08 May 2012

Pahinging 1/4!!!


"class get ¼ sheet of paper!"

Ito ang isa sa mga pamatay at hindi mawawalang dialogue ng mga teacher sa high school. Mapa-public or private school ka man. Sigurado ako hindi ito "never heard" sayo. Ito rin ang cue na may quiz, surprise quiz o magsisimula na ito na ang quiz. Split seconds bago sabihin toh ni chicher ay manlalaki na ang mata ng mga estudyante. Karamihan maaligaga o matataranta. May mga mangilan-ngilan namang magbubukas agad ng notes para kahit papaano makapag-review. Yung iba naman malakas ang pananalig sa stock knowledge. At syempre ang pinaka-common at logic sa ganitong event ay ang pagkuha ng papel. May iba't ibang klase ng papel ang ginagamit depende sa haba at uri ng ipapa-quiz.

1 whole - ginagamit to kapag major quiz. Minsan kapag walang na-print na exam materials eto na din ang test paper. Tapos ipapatupi na lang sa dalawa hanggang apat, depende kung test I to test IV.

½ crosswise -  malaki naman ang silbi nito kapag obejective type, definition of terms and essay ang labanan. Tapos magdadagdag ka na lang ng another sheet kung ganado ka magsagot.

½ lengthwise -  effective naman to sa sandamakmak na enumeration at multiple choice. Madalas to gamitin kapag may long quiz.

¼ paper - eto naman ang pinaka-sikat kapag may mga surprise at short quiz. Mainam to gamitin sa pure multiple choice.



Kung may uri ng mga papel. May uri din naman ng mga estudyante kapag dumadating na ganung eksena.

Reliable source. Ito yung mga may pambili ng papel. Mayroon silang one whole intermediate pad, ½ crosswise, ½ lengthwise at ¼ paper. Naka-ready na yan lahat, hindi na kailangan maghati at magpunit. Kumpleto sila sa gamit, name it they have it!

Dependents. Kung mayroong reliable source, hindi naman mawawala ang mga wala. Ang mga walang pambili ng papel o sadyang mga tinamad lang magdala. Ito yung mga matataranta kapag sinabing may quiz. Hindi dahil sa hindi mga nakapag-review kundi dahil wala silang papel. Mga friendly 'yan, este kami pala. lol.

Taga-punit. From the word itself, sila yung masipag maghati ng papel. Yung mga very much willing at attentive kung sakaling ¼ o ½ ang nirerequire ni chicher.

Madiskarte. Kapag nagkakagipitan na at wala ng mahingian ng papel sila naman ang maasahan mo. Pipilas yan sa notebook. Pagkatapos sukatin ay hahatiin na. Makaraos lang.

Madamot. Ito naman yung marami siyang papel pero paisa-isa lang ang inilalabas niya para walang manghihingi. 

Maraming nakakatawa at di makakalimutang karanasan patungkol dito.

For sure na-experience mo na hatiin ang papel sa pamamagitan ng pagdila muna dito with matching laway para madali pilasin. Siguro nakipag-agawan ka na din kung kanino mapupunta yung upper portion na may malaking space kapag nahati na ang intermediate to ½ crosswise o yung ½ lengthwise to ¼ paper. Minsan maghahagilap ka pa ng makakahati mo. O kaya muntik ka nang hindi makapag-quiz kasi bawal manghingi sabi ni teacher. O di kaya sa kasamaang palad ay walang gustong magbigay sayo o nagkaubusan na ng supply. Tipong itinaob mo na ang buong bag mo, tiningnan lahat ng pahina ng notebook kung may nakasipit pa. At kung sinswerte ka may mahahanap kang gula-gulanit na. Last resort yun. Kaya no choice kundi yun na lang ang gamitin. Minsan paputian at pagandahan pa ng quality ng pad paper. Dito pa lang magkaka-alaman na kung sino ang mayayaman. Pang-mayaman yung may lining na light blue. Pangmahirap yung muka ng paper mache. Kung sineswerte ka pa eh magkakasiraan pa ng tropa dahil sa di pantay na hatian. OA much. 

Ilan lang to sa mga nakakatawang experience sa classroom. Paano na kayo sa next 50 years? May mga ganitong eksena pa din kaya? Lalo't nag-eevolve na ang mundo. Hindi malayong mapapalitan na ang mga bayaning pad paper ng mga iPad, tablet, note at iba pang handy dandy gadgets. Kung san virtual at cyber na lahat ng exams at quizes. Nakow. Mukhang madali na rin ang pag-kopya pag nagka-ganun. Nyowks.

Speaking of Pad Papers, ipa-plug ko na rin ang lagi kong hinihingian ng yellow pad nung college. Hahaha. Wagas. Sumegue lungs! Reliable source tropapips yan!

19 comments:

  1. hahahha bagay tong post mo sa blog ko hhiihi :)) ang detailed ah. nice one jheng :))


    oo nga no? sa susunod baka, class, get your tablet pc hihii

    ReplyDelete
  2. nandun ako sa madamot hahah

    ReplyDelete
  3. hahaha, meron yung mga student na perfect mag-punit ng papel at ang mga students na choosy kapag pangit ang pagkakahati sa papel. hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. natawa naman ako dito..isa ako sa choosy na ayw sa uka uka ang pagpunit, nanghihingi na nga lang eh hahaha

      Delete
  4. ako madamot din ako haha tama lang naman kase un, piso na nga lang sa katabing school supply store di pa nila magawa, :))

    ReplyDelete
  5. teacher: ok class, get 1/4 sheet of paper!
    me: 1/4 teacher?

    ...makes me miss the old schooldays ...

    ReplyDelete
  6. syempre pasok ako sa dependents lang hahaha.madalas yan.

    at syempre pampalubag loob sa hinihingian,ako na maghahati ng papel gamit syempre ang dila para madaling pilasin ika mo nga...LOL

    at syempre pag may papel naman ako.ndi ako mamimigay,dukot much lang ng isa...LOL

    ReplyDelete
  7. pinish or nat pinish, pas yur peyper :)

    ReplyDelete
  8. isa naman ako sa mga buraot noong high school na nanghihingi lang ng mga papel.. galing ng post na 'to.. reminisce.. hehe

    ReplyDelete
  9. ay so miss my high school days.. hahaha

    ReplyDelete
  10. relate!! hahaha

    penge 1/4!!!

    nakakamiss ang buhay estudyante...

    ReplyDelete
  11. this is cute.. yung ibang mga estudyante ko pumupunit sa notebook nila at pinipilit gawing 1/4 ang mga napilas na papel..haha

    ReplyDelete
  12. naku, parang ako yata yung madamot hahaha pero umi-effort ako na i-recycle yung ibang papel, like kung 1 whole, tapos yung kalahati e pwede pang gawin lengthwise or crosswise or 1/4, kina-career ko talaga, save mother earth lang ang peg hehehe :)

    ReplyDelete
  13. Hahaha dun ako sa tagapunit. Kahit hindi ko sariling papel. LOL Kung meron ako hati hati, pag wala, hihingi one whole tapos maghahanap ng kahati.

    ReplyDelete
  14. Naalala ko nung nagtuturo pako ng Chemistry sa high school (public) ---sasabihin mo na ngang BRING OUT 1/4 sheet of paper sa mga bata tatanungin pa nila kung lenghtwise or crosswise.pasaway lang.hahaha

    ReplyDelete
  15. naalala ko ang mga quizzes namin noon... lago akong nanghihingi ng yello paper... ahahah... bawal ang magdala ng isang whole pad... kasi mauubus lang yan... sa kakahingi... ahhaha

    ReplyDelete
  16. minsan di maiwasan kahit 1/4 na papel wala pa ang katabi mo....tapos hihingi sa iyo..

    ReplyDelete
  17. HAHAHAHAHAH tawa ako ng tawa. i was actually browsing through national bookstore's website and couldnt find any intermediate pad there, i need it shipped to me here in canada and we just dont have the same stuff, we have "loose leaf" pero iba padin ang intermediate. this is good stuff, nakapag reminisce ako saglit. haha funny :D oh philippnes, you're the best. and thanks for this blog, kinda made my day :D

    ReplyDelete

Say Wuht?