06 June 2012

KM3: TINIG (May Mukha ang Tinig)




May sistema ang pag-iisip, may laya ang damdamin. Katulad ng hindi maipaliwanag na mahika ng pag-ibig may mukha ang bawat tinig. Tinig ng salita, pag-iisip at gawa. Isinalaysay, isina-tinta at ipinahiwatig ng malaya. 

Sa Pilipinas largado ang lahat sa pagpapahayag ng diwa. Ang lahat, bagama't pinag-buklod ng lipi, ay may bukod na disposisyon na sila lamang ang makakapili. Isa ang bayan, iba't iba ang mamamayan. Puntong Pilipino, may wangis ang tinig at pagbaybay nito.

May tinig na may himig, kay ganda sa pandinig. Kalakip ng musika, isinasalaysay sa pamamagitan ng awit. Nakilala sa buong mundo dala ang ngalan ng perlas ng silangan.

May tinig ng katapangan. Malayang ipinahahayag ang kaloobang palaban. Nasaksihan natin sa Edsa, sa Mendiola, sa harap ng munomento ng mga bayani, sa embahada ng bansang uma-alipusta sa lahing kayumanggi. Hangad ay pagbabago at pantay na karapatan.

May tinig sa saliw ng wikang banyaga. Kinilala't nanguna ang abilidad ng Pinoy sa lumalagong industriya kung saan pagsasalita ng wikang Ingles ang puhunan.

May tinig ng intriga, nakasanayang tsismis ng madla. Malaman, mapanira, mapag-puna, may dagdag, may bawas. Likas sa may matatalas at makakating dila.

May tinig na pinid. Pinagkaitan ng pag-batid o 'di kaya'y binusalan ng pera o pananakot sa bibig. May nais iparating ngunit may pangamba kung sakaling marinig. Kabado ang dibdib, nabubuhay na parang kuliglig. Munti ang tinig, minamaliit ng mapanuring nagmamasid.

May tinig na agresibo. Walang pakundangan sa mga salitang binibitawan. Malakas ang loob sa pakikipagtalastasan. Bato-bato sa langit ang tamaan ay huwag magalit. 

May tinig para sa pagkakaisa, sa kalayaan, sa pakikipag-ugnayan, sa pagkaka-unawaan, sa pagmamahalan.

Ang tinig ng bayan ni Juan ay maraming kulay at anyo. Sa pagdaan ng panahon, patuloy na nagpapakilala sa mundo. Pinasok ang iba't ibang larangan at nagbigay ng bagong larawan. Imaheng sumisimbolo sa katangian ng lahing palaban kahit nagigipit sa pagtahak ng ma-ugoy na daan. Binigyang buhay ang mga tigang na damdamin at kaisipan. Pinatlangan ng boses ang mga salitang gustong magkaroon ng saysay at kahulugan. Higit pa sa nakasanayang paraan ng malayang pagpapahayag. Mula sa payak na bahag, si Juan ay nagkaroon ng bagong gayak.




------------------------------


Salamat KM3 !!! Sana'y marinig mo ang tinig pasasalamat ko.

32 comments:

  1. kumpleto 'to at alam kong may magandang tinig din.. may ilalaban 'to sa patimpalak.. good luck sa ating lahat..

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku marami pong salamat kuya jh :) sa sinabi mo pa lang winner na ko. hehe

      Delete
  2. ayus! Mabuhay si LuzViMinda! At ang kanyang mamayan! Ang husay na daloy. Parang yung sinauna. Galing madam!

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku salamat po ser joey! sino si luzviminda? lols

      Delete
  3. MGA BOLERO!! HAHAHA! ayos 'to kras! keepitap & gooluck!!! xD

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe.. hindi na pwedeng bolahin pa si MJ, alam na niya 'yun..

      Delete
    2. @PaQ - ahaha talagang me ganun! selos ka naman? echos lang! haha

      mga bolero kayo >_< pinapaikot niyo ko parang kulangot. ahaha anodaw?

      Delete
  4. hala mali ka ng titulo disqualified ka.. okay nabasawan ako ng isang kalaban. lols hahahah gandahan mo pa pre!

    ReplyDelete
    Replies
    1. buti sinabi mo, ehdi nabago ko! hahaha

      eto na yun, sagad na, wala nang igaganda pa! lels

      Delete
  5. ang husay!!!... goodluck po!!! :D

    ReplyDelete
  6. ang ganda.
    makabayan ang tema.

    ReplyDelete
  7. ayon oh, ang husay naman nito.

    kadaming kagagandang entry. isa na ito atekoy :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. kow! natuwa naman ako sa sinabi mo. mula sa nag-iisang istambay eh masaya akong marinig yan! :)

      Delete
  8. at isa pang malupit na entry!

    ReplyDelete
  9. matapang ang tinig mo mj!

    mahusay!

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat kuya jay!

      ang galing ng iyo! ikaw na!

      Delete
  10. hindi nalalayo sa tema ..

    magaling katukayo.

    Goodluck sa iyo ..

    :)

    ReplyDelete
  11. ayan na! baka this is your time to shine na hehe

    :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. sana nga bro! hahaha magdilang anghel ka sana!

      Delete
  12. bilib ako tinig ng katapangan kasi pinapakita nila talaga sa publiko ang hinanakit....kagaya ng mga nagproprotesta....balewala sa kanila ang takot o banta....at tama may tao din na ang nais sabihin ay hindi masabi dahil binayaran ng pera...halimbawa nito ay ang mga testigo..

    ReplyDelete
  13. mahusay ang pagkakagawa.. mahusay ang pagpapakita... maganda ka MJ.. maganda ka...

    may Tinig ang bawat tao... may kulay ang bawat salita...

    tara na sa EDSA at ipaglaban ang naglahong demokrasya... nyahaha...

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat sa "maganda ka" hahahahaha. panalo! haha

      Delete
  14. Kung gaano ka kaganda ay ganun din kaganda ang akdang ito.

    Maganda dahil kumpleto sa lahok. Tama ang timpla. Hindi matabang, hindi nakakaumay, masarap at hindi mapapanis kailanman.

    May mukha ang tinig. Kung anong klaseng mukha iyon ay doon na lamang sa nagtuturing.

    Ipinapakita ng akdang ito kung hanggang saan ang kayang abutin ng tinig ng isang Pilipino. Kahit saang larangan- tayo'y makararating sa mga tinig natin.

    Maraming salamat sa pakikilahok sa KM3

    ReplyDelete
    Replies
    1. teary eyes...

      tnt. salamat sa "ganda" portion. hahaha

      sa sinabi mo pa lang winner na ko :) kahit di ako manalo :)))

      Delete

Say Wuht?