12 March 2012

First Best Friend


Ito ang pinaka-unang blog na naisulat ko, kapanahunan pa ng friendster. Buti na lang naisalba ko siya. Sa tuwing babasahin ko toh napapangiti pa din ako at napapa-isip kamusta na kaya siya?.
---------------------------------------------------------------------------------------

Way back elementary days, I had my very first best friend. Her name is JESSICA. I call her JEC-JEC, tawag niya naman sakin JHENG-JHENG. Parehong pareho kami ng gusto, ng trip at ng ugali. Mejo boyish kasi ako nung elementary ako, at sya din. 

One time, pinagti-tripan namin yung balat ng chocolate, ung aluminum foil. Ginagawa namin braces, siguro na-experience niyo na din yun. Then, after 3 weeks, nagpa-retainer na talaga kami sa dentista,trip lang. Take note, grade five kami nun ha. Syempre pagkumakain tinatanggal namin. At isang beses nilagay ko siya sa lap ko, pagtayo ko tumalsik siya! My gahd! Dun pa napunta sa paa ng teacher namin. Iyak tawa kami e. At isang araw naman may nakaaway kami, si metal face! Kaya metal face may balat siya sa muka, mga kalahati ng muka niya. Behave naman kami, eh etong metal face pinagbintangan kaming nagnakaw ng gamit niya. At napaka-angas at yabang pa, babae po siya. Kada uwian, sinusundan namin hanggang bahay nila si metal face, kunyari pagtutulungan namin sya, sabay pag sumigaw ng tulong, takbuhan na kami! 

Uso noon ang ‘cleaners’ sa public school, lagi kaming naghihintayan sa kung sino ang cleaner. By row kasi and cleaners, row one ako at row two naman siya. Tapos minsan kami ung nagvovolunteer maglinis ng banyo. Nauso din noon ang walkman, kaya nakiuso din kami, favorite song namin ang nauuso noon na rap ng Salbakuta na “Stupid love”,talagang hit maker un noon. At sa tuwing susulat kami sa slam notes at autographs ng mga classmates namin, laging di sya mawawala sa “bestfriends” ko at siya din naman sa akin. 

She’s my very first best friend ever since. Naaalala ko pa dati na lagi kami sa likod ng tricycle nasakay, backride. Tapos isang araw naman nakaapak siya ng sigang nilalang sa daan, sabi ko “yay!tanga ka!!! naapakan mo ung t*e!”, sabi niya naman “anu naman,  t*e  lang yan!Naka tsinelas naman ako e’! at sabay tawa.

Siya ang nakakaalam ng mga crushes ko noon, at syempre siya din ang kasabwat ko pag-naglulumandi kami nung mga araw na ‘yon. Dati pumunta kami ng ‘Tibagan’ (bundok sa lugar namin) kasama ung mga classmates namin, ayun yung mga takbuhan moments namin. Dati nung Mr. and Ms. Valentines day, kami lang ung nasa room, nanonood kasi ng program ung iba, tapos biglang sumulpot ung classmate naming lalaki. Gusto din pumasok sa room, e ayaw namin dalawa, ayun. Bigla niya nalang nabuksan ung pinto bigla kaming hinabol ng walis tambo. Hala sigaw at takbo naman kami.

Magkapartner din kami nun sa gardening, tapos kasama din namin ung isa pang classmate naming lalaki, isiningit saming dalawa. Salit-salitan kami noon sa pagbubungkal ng lupa, at pagpipiko, talagang para naming inaararo ung lupa. Tapos lalagyan namin ng tali o bakuran ung property namin. Kasi inagkin na namin yun…talaga naman.

Our friendship stayed the best until we entered our Grade 6, di na kami magkaklase noon, pero nag-uusap at nagkakasama pa rin kami hanggang sa makagraduate na kami ng elementary. Pero naging malimit nalang ung pagkikita namin nung nag-high school na kami dahil magkaiba kami ng school, pero we always keep in touch pa rin kahit papano. Nagpupunta pa din sya minsan sa bahay.

Habang nagdadaan ang panahon, unti-unting nawala ung communication at connection naming dalawa. Minsan hanggang batian at ngitian nalang kami kapag nagkakasalubong sa kalsada.

I graduated in high school at nabalitaan kong bumalik siya ng isang year kaya hindi pa siya nakaka-graduate. Marami akong naging kaibigan nung high school - close friends, special friends, true friends, best friends and all. I admit na nakalimutan ko na siya, may mga pagkakataong di na kami nagkakapansinan sa daan, siguro nakakailang. It was a long time ago pa ng huli kaming magkausap.  Pero gustong-gusto ko siyang batiin at kausapin, di ko naman nagawa. Hanggang sa nakita ko nalang na buntis na pala siya. Bigla na lang sumagi sa isip ko na magplano one time na pumunta sa bahay nila at kamustahin ang kalagayan niya. I was thinking then na gusto kong maging ninang ng mga anak niya. Days passed by, di ko na siya nakikita at nakalimutan ko na rin ang plano ko.

July 19,2008 - Stressful day for me, prelim exams at kelangan ko pang pumasok para sa mga major subjects ko na maagang magsisimula at magtatagal ng 9 hours.Kamusta naman yun diba? Di na ko kumakain ng breakfast, diretso alis na at kape nalang ang ininom ko tapos ay nagbaon ng skyflakes,voice at kahit anong biscuit na meron sa bahay. Our first exam started at 7:30 AM, straight, nagtagal ng 1 and half hour. Nakakagutom tapos may discussion pa after. Habang nagtuturo si Sir Accounting sa harapan, kinuha ko ung baon kong ‘voice sandwich’ gutom na kasi ako. Sa gutom ko, pinwersa kong buksan ung voice hanggang sa sumabog at tumilapon siya. Nasaksihan yun ng mga classmates ko, at natawa sila at mamamatay na din ako sa kakatawa. Nakakahiya na nga wala pang nakain. Anyway, ayun yung pinaka-unforgettable na bagay na nagyari sakin nung araw na yun bukod sa pinakanta kami ng ‘Lupang Hinirang’ dahil walang nakasagot ng tama sa isang tanong sa recitation sa Law.

Gabi na ko nakauwi, pagkatapos kong ikwento yun sa mga tao sa bahay yung nangyari sa akin sa buong araw ay umakyat ako sa kwarto namin. Habang nagbibihis ako, narinig kong may pinag-uusapan si mama at yung tita ko na napadaan lang. May namatay daw malapit samin. Ako naman ‘tong nakiusyosa. Tinanong ko kung sino ung namatay, sabi ni mama “Jec-jec daw ung pangalan, apo daw ni Aling Antang at anak ni Junior” Oh God! It really shocked me! I told them and asked them kung si “Jessica” ba yun tinutukoy nila.  And confirmed siya nga. Super natulala ako, hindi ko alam kung anu ang magiging reaksyon ko. Di ako makapaniwala at ayokong maniwala. Nanghina ako, hindi ko alam kung bakit ganun ung pakiramdam. Napanaginipan ko siya that Saturday night.

July 20, 2008 - Gumising ako ng siya ang nasa isip ko. Hindi ako mapakali… Para akong tinanggalan ng pakiramdam na ang bigat pa rin sa loob. Dala-dala ko yun hanggang gabi at ipinilit ko na talaga kay mama na samahan akong pumunta sa bahay nila kung san siya nakaburol.

Kinkabahan ako habang palapit kami ng palapit sa bahay nila hanggang sa makarating na nga kami sa pinanaroroonan ng kabaon niya. As I walk closer, lalong bumibilis yung kabog sa dibdib ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko siya, walang malay, walang buhay.

She’s very beautiful and lovely like I knew her before. She’s wearing a white spaghetti dahil yun daw ang favorite niyang damit. As I looked at her , nagflashback lahat ng memories. Hindi pa rin ako makapaniwala. At the top of her coffin e may dalawang ‘voice sandwich’, that gave  me a lil’ bit curiosity. I asked her sister why at sabi nung ate niya it was the very thing na hinihingi niya nung gabi before siya mamatay. Oh God! Yung pangyayari sa classroom…the same day na namatay siya. Is it a sign? Nagparamdam ba siya? Hindi ko alam. 

At that point nagsink-in sa akin ang lahat, I've lost my very first best friend. Gustuhin ko man ibalik lahat ng pinagsamahan namin ay hindi na maari. Ang nakaraan ay mananatili na lang ala-ala. Hanggang ngayon ipinagdarasal ko pa rin siya. Hanggang ngayon iniisip ko kung paano kaya ang pagkakaibigan naming kung nabubuhay pa siya. Hanggang isip na lang lahat, hanggang ala-ala na lang. Pero ang pagkakaibigan namin habang buhay kong ite-treasure.

'Till we meet again Jec-Jec, love Jheng-Jheng.         
                            

13 comments:

  1. WOw..Alam mo, hindi na yan mawawala sa'yo. May close pinsan din ako na lalake, nagkahiwalay kami dahil nagpunta sa ibang lugar hanggang sa mabalitaan kong patay na siya. tapos hanggang ngayon lagi ko siya napapanaginipan, at lagi ko naaalala samahan namin, siya rin first best friend ko. 10 years ago na ata nakakalipas, at hindi ko parin siya makalimutan. siya kuya ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. sabi na nga ba eh we're long lost brothers. echos. Natuwa ako dun ha, hindi na siya mawawala. siguro isa na siya sa mga angels ko. hehe

      Delete
  2. :(

    nakakalungkot yung kwento. Makes me think... what will happen kung mangyari din yung ganyan sa akin. Though di ko alam kung sino ba ang best friend ko. :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. go ahead hanapin mo ang best friend mo at ihug mo siya. kung wala, kahit friend lang.

      Delete
  3. tumaas balahibo ko after reading this i dont know why. nalungkot ako yes but then kinilabutan din ako. its really depressing kasi yung bestfriend ko nung elementary di ko na rin nakakausap halos. pagdating kasi ng HS bihira na kaming magkita sana di naman to mangyari sa amin. kakausapin ko talaga siya after reading this.

    ReplyDelete
    Replies
    1. much better kapatid. wag ka na maghintay ng kung ano. find time to meet him/her.

      Delete
  4. nakakalungkot naman jhen.. :(
    jhen, nag email ako sau, nareceive mo ba?

    ReplyDelete
    Replies
    1. hala pasensya na ate kring nakalimutan kita replyan. weee. sorry!

      Delete
  5. it's hard to say good bye talaga sa isang friendship :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. indeed. maisip mo pa nga lang mahirap na eh.

      Delete
  6. Replies
    1. salamat bagotilyo sa pagdalaw mo, ayan napaiyak ka pa tuloy.

      Delete
  7. sad naman ang nangyari sa kaibigan mo... ako ang nanghinayang sa pagkakaibigan niyong dalawa.. kala ko pa naman happy ending ang nangyari.. meron din akong naging kaibigan na namatay... ang malungkot pa doon... crush ko pa talaga siya.... sayang di ko man lang nasabi na ehem... ehehheheh... you know.... anwyay... nice to be here...

    ReplyDelete

Say Wuht?