04 June 2012

Anyare


“Yeah bitter, but better.”

Bitter-bitteran ang peg, pero pinipilit maging hindi bitter. Where in fact bitter na bitter. Whatever.

Lately, para akong binudburan ng asin habang kumekembot sa gitna na patag na damdamin. Neutral, eto na marahil ang the best word na makakapag-describe ng estado ng buhay ko this past few weeks. Plain, walang burloloy, walang arte, walang masyadong palamuti. Pero hindi rin naman ganun ka-boring. Basta gusto ko lang manahimik sa kabila ng impeachment trial ni Corona. Isa pa hindi ko rin naman ‘yun napanood o nasubaybayan. Anyway, gusto ko lang ngumiti, gusto ko lang tumawa, gusto ko lang maging masaya. Walang iba. Hindi ko na muna inaasam ang paglabis at lalong hindi rin ang kulang. Basta tahimik lang ako. Ayaw ko magsalita, ayaw ko magdrama, ayaw ko maging etchusera. For a moment low profile muna.

Sabi ko nga, okay na ko ng ganito. Kaso biglang may umusbong na ampalaya sa tanimang pinuno ko ng mababangong sampaguita at pampalinaw ng matang kalabasa.

Oo ang bitter ko. 

Kasi bakit ganun. Hindi ko naman dapat nararamdaman 'to. Dahil alam ko sa sarili ko na lagpasan ko na ang bagay na ‘yun. Oo nga nalagpasan ko na nga, pero kailangan may ganitong effect pa din? Artey lang? PBB Teens???

Move on. Let go. Carry on. Nasasabi ko na noon na “I’ve been there, done that!”. Pero kung kailan naman na-eenjoy ko na ang tag-araw, tsaka naman bumuhos ang tag-ulan. Making me realize na hindi sa lahat ng pagkakataon maganda ang panahon. At hindi sa lahat ng panahon ay akin ang pagkakataon.

10 comments:

  1. totoo nga na hindi sa lahat ng oras, maganda ang panahon.. flexibility.. pagtripan mong minsan, mag-sun bathing.. minsan naman, maligo sa ulan.. kung may pagkakataon, grab.. kung wala, enjoy the moment to do other stuff.. naks.. hehehe

    ReplyDelete
  2. Nagulohan ako sa mga sinasabi mo, pero ang mahalaga maganda ka parin.

    ReplyDelete
  3. ako din naguluhan pero cheer up malalagpasan mo rin yan magiging ok din ang lahat pagkatapos ng ulan. =D

    ReplyDelete
  4. I'll be by your side... sasamahan kitang magmukmuk.. tumunganga.. ngumanganga... tumambling... at higit sa lahat.. umutot ng hindi na hahalata... oh yeah... para mafeel mo lang na kahit papaano e may karamay ka sa karumaydumay na sinapit ng mga sampaguita mo at kalabasang nanakawin ko sana kapag nahinog na... ehehehe...

    don't worry.. malalagpasan natin ito.. nalagpasan na natin yan... malalagpasan natin ito.. para harapin na naman ang panibagong hamong katulad nito... toinks...

    lastly... always remember this..

    "It Can't Rain All the Time" - Eric Draven (Brandon Lee from the movie The Crow)

    ReplyDelete
  5. tama. :)) na-add ko na nga pla xa bes, hnd pa ko inaaccept.

    ReplyDelete
  6. kulangot..bes... yan ang magandang gawin.. mangulangot ka.. para maging neutral ang lahat...

    ReplyDelete
  7. tama ka hindi lahat ng panahon ay iyo ang pagkakataon..dapat naligo ka na lang sa ulan,hehe....para kung umaraw man ay mag pa init ka sa kalsada sa sinag ng araw....joke..

    ReplyDelete
  8. kaya yan, malalagpasan mo yan :))

    ReplyDelete
  9. haha! cheer up! tama hindi lahat ng panahon ay pasko! ^^

    ReplyDelete

Say Wuht?