02 July 2012

BMIM: Ikatlong Sabak

Walang imposible, walang hindi maaari, walang makakapigil, wala ng pero-pero, walang ng "eh kasi", wala ng "baka ano eh". Ang mayroon lang ay ang mga kaisipang may pagnanais mag-abot ng kamay at magbahagi ng bukal sa puso.


Higit pa sa tagumpay, higit pa sa salitang "nakaraos din" matapos ang sabak, higit pa sa saya na makitang nakangiti ang bawat isa, higit pa sa pagtulong, higit pa sa lahat. Higit pa sa kaya kong ipaliwanag kung "gaano kasaya". Hindi matumbok ng mga salita ang mga damdaming ubod ng ligaya --- Ansaveh??? Ayan tuloy kung ano-ano na nasasabi ko, saya kasi eh. LOL


Wala na kong masabi, kundi masaya, nakakataba ng puso, nakakabusog ang mga ngiti ng mga bata, nakakawala ng pagod at puyat ang mga salitang "thank you po ate". Yung feeling na "wooh heaven adre!". 


Hindi magiging matagumpay ang BMIM o Blog Mo Ipasuot Mo kung wala ang pagtulong, pagdadasal, suporta at pagsisikap ng bawat isa. Kaya saludo ako sa inyo mga BMIMers na sumabak at nakiisa sa likod nito, lalo na sa mga isponsors, hehe. 


"It's showtime! lels"


Hindi lang ang mga bata sa lugar namin ang napasaya ng grupo kundi, walang duda, ako din. Sinubok man ng bagyo ang ikatlong sabak, hindi pa rin ito nagpapigil. Salamat salamat salamat sa lahat. Isa itong "Epic". Isang himala kung paanong nagkasya ang singkwenta sa lagpas isang daan. Isang biyaya na maibahagi ang ating mga biyaya. Baw.









--------------------------
Gusto mo din bang sumabak?
Tara tena!

Iba pang eksena:


16 comments:

  1. muli, maraming salamat sa hospitality ng corillo family tsaka sa mga baranggay officials ng lugar niyo.. matagumpay ang Pangatlong Sabak dahil na rin sa efforts niyo.. salamat ng napakarami..

    ReplyDelete
    Replies
    1. maraming salamat BMIM, bahagi kayo ng buhay ko... woot! drama! hehe

      Delete
  2. gusto ko sumama sa mga ganyan ninyo.

    ReplyDelete
  3. Replies
    1. punta lang po kayo sa page ng BMIM at ilike ito sa fb para maksagap ng balita kung kelan ang muling sabak :)))

      Delete
  4. congrats sa inyo at alam ko hindi eto ang huli...
    kip it up...

    ReplyDelete
    Replies
    1. opo hindi pa ito ang huli... sama ka sa susunod kuya palaka!

      Delete
  5. Pasama naman sa susunod! Mabuhay KAYO!

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo bossing sama ka sa susunod! balitaan kita :)

      Delete
  6. maganda ang layunin niyo...more power...

    ReplyDelete
  7. kongrats sa ikatlong sabak!


    :jayrulez

    ReplyDelete

Say Wuht?