24 April 2012

PNR Love Story


Sa kauna-unahang pagkakataon ay narating ko ang estasyon ng PNR sa Alabang. Full force ang sikat ng araw kahit na alas syete pa lang ng umaga. Nagtungo agad ako sa pila kung saan makakabili ng ticket. May kainitan sa pwesto ng pila sapagkat walang anumang sukob o bubong na pwedeng paglimliman ng mga pasahero. Lumingon ako sa kaliwa, sinisipat ang bawat mukha ng mga taong nandodoon. Lumingon din ako sa kanan, patingin-tingin sa paligid bilang baguhan sa ganitong lugar. Ignorante ako sa pagkakataong 'toh. Nagpatuloy lang ako sa pagmamasid nang mapansin ko ang isang lalaking naka-checkerd na black and white. Maganda ang kanyang tindig, maayos ang pananamit at ang datingan pa lang niya ay mukha mabango na. Naka-shades siya, pero tagusan at kita ko pa rin ang mata niya dahil hindi naman ito ganoon ka tinted. Tila tren na nagsalpukan ang aming mga paningin. Tiningnan ko siya mula paa hanggang ulo. Habang siya naman ay nakatitig pa rin sa mukha ko. Pinilit kong huwag umiwas ng tingin. Mga limang mabagal na segundo bago ako nailang namakipagtitigan sa kanya. Sa peripheral view ay pansin ko pa ding nakatitig siya sa akin, habang ako naman ay pakunwaring walang malay. Nagbuntong hininga at patuloy na nagpanggap na wala akong pakialam. Pero sa isip-isip ko siguro type ako nito ni Kuya, ansaveh??? 

Pagkatapos ng ilang minuto ay gumalaw na sa wakas ang pila at nakabili na rin ako ng ticket pa Sta. Mesa. Nag-umpukan ulit ang mga tao sa mga nakatakdang hihintuan ng tren. Dagsa ang mga kababaihan sa parte kung saan puro babae lamang ang pwedeng sumakay. Kaya't pinili kong pumila sa kasunod nitong hantayan, yung pangbabae't panlalaki, kung saan wala pa masyadong nag-aabang. Ramdam ko ang sikat ng araw na tumatama sa kanang bahagi ng aking pisngi kaya't ini-iwas ko ito at lumingon sa kaliwa. Naaninag ko na naman si kuyang naka-checkerd, na nag-aabang din pala sa kaparehong pila. Napa-iwas ako ng tingin sa pangalawang pagkakataon, ipinapahiwatig na kunyari suplada ako at hindi batid ang kanyang presensya. Ibinaling ko na lamang ang aking atensyon sa paghihintay ng tren habang nakikinig ng musika sa earphone'ng nakakabit sa aking selepono. 

Isang pamilyar na tunog ang umalingawngaw, hudyat na parating na ang tren. Nag-unahan ang mga tao na makapasok dito kahit hindi pa mang lubusang nakakalabas ang ibang pasahero. Nakipagsiksikan din ako upang prenteng maka-upo sa limitadong upuan ng tren. Papa-upo na sana ako sa kaliwang bahagi ng biglang sumulpot ang isang babae'ng may karay-karay na bata kaya nagpaubaya na ko. Bigla namang inginuso niya ang katapat na bakanteng upuan, pampalubag loob teh? Pag-lingon ko, agad-agad na nakita ko ang checkerd na damit bago ko pa makita ang itinuturo niya. Nagmadali akong umupo sa tabi ni kuyang naka-checkerd dahil baka maunahan na naman ako ng iba. Co-incidence ba ito? Talaga bang pinag-lalapit kami ng tadhana? Feelingera much lungs? 

Sa aking kinauupuan ay tila ba hindi ako mapakali. Paunti-unting gumuguhit ang payak na ngiti sa aking labi, habang ramdam na ramdam ko ang aking pag-eemote habang tumutugtog sa background ang kanta ni Yeng Constantino na "ayoko ng pumara ahit san magpunta, ayoko ng pumara kung ikaw ang kasama... lalalalalala". May mga nakikita na akong paro-paro sa paligid, mga bulaklak na nagsasayaw, at si Kupido sa harapan ko na may hawak na pana. Habang umaandar ang tren, pasimple akong lumingon kay kuya, kunwari'y nagmamasid sa bintana. Sa pagkakataong ito wala na siyang suot na shades. Katulad ng mga napapanood ko sa koreanobela, tila nanlaki ang aking mata sa puntong makita siya ng malapitan. Habang nakapikit siya at umiidlip sa byahe ay patago akong nagnanakaw ng sulyap sa kanya. Ang kinis ng balat niya, walang duda - gwapo nga siya, ang bango pa kahit maalinsangan sa loob ng tren. Nabasag ang aking pagtitig ng magising siya para tingnan ang tumunog niyang cellphone. Bigla akong napaiwas ng tingin sabay ihip sa bangs kong bitin. Hindi ko napagilian maki-usyoso, pasimpleng sinilip ko ang kinakalikot niyang cellphone. Hindi naman naka-caps lock ang format ng text niya, pero kitang kita ng 20-20 vision ko ang itina-type niyang text message...


"Lapit na ko bhe" 


WASAK. Sabi ko nga eh wag magiging masyadong feelingera't assumera. Talanders lang oi! Shonga-shonga much.

13 comments:

  1. pasasaan ba't meron ding magtetext saio ng "lapit na ako, bhe".. hindi natin alam kung kelan pero sana soon.. hehehe

    ReplyDelete
  2. aq rin naman ganyan minsan pag may nagu2stuhan akong girl, maki2ta ko na lang may ksmang boylet, haha

    pero kebs, life goes on

    :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. hanggat di pa kasal, may pag-asa pa. joke! lol

      Delete
  3. malay mo naman tawag nya sa ate nya ay beh o kaya sa nanay nya ay beh o kaya sa kuya nya ay beh..

    ano ang ibig kong sabihin? May PAG-ASA pa diba :)

    kilig to the bones ang picture, natuwa ko sa isiping hinipan ang bangs. Ang cute non :)

    pero beh, este jheng, bading un hehehe :)

    ReplyDelete
  4. pero atleast kahit papano eh may kulay pa rina ng buhay pagibig mo sis kesa doon sa walang kilig kahit saglit. hehe

    madalas din akong may makasakayang gwapo at ganyan na ganyan din ang pakiramdam ko. sa fx nga lang ako humaharot hehe

    ReplyDelete
  5. ha ha ... ang lakas lang gumiba ng trip he he ... don't worry sis , hindi ka nag-iisa : )

    ReplyDelete
  6. Ahahaha tamo may girlfriend na pala pero nakipagtitigan pa sayo hahaha. Ayus na yung sulyap eh pero yung titigan ka, ay dyosko dai may lamat na yun hahaha.


    Bentang-benta sa akin ito hahahaha
    "Tila tren na nagsalpukan ang aming mga paningin"
    Pang indie film, WALSTIK!

    ReplyDelete
  7. paaaak! kinilig na sana ako. ahahah. okay lang yan jhengs. magkaka "bhe" ka rin soon. hehehe.

    ReplyDelete
  8. ui kwentong puso :) i know malapit nang dumating ang para syo jheng, feeling ko makaka-eb mo na sya soon!!

    ReplyDelete
  9. Tnt.

    :) :) :)

    Sana di ka nagbabasa ng text msg ng iba. Nawasak ka tuloy. :)

    ReplyDelete
  10. Malungkot pero masaya :D
    May moment lang talaga na akala natin siya na, pero hindi pa pala.

    ReplyDelete

Say Wuht?