13 February 2012

Walang Pamagat


Madalas, dumadating yung mga panahong hindi mo inaasahan, kaya nga sabi nila "expect the unexpected". Sa simple man o bonggang bagay. Kusang dumadating yung oras at pagkakataon na magpapangiti satin na parang asong bulol o kaya magpapa-iyak sayo to the highest level. Aminin na natin na mahirap paghandaan ang mga bagay-bagay, hindi naman sa lahat ng oras lagi kang alerto kung may sunog, bagyo o lindol. Hindi naman araw-araw nakahanda ka sa pagdating ng taong pahahalagahan mo for the rest of your life, otherwise, mawalan ng taong pinahalagahan mo na while you're alive. Whatever, as long as kaya mong magpakatatag, makakaasa ka pa rin sa sarili mong magpapatuloy lang ang buhay mo.

Bakit ko ba sinasabi to? Pasensya na, eksaherada lang ho. Meron lang kasi akong na-encounter na something kaek-ekan. Naghahanap kasi ako ng acoustic cover ng "love song for no one"  ni John Mayer sa Youtube. At habang naghahanap ay bigla akong napunta sa isang video niya, live concert. Pinanood ko, baka kasi madali lang yung version niya dito. Laking tuwa ko, yung ngiti ko abot hanggang Edsa, natrapik pa nga eh, lel. Di ko na napigilan ang sarili kong kiligan sa introduction niya. Napapangiti ako hindi lang din dahil sa kilig, napatawa sabay iling. Natatamaan ako sa mga sinasabi niya. Sapul na sapul. 

Panuorin niyo, pustahan makaka-relate kayo.


Moral of the story: "Never ever ever ever under estimate the power of  I'D LIKE THAT."

Bilog ang mundo. Ang mga nangyayari pwedeng paulit-ulit. Pero kung iisipin mo hindi lahat natutunan natin kahit pare-pareho lang ang mga sitwasyon na nagdadaan, maaring ibang level o degree, ngunit hindi lahat nakukuha mo agad sa isang pasada lang. Kaya patuloy pa rin ang buhay, tuloy pa rin ang pagkakataon, iikot pa din ang mundo sa ayaw sa gusto natin. 

Pwedeng ngayon malungkot ang pagsikat ng araw para sa akin o para sayo, pero para saan pa at naiba ang araw bukas? So pano ba yan. Bukas ay balentong day na. HAPPY INDEPENDENCE DAY! LOL


11 comments:

  1. "Pwedeng ngayon malungkot ang pagsikat ng araw para sa akin o para sayo, pero para saan pa at naiba ang araw bukas?" - I'd like that!

    ReplyDelete
  2. Tama, there's always a bright and a brand new sun for all of us,

    :))

    ReplyDelete
  3. Independence day?! hahaha! same here..:P

    ReplyDelete
  4. as always... isa na namang epic post... =]

    just read it somewhere... "Some call it valentines day, some call it independence day, i call it tuesDAY" =]

    ReplyDelete
  5. tama..... sabi nga sa kanya there always sunshine after the rain,,,,
    whahha happie independence day talaga ha...

    ReplyDelete
  6. hahaha one of my fave song... ayus ito ngayon...

    ReplyDelete
  7. kaya nga naimbento ang bukas eh. kasi ang kahapon iba sa ngayon ang ngayon iba sa bukas. continue living. darating din ang para sa atin. happy independence day!lols =d

    ReplyDelete
  8. hindi ko mapanood ang pelikula na pinost mo.. este ang video pala... pero mamaya papanorin ko... na curious tuloy ako... eheheheh.... tama hindi natin makukuha ang lahat sa isang pasada lang... mababaw pero may malalim na kahulugan...

    ReplyDelete
  9. masubukan ngang panoorin sa youtube....happy valentine's day...

    ReplyDelete
  10. ang galing ni john mayer..

    nakarelate ako..hehehe

    happy balentayms :)

    ReplyDelete

Say Wuht?