siya sayo. Pwede mo naman sabihin sa kanya na ito tayo, hanggang dito tayo, ito gusto ko, ito ang pagtingin ko sayo, period. Or if you're the other way round, ask him/her on a nice way kung ano yung feelings niya sayo o kaya observe common sense na lang. Mahirap sabihin yung mga ganung kasaklap na bagay. But not all of us can read between the lines, minsan oo, pero we're still confused of which is which. What hurts sometimes are those words left unspoken. Although action speaks louder than words, words are undeniably powerful. Notice how God's words/voice can change your life? So be careful of your words because it represent your thoughts and your motives. On the other hand, Be careful of your actions because it reflect your personality.

"For girls, guard your heart and your emotions."
Girls are assuming, natural na to sa mga babae. Tipong nagtext lang si guy ng something eh feeling "crush niya ko agad" na, or konting lay down lang ni boy mega status na sa fb ng in a relationship #eksaherada lols. This is because girls are emotional, easily get affected and get touched. Pusong mamon - pusong babae. That's why we have to be accountable on our emotions. Guard your heart using your other senses. Do not stick with your emotion alone, paganahin ang girl's instinct #hanubeh. Don't be attached too much to someone you aren't sure of. If you're in doubt, don't settle. If you're not ready, don't get steady as well. Wag na wag mong isusuko ang spratly island teh! Although nakakakilig talaga kasi kahit ako hindi ko maipagkaka-ilang ganito din ako. Minsan akala natin siya na yung gusto natin, pero hindi pala "nadala lang ng emosyon". While discerning your heart desires pray for God's will. More like a father, he's more than willing to protect you. For boys, be careful with girls' emotions.

"Offer your singleness to God."

Madami sa mga single - bitter. Di ko sila masisi sa mga pinagdaanan nila, dumaan din ako sa kantong yan. Pero later on na-realize ko na if you surrender your self to God, He will transform your bitterness to BETTERness. Trust your walk with God. Seek first his love and you will be fulfilled. Sabi nga ni Yeng Constantino "It's Jesus alone that can fulfill me". Be a better person while waiting for the right one to come. Lagi tayo naghahanap ng gwapo/maganda, mabait, maunawain, ma-alaga, malambing at iba pa. Pero kung titingnan mo we/ourselves cannot carry out all of these things. Kaya naman God puts us into a series of tests to make us better persons. Offer your single life to God, and he will give it back double and overwhelming... in tagalog, Kung ibibigay mo ang sarili mo sa kanya, maaaring bukas makalawa ibalik niya itong may kasama na - ang iyong better half, siksik liglig at umaapaw pa.



Sa dami kong napulot na wisdom at nabuong reflections, ito muna sa ngayon. Baka ma-umay kayo sa isang bagsakan. Hindi pa naman tapos ang love month, kaya lulubusin ko na ang pagpo-post ng mga gento-gento.


To be continued...


17 comments:

  1. kala ko pick up lines na talga eh ^^

    ReplyDelete
  2. bago ang template ha? mas maganda ^^

    ReplyDelete
  3. wow! Jheng!!! Thank you for this blog post! It is these reactions that inspire us to make events like that! I wish I could meet you personally and thank you!

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks a lot val! hope to see you soon.you guys rock!

      Delete
    2. sure! stay tuned for more events! let me know if you will be dropping by Victory GH soon ok? (sino nga pala kasama mo dun sa event?)

      Delete
  4. makikisawsaw ako.Mainit kasi ang ulo ko ngayon.
    sa unang punto.Kuntra me ng kunti kasi pag ganyan ang palaging gagawin mo sa malamang alamang ang kalalabasan mo subok lang ng subok para di matulad sa akin. Just have fun along the way. wag ka lang iinom ng lason pag nabigo ka.Opinyon ito ng isang tarantado. Hataw lang ng hataw para masaya.

    Sa pangalawang punto. Tama yan wag mag padalos-dalos.Pero not to the point na nagtitigas-tigasan ka.Magparamdam ka rin.

    Sa Pangatlo.Ano pa ba ang magagawa mo kundi gawin ito.
    Ang gulo ko ngayon napansin mo.Nangugulo lang ako.

    Mukhang inspired ka at kung ano man yan sinisigurado ko sayo lalo kang gaganda.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. adik ka ba kuya rommel??? lol

      Okay lang,pasok lahat ng opinyon! next time ibblock na kita dito... joke!hehe

      Delete
  5. wow men.. heavy... yeahh.... parang naliligaw ata ako ng blog... teka... kay jhengpot ba ito??? nagnosebleed na naman ako ulit... anyway.. insome ways... pupuwede mong iapply ang mga yan.. but in someways either... hindi natin pupwedeng iapply... but anyhow na manok... hindi parin ako makapaniwala na ehem.. mukahng naliligaw nga talaga ako... teka makapuslit na nga... ehehehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. hindi ka naliligaw... nawawala ka! hehe

      Delete
  6. waaah!ayaw maglagay nung mga comment ko kanina. kainis. anyway..super agree ako dito lalo na yung sa una. ganun naman kasi talaga dapat. yung naman talaga dapat ang concept ng panliligaw. nabago na lang as the time passed by.

    yung pangalawa at pangatlo, salamat at ipinaalala mo sa akin. ganyan ang prinsipyo ko nun di ko lang alam kung bakit biglang nawala sa akin. haay kailangan kong maibalik yung ganyang mind set. salamat!=D

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat sis!

      Sana nga ay mabitbit kita sa mga gento-gento. hehe

      Delete
  7. haaaay, gusong gusto ko talaga makabasa ng mga ganito...yung mga ganito talagang babasahin ang gustong gusto kong basahin! lels!

    nakaka-inspire!!!!
    nakaka bigay ng good vibes!!!
    nakaka lift up ng spirit!!!

    galing mo ^_^


    fave part ko yung ---> "Offer your singleness to God."

    simula ngayon, magiging mabait na ako >.< hihi

    ReplyDelete
  8. @hana banana...........aasa ako na magiging mabait ka na dahil sa nabasa mo.....bakit ka naging masama,hehe.....

    ReplyDelete
  9. nice...dami ko ding napulot and i like the way you write this post parang kaharap ka lang namin habang nagkwento... :)) cool..

    ReplyDelete

Say Wuht?