26 March 2012

Kung PAGOD ka na


Pinoy Henyo Word : KUTSILYO

Juan: Tao ba ‘to?
Pepe: Hindi!
Juan: Hayop?
Pepe: Hindi din!
Juan: Lugar?
Pepe: Hindi!
Juan: Pangyayari ba ’to?
Pepe: Hindi pre!
Juan: Bagay?
Pepe: Oo!
Juan: Nasa bahay?
Pepe: Oo!
Juan: Ah ginagamit sa loob ng bahay?
Pepe: Oo nga!
Juan: Sa kusina?
Pepe: Oo!
Juan: Matalim ba ‘to?
Pepe: Oo!
Juan: Ginagamit panghiwa?
Pepe: Oo! (excited much na)
Juan: Pass!
Bossing: Enk! Time’s up!

Moral Lesson : “More often than not, people are defeated and lose the battle because they are tired, because they chose to give up the fight.”
-Bro Jon Escoto of The Feast Laguna, The Fighter Series 3/25/2012

Tutulo na yung luha ko sa part na 'to, kaso naunang tumulo yung sipon ko kaya nawalan ng momentum yung drama serye ko, wasak. I know God bless me as always, pero this time was different. Na-feel ko yung mahigpit na yakap sakin ni Lord which made me realize "I’am more than bless". Tama sila, tama Siya, If you just let Him lead your life – sigurado pa sa sikat ng araw ang blessings na siksik liglig umaapaw ang darating sa buhay mo.

Tulad ng isang simpleng mamamayan ng Pilipinas, marami din akong pangarap at gustong marating sa buhay. Mga pangarap na tumutulak sa ‘kin para gumising sa umaga, pumasok sa trabaho, maging isang mabuting empleyado, maging isang mabuting anak, maging isang magandang Filipina, maging isang magandang ehemplo sa kabataan – oo na naliligaw na ang usapan. I mean, lahat kaya at kakayanin kong gawin para maabot ko ang rurok ng tagumpay (whatta word: rurok). Alam ko lahat naman tayo maraming pangarap, KKD o kanya-kanyang diskarte na lang kung paano natin ito makakamtam (wagas word: makakamtam).

Along the way, sa ayaw at sa ayaw man natin ay dadaan ang mga mga pagsubok, problema, balakid and a lot more para pigilan tayo. Kung kadalasan paulit-ulit na lang nga ang mga problema, unli? naka-line? postpaid?  Kaya natural ang pagod, likas ang mapagod. Kung pagod ka na sa buhay mo magpahinga ka. Kung pagod ka na sa in-a-relationship status mo, magpahinga muna kayo. Kung pagod ka na sa trabaho mo, mag-leave ka, mag rest day ka. Kung pagod ka na sa gawaing bahay, magsiesta ka. Kung pagod ka ng tumakbo, maglakad ka muna. Lahat  tayo napapagod, lahat nakakapagod. Ultimo ang walang magawa napapagod, ang  tambay napapagod na din yan tumambay. Simpleng logic - kung pagod magpahinga. Hindi ibig sabihin nito ay susuko o sumuko ka na.

Kung may pinagdadaanan ka, ako din mayroon, lahat tayo mayroon. Kaya wag mong isipin solo flight ka. Kung pagod ka na, ako din, marahil sila din. Kaya kung kaya nila, kaya ko din, at malamang kaya mo din. Wag ka mapagod lumaban, wag ka masyado magpakapagod, wag ka susuko at isigaw mo "I can do all things through Christ who strengthens me." -Philippians 4:13

 

12 comments:

  1. tama phinga lang katapat sa katawan pagod.
    ganda ng mensahe mo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. pahinga at masahe ng iyong irog. lol

      salamat palakanton!

      Delete
  2. Very inspiring post J, ang galing mo dito..hehe..

    "kung pagod kana sa buhay mo, bakit hindi mo subukan sa kabilang buhay.."LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahahaha. antawa ko dito! ADIK KA!

      Delete
  3. tama!
    sapol ung mensahe sa akin!


    kaya yan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. natamaan ka? ehem ehem, i-spluk mo na yan!

      Delete
  4. sabi nga sa kwento, ang nananalo sa karere ay yung pagong. kahit na mabagal atlist patuloy pa rin sa buhay. hahaha

    -kikilabotz the pogi

    ReplyDelete
    Replies
    1. anong karere? ikaw talaga coco kikilabots... ikaw buyoy! lol

      Delete
  5. nakakainspire to :)

    Godbless ..

    gusto ko din yung verse . ^_^

    ReplyDelete
  6. you never fail to amaze me=] keep it up

    ReplyDelete

Say Wuht?