04 September 2012

SLAMBOOK ni POTPOT ft. Al Diwallay





Lumipas na naman ang ilang linggo, hindi ko na naman naisakatuparan yung sinabi ko. May pa slambook-slambook month pa kong nalalaman. Puro kaechosan lang men! At dahil malapit na ang pasko, kinakailangan ko nang i-publish 'to. Para malaman ng mga taga-basa ko, mga isa o tatlo, na pwede n'yong gawing ninong ang susunod nating SLAMMER. Hindi lang si Willie Revillame ang big time, hahaha! At since nandito s'ya sa Pinas ngayon, saktong-sakto 'to, pangbala para sa pasalubong. LOL. O s'ya, wag na 'tong patagalin. Ang dami ko na namang ka-ek-ekan sa buhay.

Lesdudis!

I-spluk mo na yan Kuya Al Diwallay ng Mga Sulat ni Al Diwallay (paulit-ilit lang?).


Part 1: Easy Round

Personal Information

Name: Al Diwallay
Nickname: Ditz (layo no? dahil yan kay Diether Ocampo)
Age: I was 24 when I stop counting
Marital Status: Single forever…
Location: Anywhere







Blog Profile

Blog(s): http://www.musingan.com
Blog objective/purpose(if any): ekspres lang ng pilings ko… tapos makisunod at makisabay….
Blogger since: I am blogging since my first website was uploaded to the internet last 1999… take note 1999 hah… visit this http://members.fortunecity.com/coolmonkey/ kaso dahil sa naaddik ako sa drugs eh este nakapagwork ako ng 4 years sa Tawi-Tawi napabayaan ko na website ko.. di ko alam na nag-update na pala sila at di ko na mapasok ang site na yan… so yun… good bye ala-ala na lang ang lahat…. Nawala na rin ang mga links,,., sayang…
Blog influence: Wala ata eh… Bob Ong na lang…
Describe your blog(s): anything under the heat of the sun… isa kasi yan sa pinaka broad at bold na topic eh..
Paano ka nag-umpisang mag-blog: naguumpisa ako sa pagtitipa ng isang simpleng salita at nagwawakas ako sa pagpopost nito…

Describe the following:

Yourself: “Sa unang tingin ay antipatiko… pero sa ikalawa at ikatlong tingin,.. antipatiko parin… Cute at Pogeee daw ayun sa sarili ko…. Self-driven, focus, motivated at higit sa lahat… palaban.. yan ang katangian ni AL na aabangan natin sa PBB House..”
Love: “is a name of person, place things or any idea.”
Death: “will come eventually… even though you won’t wait for it.”
Pain: “These wounds won't seem to heal, this pain is just too real
There's just too much that time cannot erase”
Happiness: “is an action words and the one that describes a noun…” 

Favorites

Food: “Anything basta halal at maanghang…”
Hobby: “Magic, Art, Blog, Pizza, Pasta at saka mag Jacuzzi sa banyo kung wala ang mga kasama..”
Singer/Band: “RHCP, Parokya…”
Song: “Dami eh… pero ngayon addik ako sa Fliptop… lalo na kay Dello…”
Color: “Orange / Green / Black”
Book and its author: “wala eh.. basta maganda oks na sa akin.. siguro Bob Ong.. abnkkbsnplAko”

Part 2: Average

Give new meaning to the following:

WTF : “watdapak”
FU: “pakyu ka”
SOP: “Likas papaya ang Soap ko”
ASAP: “Best Host nila si Ogie at Janno”
LQ: “Low Quality”
TL: “Trulili”
LOL: ahahahhah,…mas ulol ka kesa sa akin,,, (mIRC days)”

What and Who

What is your most unforgettable moment? “Pilgrims to Mecca (Performing Hajj)”
What is your most embarrassing experience? “Ang iniyak-iyakan ko siya,.. pinaglaban-laban… kunulam-kulam… pakyu siya… pakyu… naghulog pa ako ng kahoy na nakabalot ng berdeng tela sa dagat… natusok ng karayum… hmmmp..”
What drives you every day, to strive and survive? “makauwi ng Pinas at maging mayaman… magkaroon ng sariling negosyo… maging kilala sa larangang napili ko…”
What is your motto in life? “It’s now or never… tomorrow never die …..1990’s pa yan ahahahah.. this is my most favorite line… see my very first blog post.. mababasa niyo yan doon…”
What are the simple things that make you happy? “Allah”
What is your greatest dream? “Honest to goodness, to become rich and famous…. ngayon ko lang yan naging greatest dream. Ayaw ko na maging dukha… ayaw ko ng kaawaan… ayaw ko ng alipustahin.. .. ayaw ko ng maging tanga… sabi nga ni Rose Marie Amenta.. may expirations daw ang pagiging tanga….”
What are your unique talents? “kaya kong umutot ng di nahahalata ng ibang tao…”
What are the weird things about you? “ahahhahah… hala… di ako nagsusuot ng brief… boxer short lng… tapos di ako makatulog kung may bed sheet ang kama ko… dapat wala…nilalagyan ko ng chili powder ang cheese curls na kinakain ko or kahit anong chips pa to….”
What/Who completes you? “as of now.. wala… kaya apply na kayo…”
Who is your crush? “wala rin… manhid na ata ako.. pero I think gusto ko ng Honda Accord… pangarap ko talaga yan.. kung bibili ako ng kotse.. yan ang una kong bibilhin.. o di kaya kahit RAV4 lang…”
Who is your first kiss, except your parents/relatives? “ahahahha… ang hayop na dancer sa night club nayun… siya ang nakauna at nakabinyag sa akin… as in all the way… including… eheem…alam mo na… salamat sa JS Promp namin noon 3rd year High School ako….”
Who is your hero? your idol? your great influence? “Society… the society is my greatest influence…. We base everything we do on what we saw and see…. Copycat tayong lahat… at nakiki-uso… aminin mo man oh hindi… yun ang totoo (perfect)… kaya ka nagboblog dahil sa tingin mo kaya mo rin ang ginagawa kong pagboblog … echochera ka e… like wise.. kaya ako nagboblog dahil sa tingin ko kaya ko rin gawin ang ginagawa nilang pagboblog…”
Who is your favorite blogger? “Me, Myself and I…. ahahahha…. Pero minsan lahat ng nasa blog roll ko minsan pinagtyatyagaan kong basahin ang mga sinulat nilang kaek-ekan..”

Part 3: Difficult

Please answer seriously.

Kaninong cartoon character mo maihahalintulad ang sarili mo at bakit? 
“kay GARFIELD… kasi pareho kaming tamad pero parehong biboo…”
Kung gagawing telenovela ang buhay mo, anong title nito at sinong artista ang gusto mong gumanap bilang bida? 
“Title: Nang maging Bida ang Altrabida, Actor: Romnick Sarmienta,”
Kung manalo ka sa lotto ng 100M, saan at paano mo ito gagastusin? 
“ahahhaha… bibili ako ng bahay at lupa… magtatayo ng negosyo…kukuha ng mga tauhan.. gusto ko maging parang pinuno ng mga goons sa pelikula.. ahahhaha… trip lang naman… pagbigyan na…”
Kung bibigyan ka ng chance maging member ng super friends o mas kilala ngayon sa tawag na justice league, anong super power meron ka at anong pangalan mo? 
“Power ni Goku ng Dragon Ball… lagot na yan sa akin si Wonder Woman na yan… makikilala akong si The Amazing Libog-Man…”
Kung magkakaroon ng pambansang gulay, ano dapat ito at bakit? 
“Ampalaya…. Bilang sagisag ng mga bitter na tao”
Kung mabibigyan ka ng pagkakataon maging isa sa bananas in pajamas, sino ka? 
si B1 ba o si B2? “Bakit? “Ahahhaha… actually wala akong napanood kahit isang palabas na tungkol sa kanila… kaya wala akong clue about them….”
Kung babaguhin mo ang nakasanayang tunog ng tawa from hahaha, hehehe, at hihihi, ano na dapat? 
“gagokagagokagagokagagoka..”
Kung ikaw si Elisa, bakit hindi ka na lang naging si Budoy? 
“Di ako nanonood niyan… PBB4 tayo.... gusto mo…”
Sino sa mga artista, local o foreign, ang sinasabi nilang look-alike mo? Kung wala huwag ipilit please. 
“ahahhaha…. Tom Cruise daw.. joke… noong bata pa ako.. sabi nila kamukha ko daw si Romnick Sarmienta… noong bata pa ako hah… tapos naging si Wendel Ramos ng makatapos na ako ng collage… ahahah joke.. wala akong kamukha”

Part 4: Bonus Round

Dedication to Potpot

Dear Potpot… natutuwa talaga ako at naging kaibigan kita… atleast anytime na gugustuhin ko nang kumuha na ng kotse eh maytutulong na sa akin sa pagpili kung anong kurso ang kukunin ko sa university of recto (one-five lang.. may university degree ka na at masteral pa).. pag kagraduate ko ikaw na magaasikaso na ng car loan ko…… at nagpapasalamat rin ako.. kasi tuwing nakikita kita now sa FB, e naaalala ko ang minsan na pumunta kami ng potipot Island sa Zambales dahil sa pangalan mong PotPot at Jhengpot… nga pala… maganda ka pala lalo na kapag nakanganga… kaya ngumanga ka lang parati.. lalo na kapag namamasyal ka sa Mall… sana sa munti mong proyekto ay maipaabot mo kay kongresman na ang pork barrel niya ay hindi pa nababawasan… nga pala ulit pakisabi kay Mayor na magsusumbong daw ang kanilang Miss Muntinlupa Universe kapag di siya nito binigyan ng iPhone 4s.. kahapon may nadaanan akong isang boutique ng mga damit panlalake… nagustuhan ko ang isa sa mga binibentang bistida doon at jacket… kaya mamaya baka daanan ko yun ulit.. para malaman ko kung gusto ko pa ba siya o hindi na.. para mapatunayan ko na rin kung totoo ang kasabihan na “1st impression is last…”… hay buhay… yung pusa sa amin… nanganak ng anim na kuting.. pinabayaan ng nanay niyang pusa… inampon ng Nepalese naming Driver ang mga anak… ewan kung ano na nangyari sa mga kuting… basta gabi-gabi… masasarap ang ulam nila.. di ko alam kung anong meat yun.. basta camel daw… pero parang hindi eh.. parang ngumingiyaw sa bibig kapag nginuya mo..…. Well ang gusto ko lang sabihin is salamat at inanyayahan mo akong sumali sa munti mong pakulo kahit na labag sa kalooban ko eh sinagot ko narin.. mema lang…as in memagawa lang sa araw na ito… ano na nga pala ang nangyari kay Pinoy Big Blogger Project mo… ehehehhe… Yung pagkain ng mga bata.. ako na bahala… ayan.. sinabi ko na… award ko asan na???.. pati yung pera ihuhulog ko na lang dito… damputin mo na lang doon… yung para kay kumare nga pala… pakisabi na lang…. si kumpare.. mukhang inaahas ka niya.. sabihin mo subukan naman niya kamong asohin ka o kaya dagain….

Salamat Salamat Boom Boom Boom!!!


- musingan


-END of SLAMBOOK-

Mga naki-slam:

7 comments:

  1. hahahahhaha.. dami kong tawa.. at least mei nakilala na akong mga datihan na rin.. medyo inaatake ng katam kaya di nakakapagblog hop... sa huli.. nag-enjoy pa rin akong magbasa.... ! yey!..

    ReplyDelete
  2. hahaha ang kulit lang ng mga sagot ni Al...
    panalo ang ur 1st kiss eh

    ReplyDelete
  3. nabitin ako sa dedication ang iksi derik.

    ReplyDelete
  4. haha mga sagot ni kuya al nakuu ikaw na ang may pinakamaikling dedication haha =D

    ReplyDelete
    Replies
    1. huy... pumunta kami kanina sa mega mall.. dinaanan namin ang Comic Alley... ehehehe.. tapos saka kami dumaan sa art gallery sa taas...4th floor...

      Delete
  5. Ahahaha... tagal na nito... kinalawang na ata sa sent item ko... I think Feb pa... kung di ko pa niremind nakalimutan na.. ehehehe ... anyway.. ngayon ko lang napansin ito... di kasi ako nakakapagnet.... mobile lang gamit ko... salamat dito.. i remember i enjoyed a lot answering this...

    ReplyDelete

Say Wuht?