12 June 2012

Do More What Makes You WASTED

Lumipas ang isang oras...


"Nasaan na kayo ni Mayk?" sabi ko.


"Sa puso mo!" sagot niya.


"Yung totoo!?!" sabi ko.


"Sa puso mo nga!" sagot niya ulit.


"Ewan ko sayo!" asar na ko.


"Ewan ko din sayo!" lalo s'yang nag-asar.


Sabay baba ng selepono. Tapos tatawag ulit ako "Oh nasan na kayo? Lapit na ba kayo?"


"Andito pa rin sa puso mo..." 


Walanjo. Laging ganyan. Kaya minsan ayuko nang tanungin kung nasaang lupalop siya.


I admit, nafi-feel ko talaga paminsan-minsan na kawangis at ka-uri niya si Budoy.










Hindi ko siya masisisi. I admit na ganun din ako minsan, e. Hawa-hawa na siguro yown, rekta-rekta na.






Kaya nga naniniwala ako ng buong puso at isip na "birds with the same feathers super lipad together."


Ow yes. Madami-dami na rin kaming napagdaanan. Tulad ng San Juanico bridge marami na ding dumaan na pagsubok ang dumating sa buhay namin. At tulad nga ng peg ni Katarina at Daniel sa Walang Hanggan, e, ganon din naman ang naging effect namin sa buhay. Walang Hanggan. Bumangga giba.


Pero bago 'yan. Naghalungkat muna ako ng mga bagay sa baul na magpapa-alala ng ma-ala-instagram naming nakaraan.








Napakahilig niya talagang mag-sulat noon pa man. At hindi pangkaraniwan ang style niya sa pagsusulat. May kung anong ewan, weird pero artistic. Kaya siguro kami nagkasundo.


Five or six years ago habang naglalakad papunta sa school, sa Liceo, eh pinabuhat ko sa kanya yung dala kong paper bag. Nandon lahat ng libro ko, e, kasi wala pa kong laquer 'nun (oo ganan pa ang pagkaka-alam kong spell ng locker 'nun). May locker na ang kaibigan kong oso nang mga panahong 'yon. Nagmagandang loob siya'ng bitbitin ang paper bag ko habang buhat ko naman ang atachi case (tama ba spell?) at bag pack ko. Ako ang nauuna sa paglalakad, siya nasa likod. Naramdaman kong humampas sa pwet ko yung paper bag tapos biglang ilang hakbang pa lang, eh, bumigay yung paper bag ko. Bumulwak yung mga libro ko sa gitna ng pedestrian line. Pagkalingon ko sabi ko "oh anong nangyari?"/ Hindi ko alam kung maiinsulto, mababastusan o hahagalpak ako sa tawa nung isagot niyang "Eh kasi yang pwet mo ang laki-laki eh!". Imbes na mangambang nakahambalang kami sa gitna ng daan eh napatawa na lang kaming dalawa habang dinadampot ang mga libro ko. Bwiset na paper bag yan, iniwan ako sa ere. Langyang pwet yan, ipinahamak pa ko! Nasisi pa! Di 'ko 'yon makakalimutan sa tanang buhay ko. Pero I think nakalimutan niya na 'yun.


Anyway. Moving on...


"Bakit s'ya nandito? Ininvite ko ba s'ya? At bakit kayo nagho-holding hands? Kayo na ba?" 


Seryoso, nakataas ang kanang kilay at parang papatayin ako ng nguso niya ng ipakilala ko sa kanya ang unang lalaking ipinakilala ko sa tropa. 19th birthday n'ya 'non. Prangka at straight to the point, ala nang ligoy-ligoy, ala ng sabon-sabon, ala ng palabok, ala ng pagpapabango-bango. Sasabihin niya kung anong nakikita n'yang di kaaya-aya. "Bes naman..." Alam ko eto lang ang nasabi ko. Hindi naman ako makakapalag sa kanya. Bukod siya ang pinakamatanda sa barkada, eh, s'ya din ang pinaka-matured (may choice ba kami? hehe peace). Pero hindi rin naman n'ya ko napigilan, bwahahaha. At the end, minahal n'ya din ang taong minahal ko. Pero as usual, nangibabaw pa din ang pagiging "ate" niya sa amin. Those days... I've been there, done that! Charot!


"Nahihilo ako bes, nasusuka ako!!!" 


Ang sabi niya sa akin habang pagewang-gewang papunta sa sofa nila Bultrag, pero take note: nakangiti siya, yung pangiting aso pa. "Ginagago mo ba ko?" ang nasabi ko na lang. Pero tawa ako ng tawa sa kaitchurahan niya nung mga panahong 'yon. I believe hilo na talaga s'ya, willing naman akong akayin siya sa banyo sa pinakamalapit na paso sa bahay ng kaibigan namin. Pero imbes na mangibabaw ang concern ko sa kanya eh tinawanan ko siya't pinag-pepekturan. Nahihilo, nasusuka pero nakatawa? Sinong niloko mo??? lels


"Yeah I did my best..."
"...but I guess my best wasn't good enough. I'm totally WASTED."
Ow yes, we called our bonding moment as "wasted time". Making ourselves WASTED, any time is being wasted.


At dito ko nasubukan at napatunayan na kahit anong wasted ko, niya, namin eh hindi pa rin kami nag-iiwanan. Ano ba naman yung tawanan niyo ang isa't isa habang umiiyak toh, o kaya umiyak ka din habang umiiyak s'ya, bakit? wala lang. Or yung lait-laitin n'yo yung isa't isa habang kumakain kayo ng chooks to go. "Ang taba mo bes", "Ang payat mo bes, mukha ka nang bangkay.", "Grabe bes ano ba yang tigyawat mo! Angdami!" Ganyan kami mag-mahalan.




Hinding-hindi ko makakalimutan 'yung...


Patatas - patatas na niluto n'ya kasama ng corned beef bago kami magfield trip nung 4th year high school kami. Doon kasi kami nag-overnight sa bahay nila. As  usual s'ya ang nagluto ng breakfast. Pagakagat sa corned beef, hmmmm... sarap... maalat-alat. Nung kinagat ko ang patatas... "Ano toh? niluto mo ba? Ang tigas eh!" Walanjo! Ginawang asin, nilagay sa kawali nung paluto ang corned beef. Binaon na lang namin. Kinahapunan lumambot naman s'ya. Nalata na.


Doodle book - s'ya ang nagbigay nang pinakaiingat-ingatan ko ngayong notebook. A million thanks talaga!


Unang hosting career - ginawa ba naman kaming host nung 18th bday niya. Pakiramdam ko doon nagsimulang bumagsak ang career ko. Anyway, proud naman s'ya sa mga pinaggagawa namin.




Blog - mahabang kwento kung paano ako nagsimulang mag-blog. Pero sa history siguro ng blogging career ko (meron ba?), e, di mawawala ang ginampanan niyang papel. Siya ang dahilan kung bakit ako napunta sa blogspot. Kahit pa nasa Tate siya nun at ako dito sa Pilipinas nagmumukmok eh gumawa s'ya ng paraan para turuan ako mag-blog. Gumawa pa s'ya ng mga tutorial video sa youtube para sa'kin. I labs yow for that!


Gitara - may kasalanan kasi ako sa kanya. Hiniram ko 'yung kauna-unahang gitara niya. Kasi trip ko lang. Tapos binaha 'yung bahay namin, nadamay yung gitara niya. Ayun nasira. So sabi ko pag yumaman ako papalitan ko yung gitara n'ya. Take note : Pag yumaman ako.


Self-confidence - di ko toh maitatanggi. kamusta naman ang pagsasayaw, pagkanta at kung ano pang talent na ini-youtube niya. Wala talagang tatalo sa fighting spirit ni Poks! Ugatet! Sabi na eh di nagkamali ang Batinghaw Dance Group na kunin ka nung high school tayo. hahaha




Narcissistic - wala lang, bukang bibig niya kasi toh lage.


Pagmay nang-away sa amin. Kow, humanda na sila kay super poki!!! Bumangga giba!


Nung mawala si Mama one week s'yang tumira samin para samahan kami sa bahay. Kahit pa minsan eh wala ako sa bahay, s'ya andun pa din. Nanirahan s'ya na parang taga dun lang din. Nakita niya lahat ng iyak at hinagpis ko, namin. Sa lahat ng 'yon isa lang ang ginawa niya, di niya ako at kami iniwan. Lahat ng hagod, lahat ng pagpapatahan ginawa niya na siguro. 


Masyado nang mahaba 'tong mga sinasabi ko. Eh ang gusto ko lang naman sabihin ay...


"Happy Birthday BES POKLAY! Labs na labs kita. Alam mo yan! Makakapasa ka, don't worry!!! God is with you."


Alam mo lahat ng wish ko sayo ay lahat din ng winiwish mo para sa sarili mo. Kung maari lang ay ipag-novena ko ang mga nasa bucket list mo. Basta 'yon na 'yon!


Dito na lang tayo sa pekture mag-celebrate at mag-inuman. Kampay!






"DO MORE WHAT MAKES YOU WASTED, FOR IT WILL BRING YOU THE UNFORGETTABLE HAPPINESS."


29 comments:

  1. swerte ka sa pagkakaroon ng mga kaibigan na katulad nila.. hehe

    ReplyDelete
  2. Bes. WAIT TATAWA MUNA AKO... HAHAHAHAHHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! Leche!

    Una kong napansin eh magnanakaw ka ng picture! Ninakaw mo lang yan lahat sa latest post ko eh! HAHAHAHA.

    Pangalawa, OO tama ka.. hindi ko na maalala yung sinasabi mong bumangga yung paper bag sa pwet mo.. pero naaalala ko pa din na malaki pwet mo.

    Leche ka, pinost mo pa yung video ulit.. medjo nahihiya ako, pero okay na din.. wala naman ako masyado pake.

    Ngunit higit sa lahat.. madaming salamat sa post na ito.. dahil napasaya mo ako ng bonggang bongga! :)

    I love you bes. Hmwuah!

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa dami ng nirereview mo para sa board exam alam ko hindi mo na matatandaan 'yon! tandang-tanda ko 'yun kasi para tayong tanga nun! gusto nga kitang murahin nun eh! hahahaha

      i love yow tow!

      Delete
  3. Happy birthday kamila ng buhay ko! galing ni mj. miss ko na kayo mga walangya kayo mgskype nmn tau!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. walangya ka din! mag-aaya lang ng skype may walangya pa! walangjo ka bes! haha

      Delete
  4. weee.. si kamila ba yan ;) happy bday sa kanya...

    ReplyDelete
    Replies
    1. ow yes walang duda kundi si kamila yan!

      Delete
  5. happy birthday MJ... kaya pala sabi mo kahapon BUsy ka.. birthday mo pala... ano nakapag pabunot ka na ba ng ngipin????

    masaya ang pagkakaibigan niyo ng best freind mong iyan.. sino nga ulit yan?? blogger din ba???

    masarap magkaroon ng isang matatawag na grupo, tropa o kaibigan... ako wala akong masyadong kaibigan... loner kasi ako... I always move and live alone... pero marami naman kong kakilala.. sobrang dami... wala rin akong mga kagrupo.. o ka barkada.. alam mo na... always nasa isang tabi lang ako... nakanganga mag-isa... lika samahan mo akong ngumanga... ahahahaha

    maswerte ka at nagkaroon ka ng isang kaibigan, ate at kadamay sa lahat ng kakulangan, kapilyahan, kalokohan at kagagahan... maswerte ka talaga... may matatawag kang isang tunay na kaibigan... peksman... tumaba man ng sobra si Kamil....

    Happy birthday kay Kamil (maya bisita ako sa blog mo...)...

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahahaha. ang haba naman nito. akala ko blog post. char!

      ang drama mo! andito naman kaming mga friends mo, sige pag-uwi mo samahan kita ngumanga. lol

      Delete
  6. Isa sa mga panulat mo na naenjoyed ko. Happy birthday super poki. LOL.

    anyway, sana makabonding ko kayo, one time. Si Kamil lang naman ang unang nakilala ko dito sa blog sphere.

    Happy birthday ulit Kamil at Happy Mother's day sa mama mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. malapit na yan. uuwi ka na diba? kaya makakabonding mo na kami!

      Delete
  7. huli man at magaling huli pa din

    ako'y babati ng maligayang kaarawan kay marekoy...

    maligayang kaarawan sayo

    cchhheeerrrsss sayo jheng

    ReplyDelete
    Replies
    1. si kamila po ang may beerday! cheers for him, este her pala! haha

      Delete
  8. ang cool-et ng video. hehe. happy birthday sa kanya!

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga ang coolet, siya lang sa amin ang may kakayahan gumawa niyan.

      Delete
  9. haha kampay o wag masyadong pakalasing ha :) happy birthday sa iyong bes!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha wag masyado nga, para di mawasted!

      Delete
  10. you are truly blessed to have such good friends :))

    ReplyDelete
  11. ang kulet nga ng vid. haha super friends talaga kayo ah, at ang mga sulat natawa ako ng bongga =D

    happy belated birthday kay sis kamil. ang ganda ng samahan nyo. more years to come sa friendship nyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat sis! sana ma-meet ka namin :)))

      Delete
  12. Nasaan ang comment ko? Wala sa puso mo pero nasa blog mo. Jejej!

    Sabi nga ni Jaid, more years to come sa friendship n'yo. :D

    ReplyDelete
  13. naaliw akong tunay sa post na ito ..lalo na sa letter ..ahahha

    :)

    ReplyDelete
  14. Felice inizio settimana a Te...ciao

    ReplyDelete
  15. mag bestfriend talaga kayo....ayos iyon...

    ReplyDelete

Say Wuht?