21 November 2012

TROPANG BAY a.k.a TROPANG PUCHU-PUCHU





                Jaypee| Period on Pururut
                Pablo | Pablo Quaderno
                Jheng | Heavenknows
                Joleah | Kalma-kalma Lang
                Jenn| Leave All Things Behind
                Kamila | Do More What Makes You Happy
                Cheenee | Kwentong Palaka
                Tara | Everything Happens for a Reason
                Jaid | I am Superjaid

COMMON INTERESTS: Mag-blog, tumambay, mag-tournament at gumawa ng mga bagay na hindi baduy.

OTHER GROUPS: Blog Mo Ipasuot Mo, Ublog, The Best in the World, Feminine Gin, Jaywalkers PH

HISTORY/ORIGIN:

• August 25 - 26, 2012

Epic kaarawan noon ni Jaypee, after ng BMIM 4th sabak ay tumungo ang ilan sa kanilang full of grocery supplies na tahanan. Upon our grand arrival kina Jaypee ay may isang uma-Asiong Salonga ang peg. Walang iba kundi si Marty, high-school dabarkads ni Jaypee. After kainan ay dumiretso na kami sa highlight event that night. You know it na guys, malalaki na tayo. Habang lumalalim ang gabi at umiinit ang mga sikmura ay bigla namang bumanat ng pambihirang kwento ng siomai tong si Joleah a.k.a Anjo. Please lang wag nyo nang ipa-kwento kung ayaw n’yong ma-highblood. Going back, natapos na ang gabi, kinabukasan ay ilan na lang ang natirang buhay. Charot! Halos nangalahati. Umuwi na rin si Joleah. Ang natira na lamang bandang huli ay ako, si Pablo, Mart at ang may-ari ng bahay na si Jaypee. Nag-iisip kami ng di baduy na laro noon para malibang. At taden! Unanimous decision, naglaro kami ng bagong-bagong “Truth and Consequence” sa pamamagitan ng Lucky9. Kalaunan ay tinamad na kami sa mga consequence kaya Truth or Truth na lang. Kung sinong talo sa Lucky9 ay sya ang sasagot. Nandyan ang mga di baduy na tanong ni Mart tulad ng “Pinakamasarap sa lahat ng first time?”, “Pinaka-jackass mong ginawa?”, “Greatest regret mo sa buhay?” at kung ano-ano pa. Mga pandayo at pang-tournament na katanungan. At dahil nga bigtime ang Q&A, mas malalim naming nakilala ang isa’t isa, ansabeh??? Kaya’t dito na nag-umpisa ang adventure of Tropang Bay ko kasama ang mga “vhezzz”.

• September 1 - 2, 2012

Week after ay nag-set ulit kami ng Truth and Truth session, this time with Anjo a.k.a Joleah sa bahay namin. Absent naman si Jaypee ng mga panahong to. At naging bahagi na si Joleah ng malupit na tropa at nabigyan s’ya ng bago at matinding pangalan – MARIA ANJOJOLEAH YNA MAUREEN PATRIMOÑA. Kewl diba? Watyatink?

• September 15 - 16, 2012

Two weeks after ay may na-discover akong bagong laro sa baraha, eto yung truth or truth with lots of twists. Kaya naman nag-tipon ulit ang tropa. This time ay inimbitahan ko na ang nag-eemo noon na si Cheenee with her bex Tara, at ang busy-busihang si bes Kamila. Si Marty naman ay bitbit ang femgin friend n’ya na si Jenn. Kasama pa rin sina Jolengs and Pabs. As usual Absent pa rin si Jaypee, pahuli-huli sa pancitan, nag-iinarte pa kasi wala daw syang pakner. Pshe! Anyway! Ano ang game na nakapag-unite sa amin like Voltes 5? Eto yun…

Game: Kings Cup
Game Objective: May mabangenge
Materials needed: Playing cards, shot glass at isha-shat
Rulesssssssssssss:

Bibilog ang mga kasali. Babalasahin ang baraha. Ang pag-bunot ng baraha ng bawat isa ay one at a time dapat kung ayaw n’yong magkagulo at mapa-aga ang pagkabangenge n’yo. Example, si Player A muna ang bubunot then gagawin ang corresponding rule ng barahang nabunot bago mag-proceed kay Player B na s’ya namang bubunot and so on… Ang bawat barahang mabubunot ay may katapat na unkabogable rule as follows:

A o Alas – means ALL, ang lahat ay dapat shumat! No excuses, no excemptions. Ang umangal, kutos to death!
2 – means YOU, kung mabubunot ni Player A ay “2 o dos”, s’ya ay pipili ng player na sha-shat.
3 – means ME, kung sino ang makabunot nito ay s’ya ang magsha-shat.
4 – is FLOOR, meaning, ang lahat ay magpapa-unahang ilagay ang kamay sa floor. Kung sinong pa-anga-angang mahuli ay s’yang magsha-shat.
5 – is HIGH FIVE, ito naman ay paunahan tumaas ng kamay, mahuli tanga at talo.
6 – is CHICKS, lahat ng girls sa bilog ay dapat uminom.
7 – is MEN, lahat naman ng boys.
8 – means MATE, kung sinong makabunot nito ay iinom at pipili pa s’ya ng isa sa grupo bilang ka-partner na magsha-shat din.
9 – means RHYME, si player na makakabunot nito ay magbibigay ng kahit anong word. Yung sumunod sa kanya naman ay magbibigay rin ng word na ka-ryhme nung first word sa bilang ng 5 seconds. Example. Player A – “Boracay”, Player B – “Sungay”, Player C – “Patay” and so on… Kung sinong maubusan ng word ay s’yang talo.
10 – is CATEGORY, parang kapareho ito ng 9 o rhyme, kaibahan lang e may category. For example, ang sinabi ni player na s’yang nakabunot nito ay OPM Bands, ayun ang dapat ibigay n’yo. Kung sinong maubusan ay nganganga at iinom!
J o Jack – is RULE, ang pinaka-favorite ko. Si player na makakabunot nito ay magbibigay ng specific rule na magiging rule for the rest of the game until mabunot ulit ang ibang J at magkaroon ng bagong rule. For example, ang rule ay EOP o English Only Please. Itutuloy nyo ang bunutan, but this time kailangan sundin ang rule. Kailangan mag-english kayo. Kung sinong mahuling magtatagalog o magsalita ng kahit anong word na hindi english ay magsha-shat. Remember, the rule will stay as a rule until mabunot ang another J at magkaroon ng bagong rule. Pwede ang kahit anong rule, kahit di makatao, chos! Ex. Bawal tumawa, bawal mag-english, bawal magsalita ng labas ang ngipin, Ngongo lahat magsalita, Hahalik sa katabi sa kanan kada bunot ng baraha (bet?), etc.
Q o Queen – is CONSEQUENCE, alam nyo na to, yun na yun. Kapag nag-inarte at di ginawa ng nakabunot ang consequence eh magsha-shat. Kutusan n’yo na rin para madala. Jooke!
K o King – is TRUTH, the same with Q o Queen. Pag di makatotohanan, playing safe o baduy ang sagot dapat mag-shat.

Ganyan. Effort diba! Follow the epic rules guyth kung ayaw n’yong mabangeks. Oki? At ang pinakamahalaga sa lahat, walang KJ at mag-iinarte kung ayaw ma-unli pektus from kaberks. Orayt?

Sample video *sorry guys, peace*




Nung medyo umiikot na ang bahay namin eh s’ya namang banat ulit ni Anjo ng Kwento ng siomai, for the nth time teh! LELS. At syempre di papa-kabog si bes Kamila na may pambalang “Ang Sinulid”. Punyemas! Nanginig kalamnan ko, INTENSE! JK!

• October 6 - 7, 2012

Muli na namang nagtipon ang mga kolokoys foh another Kings Cup Tournament. Di na nagpahuli si Jaypee. Akshuli, s’ya na ang nag-set ng bonding na ito para daw makabawi s’ya. If I know manchi-chicks lang s’ya. Chos! Para mas fun ay nag-imbita ulit ako ng ibang tropa like Jaid na bumili instant ng cellphone dahil na-empty bat s’ya along the way. Yemen ni ateh! Si bes Kamila naman ang absent ngayon because of her ayaw pakabog na career hunting. Bilang HRM naman si kapatid na Jaid ay nag-mix-mix s’ya ng inumin. Oh diba susyal na, buma-bar lang ang peg ng tropa! Pero ngunit, subalit, datapwat… Mapanlinlang ang pinaghalo-halong espirito ni Jaid. Ang sarap-sarap nga ngunit tinraydor kaming lahat. Lahat ata tinamaan ng magaling. Pruweba na siguro yung may nagigitara tapos may mga kumakanta, pero iba ang tunog ng gitara sa kanta, pero kanta pa rin kami ng kanta. Kagulo na! Get a room guys! At pag-gising ng madaling araw ay inubos pa rin ng boys yung natira. Lagare lungs? Masipag nga palang naghugas si Mart nung araw na toh dahil sa kasunduan namin.




• November 24 - 25, 2011

I’ll keep you posted guyth kung ano mangyayare. Hihihi.

Sobrang namimiss ko na ang Tropang Bay at sobrang ma-miss ko sila in the near future. What’s cool about these guys eh swak na swak ang mga trip namin sa buhay. Mga hindi baduy na trip. At dahil nagba-log lahat eh mas nakaka-relate ang bawat isa. Yunow.

Wabyu guyth! More tournaments to come! Kitakits this Saberdey Hooray!

17 comments:

  1. muntik na kong maiyak sa poste mo kapatid.. char!! hahaha..

    gusto ko makapunta sa saberdey.. hay! aguy! pano!! huhuhu!!!

    ReplyDelete
  2. medyo nalito na ako pero mukhang interesting.. hehehe

    ReplyDelete
  3. a for effort sa pagkukwento nung laro! bwahahaha! bakit tinawag na puchu puchu?! bwahahahahahaha!!! :))

    ReplyDelete
  4. Mukhang mapipilit akong pumunta dahil sa kakaibang post na to. Diary ang peg. Lels.

    ReplyDelete
  5. pume-femgin na ang peg natin mga bay! hahahaha! xD

    ReplyDelete
  6. "Hahalik sa katabi sa kanan kada bunot ng baraha" bet! HAHAH! ^^

    ReplyDelete
  7. panalo!!!! ;) hahaha miss cu kayo super... Goodmorning!!!!!

    ReplyDelete
  8. BES KULANG!!! Wala ang centepede! dahil jan..badtrip na ko

    ReplyDelete
  9. Waaah so ganun pala nagsimula ang tropang puchu puchu hahaha namiss ko tuloy kayo lalo. Gagawa ako ng way para makapunta as sat

    ReplyDelete
  10. ehem... pasama naman dyan.. eheheh.... kaso week ends... hayst.....

    ReplyDelete
  11. ang gusto yang mga ganitong klaseng barkada. bloggers lahat. me makaka relate sa lahat ng post.

    ReplyDelete
  12. nainggit ako bigla,...wala akong friends bwahahahahha

    ReplyDelete
  13. hindi mo naman tropa ung isa dyan hahaha. lablayp kaya un

    ReplyDelete
  14. i agree ser bino.. hahaha..

    jobo: kasi naman.. si gelo lang buhay mo..

    .. kwentong centepede.. miss you gays..

    ReplyDelete
  15. Kainggit naman mga ganyang circle of friends. Sana ako rin kaso wala naman akong time..

    ReplyDelete
  16. wow you really had a great group of friends blogger! winner!

    ReplyDelete
  17. pasali po sa tournament .. hahaha :D

    ReplyDelete

Say Wuht?