27 February 2012

Sinong Love Mo?


Na-aalala mo pa ba yung unang pagkakataon na sinabi mo ang salitang "mama", "papa", "lolo", "lola" o "tita"? Malamang hindi pa, dahil hindi pa lubos na nahahasa ang consiouness mo nung mga araw na yun.

Naalala mo ba yung unang pagkakataon na binanggit ng anak, pamangkin, inaanak mo ang pangalan mo? Yung may pagkabulol effect pa? O kaya ma-ala budoy style?

Simpleng salita, madaling bigkasin, madaling gawin na pag narinig natin sa mga bata ay sadyang nakakatuwa.

Tulad nitong aking cute na cute na pamangkin na si Muymoy sa kanyang ikaanim na buwan sa mundo. Nakaya niyang sabihin ng buong-buo ang salitang "Teta" at pinilit pa ulit ng kaunti para maging "Tita". Tuwang-tuwa naman ako dahil yung itchura niya talaga pinipilit niya maperfect yung salitang "tita" na ilan lang sa mga salitang kaya niyang bigkasin bukod sa "papa" at "mamam"

Muymoy Chapilit
Nakakatuwa ang batang to at super proud tita naman ako kasi yung first time niyang magsalita ng "papa", at 4 months, ako yung nagtuturong pilit sa kanya. Siya din yung kapag tinawanan mo tatawanan ka din. Kaya naman tanggal talaga pagod ko sa kanya. Sa gabi lagi ko pinapanuod tong video niya at hindi ko mapigilang mapangiti at mapatawa.


Tuwang-tuwang-tuwa ako kapag sinasabi niya ang salitang tita. 

Biglang out of the nowhere...

Naisip ko siguro tuwang-tuwa din si God sa tuwing binabanggit ko ang pangalan niya. Hindi naman ganun kahirap diba? Isang salitang kalakip ang dalangin, salitang inaasam niyang marinig sa atin. Sa kalagitnaan ng galak o hinagpis, may kasama mang pasasalamat at hiling. Mabanggit mo lang ang pangalan niyang walang kasing tamis, siguro tuwa niya ay lagpas hanggang langit :)

Sinong Love ni Muymoy? TITA!
Eh ikaw sinong love mo? 

Godbless!

21 February 2012

Style mo Bulok: Wisdom and Reflections Part1


Last Saturday was a blast - yun oh napa-english tuloy! Actually, yung araw na yun ay super blessed. I've met new friends, found new raket na nagbigay sakin ng new goals sa buhay. Bagong kaibigan plus bagong experience, yan ang isa masarap na parte ng paglalakbay natin.

VICTORY CHURCH GREENHILLS Singles Ministry a.k.a Hardwired presents:
"STYLE MO BULOK: Let God write your pick-up lines."

brokenmindset.org
Ang totoo hatak lang ako dito, rektang isinama ng bago kong friends. Wala akong ideya kung anong gagawin namin, basta sama lang ako ng sama. Pagka-pasok pa lang sa venue ang cute na sa pakiramdam. Parang nasa live talk show lang tulad ng Kris TV. May mga ini-interview na couples at may acoustic performance din, pahabol na kilig for love month. Nung una sa celepono lang ako nagte-take down notes, kaso sa sobrang dami ng napupulot kong words of wisdom at quotable quotes ay di na ko nakatiis ilabas ang dooble book ko para dun isulat lahat. Feel na feel ko ang pagiging single ko at that point at mas naintindihan ko ang season na ito ng aking buhay. Swak na swak ang mga advices at shared experiences ng mga couples at ng pastor na talaga namang dumaan sa matinding pagsubok in the name of love.

WORDS of WISDOM and MY REFLECTIONS

"Clear your motives when you are entering a courtship or a relationship."
Hindi ito yung larong "try ko nga tong ligawan pag nag-OO ehdi okay kapag hindi ehdi hindi" - you're testing the water men. You should be decided and determined when it comes to serious courtship and relationship. Yung tipong hindi mo yun ginawa dahil lang trip mo kasi at the end makakasakit ka lang o masasaktan ka lang. If ever you're confused sa umpisa pa lang, the best thing to do is to seek God's guidance and wisdom. Let Him lead the way and decide for you. If you like or love him/her, so be it! Clear your motives, make sure of your gestures and actions para hindi ka ma-misinterpret at ma-misunderstood, lalo na kung alam mong umaasa siya sayo. Pwede mo naman sabihin sa kanya na ito tayo, hanggang dito tayo, ito gusto ko, ito ang pagtingin ko sayo, period. Or if you're the other way round, ask him/her on a nice way kung ano yung feelings niya sayo o kaya observe common sense na lang. Mahirap sabihin yung mga ganung kasaklap na bagay. But not all of us can read between the lines, minsan oo, pero we're still confused of which is which. What hurts sometimes are those words left unspoken. Although action speaks louder than words, words are undeniably powerful. Notice how God's words/voice can change your life? So be careful of your words because it represent your thoughts and your motives. On the other hand, Be careful of your actions because it reflect your personality.

"For girls, guard your heart and your emotions."
Girls are assuming, natural na to sa mga babae. Tipong nagtext lang si guy ng something eh feeling "crush niya ko agad" na, or konting lay down lang ni boy mega status na sa fb ng in a relationship #eksaherada lols. This is because girls are emotional, easily get affected and get touched. Pusong mamon - pusong babae. That's why we have to be accountable on our emotions. Guard your heart using your other senses. Do not stick with your emotion alone, paganahin ang girl's instinct #hanubeh. Don't be attached too much to someone you aren't sure of. If you're in doubt, don't settle. If you're not ready, don't get steady as well. Wag na wag mong isusuko ang spratly island teh! Although nakakakilig talaga kasi kahit ako hindi ko maipagkaka-ilang ganito din ako. Minsan akala natin siya na yung gusto natin, pero hindi pala "nadala lang ng emosyon". While discerning your heart desires pray for God's will. More like a father, he's more than willing to protect you. For boys, be careful with girls' emotions.

"Offer your singleness to God."

Madami sa mga single - bitter. Di ko sila masisi sa mga pinagdaanan nila, dumaan din ako sa kantong yan. Pero later on na-realize ko na if you surrender your self to God, He will transform your bitterness to BETTERness. Trust your walk with God. Seek first his love and you will be fulfilled. Sabi nga ni Yeng Constantino "It's Jesus alone that can fulfill me". Be a better person while waiting for the right one to come. Lagi tayo naghahanap ng gwapo/maganda, mabait, maunawain, ma-alaga, malambing at iba pa. Pero kung titingnan mo we/ourselves cannot carry out all of these things. Kaya naman God puts us into a series of tests to make us better persons. Offer your single life to God, and he will give it back double and overwhelming... in tagalog, Kung ibibigay mo ang sarili mo sa kanya, maaaring bukas makalawa ibalik niya itong may kasama na - ang iyong better half, siksik liglig at umaapaw pa.



Sa dami kong napulot na wisdom at nabuong reflections, ito muna sa ngayon. Baka ma-umay kayo sa isang bagsakan. Hindi pa naman tapos ang love month, kaya lulubusin ko na ang pagpo-post ng mga gento-gento.


To be continued...


20 February 2012

Pinag-manahan ng Kulit

Ipinramis ko na talaga sa sarili ko na magiging tahimik at seryoso na ko sa buhay (insert pinaka-seryosong post). Pero bago 'yun, inalam ko muna kung bakit ba ko ganito. Hindi naman pwedeng basta na lang once upon a time ay isa na kong cococrunch. Sa aking paglalayag (overs!) ay napag-alaman ko kung bakit at san nagmula ang pagiging seryoso ko sa buhay. Nitong nagdaang araw ay nagkaroon kami ng event sa parokya upang ipagdiwang ang valentines. At dito ko nasaksihan ang sagot sa aking mga katanungan. 


Hindi maipagkakaila, may pinagmanahan ako. Walang iba kundi ang aking ama, tatay, papa, erpat, daddy, pudra, pudrabels, o pudyang...


Oo, siya nga yan. Ang aking Pudrabels. Performance level diba.

Nagperform kasi ang banda nila na pinamagatan nila "20 Years After" para suportahan ang aming munting konsyerto sa parokya.


Di magpapatalo, with matching dance-dance pa! I'm so pwoud of you papsy! lels
Oldies but Goodies. Wagas sa wacky shots pa?
So syempre di magpapatalo ang mga bagets. Sabi sa inyo seryoso na talaga ako kapag nakanta. see...


Nagsesecond-voice ng walang mic. F na f lang sana!


At pinromise ko na di ako mangungulit that night. Pero muntik ko ng mapatay ang kumuha ng litratong ito...


spot the wagas headbanger! LOL

18 February 2012

Pabili pong Chichirya!

Hindi lang antok ang isa sa mga kalaban mo sa pagtra-trabaho, kundi pati gutom. Mas masaya kung oras-oras may nginunguya ka. Mas feel at home ako pag-ganun dahil parang nasa bahay lang ako habang nanunood ng TV. Pero nakakahiya naman kung minu-minuto ay nakatambak ang mga pagkain sa lamesa mo. Yung totoo? Nagtra-trabaho o nagpapataba? Empleyado o patabaing baboy?

Kaya naman sa opis ay #trending ang mga mamisong chichirya. Mas madaling kainin, mas madaling itago, mas madaling ishare(pwede ding hindi kasi pang-solo lang), mas madaling bitbitin, at abot kaya ang presyo.

Habang kumakain ng isa sa mga chichiryang nabili sa canteen ay biglang gumana ang kapilyahan namin ng boss ko. 

"Pag may garlic and chili may vitamins agad? di ba pwedeng maanghang lang muna? "






Pero infairness, masarap! Tsaka parang na-feel ko lumakas ako ng sampung guhit. lels. 

Naalala ko tuloy nung bata ako, lagi akong nabili ng assorted na chichirya. Tapos lalagyan ko sila ng pagkasunod-sunod sa kung ano ang uunahin kong kakainin at ihuhuli. Syempre yung masarap ang pang finale. Tapos minsan naman magluluto-lutoan ka. Paghahaluin mo lahat. 

Sino bang makakalimot sa Dipsy, Pompoms, Lumpia, Pritos Ring, Lechon Manok, Moby, Cheese-it, Boy Bawang at yung mga chichiryang may mga libreng laruan sa loob. Hindi ka dumaan sa pagkabata kung wala kang alam sa mga nabaggit ko, o baka mayaman ka. sosyal! Ikaw na ang naka-pringles at lays! LELS. Noon, kada bigyan ako ng dos ay ito ang mga binibili ko. Iiyakan ko pa si Mama kapag hindi ako binigyan kahit piso.

Sa mga panahong to mangilan-ngilan na lang ang mga tagpipisong chichirya. Mayroon namang nanatili sa presyong piso, pero tipong kaunti na lang ang laman at lumiit ang size kumapara sa dati. Swak din ang mga ito sa inuman, pang-pulutan. 

Ilang dekada na ang lumipas, sadyang di pa rin kumukupas ang panindang ito sa mga suking tindahan sa Pinas. Hindi mo masasabing sari-sari store ang isang tindahan kung wala ang mga mamisong chichirya.

16 February 2012

Labing-isa

I'm so ispeechless nung i-tag-ga sa akin ito ni Ate Leah. Agad akong tumawag sa blood bank ng Red Cross para magpa-reserve ng dugo dahil mukang maagasan ako dito LOL. Paunti-unti kong sinagutan, ang hirap pala para kasi akong nasa beauty pageant sa mga katanguang inilatag ni Ateng. So para naman hindi lang ako puro beauty (wagas) ay sinagutan ko na ang mga ito. Pero bago yan may mga golden rules muna:
  • Post 11 random things about yourself
  • Answer the tagged questions
  • Create 11 questions for the people you tag to answer
So here we sago! lesdudis!

11 Random (Wagas) Things


1. I love cars. Dream car ko Nissan GTR
2. I can cut my own hair, I'm proud na ako gumupit ng buhok ko ngayon (trip ko lang bakit ba)
3. Super idol ko si Yeng Constantino. Astig siya.
4. Super fan ako ng all female bands like General Luna and Sesa band.
5. I played bass guitar in a band. I can also play drums (slight, 16 beats lang kaya ko), sa keyboard yung triads lang alam ko. Ayan lang talent ko, hindi ako nakanta.
6. Hindi ko kaya kumagat ng icecream that's why I enjoy eating sundae. Sobrang saya ko na sa Mcdo sundae, di ko alam kung bakit, basta nakakatanggal ng stress.
7. I preferred dark chocolates than plain and white chocolates.
8. Pinaka-ayaw kong ride ang anchors away. Mamamatay ako, paulit-ulit kasi yun eh! Mas okay pa yung space shuttle.
9. Hindi ako nakain ng carrots pag luto. Mas okay pa pag hilaw.
10. Matatakutin ako sa multo. Hindi ako mahilig manuod ng horror movies.
11. Mainit o malamig, lagi ako nakakumot pag matutulog. Di pwedeng hindi.



11 (Wagas) Questions from SuperLeah

1. What type of music do you like? 
All of the above. Lels. Kahit ano, Im pond of everything basta music. Classic, rock, alternative, pop, rnb, reggae, techno, rap or opm.

2. What do you do when you get bored at work/school?
I'm likely to this stuffs. Tipong gagawa ng blog entry o kaya magbabasa ng blog. O kaya bubuksan ko lahat ng folders at files sa pc ko may magawa lang ako.

3. What's you favorite day of the week? 
Friday and Sunday. Friday kasi excited ako umuwi from work. F na f ko ang "TGIF" mode. Sunday din kasi ayun yung magpapaka-busy na ko before weekend ceases.


4. Are you an optimist or a pessimist? 
More on optimist, I always want to be positive kasi I believe in Law of Attraction. Whatever you feel, you attract. Whatever you imagine, you become. Therefore, kung positive thinker ka, probably ma-attract mo yung good vibes.

5. Do you believe in extraterrestrial life? 
Medyo, may mga mysteries kasi na hindi masolve kapag may mga nakikitang kakaiba sa kalangitan. haha ano daw

6. If you win an all-expense paid trip for two for a destination of your choice, where would you go and with whom? 
Paris or Italy , o somewhere in Europe . This where I always wanted to go. Nag-start yun nung highschool, may nabasa kasi akong book. Ang yaman kasi nila sa arts and literature, which is indeed my very interest. I wanna travel with my father, gusto ko siyang i-treat dahil siya yung tumayong tatay, nanay at kaibigan ko.

7.  If you are to have an awesome super power, what would it be? 
Healing power. Para mapagaling ko papa ko pag may iniinda siyang sakit. 

8.  If you are to win a million dollars, what would you do with the money? 
Bibili akong rest house sa Baguio tsaka sa Bora. Tapos bibili akong sariling bus, para pag may gala buong family o tropa hindi na mamroblema sa transportation. Then papagawan ko ng musileo si mudra. Papagawa ko yung bahay namin. Mapapag-aral ko na yung bunso namin. Then bibili akong car. Magpapatayo ako ng retreat house for Franciscan youth. Magpapagawa akong headquarter for Ubloggers. Haha

9. If a movie is to be made based on your life, who would you choose to play? 
Glaiza De Castro, hawig ko daw kasi yun. Lol. Haha. Pero marami na ding nagsabi (sige ipilit pa). O kaya si Alex Gonzaga, kasi parang ganun ako kakulit.


10. If you could travel through time, when and where would you wanna go? 
When my Mama is still alive. If I could, I'll make more quality time with her.

11. If you could live anywhere in the world, where would you live? 
Sa puso ni Karass. Lels. Actually Masaya naman ako sa lugar namin. Although hindi ganun ka-garbo ang buhay, masaya naman. I could live anywhere basta kasama ko family and friends ko. An-anhin ko naman kasi ang pagtira sa maganda at bonggang lugar kung ako lang mag-isa. Pero going back sa tanong, kung mai-sasama ko lahat ng mga taong mahal ko sa buhay, titira kami sa Bundok. Haha. Masaya kaya mamundok!

Medic! Stretcher please! haha. Ang hirap pala magsagot ng mga ganito. Pero I survive kaya ako naman ngayon.

11 (Wagas) Questions from Jhengpot

1. Anong ibig sabihin ng pangalan mo?
2. Kung bibigyan kang pagkakataon pumili ng magiging presidente ng Pilipinas other than PNoy, sino ito at bakit?
3. Wagas experience mo about love?
4. Anong kulay ng puso mo ngayon, seryoso, bakit?
5. Sa anong bagay mo maihahalintulad ang sarili mo at bakit?
6. Sinong karass mo, maliban sakin (lol)?
7. Kung papalitan mo ang pangalan mo, ano ito at bakit?
8. Anong ginagawa mo pag malungkot ka?
9. Paanong gagawin mo pag nakita mo yung katapat mo sa jeep may nakalabas na kulangot sa ilong?
10. Gaano ka kasarp magmahal (wagas na wagas)?
11. Ano ang gusto mong itanong sayo ng mga tao?

At ang mga ito ay ina-award ko kina... drumroll please... Kuya Rence, Kuya Al Musingan, Kuya Akoni, Kuya RommelMakina ni Monik, Superjaid at Orange Pulps. Please bear with the inconvenience. LELS


15 February 2012

F na F ang Vday

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapag-move on sa nangyaring balentong-tumbling-bending-baktayb na araw ng mga puso kahapon. Hindi naman ako nag-eexpect ng ka-somethingan for this event. Hindi rin ako bitter, neutral or kalma mode lang. Laughtrip nga ko for the whole day. Higit pa dun, bigla ko naging favorite ang araw kahapon. Kahit single, hindi naman ako nag-iisang nag-harlem.

Sa office ay busy much kami for the decoration contest kachorvanels. Umover yung galak ko, as in top of the lungs, ang saya kasi parang foundation day lang. May mga pakulo pang kissing, jail at message booths ang division namin bukod sa mga dekorasyon. Then picture-picture, laughtrip-laughtrip at bandang huli ay tinanghal na wagi ang Marketing Division(SO0 Group). Kaya naman F na F, as in feel na feel ko ang balentayms sa opis. Bunos pa nagtext si karass ko ng Happy balentayms, muntik na ko mapa-teach me how to dougie! Tagumpay! Lels

Jail Booth (kuno)


Kissing Booth (answerte naman ng mga pipila sakin. lol)

Picturan area
Message Wall
Eto ang pinaka-wagas na message para sa 'kin. lel

Ang pakulo ni Kuya Gelo
Marketing, Sales and After Sales Division/ SO0 Group

Dahil wala naman akong date, alangan naman magdala ako ng salamin at i-date ang sarili ko, ay bumili na lang ako ng cake para iuwi sa bahay. Echosera naman tong kapatid kong assuming habang sinasabing "Teh hindi mo pa birthday!". Purkit may cake birthday agad? Di ba pwedeng binyag muna?. Pero bago yun eh ang dami ko ng nakitang lovers na pakalat-kalat sa kung saan-saan. Di ko mapigilan mapatingin at mang-echos sakanila. Di ako bitter ha, natatawa lang ako sa sarili ko. Kasi tuwing mapapatingin ako sa kanila at napatingin sila sa akin ay bigla akong iiwas ng tingin sabay ihip sa bangs. Muntanga lang.

Naalala ko lang at inaalala ko lang kung ano bang naging set up ko last valentines. Sa kasamaang palad ay hindi ko na ma-recall. Ang naalala ko lang kinikilig ako nung mga panahong yun. May kalandian (wagas) at ka-i love youhan pa ko those days. Pero lumipas na ang mga araw na 'yon at tanging bakas na lang ng ala-ala ang naiwan. Masaya pa rin naman ako at natutunan ko magmahal at naramdaman ko ang tamis ng pagmamahal. At ang mahalaga naging Masaya ako kahapon. Attitude lang yan men!

14 February 2012

Ilabas ang Kulit



Nitong mga nakaraang araw, maraming pagbabago ang napapansin ko sa sarili ko. Hindi naman ako nag-aadik, parang lang kasi para akong laging naka-high, pero di talaga men! Sabi ko kasi magseseryoso na ko sa buhay ko. Gusto ko talaga maging seryoso na. Kasi para maiba naman, maging seryoso naman. Pero ang bilis magbago ng isip ko, gusto ko talaga magseryoso. Ang labo noh. Basta I have tried my very bestest (ano daw? wagas!). I'm sorry naman sa mga pictures, busog naman ako nung mga time na toh, nakatulog naman ako ng maayos at wala naman akong pinagdadaanan sa buhay. Basta gusto ko magseryoso. 


Moderate Level / Pakalma Mode
Average Level
Nakuha pa mandamay ng iba
Okay wait lang, retouch lang  muna ako.
Wagas Level !!! Malala na toh!

Ikaw ba naman kasi may mga kaibigang ganito??? Damay-damay na lang, rekta-rekta na!

Ligayang-ligaya men? 
Yung totoo? Sinong nauna sa finish line? 


Promise mag-seseryoso na talaga ako lalo na pagnakanta!

LOL

LAUGHTRIP! Ang papanget ko, magandahan nga sa susunod! LELS

Babala: Ang mga litrato ay pagmamay-ari ko, wala ng iba iba kundi ko. Kung sino man ang magnakaw ng mga larawan dito ay mapapatawan ng kapangyarihan taglay ni Budoy. Kaya behave lang kayo.

13 February 2012

Walang Pamagat


Madalas, dumadating yung mga panahong hindi mo inaasahan, kaya nga sabi nila "expect the unexpected". Sa simple man o bonggang bagay. Kusang dumadating yung oras at pagkakataon na magpapangiti satin na parang asong bulol o kaya magpapa-iyak sayo to the highest level. Aminin na natin na mahirap paghandaan ang mga bagay-bagay, hindi naman sa lahat ng oras lagi kang alerto kung may sunog, bagyo o lindol. Hindi naman araw-araw nakahanda ka sa pagdating ng taong pahahalagahan mo for the rest of your life, otherwise, mawalan ng taong pinahalagahan mo na while you're alive. Whatever, as long as kaya mong magpakatatag, makakaasa ka pa rin sa sarili mong magpapatuloy lang ang buhay mo.

Bakit ko ba sinasabi to? Pasensya na, eksaherada lang ho. Meron lang kasi akong na-encounter na something kaek-ekan. Naghahanap kasi ako ng acoustic cover ng "love song for no one"  ni John Mayer sa Youtube. At habang naghahanap ay bigla akong napunta sa isang video niya, live concert. Pinanood ko, baka kasi madali lang yung version niya dito. Laking tuwa ko, yung ngiti ko abot hanggang Edsa, natrapik pa nga eh, lel. Di ko na napigilan ang sarili kong kiligan sa introduction niya. Napapangiti ako hindi lang din dahil sa kilig, napatawa sabay iling. Natatamaan ako sa mga sinasabi niya. Sapul na sapul. 

Panuorin niyo, pustahan makaka-relate kayo.


Moral of the story: "Never ever ever ever under estimate the power of  I'D LIKE THAT."

Bilog ang mundo. Ang mga nangyayari pwedeng paulit-ulit. Pero kung iisipin mo hindi lahat natutunan natin kahit pare-pareho lang ang mga sitwasyon na nagdadaan, maaring ibang level o degree, ngunit hindi lahat nakukuha mo agad sa isang pasada lang. Kaya patuloy pa rin ang buhay, tuloy pa rin ang pagkakataon, iikot pa din ang mundo sa ayaw sa gusto natin. 

Pwedeng ngayon malungkot ang pagsikat ng araw para sa akin o para sayo, pero para saan pa at naiba ang araw bukas? So pano ba yan. Bukas ay balentong day na. HAPPY INDEPENDENCE DAY! LOL