30 January 2012

United Bloggers Experience: Photography 101 and Backpacking Tips


"Not all who takes pictures are photographers"
"Respect their rules and cultures."

Isang maulan na hapon ng Sabado. Aaminin ko excited mode, bukod sa first time eh solo flight din akong pupuntang Megamall. Although madalas naman akong nagsosolo, I'm a bit nervous and shy, OMG! Artey lang sana ! Pero di ako nagpatinag sa kaba at hiya at nagpa-awat sa maulan na panahon. At 2:00 PM magsa-start ang first United Bloggers Experience. Napaka-interesting ng topic, Photography 101 and Backpacking Tips. Magagamit ko to sa future career (as photographer? Lol) at travels ko. Honestly, ngayon-ngayon pa lang nag-uumpisa ang long travel plans ko. 

Pagpasok ng Max's super shy naman ako sa kanila, pero dapat makapal pa din mukha kaya keri lang. Pagka-upo, kwentuhan at Q&A ng konti. Kainan muna before we proceed sa program proper (ansabeh?) habang naghihintay na din ng ibang bloggers. After few minutes nag-start na ang inuman session este sharing and learning session pala na pinangunahan ni Kuya John of kumagcow.com for Photography 101 and followed by Kuya Joel of batangmangyan.com for Backpacking Tips. Andami kong nalaman at natutunan, mga basic or rule of the thumb,  na kung tutuusin hindi lahat sa atin ay nakakaalam. To summarize the lesson punta lang sa blog ni Kuya Bino na siyang masipag mag-notes.

Bago tuluyang lisanin ang Max's ay namudmod ng libreng shirt si Otep, at masuwerte namang isa ako sa nabiyayaan. Meron din kaming bitbit na giveaway from Kuya Bernard. At para sulitin ay nagpunta na din kami sa CBTL  para mag-inuman ng kape LOL. Kwentuhan dito, tawanan dun, picture-picture applying the rule of thirds at "when you cut it mean it". LELS

Naging Masaya at makabuluhan ang kabuuan ng kauna-unahang UBE. Kahit first time ko makipag-EB, hindi ako nakaramdam ng pagka-OP. Dito napatunayan kong malaki ang nagagawa nito hindi lang para mabuo ang isang samahan kundi isang pangmatagalan na pagkakaibigan na din na kahit lumabas ka sa mundo ng blog o cyber world ay patuloy mo silang malalapitan at maasahan. Iba't iba man ang mga interes at paraan ng pagba-blog, iisa lang ang layunin ng mga miyembro ng Ublog lalo na ang mga admin nito. Ang pagbuklodin ang mga pinoy blogger at bigyan sila ng kaalaman at karanasan na pwedeng ipagmalaki sa mundo. OHYEAH!

Libreng T-shirt ni Otep =)

Joel, John, JC, Salbe, Bernard, Otep, Ako, Jim and Bino
(photo credit to Kuya Joel)


27 January 2012

SLAMBOOK ni POTPOT ft. Akoni



Magandang araw mga bata, ops teka lang hindi nga pala kayo pwede sa banda dito. Panauhing pandangal lang naman natin ang r-18 Blogger ng prestihiyosong Kalsada Blog Award. At bago ko siya ipakilala, gusto ko malaman niyo na gusto kong ihampas ang sarili ko sa pader sa mga pinagsasabi niya dito, windang! Ansaveh! So eto na ang ating pangalawang SLAMMER!


Letsdudis!


Si Kuya Akoni ng Kaharian ng Akonilandiya




Part 1: Easy Round



Personal Information
 
Name: HABIB
Nickname: AKONI
Age: 
Marital Status: Married (?)
Location: RIYADH, KSA







Blog Profile
 
Blog objective/purpose(if any): FUN
Blogger since: 2011
Blog influence: wala
Describe your blog(s): KALOKOHAN
Paano ka nag-umpisang mag-blog: Nagsulat tapos pinoste ko. Nag-umpisa nang mabasa ang isa sa libro ni Bob Ong. 
 
Describe the following:
 
Yourself; DAGUL! Mukha lang maganda sa akin, pero masarap me. Malandi daw ako, pero hindi ako naniniwala.
Love: Love is everybody's kryptonite, ansabe?
Death: Death is freedom
Pain: Pain is realization
Happiness: Happiness is ME
 
Favorites
 
Food: Adobo
Hobby: *censored*
Singer/Band: Bryan Adams
Song: When you love someone
Color: Yellow and Green
Book and its author: ABNKKBSNPLako! Bob Ong
 

Part 2: Average
 
Give new meaning to the following:
 
WTF - Wipes That Face
FU - Friends Ulet
SOP - Sana Okay Parin
ASAP - Ang Suka At Patis
LQ - Lalakeng Quarrel
TL - Tarantadong Lalake
LOL - Landi O Libog

What and Who
 
What is your most unforgettable moment? Nung mawala ang virginity ko.
What is your most embarassing experience? Nung mahuling hindi nagbayad sa Jeep at kumuha pa ng sukli.
What drives you everyday, to strive and survive? Future ni Lil Akoni
What is your motto in life? Hindi lahat ng galing sa puwet ay tae at hindi lahat ng itlog ay galing sa puwet.
What are the simple things that make you happy? Gifts
What is your greatest dream? I wanna be a millionaire so fucking bad
What are your unique talents? Magsulat na nakabaliktad ang papel at parang normal lang sa akin.
What are the weird things about you? Hindi ako nalulungkot
What/Who completes you? My heaven and Lil Akoni
Who is your crush? Jengpot
Who is your first kiss, except your parents/relatives? Kalaro ko ng bahay-bahayan nun, forgot her name.
Who is your hero? your idol? your great influence? Batman hero ko, PACMAN idol ko, TATAY ko great influence ko.
Who is your favorite blogger? mgaepal, wickedmouth, jepoy and kokey monster


Part 3: Difficult
 
Please answer seriously.
 
Kaninong cartoon character mo maihahalintulad ang sarili mo at bakit?
Kay Popoye, kasi kapag may gagawin ako kahit na ano, kailangan ko muna kumain.

Kung gagawing telenovela ang buhay mo, anong title nito at sinong artista ang gusto mong gumanap bilang bida? 
Sekretong Malupit, si Jose Manalo ng Eat Bulaga.

Kung manalo ka sa lotto ng 100M, saan at paano mo ito gagastusin? 
Babalatuan ko lahat ng kaanak ko at mga kaibigan, tapos save lang para sa future ni Lil Akoni.

Kung bibigyan ka ng chance maging member ng super friends o mas kilala ngayon sa tawag na justice league, anong super power meron ka at anong pangalan mo?
KAPITAN BOLA, kahit sino mabobola ko.

Kung magkakaroon ng pambansang gulay, ano dapat ito at bakit? 
Kalabasa pampalinaw ng mata, dahil bulag ang karamihan sa mga tao ngayon, yung iba malabo ang paningin.

Kung mabibigyan ka ng pagkakataon maging isa sa bananas in pajamas, sino ka? si B1 ba o si B2? Bakit? 
Si B2 kasi kamukha niya paborito ko sa bananas in pajamas na si B1.

Kung babaguhin mo ang nakasanayang tunog ng tawa from hahaha, hehehe, at hihihi, ano na dapat?
mooowwwehehehe

Kung ikaw si Elisa, bakit hindi ka na lang naging si Budoy? 
(Wala me alam dito) 

Sino sa mga artista, local o foreign, ang sinasabi nilang look-alike mo? Kung wala huwag ipilit please? 
Si Dennis Trillo, Leonardo Munoz at ung kapatid niya, at Coco Martin. LOL 


Part 4: Bonus Round
 
Dedication to Potpot (freestyle, kahit gano kahaba at anong sabihin mo pwede, basta para kay Potpot) - Sinagot ko ng buong puso ko, sayang gusto ko sana isama pati puson ko pero 'wag nalang, reserve ko nalang 'yun sa iba. Maraming Salamat at naging bahagi ako nitong Slambook mo, nanumbalik sa aking diwa ang nakaraan ng aking kabataan, ansabe?!! Mag-iingat palagi, mwah!

-End of Slambook-

Gusto mo ba makigulo? Mag-email lang dito emjhay_bentedos@yahoo.com.ph


26 January 2012

Ageless Beauty and Young at Heart

This is the very day nung nagpasabog si God ng fashion sense sa mundo. At dahil jan isang girlaloo ang may dalang tolda, oo hindi lang basta batya ang dala niya kundi tolda. Sinalo niya nga ang karamihan ng fashion sense from heaven LOL! 




Ngayon ay ang kanyang kaarawan. I consider this woman as one of my mommies dito sa cyber world. The one with ageless beauty, fashionable and sweet. Kung di ko siya kilala malamang aakalain kong dalaga siya. Isa rin siya sa may mga ginintuang puso sa mundong ibabaw, iilan na nga lang kami actually CHAR! Kaya para sa aking pretty ang sexy cyber mommy...




At dahil jan ako'y malugod na ubod na nanawagan sa lahat na suportahan natin ang kanyang online boutique. Ngayon ang official opening ng nasabing tindahan. Kaya sugod na sa online boutique ni GASTADORA !



At dahil mega support si Mommy Mathea sa aking Project ni Potpot, part of the proceeds ng kanyang botika ay mapupunta sa mga bata ng Agustinian Sisters. So what are you waiting for guys! Punta na sa Gastadora, gumanda na ang porma mo nakatulong ka pa! OHA!

25 January 2012

SLAMBOOK ni POTPOT ft. Kamila

The long wait is owvers! Para simulan ang pagbabago ng ating pamayanan. echos! oa much lang! 


Eto na talaga yung totoo. Para pasimulan ang Project ni Potpot na "SLAMBOOK ni POTPOT" (redundant lang sana) narito ang unang tumugon sa aking panawagan. Actually ipinapa-check ko lang sa kanya ang construction ng aking slambook. Pero dahil eksayted siya, siya na nga! 


Letsdudis!!!


Ang ating unang SLAMMER, eto ang gusto kong itawag sa mga sasagot ng slambook ko, walang paki-alamanan, allright??? 


Si Kamila ng Do More What Makes You Happy



Part 1: Easy Round

Personal Information

Name: Camille Tibayan
Nickname: Kamila
Age: 21
Marital Status: In a serious relationship
Location: Manila







Blog Profile

Blog(s): http://tea-cup-for-kamila.blogspot.com; http://kamilkshake.tumblr.com; http://kamilaproject365.tumblr.com
Blog objective/purpose(if any): magkwento ng magkwento sa ka-narcisitican ko at para may ala-ala ako ng sarili ko kung sakaling magka-alzheimer's ako.
Blogger since: since.. uhmmm yung informal, since 2007 siguro.
Blog influence: mahilig talaga ako magsulat ever since, influence? Bob Ong.
Describe your blog(s): Lagi lang tungkol sa kin yung mga blog ko. SA AKIN!
Paano ka nag-umpisang mag-blog: Hmmm.. mahabang kwento yan, pero to make it short, nagsimula ako sa FRIENDSTER blog, at ayun.

Describe the following:

Yourself: Matangkad, mataba, maputi, malabo ang mata, uhmm? weirdo.
Love: Love is realizing that you have to sacrifice your EGO.
Death: Death is innevitable. LAHAT TAYO mamatay! Hindi mo lang tanggap kase lagi mong iniiwasan, pero ang totoo ito ay isang bagay na dapat paghandaan.
Pain: Rank it from 1 to 10, that 10 is the most excrusiating feeling you had ever feel and 1 is the most comfortable feeling you had ever experience.
Happiness: People can always try to make you happy, but no one can make yourself BELIEVE that you're happy except believing in yourself that you're happy.

Favorites

Food: Hotdog, Chicken, Cake, Leche Flan
Hobby: Blog
Singer/Band: Sarah Bareilles, Parokya ni Edgar and recently Adelle
Song: Love Song by Sarah Bareilles
Color: Rainbow
Book and its author: Little Prince,  basta may french author siya.



Part 2: Average

Give new meaning to the following:

WTF: WATDAPAK
FU: PAKU
SOP: School of Pharmacy
ASAP: As Soon As Possible
LQ: Love Quotes
TL:  True Libog
LOL: ULOL.

What and Who

What is your most unforgettable moment? 
Nung pareho kameng mukhang tanga ni Maykel nung una pa lang kameng nagkakilala in person.

What is your most embarassing experience? 
Wala, makapal mukha ko. Joke. Hindi seryoso, wala akong maalala.

What drives you everyday, to strive and survive? 
Ang aking Mama na nagpapakahirap abroad.

What are the simple things that make you happy? 
Kwek-kwek sa tabi tabi.

What is your greatest dream? 
Gusto ko na mag-asawa.

What are your unique talents? 
Kaya kong i-angat ang kasuluk-sulukan ng labi ko ng hindi inaangat ang kabuuan ng labi ko at kaya kong itupi ang dila ko palikod.

What are the weird things about you? 
Ang kabuuan ng pagkatao ko ay WEIRD.

What/Who completes you? 
Si Maykel. Seryoso ito. Hindi lang ito pag-iinarte. Siya na yun.

Who is your crush? 
Hmmm.....

Who is your first kiss, except your parents/relatives? 
Wala bang ibang tanong? Boring na mga ganitong question sa kin. Joke.

Who is your hero? your idol? your great influence? 
Si ZOOEY DESCHANEL.

Who is your favorite blogger? 
WALA.



Part 3: Difficult

Please answer seriously.

Kaninong cartoon character mo maihahalintulad ang sarili mo at bakit?
Kay Judy Abott, free spirit, mahilig din magsulat.

Kung gagawing telenovela ang buhay mo, anong title nito at sinong artista ang gusto mong gumanap bilang bida?
Hmmm... Ayuko, hindi ako ganun ka narcissistic na tao! Ayuko magka-telenovela ang buhay ko, isa pa, boring ang buhay ko para sa telenovela, kulang ang drama.. okay na ko sa Maalalaala mo Kaya, at ang gaganap ay si Bea Alonzo (charing!)

Kung manalo ka sa loto ng 100M, saan at paano mo ito gagastusin?
Ibibili ko ang Nanay at Tatay ko ng isang house and lot na complete furnished, hindi binabaha, at kompleto sa gamit at business, para hindi na ako pupuntang ibang bansa at lalayo kay Maykel para magtrabaho.

Kung bibigyan ka ng chance maging member ng super friends o mas kilala ngayon sa tawag na justice league, anong super power meron ka at pangalan mo?
Nagbabasa ng isip ng lahat.

Kung magkakaroon ng pambansang gulay, ano dapat ito at bakit?
KALABASA. Pampalinaw ng mata.

Kung mabibigyan ka nga pagkakataon maging isa sa bananas in pajamas, sino ka? si B1 ba o si B2? Bakit?
Kahit si B2 na lang, okay lang naman ako kahit saan, hindi ako competetive na tao, kase feeling ko pag ganun may natatapakan akong tao.

Kung babaguhin mo ang nakasanayang tunog ng tawa from hahaha, hehehe, at hihihi, ano na dapat?
Abubabatski lalalala.

Kung ikaw si Elisa, bakit hindi ka na lang naging si Budoy?
Hindi ako si Elisa kase una sa lahat hindi ako payat. Hindi ko alam ang kwento nilang dalawa ni Budoy at wala akong pake.


Sino sa mga artista, local o foreign, ang sinasabi nilang look-alike mo? Kung wala huwag ipilit please.
Hindi ko ubod maisip na kamukha ko daw si Camille Prats (Kuya Akoni), tapos sa tweeter kumakalat daw na kamukha ko si Jenelle Manahan (AL Diwalay), pero ang totoo kamukha ko daw si Yasmin Kurtis, na hindi ko masyadong pinagmamalaki dahil ayuko sa kanya umarte. Tapos pinipilit ko sa sarili ko na kamukha ko si Reese Witherspoon pero payat na siya ngayon kaya ok bye!



Part 4: Bonus Round

Dedication to Potpot (freestyle, kahit gano kahaba at anong sabihin mo pwede, basta para kay Potpot)
Bes, sorry naman dahil sobrang late ako, sana maintindihan mo na busy ako. Ayun lang! Love you! UHmm.. hindi ako makapag emote, dahil nagmamadali akong magsulat! Pero basta alam mo na naman yata lahat ng gusto kong sabihin. Lab na lab kita at ang kabuuan natin.

 

-End of Slambook-

Gusto mo ba makigulo? Mag-email lang dito emjhay_bentedos@yahoo.com.ph