20 September 2012

Seryoso mukha.

Parte ng pagmamahal ang masaktan. Kung handa ka na magmahal, dapat handa ka na rin masaktan. Sabi nga nila...

May isang plato ng spaghetti sa lamesa. May handaan ata sa kapitbahay. Wala pang bawas, ang dami, sobrang dami. Inupakan ko na, konti lang kakainin ko - pantawid gutom. Habang kumakain bigla akong napa-isip nang pagkalalim-lalim...

Lumipas na ang panahon. Kumupas na ang maganda at pangit na larawan mula pa noon. Malumanay na ang daan. Wala na kong iniisip na maaapakan. Tapos na. Ako’y tuluyang lumaya na. Mula sa gabing di mapakali. Mula sa mga taong wari ko’y di makaintindi. Pinili kong lumayo upang linawin ang isip. Naglakad ako ng mag-isa habang kausap ang sarili. Tinalikuran ang huwad na saya. Paulit-ulit na sinabing “hindi maaaring hindi ko ito makaya”. Binakuran ng pananalig at lakas ng loob ang pagpapasya. Bumilang ang panahon, inabot ng halos taon. Nakakangiti na ko, nakakatawa ng todo. Nakakatulog na nang maayos, nakakakain ng lubos. Laking pasalamat ko talaga sa Diyos. Nakawala na ko sa malubhang pagkakagapos.

Iwas na ko ngayon sa gulo. Kung maaari, lalayo na ko sa tukso. Sabi ko sa sarili ko “Ayaw ko nang mabigo!”. Pero napakaimposible namang di ako matalo dahil parte ito ng buhay sa ibabaw ng mundo. Kaya ibinulong ko na lang nang may diin na “Huwag mong hayaang saktan ka nila ng todo.”. Gusto ko lang mamuhay ng matiwasay. Nang walang tinatapakang ibang buhay. Lahat naman tayo gustong sumaya ng tunay. Hindi ba? Pero lahat tayo ayaw ding masaktan. Eh sino bang baliw ang may gusto?

Sa kabila ng lahat, hindi ko naman isinumpa na hindi na ako muling ngingiti ng dahil sa pag-ibig. Sabi nga ng kaibigan ko “kalma kalma lang”. Parang sa inuman, wag masyado magpaka-bangag, magtitira ng pang-uwi. Ang puso parang alak, lulunurin ka hanggang sa mawala ka na sa wishu. Kaya huwag mong hayaang kumulat ito hanggang utak. Isuka mo na kung di na kaya.

Sa nagdaang araw, naging masaya ulit ako. Ewan ko kung paanong napunta doon. Basta na lang sumulpot parang kabute, kumapit ng wala man lang pasabi. Pero kebs lang. Dahil nakikita ko na ulit ang sarili kong nakangiti nang mag-isa at kinikilig nang wala namang kasama. Sa sobrang saya kaya ko pa ngang magsampol to the tune of Oppa Gangnam Style. Ganyan. Dumaloy naman ang lahat ng kalmado. Hindi nagmamadali, hindi naiinip, hindi rin naman paralisado ngunit batid kong hindi ito sigurado. Pero may mga bagay na sadyang hindi natin maipipilit. Kung ipilit, pupusta kong kapalit nito ay malubhang sakit. Kaya nanatili itong malaya. May laya ngunit malabo. Walang titulo, walang pag-amin, kung san di mo na alam kung ano ang totoo.

Gusto ko na nga sanang angkinin ang motto in life ng kaibigan ko - “kalma kalma lang”. Ang kaso, kahit anong ituro at itarak mo sa iyong puso, may sarili itong sistema na minsan hindi kayang pigilan ng pag-iisip mo. Hindi ba’t ang isip ang may ulo? Pero bakit ang puso mas matigas na akala mo’y may sarili na s’yang ulo? Itigil na natin ang salitang ulo, baka kung ano pang maisip mo.

Dumadami na naman ang tigyawat ko. Napupuyat lang ba talaga ako at napapagod? Akala ko nga ay ayun lang ang pinagdadaanan ko. Konting kibot lang nasasaktan na ko. Eh wala naman akong masasabing KAMI. Sabi ko hindi na ko magmumura. Pero tengeneng peg-ebeg yan! Seryoso mukha, with feelings. Dafuq. Konting sakit pa lang pakiramdam ko ay igagapos ulit ako ng mahigpit sa isang matinding sakripisyo at sakit. Bakit ako natatakot? Bakit ako takot na takot?

Nilagay ko na ang plato sa lababo. Hala! Naubos ko lahat!!! AMP.

13 comments:

  1. putek. sapul ako kapatid! ayos.. kilala ko na yang walang kayo.. hahaha. :))

    ReplyDelete
  2. ganyan din ako minsan. sa hinaba-haba ng pansit bihon at sa kalung-kutang gusto mong ibaon, ikaw rin lang pala ang uubos at lumamon!

    ReplyDelete
  3. drama mode kaya pala naubos lahat ng laman ng pinggan lol

    ReplyDelete
  4. hahahahhaha.. sa sobrang emotera ng isip.. nakaubos ng gabundok na espageti... lol!

    ReplyDelete
  5. hahaha..ayan naubos tuloy...kay lalim ng iyong inisip...burp!

    ReplyDelete
  6. ang deep pero atleast busog ka. heheheh :)

    ReplyDelete
  7. oo kasi naman. kalma kalma din. lels.

    ReplyDelete
  8. ayos! si cheenee ang naiisip cu dito nagcomment na pala sya.. haha lalim naman nito sis.. di halata sayo..

    ReplyDelete
  9. Minsan ano eh noh, ang laki ng hugot ng post na 'to. *hug*

    ReplyDelete
  10. nakakarelate ako ng kunti pero hindi sa dulo. wala naman kasi akong new someone. so stuck ako sa part na sumaya kahit mag isa. hihihi ang tindi lang ng pinaghuhugutan nito.

    ReplyDelete
  11. tiyak busog....ilan kaya ang pimples mo ngayon,hehe...

    ReplyDelete
  12. nakaka emote naman hehehe ^___^ naubos din ang spag hehehe mukhang may pinaghugutan talaga ^^

    ReplyDelete

Say Wuht?