01 March 2012

Sa Muli Nating Pagkikita

Humigit isang taon na din ang lumipas. Gumigising, pumapasok, naglalakbay at umuuwi akong nanatiling sabik sa kanyang hagkan. Maraming pagkakataong nakakalimutan kong wala siya sa mundong aking ginigalawan. Maraming beses akong tumatawa at humahalakhak na para bang kumpleto at buo ang aking pagkatao. Heto, patuloy akong nabubuhay na parang nariyan pa rin siyang laging nagbabantay.

Ngunit may mga pagkakataon pa ring bumabasag sa paglalakad kong matiwasay. Ang masilayan ang litrato niyang nakangiti sa akin na parang walang humpay. Ang makita ang mga gamit niyang nagpapa-alala ng lahat ng pagmamahal niyang inalay. Ang makakita ng mga mag-iina sa daan, sasakyan at palabas sa telebisyon. Ang mga katrabaho niyang nakagayak pang-opisina. Ang pagdaan sa ospital kung saan huli kong nasaksihan ang kanyang malay. Ang mga lugar at kainang madalas naming mapuntahan. Ang mga parehong sitwasyong sabay naming pinagdaanan. Ang sulat na hindi pumalyang patuluin ang aking luha. At ang pagtingin sa kawalan kapag sinapian ng lumbay.

Matindi pa sa isang dagok ang mabuhay ng wala siya. Unti-unting pinulot ko ang mga piraso at nagpatuloy na parang ako’y kumpleto. Sa mundong kay bilis ng takbo pilit pa din akong hinahabol ng kahapon. Kahit alam ko nabubuhay akong positibo at determinado, hindi ko maiwasang tumingin sa nakaraang naglaho. Ang mga magandang ala-ala na siyang nagbibigay sa ’kin ng ligaya ay sa isang iglap ding sinakop ng pagkabalisa. Sabik na sabik na kong makita at mahawakan siya. Mayakap at maramdaman ang katawang sa hinagap ko nalang natatagpuan. Panalangin kong lubos kahit sa panaginip na lang lagi ka makita. Isang taon na ang lumipas ngunit pangungulila ko’y di pa din kumukupas.

Alam ko nariyan ka lang, nagmamasid ng tahimik at banayad na nagbabantay. Sana’y pahintulutan mo kong makita kang muli’t mapasalamatan. At sabihan sayong mahal kita.


*Happy Kaarawan MA 


♥ Jheng

12 comments:

  1. Live your life to the fullest Jheng... Malaki kana naman eh... So alam mo na yan... Haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks ryan, malaki na ko at lalaki pa ko. hehe lol.

      Delete
  2. i love your thoughts. i can feel your emotions. happy bday kay mama.

    ReplyDelete
  3. mmm, just like me when I miss my dad....,


    happy birthday to your mom :)

    ReplyDelete
  4. ganda nito...

    Happy Birthday to your mom! :)

    ReplyDelete
  5. happy birthday kay mama mo... alam mo bang maswerte ang mama mo.. kasi may anak siyang katulad mo na mapagmahal... nasaan man siya ngayon.. masaya na yun.... kasi alam niyang kaya mo nang mabuhay magisa... naging responsable ka sa sarili mo.. kaya nagmamalaki yun sa kung sino man ang kasama niya ngayon.... happy birthday ulit....

    ReplyDelete
  6. happy birthday to your mom sis. *super tight*

    ReplyDelete
  7. hindi ko alam sasabihin ko.

    ReplyDelete
  8. this one's so touching. mejo teary eyed with a smile.

    ReplyDelete

Say Wuht?