10 April 2012

Return and Rejoice

Gabi pa lang naligo na ko para kinabukasan magbibihis na lang ako at lalarga na. Sa sobrang excited sobrang babaw ng apat na oras na tulog ko. Pakiramdam ko pumikit lang ako ng kaunti at handang-handa na bumyahe pa-Batangas. I thank God for giving me this kind of enthusiasm. Feeling ko kasi lagi akong ignorante sa lahat ng bagay. Parang batang sabik sumakay sa tsubibo sa perya, parang bang teenager na sabik sa overnight swimming ng barkada at parang payak na empleyadong sabik makatanggap na 13th month pay. Na-feel mo na ba 'yun? Once in for all naging sabik ka na din ba sa pagmamahal ng Ama?


Kapag may mga bagong kapatid sa FYM o Franciscan Youth Movement at nagtatanong kung ano ba ang EYC o Easter Youth Celebration, ang kauna-unahang salitang maiisip namin at masasambit ay "Masaya". Yung iba napapa-isip "Araw ng pagtitika tapos masaya?" "Mamamatay si Kristo tapos masaya?", sa madaling salita "Ang weird!". Pero bakit nga ba masaya?


Tulad ng parating bilin ng mga elders ng FY, ang ikatatagumpay ng selebrasyon ay nakasalalay sa aming mga kamay. Tulad ng kwento ng matandang ermitanyo at ng batang sinubok ang kanyang husay sa pamamagitan ng pagkubli ng ibon sa kanyang mga kamay.


Bata: Lolo hulaan mo kung buhay o patay ang ibon na hawak ko?
Ermitanyo: Ang buhay ng ibon na yan ay nakasalalay sa iyong mga kamay. Kapag sinabi kong buhay maari mong sakalin ang ibon hanggang sa mamatay. Kapag sinabi ko namang patay, luluwagan mo ang iyong palad at ito'y pakakawalan.


Isang simpleng logic. Parang isang pick-up line na madaling ma-gets. Parang isang kantang madaling pakinggan at intindihin. Parang mukha ng crush mo, madaling tandaan.


RETURN and REJOICE ang tema EYC ngayong taon. At para sa akin naman ay magsisilbing "gabay" sa magdadaan na panahon. God provides us 25 years of journey at ang panalangin namin ay another 25 years pa para sa mga susunod na henerasyon. Hindi sapat 'tong mga sinasabi ko para isalarawan kung paano ako kasama ang mga kapatid ko sa FYM nagbalik, patuloy na nagbabalik, nagalak, at patuloy na nagagalak sa pagmamahal ni Lord.


Kaya't eto ang isang simpleng video na ginawa ng aming kapatid.




Going back sa na-pending na tanong: "Araw ng pagtitika tapos masaya?" "Mamamatay si Kristo tapos masaya?", sa madaling salita "Ang weird!". Hindi pa tapos kapatid "...on the third day He rose again, he ascended into heaven and seated at the right hand of the Father..."


"...it is in dying that we are born to eternal life." - St. Francis of Assisi


FYM Philippines all the way to love


The Lord has truly risen! Hallelujah! Hallelujah

6 comments:

  1. Ipagkalat ang mga ganyang kaganapan dapat magpakarami ang tulad ninyo.

    ReplyDelete
  2. Ang saya niu!
    hehe

    Tama The Lord has risen let us rejoice and give thanks!

    :)

    ReplyDelete
  3. ako lagi akong excited sa kahit anong bagay.. maliban lang sa pagpasok ko dito sa office ^_^ hehe.

    ang saya nyo naman.. sana makasali ako sa ganyan : )

    ReplyDelete
  4. me too! excited palagi wag lang ang magtrabho Jheng hahaha

    ReplyDelete

Say Wuht?