21 May 2012

Kalakal

Juan: Ilan  ang nakuha mo?
Pedro: Konti lang.
Juan: Maya-maya pagkatapos mo 'jan hanap tayo sa kabilang kalye.
Pedro: Sige sige! Konti na lang matatapos na ko dito. 

Ito ang pag-uusap ng dalawang batang si Juan at Pedro, mga hindi nila tunay na pangalan. Hindi tungkol sa chismis ang pinag-uusapan nila. Hindi rin patungkol sa pagkapasok ni Jessica Sanchez sa top 2 ng AI. Hindi rin tungkol sa mainit-init na diskusyon kung kanino mapupunta ang Scarborough Shoal. At lalong hindi tungkol sa mga PBB Teens. 

Seryoso. Walang halong biro, walang halong pagka-isip bata. Importante, mahalaga, tungkol sa bagay na ikabubuhay marahil nila.


Kainitan ng araw noong Abril, kasagsagan ng ikalawang sabak ng BMIM sa bandang Araneta ay nakita ko ang dalawang batang 'to.



Habang abala kami sa paghahanda ng ipapakain sa ilang bata ay abala din sila sa mariing pagpukpok ng mga plastik na bote at makakapal na hibla ng bakal. Sa murang edad ay pagbabanat na ng buto ang pinag-kakaabalahan nila. Malinaw ito para sa dahilang makakita ng kaunting pera. Wari ko'y dapat pagsusunog ng kilay at paglalaro sa ilalim ng araw ang dapat nilang inaatupag. Sadyang malayo ang sitwasyo'ng ito sa nararapat na ideya ng kamusmusan. 

Tagaktak ang pawis nila, animo'y construction workers na sige ang kayod para sa gatas ni bunso at kanin para sa buong pamilya. Ang mga kamay na dapat sana ay saranggola at kotse-kotsehan ang hawak ay martilyo ng isang karpintero ang tangan. Malalim ang pinaghuhugutan ng bawat pagpukpok sa plastik na bote at mga kapirasong bakal. Lahat ng pansin, ang buo nilang atensyo, ang lakas at ang pagpupursigi ay nasa mga payak na kalakal na ito. Bawat tipak nito may hatid na pag-asa. Kada pagpukpok may hatid na pangako. Walang sinasayang na oras sa paglalaro. Walang malay na hindi dapat ganito.

Hindi ko napigilang malungkot sa kalagayan ng mga bata. Ramdam ko ang gutom ng dalawa. Gutom para sa pagkain, pera, kaluwagan, karangyaan at kamusmusan. Gutom na sa murang edad ay laging lumilipas.

11 comments:

  1. tama, sila na dapat nasa lansangan para maglaro, hindi ang magtrabaho....,

    :/

    ReplyDelete
  2. sad to face the reality hayyy

    ReplyDelete
  3. kaya siguro tayo "tinawag" ng tadhana para sa kanila'y kahit papaano, maibsan ang lahat ng bigat na kanilang nararamdaman.. kahit sa simpleng paraan lang ng pamumudmod natin ng mga damit at pagkain..

    ReplyDelete
  4. malungkot isipin pero sadyang ito ang katotohanan...paano kaya mababago ang sistemang bulok...

    sana dumating ang panahon,wala ng ganyan makikita sa lansangan.kahit sa ngayon eh alam kong suntok sa buwan.

    ReplyDelete
  5. Ibang iba sa usapan ng normal na mga batang may magulang, husto sa kalinga at sapat na makakain. sana sa ating munting makakaya ay makatulong tayo sa knila...

    ReplyDelete
  6. mga gantong senaryo and madalas na bumabasag sa puso ko </3

    ReplyDelete
  7. isang malaking sampal sa pisngi. *booom*

    ReplyDelete
  8. Awww. Kakalungkot ang katotohanan minsan. Laging may kudlit sa puso ko ito Mj.

    ReplyDelete
  9. awts.. nakakalungkot talagang pagmasdan ang ganitong scenery...

    ReplyDelete
  10. dami din niyan dito sa amin....nangunguha ng kung ano sa kalsada o basura para ibenta....malay natin baka ang dalawang bata na iyan matulad kay Isko Moreno...

    ReplyDelete

Say Wuht?