18 October 2012

Slambook ni Potpot ft. Pablo Quaderno






Heyah! Anyarenah? Sa mga fans (isa o dalawa) na nagtataka kung bakit naka-hide ako sa lime light, ganito kasi yan… Busy po ako sa bago kong career, ang magtulak ng Anchor’s Away sa Enchanted Kingdom. Syempre kacharotan lang ‘yun. Basta medyo busy lang ako. Hindi nga ko nakasali sa SBA, nakaka-frustrate -_-‘’ But on the brighter note, ang daming nangyaring ka-echosan ulit sa buhay ko. Tsaka ko na ikekwento. Ayaw kasi mabuo ng mga mabulaklak na salita sa isip ko na sasapat na para isulat ko ito. Anyway, pasalamat na lang sa ka-ek-ekang slambook ko at medyo nagkakaroon ng buhay ang bahay na to. At salamat na rin sa mga nagbe-birthday, dahil napipilitan ako i-post ang slambook nila, charot lang!

Speaking of pasalamat at batian portion. Ito kasing next na sasabak sa Slambook ni Potpot ay nag-birthday nitong nakaraang araw. At syempre isa s’ya sa mga taong gusto kong pasalamatan. Kung bakit, eh sikret na ‘yun - etchusera ako eh. At speaking of sabak, bigtime lang din naman tong guest ko ngayon dahil isa s’ya sa mga dahilan kung bakit patuloy pa rin ang pag-sabak ng BMIM o Blog Mo Ipasuot Mo. Yes! S’ya lang naman ang isa sa mga founders nito. Taray lungs! Marami sana akong gustong i-intro tungkol sa kanya, pero samin na lang ‘yun dalawa – dejoklang! Uma-anon o anonymous kasi ang peg nya sa blogosperyo kaya behave lang ako, mahirap na. Hehe. Pero wait! There’s more! Sa dulo ng slambook na ito ay ire-reveal ko ang pagkatao n’ya. Kaya kalma lang mga adre at ito na s’ya…



Si Pablo ng Pablo Quaderno!










Part 1: Easy Round

Personal Information

Name: Pablo Quaderno
Nickname: PaQ, Pabs, Paqs, Barbie.
Age: 23
Marital Status: Depende sa marital status mo Bb. MJ.
Location: Tondo, Manila. (Protektado ako ni Asiong.)








Blog Profile

Blog(s): pabloquaderno.tumblr.com, pabloquaderno.wordpress.com
Blog objective/purpose(if any): Pampalipas ng oras. Lalagyan ng mga latak mula sa nangangati kong utak. Mambabae.. dejoklang, ‘yung pampalipas oras.
Blogger since: 2011. Kasi hindi pa yata blogging ang tawag sa ginagawa ko noong 2009-2010.
Blog influence: Precious Hearts Romances, Pantasya.com, Ang Bagong Tiktik, etc.
Describe your blog(s): Kung ang blog ko ay isang tao, malamang ito'y bakla. Baklang hip-hop o rapper dahil sa mga salitang tumutugma. Pero hindi eh, siguro EMO na lang. Maarte kasi ako.
Paano ka nag-umpisang mag-blog: Tumblr. Di ko pa alam kung paano magblog noon (well, alam ko na nga ba ngayon?). Di rin ako mahilig magsulat. Pero sa di maalaalang kadahilanan ay napadpad ako sa mundo ng  Wattpad. Dahil inggitero ako, nainggit ako sa mga batang sumusulat ng kwento kaya sumubok akong magsulat, tapos ayun na. Heto na ‘ko ngayon. Parang wala pa rin narating. Hehe.. Maalaala ko, di pa nga pala tapos 'yung kwento na 'yun. Hehe..

Describe the following:

Yourself - Malandi
Love - Magulo
Death - Suprays, suprays!
Pain – Motivation to write.
Happiness - MJ. Bukod sa pangalan mo ay Mj. Happiness ang tawag ng mga tropa ko sa Marijuana. 

Favorites

Food: Hindi ako choosy kasi 'di ko sinasabing paborito ko ang sinigang na hipon. Pero sa ngayon, parang medyo nahihilig na ‘ko sa gulay………
Hobby: Mahilig akong tumugtog ng gitara at bass, magbasa ng books, dyaryo (comic section lang.. saka syowbis), blog entries at text messages na hindi naman para sa'kin. Meron pa pala.. ang ibigin ka este, umibig pala.. 
Singer/Band: Eraserheads, Parokya ni Edgar, Ginoong Vitalis, Cunejo, Letter Day Story, Maryzark, Typecast. Gracenote, Segatron, Empathy, Fliptop, Gloc-9, Francis M., No Comment, Kamikazee, Coldplay, The Script, Train, Deathcab for Cutie, and Mocha Girls. Oyeah! At marami pa…
Song: Macheesy by Ginoong Vitalis
Color: Black, White and anything pastel.
Book and its author: The Game by Neil Strauss


Part 2: Average

Give new meaning to the following:

WTF - What's That Face?
FU - Frozen Underwear
SOP - Sick Of Pretending
ASAP - Ako ang Sugo at Ako ang Panginoon.
LQ - Lacking Quality
TL - Tangina Lang
LOL - Lot's Of Lust

What and Who

What is your most unforgettable moment? 
SM Sta. Mesa Front Entrance 04/21/2012 in between 8AM -10AM. Meron pang isa eh.. pero mas mabuting huwag na munang sabihin. Hehe..
What is your most embarassing experience? 
Sumigaw ako ng "Pagbilan!" sa loob ng jeep sa halip na "Manong bayad po."
What drives you every day, to strive and survive?
Manong driver drives me every single day. Yung strive/suffer and survive/detriment, boss ko na ang bahala dun. 
What is your motto in life? 
"Hindi bale nang malibog, di naman malibag."
What are the simple things that make you happy?
Sobrang babaw ng kaligayahan ko. Kahit ano siguro kaya kong tawanan.. kahit wala namang dahilan. Hehe..
What is your greatest dream? 
Nung bata ako, pangarap kong maging piloto. Nung hayskul, ninais ko namang maging abogado. Ngayon, bukod sa makasama kang tumanda, gusto ko lang magkaroon ng isang libro na ako mismo ang sumulat. Di na kailangang nasa estante ng Pambansang Bookstore. Kahit isang kopya lang. Kahit ako lang meron. Hehe..
What are your unique talents? 
Wala eh. Talento bang matatawag kung kaya kong umihi ng nakaupo? Sa pampublikong lugar.
What are the weird things about you?
Laging nakangiti. Kahit walang dahilan.
What/Who completes you?
Ikaw. :) #PBBTeens
Who is your crush?
Chloe Moretz and Rina Koike. Local? Ayaw ko na kay Kim Chiu kaya IKAW na lang. :)
Who is your first kiss, except your parents/relatives? 
Dahil sa dami nila, hindi ko na maalaala. Haha! Dejoklang. ‘yung aso naming si Nognog.
Who is your hero? your idol? your great influence? 
Sarili ko, kasi Narcissist kasi ako eh. Saka si Ser-Idol Joey pala pagdating sa pambobola este.. pag-ibig at potograpiya. Hahaha! xD
Who is your favorite blogger? No one in particular. Depende sa trip ko sa araw-araw.


Part 3: Difficult

 Please answer seriously.

Kaninong cartoon character mo maihahalintulad ang sarili mo at bakit?
Minsan akong tinawag na Monkey D. Luffy (One Piece) ng kaklase ko noong hayskul. Noong kolehiyo si Tsuna Kobayakawa (Hitman Reborn). Pero kung ako ang tatanungin, Spongebob. Kasi. Tanga. Ako.
Kung gagawing telenovela ang buhay mo, anong title nito at sinong artista ang gusto mong gumanap bilang bida? 
“Lawayan Mo Baka Mausog”. Gusto ko si Coco Martin para medyo makatotohanan. Di rin naman kasi nagkakalayo itsura namin eh.. Ok. Labas ipin taya!
Kung manalo ka sa lotto ng 100M, saan at paano mo ito gagastusin?
Dadalhin kita sa Paris. : )
Kung bibigyan ka ng chance maging member ng super friends o mas kilala ngayon sa tawag na justice league, anong super power meron ka at anong pangalan mo? 
Ako si PLASTIKMAN Special powers: Magpatawa.
Kung magkakaroon ng pambansang gulay, ano dapat ito at bakit? 
Isa akong sitaw. Payat, mabuto at mahaba.
Kung mabibigyan ka ng pagkakataon maging isa sa bananas in pajamas, sino ka? si B1 ba o si B2? Bakit? 
B2. Para ako ang unang magsasalita kapag may naisip ako. Tapos raratratin ko si B1 ng "Naisip mo ba ang naiisip ko B1?". Kapag di niya naisip. Kutos!
Kung babaguhin mo ang nakasanayang tunog ng tawa from hahaha, hehehe, at hihihi, ano na dapat? 
Hohoho. Para laging Pasko. Hindi na kasi talaga pwede ‘yung “oohh.. ahhh.. uhhmm..” kasi nakalaan na sa ibang aktibidad ‘yun..
Kung ikaw si Elisa, bakit hindi ka na lang naging si Budoy? 
Kasi ayaw ni Direk. Pinipilit ko na nga eh. Ayaw talaga.
Sino sa mga artista, local o foreign, ang sinasabi nilang look-alike mo? Kung wala huwag ipilit please. 
Ok. Edi si Coco Martin. Magpapapilit ka naman eh. : )


Part 4: Bonus Round

Dedication to Potpot 

Dear,
Una sa lahat ay maraming salamat dahil pinaunlakan mo akong makibahagi sa iyong slambook. Kahit alam kong napilitan ka lang. Sobrang kagalakan ang nangibabaw sa aking puso dahil sa pagpapaunlak na ito. Natuwa rin ako ng husto sa pagsasagot pa lamang ng mga katanungan. Panalo! Tila ba nanariwa ang mga alaala ko noong ako'y nag-aaral pa. : ) Muli, maraming salamat Mj. ; )
 - PaQ

-END of SLAMBOOK-

At dahil nag-tyaga kang magbasa, at dahil na rin ipinangako ko na ire-reveal ko ang tunay n'yang pagkatao... Sana mapatawad mo ko Mr. Quaderno :) Eto po s'ya. Pindot dito :)

20 comments:

  1. hindi ko na binasa yung iba.. napatutok kasi ko dun sa mga sagot na may simpleng banat.. landeeeeeeeeeeee mo lang PAQ :)))))))

    ReplyDelete
  2. OMG!!! KINIKILIG AKO!!!!!!!! HAHAHAHA! Pablo, mas okay kung si patrick kesa si spongebob! Kung katangahan ang pagbabasehan, mas tanga si patrick! HAHAHAHAHAHA.

    Bakit nung bday ko wala akong ganito?! hahaha! Charaught! :D

    Magaling! :D

    ReplyDelete
  3. MASYADONG CENTERED KAY MJ ANG MGA SAGOT SA SLAMBOOK. BIAS. HAHAHAHA. charot. landeeeeeee!!!!

    ReplyDelete
  4. hahaha pabs ngisi ako nang ngisi sa mga sagot mo. At mantakin mong sumagi rin sa utak mo ang pagpipiloto? Kaya pa naman nating matupad yun kaya nating dalhin sa alapaap ng ligaya ang ating iniibig. Apir! Richard! Hahaha mabuhay ang mga litratistang malalandi at bolero este mangingibig.

    ReplyDelete
  5. nakita ko na yang si PQ sa facebook photos nyo! kala mo ha! hahahah :D

    ReplyDelete
  6. ang landi landi!ito na ang pinakamalandi pero matamis na slambook ever!wahahaha

    ReplyDelete
  7. wahahaha.. nag click ako sa link, napatumbling ako ng sampung beses.. hahahaha.hanglayoooooooooooooo.. anyway parang puro sayo lahat,. apmf!!!

    ReplyDelete
  8. Kakakilig lang yun ibang sagot..ang sweet!! Naloka ako sa link, hahaha, bakit hindi si Coco Martin yun?

    ReplyDelete
  9. auz sa motto ah!
    "Hindi bale nang malibog, di naman malibag."
    nakakarelate

    ReplyDelete
  10. pati ba naman dito sa blog ang sweet niyo????!!! hahahah kilig to the bones! acu nlng magrreveal kay Pabs.. madami acu picture sa fb cu.. hahaha joke.. I know naman.. :) nice.. eto lang #PBBTEENS!!!! #REALLIFE! hahaha

    ReplyDelete
  11. Haha angkulit nitong si ser Pablo. Idol ko na to.

    * Pareng Jay was here

    ReplyDelete
  12. nahihirapan ako mag-isip ng komento... parang dito dinaan ni PaQ ang panliligaw.. hahahahahha... :P

    ReplyDelete
  13. Naalala ko nung tinan0ng kita sa metr0walk tau nun, dun sa maingay na bar, sbi ko, AN0NG STATUS NYO? ... Sag0t m0, "FRIENDS!"... putcha, t0do H-H-W-W tp0s friends?! Hahaha.

    ReplyDelete
  14. ang gwapo ni paq hawig na hawig ni richard gutierrez :)

    ReplyDelete
  15. hindi kaya loveletter tong ginawa lang slambook?? haha

    Iba ka pareng paQ .. este Coco martin.. hahaha

    ReplyDelete
  16. simpleng simple, pabs, ah.. rak en rowl tayo dito.. hehehe..

    ReplyDelete
  17. hahaha...kaloka ung mga sagot mo sis....hahaha

    ReplyDelete
  18. ayon oh. haha..pati ako napapindot. di nga siya ba yun?

    ReplyDelete

Say Wuht?