03 August 2012

Now I know

Naisip ko lang…

Paano kaya kung magkasabay kami sa daan? Sa isang lugar? Sa isang di inaasahang pagkakataon? Paano kung dumating yung panahong may iba ng naka-akbay sa balikat ko? Na mayroon nang kamay na gagapi sa palad ko? Paano kung may mahal na kong iba at s’ya, na dati kong minahal, ay nakatingin mula sa aming harapan? Paano ko sasabihin? Paano ko sila ipapakilala sa isa’t isa? Paano kaya magbabangga ang mga nakakailang na tingin? Ano kayang mararamdaman n’ya sa sandaling maayos na ang lahat sa akin? Na naka-usad na ko sa buhay ko at tuluyan ko nang tinalikuran ang pag-asa na muling magsasalo ang aming mga damdamin? Paano?


Walang tigil ang pagpatak ng ulan nang araw na ‘yun. Wala ring humpay ang pag-ihip ng malakas na hangin, dahilan para kanselahin ang klase sa unibersidad namin. Nagpasya akong umuwi na lang ng bahay kaysa magpalipas ng oras sa dormitoryo. Ayaw ko lang mabagot habang tinitingnan ang sarili sa salamin. Wala rin naman akong makakausap na matino, hindi kahit ang aking sarili. Sadyang magulo ang isip ko, lalo na sa katahimikan at kawalan. Ayaw kong mapag-isa, ayaw kong lumagay sa tahimik ng walang kasama. Ang dami kong naiisip. Punong-puno ng imahinasyon ang kapirangot na utak. Aktibo, walang pahinga sa paggawa ng hinuha, tuloy-tuloy ang takbo kahit napapagod na ako.

Nag-aabang ako ng dyip sa may di kalayuang waiting shed sa dormitoryo. Basa na ko ng ulan, halos magkagutay-gutay na ang dala kong payong. Aligaga ang mga pasaherong kasama kong nag-aabang, akala mo’y mauubusan ng oras at dyip na masasakyan. Nakikipagsiksikan sila, nakikipagbalyahan, bahala na kung maapakan at may maapakan. Humupa na ang malakas na ulan, tanging ambon na lang ang kumakalat sa daan. Wala na rin ang mga pasahero, tanging ako na lang.

Huminto ang isang dyip sa kintatayuang paradahan. Sa wakas. Sumakay na ako ng walang pag-aalinlangan. Naupo ako ng maayos sa hanay ng tsuper. Umandar na ang dyip at huminto na ang ambon. Tahimik na napa-bugtong hininga ako ng malalim, lumakas ang kabog ng aking dibdib. Muling naghalo ang mga nilalaman ng aking isip, napatigil ang mga mata at bibig sa pagngiti. Sapagkat sa aking harapan, sa dyip na aking sinasakyan, naka-upo ang dati kong mahal. Nakaakbay ang bisig n’ya sa isang babae, nakatuon naman ang ulo nito sa kanyang balikat. Walang duda, hindi na nahaluan ng pagtataka ang aking palagay. Hindi ko rin alam kung paano sila susulyapan. May bago na s’yang kasintahan. Nakakailang ang katahimikan. Nahiya ako sa paraang hindi maipaliwanag.

Ngayon alam ko na kung paano. Ipinamukha na ang sagot sa mga tanong ko. 

15 comments:

  1. fiction ba ulit ito o totoo na?

    ReplyDelete
  2. habang may buhay, may pag-asa.. hehehe

    ReplyDelete
  3. naisip ko din yan, at hindi ko alam kung ano'ng magiging reaksiyon ko pag nagkataon. baka mapatay ko ung ipapalit niya sa akin lol

    ReplyDelete
  4. hmm.. naiisip ko rin yan dati.. tingin ko, ganun lang din, dedma, kunwari walang napansin, hihi..

    ReplyDelete
  5. napaisip tuloy ako. haaay masakit to. im sure.

    ReplyDelete
  6. simple..I'll kill 'em both, tsos!

    ReplyDelete
  7. ganun talaga.... naramdaman ko na rin yan dati...noong unang panahon.. nyahahahhaha

    ReplyDelete
  8. lasunin! Lasunin silang dalawa sa pamamagitan ng iyong mga titig.

    ReplyDelete
  9. sakalin mo na agad silang dalawa... eahahhahah.....

    ReplyDelete
  10. tanggapin na iba na ang mahal niya....ang akala mo na siya ang unang makakakita na may iba kang mahal ay nabaliktad.....ikaw ang unang nakakita na may iba na siyang mahal....

    ReplyDelete
  11. pagbaba nilang dalawa itsismis mo sa mga co-passengers na nag 1-2-3 sila... whahaha

    ReplyDelete

Say Wuht?