27 April 2012

JAYESSLEE - Simple pero Rock

May bago akong kinababaliwan! Pak na pak kasi sila. Para sa 'kin ito yung masasabi kong SIMPLE lang pero ROCK. Nabihag nila ang puso ko. Love na love ko na sila! Ang JAYESSLEE!


hinarabat mula dito
Ang kambal na humahakot sa kasalukuyan ng milyon-milyong views sa Youtube. Australian twins sina Janice at Sonia. Pero nakakapagtaka kasi muka silang koreana. Syempre nag-research ako. Korean pala ang parents nila, pero ipinanganak sila sa Australia. 

Jayesslee o "jay-ess-lee" kapag binigkas ang pangalan ng tambalan nila. Jay mula sa unang letra ng pangalan ni Janice, Ess naman para kay Sonia at Lee na kanilang apelyido. Ang kyut lang nila. Ang ganda pa, parang ako lang (anodaw?). Napaka-talented. Simple lang ang style nila sa pagkanta. Napahanga ako sa blending ng boses nila. Ang lambing, malumanay at parang may magic ang bawat pagkanta. Trip na trip ko ngayon ang bago nilang cover ng Jetlag, originally sang by Simple Plan, kasama ang kaibigan nilang si Anna.



At may na-ispluk akong balita. Magto-tour sila sa Pinas. Omegad! Wish ko lang makanood ako. Hindi ko pa naman ikamamatay toh, pero baka mahimatay lang ako pagnangyari 'yun sa sobrang tuwa. Eksaherada much lungs. 

reliable source

Sa June pa naman toh. Kaya may dalawang buwan pa ko para mag-dasal. Speaking of dasal. Kaya ako lalong natuwa sa Jayesslee dahil sa faith nila kay Lord. Natuwa ako sa ultimate goal nila and I quote "Their (Jayesslee) ultimate goal and motivation behind every video is to share about the hope they have found in knowing Jesus. The two are not shy in expressing their faith and indicate they would not be doing what they do if it weren't for His grace and providence. All the glory to Him. " Nakakatuwa yung mga ganitong tao. Yung ginagamit nila ang talent nila to glorify and praise the Lord. Amen! hehe


8 comments:

  1. parang tegan and sara.. mga hot pa.. hehe

    ReplyDelete
  2. Youtube sensation..

    parang moymoy palaboy?

    gandang araw ")

    ReplyDelete
  3. hi....kumusta ka na....puntahan mo ang blog ni clai....tiyak maging kaibigan mo kasi mahilig din siya sa kanta katulad mo....ang isa ko ngang compose inawit na niya..ito ang blog niya..makita mo sa latest post niya na sa 23 song competitions na sinalihan niya kung di man siya 2nd ay siya ang panalo...may mga video pa......nanalo na rin sa sa vocal solo competition of Sony....tingnan mo na lang ang blog niya..ka text ko nga din siya.......kaibiganin mo kaya siya,hehe..

    http://planetofclai.blogspot.com

    ReplyDelete
  4. Ang sipag mong mag-blog, naiinggit ako. Yun lang. Hehe. (Walang kwenta yung comment ko).

    ReplyDelete
  5. naku fave ko rin sila pero yung officially missing you talaga ang pinakafave ko sa mga cover nila hehehe =D

    ReplyDelete

Say Wuht?