15 March 2012

iPon


Para sa isang empleyadong makakabasa nito. Tingnan natin kung gano ka-flexible ang imagination mo.

Imagine, akinse ngayon, kakatanggap mo lang ng payslip mo. Pagkabukas ng pay-slip biglang naisip mo yung petsa sa katapusan, sa madaling salita, looking forward ka na agad sa next payslip o sahod mo. Na-imagine mo ba? O Na-experience mo na? Isa ka ba sa mga katulad kong matumal ang pasok ng pera sa bulsa o pitaka? Kung isang malaking check ang sagot mo tara maghawak kamay tayo and let’s pray for our broken pockets. Chos.
Sabi nila kung baguhan ka pa lang sa pagtatrabaho bilang empleyado i-expect mo na ang financial losses or kung mapalad ka ay breakeven for the first year of your employment. Huwag masyadong mag-expect na malaki ang maiipon mo o may ma-iipon ka. Wala akong kinalaman sa sinabi nilang ito ha, defensive? Eh kasi yung iba naman nakakaipon. May mga iba lang talagang hindi – ehem ehem…

Maraming chenes o factor na pwedeng maka-apekto sa pag-iipon. Una, depende sa lifestyle mo. Kung marami kang pinagkaka-abalahan na bagay na nangangailangan ng kaperahan malaki nga ang chansa na wala kang maitago. Pangalawa, depende din kung ikaw ang bread winner sa pamilya niyo o bread winner ng jowa mo – bongga ka teh! Pangatlo, depende din sa source of income mo. Kung gano kalaki ang kinikita mo mula dito, gano kadalas o gano kadalang ang pasok ng datung sayo. Pang-anim, ayaw mo mag-ipon, nyewan ko sayo trip mo yun eh. Pang-sampu, napansin mo ba mali ang bilang ko? Pampam lang.

Moving on… Kung may mga dahilan kung bakit, mayroon ding mga paraan kung paano. Marami rin namang mga kachorvahan para makapag-ipon. Una, galingan ang pagbubudget. Kung kailangan gumamit ng envelope system, gawin mo. Pangalawa, maging kuripot. Keri lang kahit kantyawan ka sa tropa, ginusto mo yun eh. Pangatlo, magkaroon ng allocation for savings at ituring mo na rin itong parang expense mo na kailangan mo bayaran on a regular basis. Pang-apat, bawas-bawasan ang mga rampa na nangangailangan ng matinding pagwawaldas. Pang-lima, pwede kang gumawa ng alakansya para doon ilagay ang iyong ipon. Pang-anim, at marami pang iba.

“The ability to save doesn’t depend on the size of your income” – Ito ang isa sa mga nakaka-inspire na narinig ko from unknown financial consultant.

Ano bang kailangan para makaipon? Malamang kailangan mo ng pera, kasi kung hindi sige try mo mag ipon ng balat ng candy. Bago pa yun, kailangan may mga resources ka – trabaho, negosyo, allowance, jowa, mamasang, sugardaddy, etc. At higit sa lahat kailangan ng disiplina, self-control at self-denial para maiwasan ang gastos na hindi naman kailangan. Dapat winner ang attitude mo pagdating sa pag-iipon, pwedeng maging madugo ang mindsetting na kakailanganin mo para dito. Or kung gusto mo humanap ka din ng matindi at malupit-lupit na purpose kung bakit ka mag-iipon. Yung tipong kagipitan na pag sumablay ka sa pag-iipon.

“God provides” as always naman eh. God never leave us empty handed. Minsan lang di natin napapansin yung mga bagay na binibigay niya kasi we’re looking forward agad for more and more and more. Much better kung ganito na lang kaya - “Let’s SAVE what God PROVIDES” di ba?

So Potpot anong masasabi mo? May naipon ka na ba?
“Ahmmm… I’d like to keep it private.  Next question please.” CHAR!
"I'm temporarily broke but the blessings are on the way..." think positive wag kang aayaw!

23 comments:

  1. nice one!

    nakonsensya naman ako dito.. nagiipon ako then yung naipon ko ibibili ko ng luho.. haha! *at least nagipon*

    importante talaga ang pagiipon... pero aminin natin na napakahirap talaga gawin ang salitang "ipon" pero para sa may disiplina madali lang yan.

    nice blog btw! xoxo

    ReplyDelete
    Replies
    1. atleast may ipon ka, kasi sa gastos din naman kadalasan napupunta ang naiipon. matinding disiplinan talaga teh ang kailangan. shaks. brain damage! lol

      Delete
  2. sabi nila, you need to know your income per cut-off. Then you need to allocate for savings. then saka mo diskartehan ang mga bayarin, utang, expenses. Sa gantong paraan daw, makakaipon ka.

    example. kung ang swelds ay 5k per cut-off, save 2k immediately at wag galawin. yung 3k ang ibudget sa mga gastos etc. :D

    hehehe, di ko nagagawa yan. lols. magastos ako e.

    sensya, nobela ang comment :p

    ReplyDelete
    Replies
    1. muntik ng kabugin nitong comment mo ang post ko. lol.

      ang ganda ng sinabi mo, #bright suggestion. magawa nga yan.
      pareho lang tayo, may mga alam na paraan para makaipon pero hindi nagagawa. wahehehe

      Delete
  3. envelope system.that's what i'm doing. and meron akong budget format sa excel nungka hahahhaa...pero if you'll gonna ask me kung ako ay may ipon, wala. mahirap mag ipon, maraming ways to save, madaming technique, i guess hindi ksi ako kuripot kaya at the end of the day, wlang natitira sa envelope ko hehehhe..i'm thinking it the other way around, gipit man kahit papano may tahanan kming napundar, quality education meron ang mga anak ko, may memorial lot ako hahah pwede na siguro. enjoy life, don't live beyond your means and always trust God for everything. hanep ang haba nito Jheng. how's our angels? malapit ko na malkikom ang pambili nila ng chichirya hahaha...soosss..mishu!

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow buti pa ikaw mommy mathea hindi ka lang nakapa-save, meron ka pang mga investments. Di ko magawa yung envelope system, magastos sa envelope sa dami ng expenses ko. lol.

      yehey may mga pagkain ng ang mga chikiting! hehe. Wala pa pong exact date kung kelan kami makakabalik sa ampunan. i'll let you know po agad kapag naset na. thanks much mommy mathea!

      Delete
  4. natawa naman ako dun sa resources na jowa , mamasang at sugar daddy ha ha ha ... me ? ... yung naipon ko last year , nagalaw ko na ngayon waahhhh ....

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha. ako din natawa, nyewan ko ba.
      anyway, atleast may nagalaw ka ngayon. oh diba, kung wala kang naipon -ehdi nganga ka ngayon.lols

      Delete
  5. "count your blessings, name them one by one..."

    ^_^ speaking of pag-iipon, i just recently availed of an alkansya, and both nanay and tatay were laughing at me. sabi nila mahaba na ang one month para di ko mabuksan ang alkansya ko. hehehe.

    i'll prove them wrong this time. ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow! that's the spirit! gudluck sa iyong pag-iipon mare!

      Delete
  6. mhirap tlga mag ipon pag mliit ang income tpos medyo maluho at magastos ka sa sarili...
    lahat ng iyong tinurang kung panu makaipon ay tama...

    ReplyDelete
    Replies
    1. onga talagang napakahirap. parang magsusunog ka ng hindi lang kilay, pati buhok! joke.

      Delete
  7. is this inspired by the colayco book?

    ReplyDelete
    Replies
    1. this is the first i've heard that book mam :)

      thanks for the info you've sent through email.

      Delete
  8. naisahan mo ako dito, kasi ang nasaisip ko title mo na "ipon" iphone sa madaling salit gastos ang nasa isip ko natawa ako sa sarili ko.Ang pagtatabi ay disisyon lang at wala ng iba. yong idea ni khantotantra ay pasok na pasok.Sakripisyo ito una then later ok na.

    ReplyDelete
    Replies
    1. natawa din ako sayo kuya rommel. comedian ka din eh noh! Tama ka din jan tulad ni khanto, isang tough desicion nga ang pag-iipon. nasa sa iyo na yun. kung ayaw mo ehdi wag.lol

      Delete
  9. Saving money is a good habbit, why not acquire it everyday..... napatunayan ko na yan.. dati sobrang galante ko sa pera.. kain dito kain doon.. bili dito bili doon... libre dito libre doon... ngayon binawasan ko na.. kailangan e... kain dito na lang... bili dito at libre dito..wala na yung doon.. ehehhehe... masarap mag-ipon.. dapat maging ugali natin talaga ito... to become rich... it''s not how much money you made but how much money you save... A good life style start with positive mind-setting.... yun lang... ehehehe... nice to be here...

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow na-inspire naman ako sa sinabi mong yan. it's not about how much you made, but how much you made - winner! anyway magaw din nga yang kain dito, libre dito at wala ng doon. haha. ang bright mo!!!

      Delete
  10. discipline talaga, at xempre kailangan iset muna ang priorities
    may nasbe skn ang isang prof nuon nung send-off party namen sa school, na wag lang igugol ang lahat sa 8hrs na trabaho, use the remaining hours to earn and never ever underestimate the power of a centavo :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. like ko ring yan huling sinabi mo. parang never underestimate the power of your finger lang ha ng dpc pages. hahaha. anudaw. anyway. mabuti na din na ng dahil sa priorities mo kaya ka walang maiwan, kesa naman sa luho dba. matinding disiplina talaga toh! go!

      Delete
  11. Hay, nakakarelate ako jan teh. Hay na lang. Sabi nga ng mga ka workmates ko KJ na ako. Plano nang plano di naman natutuloy. Well, ganyan talaga buhay. Kaya go lang ng go. Totoo yun! God provides! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha natawa naman ako sayo teh! wow kj, ibig sabihin marami ka na sigurong naiipon ... libre oi! haha

      Delete
  12. Meron akong mini-poster sa likod ng aparador ko. Ang nakalagay:

    "Good things comes to those who wait." Pero naka-strikeout yung 'wait' at pinalitan ng 'who works their asses off!

    kaya totoo yung sinasabi na wala sa laki ng sahod ang kapasidad mong maka-ipon - its a state of mind really. :)

    *sensya na nakigulo lang - new here*

    ReplyDelete

Say Wuht?