27 August 2012

BMIM: Ika-apat na Sabak


"Im sooo eksaytoood!" eksaherada na kung eksaherada. Sadyang ganyan ang nararamdaman ko tuwing sasapit ang araw ng sabak ng BMIM o Blog Mo Ipasuot Mo. Ito yung araw na hindi kayang pigilan ng malakas na ulan at matinding init ng araw ang kagustuhang makapaghatid ng payak na ligaya sa mga piling bata. 

At laking pasasalamat ng grupo sa bigtime na pagtulong ng SG Pinoy Bloggers - samahan ng mga blogero't blogera sa bansang Singapura. At syempre, ang walang kapagurang pagtulong ng indibidwal sa BMIM. Mula sa paghahanda at paghahatid ng mga kagamitan sa napiling lugar ng sabak, sa registration, sa pagkakabit ng tarpaulin, sa (walang kamatayang) pagdidisiplina na tumahimik at sumunod ang mga bata, sa pagdadasal, sa maikli at pampasiglang ehersisyo, sa palaro, sa story telling, sa pagkuha at pagdodokumento ng mga kaganapan, sa pagdi-distribute ng pagkain, tshirt, school supplies at iba pa. 

Organized. Yan ang top most mindset ng grupo bago pa ang araw ng mismong sabak. Organized things are the result of organized thoughts. Yan ang tanging inaakala namin. Ngunit, sapagkat, datapwat, kahit gaano pa kaplanado ang lahat, may ibang pwersa pa rin na nakaapekto sa itinalagang maayos na daloy ng kwento. Oo, sobra, as in sobrang kulet lang ng mga bata. Siguro given na yung kulet sa mga bata, pero iba yung pagka-kulet nila. Ibang level. Minsan hindi na pambata. Pero kebs pa rin. Lagi ngang sinasabi nina Kuya Jesse at Pablo "Para sa mga bata!". Kaya't para sa kanila ay kinaya ng bawat isa ang lahat.

Lamang pa rin ang ligaya kaysa paubos na pasensya. Ang mga batang ito, bigyan man nila tayo ng sakit sa ulo at nginig sa buto, walang pag-aalinlangan ko pa ring sasabihing "nakakataba ng puso" ang pasasalamat at walang dayang ngiti nila sa bandang dulo.

Marami pang ipanganganak na bata. Hangga't patuloy ang supply ng T-Shirt sa mundo at buhay pa rin ang diwa ng mga blogero't blogera, magpapatuloy pa rin ang saya. Marami pa ang susunod na sabak.  










At para maka-silip sa naganap na sabak, panoorin lang ito (baka sakaling ma-enganyo ka sumama):



Kung na-enganyo ka, punta ka lang dito:



Related post:
http://tksalaulasatinta.blogspot.com/2012/08/blog-mo-ipasuot-mo-4th-sabak-solb.html


9 comments:

  1. sana mas lumawak pa.. tsaka matuloy na yung libro.. hehe

    ReplyDelete
  2. keep it up guys!!! marami pa tayong batang pasisiyahin...:D

    sayang dehins ako nakasama... sadness lang.. :( wahhhhhhhhh.... mei susunod pa naman di ba? di ba? di ba?... :(

    ReplyDelete
  3. pahingi ako ng shirt hehe,
    gusto ko sumama honestly, schedule ko lang tlga ang problema :(

    ReplyDelete
  4. gusto ko ang samahan na to... very inspiring... pangarap ko rin ang mga gawaing ito..

    ReplyDelete
  5. Likas daw sa mga Pilipino ang ningas kugon.

    Pero kaya nating baguhin 'yan dahil damang dama ang diwa ng bayanihan. Sa munting paraang ito, lagi kong ikinukunsiderang munti pero dahil sa sama-samang paniniwala at saya, lalawak at lalawak ito hanggang sa ang ningas ng kugon ay maging sunog sa kagubatan ng Pilipinas. Sunog na magpapainit sa mga puso ng batang tinutulungan nating mangarap na may iba pang buhay bukod don sa kinamulatan nila.

    Kung ang iba, pagsigaw sa kalsada ang paraan upang mamulat tayo. Itong atin naman ay ibang paraan din.

    Salamat sa opurtunidad. At sa mga nais maging kabahagi, 'wag kayong mahiyang lumapit.


    ReplyDelete
  6. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete

Say Wuht?