22 April 2012

BMIM: Ikalawang Sabak

"Manonood ako ng Up Dharma! Wooooh!" dito ako naka-mindset, ayan ang plano ko para sa kahapon. Week before, ini-imagine ko na kung paano ako magpapa-picture kay Armi. Hindi naman ako masyadong eksayted, kasi pati kung paano ako mag-eemote sa kanta nila pinractice ko na din. 


Gabi pa naman ang gig, kaya sa umaga ay sumama muna ako sa munting pakulo ng ilang mga blogero't blogera na naglalayong damitan ang mga bata na hindi pinagkalooban ng sabihin na natin ay magarang pamumuhay at kasuotan. 


Blog Mo Ipasuot Mo: Ang Ikalawang Sabak


http://blogmoipasuotmo.tk/


Halos first time ang lahat ng nagyari sa akin nung araw na iyon. Pers taym sumakay ng PNR, makapunta ng SM Sta. Mesa, ma-meet ang mga tumblr bloggers, ma-meet si J. Kulisap (as in omegad di ko na-predict yun), makapunta ng Araneta Ave., at marami pang iba.


Pagkarating sa tagpuan, sa SM Sta. Mesa, ay ibinalot na namin ang mga T-shirts na ipamimigay sa mga bata c/o Bulakbolero (naka-harbat ako ng isa). Pagkatpos at naglakad ng kaunti at sumakay sa jeep na may "pull string to stop", nakaka-ignorante lungs, as in lahat kami na-eksayt hilain yung tali. Makailang tumbling, isplit, baktayb at bending pagkababa ng jeep ay narating na namin ang destinasyon. 


Araneta Ave. Quezon City




On the spot, walang kagatol-gatol, walang pasabi at agad-agad kaming napadpad sa bahaging ito. Feeling ko nga parang nasa "Juan for All, All for Juan" kami ng Eat Bulaga. Bigla na lang nagdagsaan ang mga bata, nag-uunahang pumila at magpalista. Matapos mailista ang lahat ng batang may edad pito hanggang labing-tatlong gulang ay nagsimula na ang mga palaro sa pangunguna ni Joleah (ispeysyal mention).Nakakatuwa lungs ang mga bata, bukod sa ayaw nila na ini-ingles sila ay nagkarambola pa ang mga ito. Kagulo sila nung sinabing lulubog ang barko sa bilang ng labing-lima, yung iba nagsasapakan, yung iba naipit na. Mabuti na lang at sumigaw si Poy ng "Oh pila na!", at nag-unahan na ulit silang pumila. 


Wala ng arte-arte, wala ng angal-angal, kahit sobrang tindi ng sikat ng araw ay nagpatuloy pa din kami sa aming pakay. Pagkatpos ng ilang palaro ay ipinamahagi ng ang mga damit c/o Bulakbulero (kailangan paulit-ulit, isponsor eh). Nagmadali naman itong isinuot ng mga bata para na rin makapag-picture taking kami.




Hindi pa 'dun natapos ang lahat, nagkaroon din ng konting salo-salo sa pamamagitan ng pancit, tinapay at juice sa tulong na din ng mga nakakatatanda doon.


Naging masaya talaga ako. Bukod sa nakita ko ang ibang parte ng mundo eh nakatagpo din ako ng bagong mundo. Mundo ng mga blogero't blogerang may layuning makatulong at magbigay saya sa iba. Kahit minsan paulit-ulit sila (literal na pulit-ulit) eh napapasaya nila ako, umabot sa puntong napi-feel ko labas na tonsil ko kakatawa. Minsan kasi ano eh... Kung tropa niyo sila pagsabihan niyo ha... Ahh basta wala akong masabi sa kanila. Ang sarap tumawa kasama sila. Kaya sa susunod na sabak ay makaka-asa silang sasama ulit ako sa ayaw at sa gusto nila. lol


Pagkatapos ng mga pangyayari ay hindi na kami natuloy sa gig ng up dharma down. Pero masaya pa din kasi ang gondo ng snowhite miror miror lalo na pag-libre. Minsan ganun talaga eh, hehe. 


Maganda talaga kung may plano ka sa buhay mo, plano para sa araw-araw, plano mulang letrang A hangggang Z. Pero mas maganda din kung ang masusunod ay ang plano Niya na nagplanong mabuhay ka. Yung plano na tutupad sa makabuluhang plano ng iba ang siyang pinakamagandang plano sa lahat. (bilangin ang salitang plano.lol)

25 comments:

  1. kasama dapat ako diyan, nagkaroon lang ng biglaang business trip sa cebu. nakakatuwa ang mga bata. magaling ang adhikain! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga daw nabalitaan ko nga... sayang naman! yaan mo may mga susunod na sabak pa :)

      Delete
  2. ay sayang, nais kong magparticipate sa ganito, :/

    ReplyDelete
    Replies
    1. sama ka sa susunod na sabak theo!!! gow!

      Delete
  3. salamat sa pagsama mo.. aaminin kong na-starstruck din kami nung una namin kayo ma-meet.. masaya kasi marami na tayo.. aasahan namin ang muli mong pagsama sa Pangatlong Sabak (sa meeting tsaka sa mismong event).. thanks "ulit".. hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha paulit-ulit??? minsan ano din eh no... ako naman na startrek sa sipag at tyaga niyo. napakaganda ng layunin mo master founder :)

      Delete
  4. pahug nga muna bago ako magbigay ng opinyon *super tight*

    hanga talaga ako sayo sis kasi ang dami mong ginagawa na nakakatulong sa iba. saludo talaga ako sayo. =D

    ReplyDelete
    Replies
    1. sama ka sis sa susunod :) masaya toh promise!

      Delete
  5. ang noble deed nito a, congrats ke bulakbolero at sa inyo lahat na nakiisa para mapasaya ang mga bagets!

    ReplyDelete
    Replies
    1. sasabihin ko sana na sumama ka, kaso mukang tagilid ka. haha. alam nko na mag-siponsor ka na lang bossing :))) weee!

      Delete
  6. salamat sa pag mention ng dalawang beses sa pangalan ko. lol. wala namang anuman yon, ang importante e masaya ang lahat. \m/

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat ulit bulakbulero (pangatlong mention na toh)hahaha.

      Delete
  7. gusto kong ulitin to. and yeah, nice meeting you doon!

    - Poi :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. kitakits sa next sabak :) ihanda na ang armalayts! lol nice meeting you too with ate ibette...

      Delete
  8. Minsan ano rin eh....

    Salamat sa inyong lahat, nadagdagan ng mga limang kilo't wanport ang saya ko. Minsan ano din eh may covered court.

    :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha minsan paulit ulit din eh noh??? picture picture din minsan. lols

      Delete
  9. nakakatutuwa naman at talagang na meet mo si sir kulisap ha.. :)

    congrats sa inyo...

    magandang araw po. masaya ang feeling kapag may ganito. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga eh, ayun ata yung highlight, ang mameet si j.kulisap. hahaha oa much???

      sama ka sa susunod kuya banjo ng masilayan ko naman ang wangis mo. tnt

      Delete
  10. congrats sa matagumpay na bmim.! :)

    galing!

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa susunod baka gusto mong sumama??? minsan ano ka din eh noh. sama sama din :D

      Delete
  11. wow naman ang saya naman!!
    sana sa susunod makasama ako dito...
    and congrats sa project ng BMIM!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo sumama ka! weeee! para maraming pro-photographer :))) at the more the manier!!!

      Delete
  12. Nakakatats masyado ang mga gawain ng mga katulad ninyo. Mabuhay kayo lahat pati na ang may pasimuno. Nakapagbigay kayo ng ngiti sa mga kabataan pati na rin sa kanilang mga magulang. Hindi man ito sapat upang iangat ang kabuhayan ng ating lipunan. Pero sapat na ito para ipabatid sa lahat na kahit sino ay may kakayahang makatulong sa ating kababayang kapos.

    ReplyDelete
    Replies
    1. nakakaiyak naman tong comment mo kuya joey... as in. salamat din sayo, sa iyong suporta :)))

      Delete

Say Wuht?