06 February 2012

Unang Pag-ibig


Ang pagbibigay ng bulaklak ang isa sa mga simbolo ng pag-papakita ng pagmamahal o importansya sa isang tao. Sa mga babae, hindi maitatangging matutuwa sila sa sandaling makatanggap ng bulaklak mula sa kanilang kasintahan o minamahal sa buhay. Sa palagay ko likas ito sa aming mga kababaihan, ang magalak kahit hindi namin iphayag o ipahiwatig na gusto namin ng bulaklak. It's the thought that counts.



Nalalapit na ang araw ng mga puso. Abala ang lahat ng tindero't tindera sa bahagi ng Dangwa. Rush hour. Maraming tao, maraming mamimili. Higit pa rito ay ang dami ng mga bulaklak na hindi mawawala sa 'yong paningin. Iba't-ibang klase, iba't-ibang kulay, maganda, luntian at banayad. Tumaas ang presyo nito dahil sa mataas na demand. Kaya naman hindi na magkandaugaga ang mga tao sa pamimili. Nakikipag-tawaran sa mga manininda at nakikipagsiksikan sa iba. Isa sa kanila ay si Joseph na di na rin mapakali sa pagpili ng bulaklak na nais niyang ibigay sa kanyang kasintahang si Rona.

Bawat bulaklak ay kanyang sinusuri, kinikilatis ang ganda, bango at presentasyon.

"Ser para sa irog niyo po ba? Ito hong rosas ang maganda. Ibibigay ko na sa inyo ng mura itong isang dosena. Gusto niyo ilagay pa natin sa kahon at dagdagan pa ng card at magandang ribbon!" Sales talk ni Manong. Ang ganda ng offer, dahil dito ay hindi na nagdalawang isip si Joseph na bilihin ang mga rosas. Agad niya itong binayaran at wala pang limang minuto ay ini-abot na ng tindero ang isang magandang kahon tahan ang mga rosas na may magandang presentasyon. 

"Salamat ho Manong, siguradong matutuwa ang grilfriend ko dito." Ani Joseph. 
"Walang anuman ser, balik ho kayo ha." Sagot naman ni Manong sabay pagpag ng pera sa mga panindang bulaklak "Buena mano" sabi niya.

Hindi pa man nakakalayo sa tindahan ay may humigit ng laylayan ng damit ni Joseph. Kaya't huminto siya sa paglalakad at napalingon.

"Kuya-kuya pengeng bulaklak?"
"Ha? Bulaklak? o pera?"
"Bulaklak po kahit isa lang, sige na po kuya maawa ka na."
"Ha? Teka, Anong gagawin mo sa bulaklak?"
"Para po sa nanay ko, sige na po kuya."

Agad napatigil ng bahagya si Joseph. Para po sa nanay ko. Bigla niyang naisip ang kanyang ina na nasa probinsiya. Kailangan niya itong iwan ng pansamantagal upang makipagsapalaran sa Maynila. Minsan lang sa isang taon siya maka-uwi sa kanilang baryo dahil na rin sa abala siya sa kanyang trabaho.

"Ganun ba? Halika samahan mo kong bumalik kay Manong, bibili tayo ng bulaklak para sa nanay mo at nanay ko" Nakangiting sabi ni Joseph. 

Agad sila nagtungo sa tindahan kung saan niya nabili ang mga rosas para sa kanyang sinta.

"Oh bakit po napabalik kayo ser? May naiwanan ba kayo? Nasuklian ko na kayo diba?"
"Bibili pa ho ulit ako ng rosas na katulad nitong binigay niyo kanina. Kukuha pa po ako ng dalawa."
"Ahh talaga ser, kayo ang swerte ko ngayon ha."

Pagkatapos ng ilang minuto ay ini-abot na ni Manong ang dalawang kahon ng rosas. Pagkatapos magbayad ay agad tumungo si Joseph at ang bata sa kanyang sasakyan.

"San ka ba nakatira? Ihahatid na kita sa inyo para mai-abot mo na tong mga rosas sa nanay mo. Basta ituro mo lang sa akin ang daan."
"Opo" sagot ng bata habang tumatango, nakangiti at hindi mabitawan ang kahon ng rosas para sa kanyang ina.

Bago sila tuluyang pumunta sa tahanan ng bata ay dumaan muna sila sa isang Padala Center kung saan ipapadala ni Joseph ang mga bulaklak para sa kanyang mahal na ina. Pagkatapos nito ay tumakbo ng muli ang sasakyan. Turo dito, turo dun. Liko dito, liko dun. Hanggang sa mapadpad sila sa isang sementeryo.

"Kuya dyan na lang po sa tabi ha."
"Dito kayo nakatira?"
"Hindi po, ang nanay ko lang."

Pumasok sila sa sementeryo at nagtungo sa isang puntod.

"Nanay! Mano po" sabay idinikit ng bata ang noo niya sa lapida. 
"May dala po akong bulaklak sa inyo, bigay po ni Kuya! Diba sabi ko sayo ikaw ang first love ko, ikaw ang unang babae sa buhay ko nay. Happy valentines!" 

Ang malaking katawan ni Joseph ay tila nanlambot sa kanyang nakita. Muntik pang tumulo ang kanyang luha.  Ang puso niya ay naantig sa bata at sa mga sinabi nito. Diba sabi ko sayo ikaw ang first love ko, ikaw ang unang babae sa buhay ko nay. 

Dito ay buong-buong nilamon siya ng pangungulila sa yakap at haplos ng kanyang inang matagal niya na ring hindi nakikita.

Pagkatapos ng ilang sandali ay nilisan nila ang sementeryo at agad nagtungo sa Padala Center para bawiin ang mga rosas na sana'y ipapadala sa probinsiya. Inihatid niya ang bata sa bahay nito at siya namang nagmadaling umuwi sa kanyang apartment para mag-empake at maka-luwas ng probinsiya. Bago ito ay nakipag-tagpo muna si Joseph sa kanyang kasintahan na siya rin namang may pasok sa trabaho ng mga araw na iyon. Saglit lang ang kanilang pagkikita at dito na rin iniabot ni Joseph ang mga rosas at ikinatuwa naman ito ni Rona. Pagkatapos ng kanilang pagkikita ay bumyahe na si Joseph patungo sa kanilang tahanan.

Pagkalipas ng mahabang oras ay narating niya na rin ang kanilang payak na baryo. Pagkatapat sa kanilang bahay ay bumungad sa kanya ang kanyang inang sabik sa kanyang lambing at yakap.

"Joseph anak bakit di ka nagsabing uuwi ka para naipaghanda kita ng pagkain."
"Okay lang yon nay, na-miss kasi kita." pagkatapos ay inilabas niya ang kahon na puno ng rosas 

"Para sa unang babaeng nagpatibok ng puso ko at nagbigay ng buhay ko. Happy valentines Ma!"

"Salamat anak ko." Mangiyak-ngiyak na sambit ng kanyang ina.


-END-

27 comments:

  1. (T_T)

    at mangiyak mangiyak ko namang tinapos ang pagbasa neto...


    so touching...

    na.miss ko tuloy ang aking mother nature!

    ReplyDelete
    Replies
    1. sinabi mo pa. ako miss na miss ko na 10x!

      Delete
  2. ako din, ung mamam ko naalala ko. 9 years old nung pumanaw

    Bino
    www.damuhan.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. wahuhu. bat di mo nakwento yan sakin. same same tayo nila kuya rence.
      Kaya pala tahimik ka nung nanay na usapan sa sb.

      Delete
  3. very touching, jheng. i'm planning to send a balloon with a note to my ma on valentine's day.

    ReplyDelete
    Replies
    1. great idea. ako din kaya, para mabasa niya habang nasa heaven siya...

      Delete
  4. teary eyed naman ako dito sis. i miss my mom buti na lang pupuntahan nya ko sa friday. =D

    ReplyDelete
    Replies
    1. good for you kapatid. hug her tight okay??

      Delete
  5. aysus! pinapaiyak mo ako madam! Sabi ko nung nakita ko update mo, mamaya ko na ito basahin kaso parang may humatak sa mga mata ko para basahin talaga 'to. Iyon naman pala. Naalog ang damdamin ko dito. Apir!

    ReplyDelete
    Replies
    1. apir!

      maka-alog naman kuya.. wagas! hehe peace

      Delete
  6. kumusta....may publish akong kanta na bigay ko sa iyo o sa banda niyo.......may iba pa kung gusto mo pero hindi ko na ipost....sa email na lang.....if you want pa....

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow, bigtime! sige ipagpapa-alam ko sayo pagkinuha ko na. sa ngayon busy pa ang mga kabanda..

      Delete
  7. teary eyes ako... promise... basta kasi about sa nanay ang paguusapan.. weak ang malabatong puso ko.... I miss my mom... sobra... alam mo bang nanggaling pa siya sa isang very serious operation... kakauwi lang nila ni papa ng zambo galing manila... para magpaopera.. sa st. luke... at Alhamdullillah mukhang tuloy tuloy na ang paglakas ni mother ko.... I miss her so much...

    DANGWA.... may magandang kwento ako para dito... alam mo ba.. dati akong tumiri sa Laon Laan... sa corner lang ng Cristobal... ahahahha... walking distance to Dangwa... kaya alam na alam ko ang lugar na yan.... at madalas din ako bumili ng paisa-isang rosas dyan... wala lang... trip ko lang... tago ko lang sa Dorm ko noon habang binabasa libro ni Bob ong... ahahahha

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga eh, basta nanay malapit sa puso nating lahat. GEt well soon sa mama mo kuya al. sana maka-recover agad siya.

      Hindi pa ko nakakapuntang dangwa, kaya di ko alam yung mga palce don. Naririnig ko lang lagi kapag bulaklak na ang pinag-uusapan...

      Delete
    2. ngek.... kala ko pa naman alam na alam mo ang Dangwa kung saan... nasa harap lang yan ng UST Medical Center... walking distance sa SM San Lazaro....

      Delete
    3. hahaha. siguro nakadaan na ko. pero di pa ko as in nag-dive dun. haha nuh daw

      Delete
  8. May English version 'to nasa inbox ko. Pero mas na-touched ako dito dahil tagalog, mas na-absurd ko ang message ng kwento. thanks for sharing Jengpot.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Welcome kuya habib!

      Actually kwento toh ng pari samin, ininovate ko lang...

      Delete
  9. basta nakakainis lang ang story... humahapdi mata ko sa kaluluha.. huhuhuhu

    ReplyDelete
    Replies
    1. ako nga maga nung una ko toh marinig...hehe

      Delete
  10. Replies
    1. talaga, na-ouch buong pagkatao ko. namiss ko tuloy mama mko ng sobra2

      Delete
  11. na miss ko din nanany ko. happy V jheng!

    ReplyDelete
  12. Ivy Consuelo-GarciaFebruary 9, 2014 at 5:50 PM

    at naiyak ako......

    ReplyDelete

Say Wuht?