24 September 2012

SLAMBOOK ni POTPOT ft. Madz




"Istafet!!!" - Pamilyar ka ba sa salitang to? Eh eto "Ugatet!". Kung hindi banyaga sayo ang mga salitang yan, malamang kilala mo din ang taong nagbibigay boses at buhay sa mga 'yan. Oo! Tama ka! Walang iba kundi si Barney! Amaaazzzing diba? Tsarot! LELS. Syempre bibitin ko muna kayo ng kaunti. Magkekwento muna ako...
Noong panahong uso pa ang dougie, nakatagpo ako ng isang binibini. Nagkakilala kami sa nauusong twitter. Bigla na lang nagkakulitan, nagpasabog ng kanya-kanyang kaepalan at kabibuhan. Pakiramdam ko nakahanap ako ng katapat sa kakulitan. Hanggang sa nagka-asaran na sa mga kaniya-kaniyang labteam - yes! gumaganun lang?!? Hanggang sa nabuo ang isang samahan, pagkakaibigan at kaar-TEH-han. S'ya din ang isa sa mga naging daan kung bakit ako napasama sa BMIM at iba pang outreach program. Mabilis n'ya kong naco-convince. Panatag ang loob ko sa kanya. Masasabi kong s'ya ang itinuturing kong pinaka-ATE sa blogosperyo. Sa maikling panahon naging malalim na rin ang pinagsamahan namin. Kow, iyakan na toh... chos! Basta, no words can express how thankful and happy I am na nakilala ko s'ya. Kahit san ako mapadpad, kahit anong mapagdaanan ko, alam ko makaka-asa ako sa kanya. Tulad ng isang ate sa isang pamilya, naniniwala s'ya sa kakayahan ko at nasasabihan ko sya ng problema at mga bagay na hindi ko masabi sa iba. Pati mga kinahihiligan namin nagbabangga. Kaya naman hindi ako magdadalawang isip na i-treasure tong binibini na ito...
O s'ya, napahaba na yung kwento ko. Kinabog na tong slambook n'ya. TNT. Kaya eto na s'ya... Ang nag-iisang QB Master at Mutya ng blogosperyo...



Si Ate Madz ng M(.)(.)d Swings!









Part 1: Easy Round


Personal Information

Name: Maridel  
Nickname: Madz, Mutya
Age: 25
Marital Status: Single
Location: Mandaluyong










Blog Profile

Blog(s): Mood Swings (http://itsmadzday2day.blogspot.com)
Blog objective/purpose(if any): share my thoughts
Blogger since: 2009
Blog influence: none
Describe your blog(s): full of romantic stories with sad ending (sobrang bitter lang sa buhay)
Paano ka nag-umpisang mag-blog: sort of diary nung hs (napaghahalata ang edad) kasi biglang tinamad magsulat sa notebook


Describe the following:

Yourself – fickle-minded
Love – misunderstood
Death - inevitable
Pain - temporary
Happiness – choice


Favorites

Food: sandwich lalo na yung sa Subway
Hobby: stalking (joke lang)
Singer/Band: Up Dharma Down
Song: Oo
Color: none
Book and its author: Five People You Meet in Heaven by Mitch Albom


Part 2: Average

Give new meaning to the following:

WTF wash thy hands
FU  fired up
SOP sobrang olay pare
ASAP  ang saging ay prutas (bow!)
LQ  last question
TL training leader
LOL last one laughing

What and Who

What is your most unforgettable moment?

-    seeing my dad for the first time

What is your most embarassing experience?

One time, sobrang napasarap yung tulog ko. Lahat na ng tao sa compound namin sinisigawan na ko sa bintana para gisingin ako. Yung iba nga binabato na ko ng kung anu-ano. Pero wala pa rin,tulog mantika pa rin ako. Pagkagising ko kinabukasan ang sama ng tingin sa kin ng housemate kong nasarhan sa labas.

What drives you everyday, to strive and survive?

Understanding that life is beautiful and there’s always something out there waiting to be discovered.

What is your motto in life?

Impossible =  I’m possible :)

What are the simple things that make you happy?

-    A smile, a hug and a kiss :)

What is your greatest dream?

-    To die wearing a smile on my face knowing that I have LIVED the life given to me.

What are your unique talents?

-    I can do everything… in my OWN way and I think that’s what makes it different and unique with everybody else. :)

What are the weird things about you?

-    sabi ng mga housemate ko para daw paloob akong bumahing, ewan ko ba di ko magets sinasabi nila

What/Who completes you?

-    Me!

Who is your crush?

-    si opismate aka boy lollipop (di ko pa alam pangalan niya)

Who is your first kiss, except your parents/relatives?

Classmate ko nung grade 4, ninakawan ako ng halik sa pisngi (di na lang nagsabi, e di sana nakaganti ako LOL)

Who is your hero? your idol? your great influence?

-    my mom :)

Who is your favorite blogger?

Fiction – Duking
Humor – Jepoy
Personal - Salbe
Art – Teacher Mots
Inspirational – Marvin
Travel – Pinoy Adventurista /Mervin


Part 3: Difficult

Please answer seriously.

Kaninong cartoon character mo maihahalintulad ang sarili mo at bakit?

Yung babae sa daddy long legs kasi parang ganun din ako, may fictional someone sa buhay ko.

Kung gagawing telenovela ang buhay mo, anong title nito at sinong artista ang gusto mong gumanap bilang bida?

Tinimbang ka ngunit kulang.. ang numero sa timbangan -- Biggest Loser ang peg para mabilis din akong papayat (oo ako dapat ang gaganap). :P

Kung manalo ka sa lotto ng 100M, saan at paano mo ito gagastusin?

Kung single pa ako - Babayaran ko muna lahat ng utang namin. Magpapatayo ng apartment. Invest sa stocks. Educational plan para sa pamangkin ko tapos time depo din para sa kanya. Memorial plan. Baka pwede pang magput-up ng foundation tapos hahanap na ko ng asawa. Tsaka pala travel (yung naka seat sale pa rin :P)

Kung married na – Babayaran ko muna lahat ng utang namin. Magdadagdag ng apartment. Acquire ng stocks.  Educational plan at time depo para sa pamangkin at mga anak ko. Memorial plan. Magput-up ng cooperative o pag kasya pa, foundation ulit. Tapos travel with my family.

Kung bibigyan ka ng chance maging member ng super friends o mas kilala ngayon sa tawag na justice league, anong super power meron ka at anong pangalan mo?

Purifier – Higanteng version lang ng water refilling station.  Sa sobrang laki ng capacity ng bahay-tubig ko pwede ko ng higupin yung baha (ewww) at gawing potable water. Say bye bye to Maynilad! LOL

Kung magkakaroon ng pambansang gulay, ano dapat ito at bakit?

Kalabasa. Dahil ito ang paborito ko. Bow! :)

Kung mabibigyan ka ng pagkakataon maging isa sa bananas in pajamas, sino ka? si B1 ba o si B2? Bakit?

Si B1 na lang kasi di ko feel maging number 2.

Kung babaguhin mo ang nakasanayang tunog ng tawa from hahaha, hehehe, at hihihi, ano na dapat?

Ayoko nang baguhin gusto ko na lang mas madalas kong marinig at gawin.

Kung ikaw si Elisa, bakit hindi ka na lang naging si Budoy?

Sorry, kapuso here. :)

Sino sa mga artista, local o foreign, ang sinasabi nilang look-alike mo? Kung wala huwag ipilit please.

Donna Cruz dahil daw sa dimples. (ganda ng reasoning noh?)


Part 4: Bonus Round

Dedication to Potpot (freestyle, kahit gano kahaba at anong sabihin mo pwede, basta para kay Potpot)

Dear Potpot,
Tinapos ko talaga ‘to ngayong buwan dahil nagbabakasali akong ipopost mo ‘to sa araw ng birthday ko. Hindi ako nagpaparinig at hindi rin naman ako namimilit. Ang akin lang eh… friends tayo di ba? Lels
Hanggang ngayon binubulungan ko pa rin Siya at sinisisi kung bakit naging magkaibigan tayong dalawa…

ng ngayon lang. 

Pero ayun nga sabi ng gasgas at walang kupas na quote nangyayari daw ang mga bagay-bagay ng may dahilan. Ayoko na lang isipin na yung dahilan na yun ay para masira ang buhay ko. LOL 
Seryoso, salamat dahil nakilala kita. Hindi ko man mailista lahat dito kung bakit, ramdam mo naman siguro na naaappreciate ko ang presence mo (ikaw pa lang kaya ang nakilala kong gusto ang updharmadown :D). 
Looking forward to things and happenings shared with you.  God bless.

Love lots,
Madz 


Dear Ate Madz,

Naiyak ako, chot! Wabyu! Alam mo yan :) Marami pa tayong pagsasamahan. Mabuhay ang mga paranoid! XD


-END of SLAMBOOK-

Mga naki-slam:

8 comments:

  1. Hiyang hiya naman ako sa pagiging close ninyong dalawa. Hehehe! From north to south, lels lang. Mabuhay ang tinimbang ka ngunit kulang --- ang numero sa timbangan XD

    ReplyDelete
  2. si ate madz naman ngayon. nagiisip pa ulit ako hehehe...

    :)

    ReplyDelete
  3. habertdei kay madz at nice meeting you mj :D

    ReplyDelete
  4. Dito ko na batiin din si Madz kahit binati ko na siya sa text kanina hehe

    Happy birthday, Madz!

    Very nice feature on Madz, Jhengpot. Very timely rin.

    ReplyDelete
  5. Maligayang Kaarawan sa iyo.... masuwerte ako at nakilala kita. Ikaw ang unang taong nakilala ko, mula sa mundo ng blog...yab u sis! :D

    ReplyDelete
  6. happy birthday kay sis madz. nakakatuwa yung mga sagot nya very witty. parang ang sarap maging kaclose ni sis madz parang malilinis yung budhi ko hahaha

    di ko alam kung sasagot ako dito nahihiya me eh. hahaha

    ReplyDelete

Say Wuht?