10 September 2012

Wake me up when September 11 ends


Late na ko. Hindi pala, late na late na pala ako! Pambihira! Maaga naman akong natulog. Pero teka may bisita nga pala ako. Bakit ba kasi naiisip pang gawin yung mga ganitong set-up? Yung shashat kayo magdamag tapos diretso kayod o hanapbuhay kinabukasan? Sarap lang kutosan nang nag-pauso 'nun. Anyway, late na nga ko, 'pag tingin ko sa sala namin - madilim, tulog pa yung mga bisita ko. Binuksan ko 'yung ilaw. Nagulat ako, hindi pala, gulat na gulat! Nakatanday kasi yung ginugusto ko 'dun sa isang tropa ko. Pambihira! Dito pa sa pamamahay ko! Pero kaartehan lang naman yung naramdaman ko, hindi naman kami e, heller? Maka-react lang teh wagas??? Wasak. Late na talaga ako! Kaya lumarga na ko kasama ang mga bwisita bisita. Sa sasakyan, napansin ng ginugusto ko na di ko alam kung ginugusto ko pa rin ba s'ya o mahal ko na s'ya hindi na, na parang nagseselos aloof ako. Tapos bigla n'ya kong hinawakan sa kamay, hinila papalapit sa kanya, sabay sabi "sorry". Walanjo! Pakiramdam ko nangilid ng pa-sikreto yung luha ko sa kaliwang mata kung san di n'ya mapapansin. Parang ewan, may tumibok, may humapdi, may kung anong kumiliti sa 'kin. Tapos bigla na lang akong nagising. Panaginip lang pala. Hay, buti naman hindi pa pala ako late na late, late lang pala.

Ang bilis na naman ng kilos ko. Hindi na nga ko kumain sa bahay. Rekta larga na. Wala akong bisita. Pumasok akong mag-isa. Maganda ang sikat ng araw para sa 'kin ngayon, naniniwala ako, para ganun nga ang mangyari. Law of attraction baga. Ganyan. Hindi ako na-late, hindi rin naiwan ng shuttle. Hindi naman nagkatotoo yung letcheng panaginip ko. Pero 'yun yung akala ko. Nagkatotoo ata, medyo, slight... Walanjo! Pakiramdam ko nangilid ng pa-sikreto yung luha ko sa mata kung san walang makakapansin. Parang ewan, may tumibok, may humapdi, may kung anong kumiliti sa 'kin. Gusto ko sana magising, kaso hindi na pala ako nananaginip.

9 comments:

  1. sayang nman panaginip lng!
    naransan ko rin ang ganito sa isang inuman!
    un crush ko ay aking nilapitan at hinarush.
    kaya ayun.. ayun na nga,...

    ReplyDelete
  2. aw.. ikaw lang makakaalis sa sarili mong panaginip.

    napadaan lang! XD

    ReplyDelete
  3. mahusay!!! pwede ka ulit matulog. tapos pag gising mo oktubre na :D

    ReplyDelete
  4. minsan talaga mas masarap managinip na lang para kapag pangit ang panaginip pwedeng gumising.

    ReplyDelete
  5. So panaginip rin lang yung pagkakadantay nya sa kaibigan mo hehehe

    ReplyDelete
  6. eto pala kapatid ang sinasabi mo na post mo.. hehehe

    ReplyDelete

Say Wuht?