28 August 2012

Hapis


Napakalawak ng mundo. Napakaraming tao. Sa araw-araw kong pag-pasok sa opisina, sa bus pa lang, halos siksikan na ang mga pasahero. Doble ang siksikan sa MRT. At konting ire pa sisikip na rin sa mga mall. Sa dinami-dami ng taong nakakasalubong ko, nakakasakay, nakakasabay, nakakasalamuha, nakaka-usap, nakakatinginan, nakakangitian, nakakasama… Iisa lang ang nagbigay ng kakaibang hilatsa ng ngiti sa mga labi ko. Iisa lang ang naglagay ng makinang na ningning sa mga mata ko. Iisa lang ang taong nagpatibok ng puso ko. Sa dinami-dami ng nagmamahal sa ‘kin… S’ya lang ang tanging minahal ko rin, ng lubos at sa tingin ko... Walang hanggan. At sa dami ng pwedeng mang-iwan... S’ya pa... Bakit s'ya pa na hindi ko kayang mawala sa buhay ko?

Gusto ko ng tumalon mula sa itaas ng condo. Hawak ang bote ng mapait na alak, walang tigil ang pagpatak ng mas mapait na luha. Tila walang katapusan ang paghikbi. Halos di ko na mawari ang paligid. Konting oras pa ng pag-alaala sa sakit, baka hindi ko na mapigilan ang sarili. Baka bukas makita na akong nakahandusay sa sahig. Dumulas ang bote ng alak sa kamay ko, nauna nang nahulog at nagkalasog-lasog. Handa na ko. Gusto ko nang matapos ‘to. Inilapat ko na ang nanlalamig na kamay sa bakal na humaharang sa biranda. Paahon na ako para bumagsak nang biglang may humawak sa kanang kamay ko… Napalingon ako at nagulat sa taong pumipigil sa pagtalon ko. Hindi ako halos makapaniwala... Walang iba kundi ang taong pinakamamahal ko.

Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng mas marami pang luha. Akala ko nauubos ang mga ito. Niyakap ko s’ya ng mahigpit na para bang hindi na ako sisikatan ng araw bukas. Walang katapusan ang mga tanong na puro “bakit?” kalakip ang ‘sanlibong sakit. Ilang minuto pa ay pumagitna ang nakabibinging katahimikan. Ayaw ko nang matapos ang sandaling ito. “Kailangan ko nang umalis.” ang tangi n’yang sinambit. Muli akong napayakap sa kanya ng mahigpit, hindi ko alam kung kakayanin ko pang ngumiti.



“Chikee… Chikee… Gising na… Gumising ka na please…”

“Ahhhhmmmm… Ano ba yon???” ang hapdi ng mata ko, ang hirap idilat.

“Gumising ka na… Magmumukmok ka na lang ba dito sa condo mo? Magbihis ka na…”

Dito na lang ako… Wala ako sa mood.”

“Hay Chikee… Kailan ka magiging nasa mood? Tingnan mo nga ‘tong lugar mo ang kalat! Tapos pagpasok ko kanina sabi nung guard naghagis ka daw ng bote ng alak kagabi.”

“Paki-alam ko sakanila???”

“Ano ka ba neng??? Ito ba gusto mong mangyari sa buhay mo? Magbihis ka na. Bilisan mo!”

“Ayaw ko! Please lang May! Ipipilit mo na naman ba?”

“Pero Chikee??? Kailangan mong pumunta. Hindi sa pinipilit kita. Pero kailangan mong harapin lahat ng ‘to.”

“Hindi ko kaya!” halos maghalo ang nginig at sakit.

“Kayanin mo… Please… Kahit sa huling hantungan man lang... Chikee, sana makapag-paalam ka sakanya...” 

Hinawakan ako ni May ng mahigpit at nauwi ulit ako sa walang hanggang hinagpis.

11 comments:

  1. ang hirap magbigay ng komento nito.. nawala din naman ang ilan sa mga naging malaking bahagi na ng buhay ko.. dumaan ang lungkot.. pero katulad nilang mga "umalis", nawala lang din naman yung lungkot.. mahirap pero ganun talaga, eh.. may mga kailangan pang gawin at tuparin eh.. kahit na wala na sila.. ewan ko lang.. pero ganun sa akin eh.. hehehe

    ReplyDelete
  2. nakkalungkot nmn tong kwentong to ... mahirap tlga tanggapin lalo na ang isang bagay na totally mawawala na tlga ng permanente

    ReplyDelete
  3. nakakagulat naman ang ending, akala ko simpleng break-up lang ang peg, may tegi portion pala, kalungkot.

    ReplyDelete
  4. ang galing! ang lungkot pero angdun un story...
    bagay na bagay un salitang hinagpis

    ReplyDelete
  5. angas neto ah.. susuggest ko 'to kay kuli.. :) astig!

    ReplyDelete
  6. Ang drama, baka ayawan to ng MMK pag pinadala sa kanila, dahil baka di kayanin ng mga tao ang drama nito.

    ReplyDelete
  7. if this one's real, it hurts. sana makaya ni chikee!

    ReplyDelete
  8. ito ang pinakaayaw kong mangyari sa akin baka matulad din ako kay chikee. haaay

    ReplyDelete
  9. -_____- waw pang oarang ang drama neto ah.

    ReplyDelete

Say Wuht?