23 June 2012

Unexpectedly

"Beep! Beep! Beep! Beeeeeeeeeeeeeeepppppp!"

Okray naman 'tong dyip na sinasakyan ko. Hindi magkumahog sa pagbusina. Trapik, stranded sa masikip na kalsada at sa kainitan ng araw. Eh, mabuti na lang nakataas ang trapal nitong dyip ni manong. Malayang nakakapasok ang kakapiranggot na ihip ng hangin.

As usual, nakadungaw lang ako sa bintana. Naiinip, nagmumuni-muni, paihip-ihip sa bangs, naka-kalumbaba, naiinitan. Hay nakakabanas.

"Ang ganda mo pa rin kahit pinagpapawisan ka..." bulalas ng lalaking nasa bandang kanan ko.

Maliwanag pa sa sikat ng araw ang ngiting gumuguhit sa labi niya. Ang pagtitig niya ay parang pagtawid sa kahabaan ng SLEX - oh em, nakamamatay. Matangos ang ilong, nakasalansan ng maayos ang buhok. Mabango, walang duda - gwapo.

"Hindi ako nagsasawa at magsasawang tingnan ka... I love you..."

Shet, kinikilig ako.

"I love you too..."

Ang sabi naman ng babaeng kanina niya pa katabi.

Ang sweet naman ng dalawang 'to. Sarap bangasan ng mga bangs, imbyerna!

Napatingin na lang ako sa cellphone ko. Pinagana ang Music Player. Now playing: Love Song for No One by John Mayer. Napapikit ako at umayos sa pagkaka-upo. Habang dinadamdam ang bawat linya ng kanta at ang tugtog.



09-john Mayer Love Song For No One


"Searching all my days just to find you. I'm not sure who I'm looking for. I'll know it. When I see you..."

Sana nga makita kita, 'wag sana akong mainip at mabulag sa iba. Hay...

"I could have met you in a sandbox. I could have passed you on the sidewalk. Could I have missed my chance and watched you walk away?"

Ewan, malay ko?

"I'm tired of being alone, so hurry up and get here. I'm so tired of being alone. So hurry up and get here..."

Hay... Buntong hininga sabay bukas ng aking mga mata sa pagtatapos ng musika.

Wala na pala yung lovers sa tabi ko. Wala na rin yung ibang pasahero maliban sa lalaking nasa di kalayuan, nakaupo malapit sa estribo ng dyip.

Nakabaling siya sa direksyon ko.

Maliwanag pa sa sikat ng araw ang ngiting gumuguhit sa labi niya. Ang pagtitig niya ay parang pagtawid sa kahabaan ng SLEX - oh em, nakamamatay. Matangos ang ilong, nakasalansan ng maayos ang buhok. Mabango, walang duda - gwapo.

"Ang ganda mo habang natutulog ka." ang sabi niya.

Napatingin ako sa likod ko. Wala namang ibang tao kundi ako, siya at si manong driver.

"Mas maganda ka pala kapag gising ka." sambit pa niya.

"Ako???" ang nasabi ko na lang habang itinuturo ang sarili ko.

Ngumiti siya. Itinango ang kanyang ulo.

Hindi ko na rin napigilang ngumiti habang umiiling ng bahagya. Totoo ba to?

Kinikilig ako.

Wakas.

18 comments:

  1. sa mga ganyan talaga nag-uumpisa eh.. hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahahaha. oo nga eh, sana nga maumpisahan ko din ng ganyan.

      Delete
  2. HUWAT ah kwento... hahahahahaha totoo na ba ito.. hahahahaha

    ReplyDelete
  3. woah! dumamoves si kuya! di niya kinuha number mo? hanggang jan na lang nagtapos ang lahat?

    ReplyDelete
  4. bitin! come on tuloy mo pa! hehe

    :))

    ReplyDelete
  5. haha...shit! kinilig ako don...LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. ako din eh, pademure na kilig! haha

      Delete
  6. wala akong pakialam kung totoo ito o guni-guni mo lang. Basta masarap basahin, parang itong kinakain kong spanish bread, ang sarap!

    ReplyDelete
    Replies
    1. nakow maraming salamat kuya habib!

      Delete
  7. siyet. nakakakilig nga yung ganyan. totoo ba to?siyet. hehehe

    ReplyDelete
  8. Ang ganda ng background music..PANALO! Tumambay talaga ako para makinig. MAGANDA po sinulat nyo kahit di ko pa nabasa, page pa lang---relaxing na..maganda...maganda..

    ReplyDelete
  9. siguro balang araw ay muli kayong magkikita....congrats pala at nanalo ka sa pakontest ng TINIG....

    ReplyDelete

Say Wuht?