13 April 2012

Si JORAZON, ang Unang Bakla

Araw ng Huwebes noon, habang naglalakad pauwi, humuhuni ng banayad ang mga ibon. Akala ko nga si Anne Curtis lang na gumagawa ng showtime chant sa gilid, tipong "tweet tweet, tik tak, it's showtime (with echo effects)" . Echuserang mga ibon nag-islow motion tuloy yung paglalakad namin, ang lakas maka-endless love peg. Emote na emote na ko, andun na eh ng biglang nagtanong si Ateng Kuya (name undisclosed) "Paano kaya kung nabubuhay pa rin yung mga dinosaurs noon at normal lang sila sa atin ngayon?". Hindi ko alam kung anong elemento ang gumulo sa pag-iisip niya bukod sa naguguluhan siya sa pagkatao niya at nabanggit niya tong mga 'to. Pero napaisip ako, sampu ng mga kasama namin (over e apat lang kami), paano nga kaya kung nabubuhay pa sila?
 
Tipong...
 
Naglalakad ka sa kalsada tapos walang kaabog-abog na may tatawid na dinosaur sa harapan mo, pero keri lang, kasi nga normal lang. ang kewl diba!
 
Pagpupunta ka ng mall o park karay-karay mo ang paborito mong pet - na dinosaur, good luck sayo teh!

Galing ng advertisement na toh.

 
Pagsumapit ang kapaskuhan, habang nangangaroling, na-bwiset yung bantay na pet sa bahay na iniistorbo niyo. Imagine tinahulan ka, yung matinde dun hinabol ka pa - take note, hindi ng aso - ng dinosaur!


 
Mababawasan na ang paglaganap ng mga asong ginagawang asusena, kasi iba na ang mamamayagpag - ang dinosera, mula sa pagala-galang dinosaur.
 
Malalaos na din ang askal, aspin, dog-whisperer, dog tag, at dog show. Mapapalitan na ng dinokal o dinosaur na tambay sa kalsada, dinopin o dinosaur na pinoy, dino-whisperer, dino tag (kasing laki ng isang standard size na yero) at dino show kung san pwede din silang mag-cosplay.

Panigurado ako magiging icon na talaga si Barney, lalaganap na din ang identity crisis sa mga dinosaurs. O kaya makikita mo sila sa kanto, may inuman session.

 
Ang bright ni ateng, andaming naisip. Paano daw kung ganito pa ang mangyari...
 
Yung mga butiking bahay kasing laki ng aso. Pano na lang pag umipot yun? Eh ang tanong, ipot pa bang matatawag yun? Paano kung sumakto sa ulo mo o sa kinakain mo? Lintik lang ang walang ganti! O kaya mas malupet dun nahulog pa siya mula sa kisame,sana maka-iwas ka sa loob ng 2 seconds.
 
Naisip ko naman...
 
Paano na lang kung kasing laki ng daga ang mga langgam? Yung kanin mo may langgam - kasing laki ng daga, OA much lang? Lol
 
Wala akong masabi sa mga realizations ni ateng! May isa pa siyang napagtanto sa buhay niya and I quote "Minsan gusto kong bumalik sa pre-historic time kung san pwede ko pa turuan ang mga lalaki na pwede sila magmahal ng bakla. Alam mo yun, para naging parte na ng kultura natin ngayon." May ganung level teh? Kung ganun man, siya na nga si JORAZON, ang Unang Bakla. Lol
 
Nakakatuwang-nakakatawang isipin na naiisip niya yung mga bagay na 'to na kung hahalukayin, idi-digest at ipa-process mo eh may sense din naman. Ika nga sa commercial "imagination mo ang limit!"

25 comments:

  1. napaisip ako sa klasmyt kong binansagan naming si barney.. hahaha.. ikaw na talaga :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahaha ang bad mo... judgemental ka!lol

      Delete
  2. napa isip din tuloy ako kung pano ang life naten kung may mga dinasor nga ^_^

    san na kaya sila kukuha ng mga fossil fuel? hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. ehdi papatayin sila at mag-extract ng fuel... haha wild???

      Delete
  3. ang galing naman ng kwento mo... like ko rin si barney...

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe salamat po... like ka din daw ni barney, bagay kayo . haha joke!

      Delete
  4. haha kaloka lang ang paghabol sayo dinosaur. cute animation. haha pano nga kaya kapag nandito pa sila?

    ReplyDelete
    Replies
    1. ewan ko na lang teh, isang malaking palaisipan talaga yun sa ating lahat. hehe

      Delete
  5. tapos, sasakay na lang tayo ng dinosaur papuntang iskul or awpisina! ang saya ^^

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahah tomo! tipid sa gasolina! tapos may gantong rhyrhm "yatigidig!" lol

      Delete
  6. katuwa nman, panu ng kya kung gnun....

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga, kakatuwa siguro pag ganun... adik lungs lahat

      Delete
  7. eto ata ang bunga ng retreat, very fresh ideas, ang likot ng pag-iisip pero very unique!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahaha andami kong tawa sayo bossing! lol.

      Delete
  8. kung magi2ng dinosaur man ang mga usong house-pet..., wasak na bulsa ko, hindi kaya ng isang kilong dogfood sa isang linggo yun ahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahaha mga kasing laki mo dapat yung isang butil ng dog food.lol

      Delete
  9. kung si jorazon ang unang bakla, pang ilan kaya ako? hmmm...

    ReplyDelete
    Replies
    1. baka po kayo yung pangatlo, kasi ako yung pangalawa. hehe

      Delete
  10. having a pet dinosaur as a pet is kinda cool.. hahaha.. pag may dumaan....eat all you can

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahahaha lol sa eat all you can!

      Delete
  11. hanggaling naman ng animation! nakalimutan ko saglit na dinosaur pala ang topic =) kala ko kasi butanding hehe.

    ReplyDelete
  12. nakangiti ako buong post . ang wild and free ng imagination. hahahah..

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahaha... ako naman natawa much sa comment mo tukayo!

      Delete
  13. libre lang ang mangarap ika nga....natatawa ako sa picture sa gitna...parang maganda ilagay sa sidebar ng blog ko,hehe..

    ReplyDelete

Say Wuht?