09 July 2012

Deja Vu


“I’m Mark…”

Ang sabi niya habang naka-umang ang palad niya, nagbabadyang saluhin ang kamay ko para makipagkilala.

“Hello…” iniabot ko ang kamay ko.

Ang lambot ng kamay niya. Banayad. Mukhang mabango. May parang tumibok sa ‘kin. Hindi ko mawari kung sa palad ko ba o sa puso ko.

“And you are?”

“Hello…” Megad! Walang ibang nagpa-flash sa utak ko kung hindi HELLO, naba-blackout ako.

“Yes???” Medyo kunot ang noo niya, nagpapahiwatig na medyo naguguluhan na s’ya.

“Yes… I’m Jhen…” muntik ko ng makalimutan yung pangalan ko. Anubeyen. Buti na lang nahulasan kaagad ako.

“Ang haba ng pila noh?”

Hindi, hindi kaya, kanina pa nga ko nandito eh. Obvious ba?

Oo nga eh.” Ayan. Ayan nga ang naisagot ko. Mukang di gumana ang pagka-pilya ko this time. Mukha kasi s’yang kagalang-galang, disente. Tipong hindi nakikipag-biruan. Ewan ko lang din. Pero mukha naman s’yang mabait.

“OFW ka?” bigla ko na lang naitanong. Mukang sablay kasi yung sagot ko kanina. Oo nga eh. Bitin, parang ang labas tuloy ayaw ko magkaroon ng conversation sa kanya. Oh so, talagang gusto ko magkaroon ng conversation sa kanya? Wait! Nara-rattle ako. Pinagpapawisan ako hindi dahil sa init, inip at sikip ng pila dito. Parang kinakabahan ako na ewan. May kung ano sa tiyan ko. Eh hindi naman ako gutom. Basta.

“Sana… For requirement na ko as a nurse sa Dubai. Ikaw?”

“Talaga? San sa Dubai? Pareho pala tayo. Sa Dubai din ako, receptionist sa Burj Khalifa.” Bigla akong na-excite. Parang ngayon pa lang gusto ko ng lumipad pa-Dubai.

“Wow! What a co-incidence! Kailan ang flight mo?”

Baka earlier this August… Ikaw?” Takte! Bakit August ang nasabi ko? Eh, sa September pa alis ko. Excited lungs? Halatang nagba-buckle ako!

Sana this September, unconfirmed pa kasi eh.”

Yown! Nabuhayan ako sa sagot niya.

“Anyway, can I have your number so we can meet each other if ever nasa Dubai na din ako?”

Sabi na eh, eto talaga ang ending nito, I mean ang umpisa pala. Umpisa ng love story namin. Shaks! Agad-agad?

“Yes! Sure! Eto yung numb…”


Aray!” Powtek! Ang sakit! May tumapak sa paa ko. Kasaparan na ng tulog ko eh! Badtrip naman oh. Tss.

“Sorry Miss! I’m really sorry!”

Sorry sorry ka jan! Ang sakit sakit kaya! Lintek! Ayan parang dumugo ata. Oh no.

Pwede ba tingnan mo yang…” Aww. Nagulat ako pagtingin ko sa taong naka-apak sa ‘kin.

”Sorry talaga... If you don’t mind gagamutin ko ‘yang paa mo. My first aid ako dito.” Bigla niya na lang sinunggaban yung paa ko. Nakakahiya. Pero tiningnan-tingnan niya muna. May pinahid s’yang kung ano. Medyo mahapdi, pero keri lang. Tapos nilagyan niya ng band aid.

“I’m really sorry… Hindi ko sinasadya.”

Ahh okay lang. Anyway thank you, ginamot mo.” Ang amo ko sa part na ‘to. Anyare?

Walayun. Kasalanan ko naman eh.”

“Ahh okay…” Natameme ata ako. Wala akong masabi eh.

“By the way…” Dahan-dahan n’yang sinabi ‘yun. Parang nag-slow motion. Ganyan.

“Yes?” masingit ko lang, ang haba ng dead air eh. Kroo kroo

“I’m Mark…” Ang sabi niya habang naka-umang ang palad niya, nagbabadyang saluhin ang kamay ko para makipagkilala.

“Hello…”

Teka. Parang nangyari na ‘to?

-Wakas-



Paunawa: Kathang-isip lamang :)

15 comments:

  1. doggone.. aalis ka na pala? makakasama ka pa kaya sa pang-apat na sabak? wala na kaming second muse nyan.. pero, good luck adre.. hehehe

    ReplyDelete
  2. Hehe..cute ng story..pang shake rattle and roll. :D

    ReplyDelete
  3. ahahaha dapat sinapak mo hahaha bayolente agad-agad. Pero teka totoo to? Mag Burj Khalifa/Burj Dubai ka? Pasalubong ng Camel pagkauwi mo hahahah. (di pa nga nakaalis pasalubong kaagad?)

    ReplyDelete
  4. naks mag dudubai sya haha! parang infinite yung love story nyo ah..makikipag kilala xa tas may aapak sayo tas makikipag kilala xa ulet then maaapakan ka nanaman then makikipag kilala nanaman sya bwaha!

    - nagbabalik sa blogger world. - Xan wahahahaha!

    ReplyDelete
  5. iba yung naalala ko sa huli.
    Yung commercial ba.
    Hahaha.
    "I'm Mark, and you are...?"
    "I'm Gaah~!"
    Hahahaha. Close up? LOL. XD

    ReplyDelete
  6. hindi yan kathang isip hehehe repeat til fade

    ReplyDelete
  7. yung totoo?? aalis ka na?

    hehhe

    sana mgkaron din ako ng ganyang luv story .. lolz

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang ibig mo talagang sabihin eh>>

      Yung totoo, aalis ka na? Iiwan mo na ako?

      Huhuhu

      Sana magkaroon din ako ng ganyang luv story, na ako yung kasama mo.. lolz <3 mwah mwah tsup tsup


      TnT pards!

      Delete
  8. umaapaw ang aliw factor. nabitin ako ang bilis ng ending talagang wakasan.

    ReplyDelete
  9. good luck sa iyo sa pagpunta sa Dubai sa September.....

    ReplyDelete
  10. Bagot ang pangalan mong tunay ay Mark

    ReplyDelete
  11. natawa naman ako sa comment ni kuya akoni. naging horror yung love story sa kanya wahahaha

    anyway..ang kyut lang naimagine ko lang yung kilig kung totoo to hahaha

    ReplyDelete
  12. woooohhh! /hango sa tunay na buhay.
    ang ganda. hehe. napagana nya imahinasyon ko.

    ReplyDelete
  13. Teka... Ito yung mga lab istori na ano eh... Na may mga titigan, buckle buckle, nawawala ang dila.. Ay nako Kambalelong, wag kang sumasama kay MD! Tignan mo mga nai-imagine mo! XD

    ReplyDelete

Say Wuht?