06 May 2012

20 Something to 20 Someone


Kung sa showbiz ay usap-usapan ang balita tungkol sa pagkabugbog nila Alvie Casiño at Mon Tulfo. Hindi naman papakabog ang mga bloggers sa pagre-reveal ng mga nakakaintrigang blogpost. Isa na dito ang tumetrending na ”20 Things I Want to Say to Certain People” na inumpisahan ng mga ilan sa mga kilalang bloggers tulad nila Salbe, Leah, Bino, Madz, Khanto, Zen at Zyra. Nakakaaliw maging etchusera habang binabasa ko ang mga testamento nila. Para din kasing blind item. As if naman na kilala ko ang mga taong tinutukoy nila. Sort of lang. lol

Bago pa man magka-gera between China and Philippines dahil sa pinag-aagawang Scarborough Shoal at bago pa man magunaw ang mundo sa December 2012 eh makiki-gaya na ko sa kanila. Kaya gumawa ako ng sariling version ng 20 something to 20 someone.

1.  Mahal na mahal kita. Nalulungkot ako kapag malungkot ka. Pero wala naman akong ginagawa para mapasaya ka. Proud ako sayo. Kung ipapanganak ako ulit, ikaw pa rin ang pipiliin ko. Wag mo kami iiwan ha. Pakatatag ka please. Gusto ko ikaw ang maghahatid sa ‘kin sa altar kapag ikakasal na ko. Ang drama ko, mana talaga ako sayo. Tama na nga ’toh mag-pray na lang tayo.

2.  Miss na miss na miss na kita. Masaya ako kapag napapanaginipan kita. Kung san ipinaparamdam mo pa ring mahal mo ko. Gusto na kitang makita at mayakap. Alam ko alam mo ‘yun dahil lagi kang tinatawag ng puso ko. Tuwing payday naiisip ko sana tini-treat kita sa mall. Kung san bibilihan kita ng bag at sapatos na gagamitin mo sa office. Sana nasabi ko sayo kung gano kita kamahal bago ka umalis.

3.  Sorry hindi ko kayo matulungan sa pag-aaral niyo. Nasasaktan ako kapag hindi niyo ko nirerespeto dahil sa pagkukulang ko. Mag-tulungan tayo. Sana mag-mature na din kayo.

4.  I’m sorry. Alam ko sobrang madi-dissapoint kayo sa desisyon ko. I’m still gaining lots of courage para sabihin ‘yun sa inyo. Hindi ko alam kung paano at kung san ko uumpisahan. I’m hoping and praying na maintindihan niyo ako.

5.  Maraming maraming salamat sa tulong niyo. Kahit minsan lumalapit lang ako kapag may kailangan ako. Sobrang laki ng naitulong niyo. Salamat hindi niyo kami itinuring na iba.

6.  Oh kamusta? Gwapong-gwapo ako sayo dati eh. Pero DATI ‘yun. Never mind I’ll find someone unlike you. Lels

7.  Sana hindi mo sinabing “I love you”. Umasa kasi ako. Akala ko tayo na. Tapos bigla kang nawala. Awts.

8.       Ikaw na ang magaling. Lahat alam mo eh noh. Ang arte mo sobra. Walang mapaglagyan!

9.    Shut up! Non-sense naman mga sinasabi mo. Papansin???

10.   Please ‘wag mo muna ako kausapin. Inaantok ako.

11.   Pwede ‘wag mo kong simangutan ng ganyan? Wala naman akong ginagawa sayo eh.

12.   Hindi ako interesado. Huwag kang mapilit please.

13.   Hindi kita papatulan. Won’t stand on your level. Tse!

14.   Grabe ang galing mo! Super idol kita. Sana, kahit once upon a time maka-jam kita at maging mentor kita. Astig ka!

15.   Kailangan laging may kasamang mura?

16.   Tuwing nakakasabay kita sa jeep lagi kang nakatingin sa ‘kin. Ang masama dun ngumingiti ka pa na parang aso. Manyak! Subukan mo lang akong hawakan tigok ka!

17.   Minsan gusto kong itanong sayo kung kamusta na ang anak niyo. Nahihiya ako, nagdadalawang-isp. Dahil ayukong isipin mong ako pa din yung dati. Pero gusto ko malaman kung okay kayo.

18.   Konting energy please! Tinatamad akong makinig sayo eh.

19.   Tigilan mo nga yang pinaggagawa mo. Muntanga lang eh noh.

20.   Grabe. Ako na ang maswerteng babae sa piling mo. Mahal na mahal kita. San ka na ba? Sana makita at makilala na kita... soulmate. Para masabi ko sayo ‘toh. BOOM.


Ang haba. Muntik na ko maubusan ng sasabihin. Ayun lang naman. Babu na ang Da Who! chos.

28 comments:

  1. nice set of something to say to deserving people.. makagawa nga rin.. ehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo gumawa ka na para umabot ka sa quota.. andaw?lol

      Delete
    2. may ginawa na ako, naka-post dun sa tumblr hehehe

      Delete
  2. hindi ko ito magawa..siguro wala akong kinikimkim na puot sa busilak kong heart..lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. ikaw na! walang puot dahil puro ka-anuhan ang laman... ahaha alam mo na!

      Delete
  3. Gawin mo na yan akoni. ahahaha

    Tigilan mo nga yang pinaggagawa mo. Muntanga lang eh noh <<< ako ba to? feelingero langs mey

    ReplyDelete
    Replies
    1. paano mo nalamang ikaw yan??? lol echos lang!

      Delete
  4. wow meron n rin me ngawa eto.
    sweet nman ng # 1.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ngayon ko lang nabasa yung iyo... nakikiuso. hehe

      Delete
  5. padami ng padami ang tumetrend... :)

    kaarmihan tungkol sa pamilya mo?

    :)

    ReplyDelete
  6. sino nga ang mga to.. hehehe

    ReplyDelete
  7. Ito ang super blind item.

    ReplyDelete
  8. wow trending to ha hehe..

    nice set ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. onga eh.parang twitter lungs :)))

      Delete
  9. hala ka... wala akong nasagot sa mga blin item mo mj...

    ReplyDelete
    Replies
    1. eh kasi ikaw yan lahat.joke! haha

      Delete
  10. Halos wala akong nahulaan bukod sa una at huli. Haha. At pang-10 ko ng basa ng gantong post. Hindi naman masyadong trending. Haha.

    Hi, Ate Jhengpot! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hello kuya yow! maka-ate ka naman... wagas???

      Delete
  11. Replies
    1. baka sa ibang comment yun? baka nalilito ka na sa dami ng magkakaparehong post. haha

      Delete

Say Wuht?