06 March 2012

Uma-untold Story


Last year, punong-puno ang puso ko ng pagdaramdam at ang isip ko naman ay umaapaw ng something really annoying. Mahirap iwanan ang bagay na pilit mong pinaglaban at matagal mong hinawakan. Mahirap maglakad pasulong habang hinihila ka pa-atras ng mga panahong na nagnanais na ikaw ay bumalik sa kanya. Pero kung iisipin, worth fighting for pa rin ba? Masaya nga ko o kami pero may mga taong nasasaktan at patuloy na nadadamay. Against all odds ang peg. Pero sabi ko nga, kaya ko lahat basta hawak kamay kaming dalawa. Nagpatuloy ang ikot ng mundo hanggang sa...




Hinga - General Luna Mp3
Musicaddict.com

Lahat ng bagay subject to change without prior notice. Kahit ang mga tao't hayop dumadaan sa evolution. Ang mga halaman di kalaunan nagiging puno. Ang mga puno every season namumunga at nagiging prutas. Ang mga prutas hindi maaring hindi mabulok pag ilang buwan ng nakatambak sa ref niyo. The same thing na kapag kinain mo dumadaan sa proseso at nagiging alam mo na yun. Marahil nagets mo na ang punto ko. Sa dami ng palabok na sinabi ko ang gusto ko lang sabihin nagbago ang lahat at nagsimula ng magkaroon ng dingding sa nabuong pagitan. Kabilang dito ang pagbuo ng kanya-kanyang mundo. Magkasabay na piniling maglakad sa ibang direksyon, kung san hindi na pwedeng mag-krus ang aming landas at magbanggang muli ang aming mga puso. Masyado ng madrama, let's move on to the next episode.

Gasgas na ang salitang "marami akong natutunan". Masyado na ring redundant kapag sinabi kong "ang tanga-tanga ko". Nangyari na ang mga dapat mangyari, wala na ring akong ibang nasabi. Go girl na lang kahit may mga bumabagabag parin sakin mula sa nakaraan. Pakiramdam ko kasi hindi pa ko tunay na malaya hangga't hindi ako napapatawad ng mga taong nasaktan ko. Masaya mag-party, pero masaklap ang maging isa ka sa third party. Hindi ko na ie-elaborate kung anong nabasa mo, ayun na yun. Ayokong maging defensive at wag ka na din masyadong etchusero. Basta yun na yun.

After few months, hindi ko alam kung pinaglalaruan ako ng tadhana at pilit niyang ipinaglalapit ang mundo ko sa mundo ng babaeng nasaktan ko, name undisclosed. Sa laki ng mundo at sa milyong-milyong tao akalain mong pinagtagpo kami sa parehong interes namin sa buhay, subject unrevealed. Prior to "finally we meet" eksena ay nilakasan ko ang loob kong humingi ng tawad sa kanya sa pamamagitan ng teknolohiya, hindi yun hologram ha. Hindi ako nabigo, nahiya naman akong pinatawad niya agad sa kabila ng bigat ng aking nagawa.

At sa araw ng "finally we meet" ay sobrang napuspos ako ng kakaibang espirito. It's a humbling experience, sa kabila ng lahat sa kanya pa nanggaling ang mga salitang "hayaan na natin yung mga nangyari". Alam mo yung feeling na "Omegad! I'm lost for words". Silent mode, kulang na lang mag-vibrate ako para maramdaman niyang overwhelmed ako. Tama si Ethel Booba sa interview niya sa Gandang Gabi Vice "Hindi mo pwedeng husgahan ang isang tao hangga't di mo pa siya nakaka-usap". Sa sobrang di makabasag niyang peg di mo aakalaing kulang na lang magsabunutan kami noon. Basta ayun na yun. Untold Story na lang kung ano yun. 

Hanggang ngayon natatawa pa rin ako at nagpapasalamat na din, hindi ko sukat akalain na sa ganung paraan kami unang magkikita. Tama siya, iba talaga kapag ginamit na ni God ang kamay niya para pagtagpuin kayo at sa loob ng mahabang panahong pananahimik ay naghilom ang mga sugat na dinulot samin ng kahapon.

"With any God given grace, time heals."

13 comments:

  1. Hello Jengpots! ^_^

    sorry for tagging you :)

    http://xangerna.blogspot.com/2012/03/because-i-love-you-so-i-wanna-know-you.html?utm_source=feedburner&utm_medium=feed&utm_campaign=Feed%3A+WhenMyVainBrainStirs+%28When+my+Vain+Brain+Stirs%29

    simple lang naman to hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahahaha. na naman! o xa cge! isip-isip na lang ...

      Delete
  2. maybe not now, pero tama yun, it will heal in time.....,

    :))

    ReplyDelete
  3. wilma galvante at anabel rama ba ito?

    Sa seryosong bahagi, kasama sa patuloy na pag-agos ng walang katiyakang buhay ang mga ganitong pagbabago. Kung may tumitingkad mayroon ding kumukupas (PCSO lang yata ang hindi kumukupas).May umuusboy at may nalalanta. Siguro ang taong ito ay panahon ng kababaang loob. May naghihiwalay ng landas pero mas maramiang pinaglalapit.

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku korek na korek ka jan. dahil jan isang puntos para sayo ser! natawa naman ako sa PCSO. lol

      Delete
  4. tunay na wagas. Sa tamang panahong hindi pinilit humihilum gaano man kalalim ang sugat.

    Kaya di tayo dapat magtanim ng galit sa ating puso ng pang habang buhay.

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga, kasi pagpinilit , pagkinutkot lalong lalaki :)

      Delete
  5. Third party.. hmm.. yun na yun. :P

    Buti nga sayo, ikaw pa ang unang lumapit. Sa akin kasi, sa experience ko.. ako pa talaga ang naghanap ng paraan para makapagusap kami ng third party. Hindi ko sya inaway, hindi naman ako eskandalosa. hehehe.. Hindi lang ako mapakali na merong mga sitwasyon na hindi ko naiintindihan kung bakit nila nagawa at bakit yun nangyari.. Ay, nagshare? HAHAHA!

    Mabuti naman pala at somehow, naging ok ang lahat. Na letgo na ang lahat. :) Ganun talaga, circle of life. May natatapos, may nagsisimula. Lahat, may mga rasun. Depende na lang sa atin kung tatanggapin ba natin o hindi... Pero para wag mabaliw, tanggapin na at move on. haha!

    Charot. Ang haba na.. lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha. muntik na maging blog post ha. echos! tama ka jan ate leah. naku sana magkaayos na din kayo kung sino man yun :)

      Delete
  6. it really takes time to heal. mahirap masakit man pero sa umpisa lang naman yun. nawawala din yung pain eventually. and im glad nakapagusap na kayo ulit at nagkapatawaran. =D

    ReplyDelete
  7. Gods work are always perfect. :D

    Good to know na naging ayos din ang lahat ^^

    ReplyDelete

Say Wuht?