30 March 2012

ORAS para sa LIKAS


Sa paglubog ng haring araw
Namamayagpag ang bumbilyang de ilaw
Nagpapanggap bilang tala
Animo'y pumatak sa mababang lupa

Sa espasyong puno ng dilim
Dala'y liwanag na hindi lihim
Nakasisilaw ang taglay na ningning
Wari'y bida sa isang piging

Parang isang mahika
Parang mahiwagang makina
Hinahangaan ang kinang
Nitong bolang tila nahihibang

Ang marilag niyang kagandahan
Sinuri ko't pinagmasdan
Sa likod ng kanyang kislap
Nagkukubli ang mapagkunwaring ulap

May angking elemento
Sa mundo may hatid na epekto
Nakalalason na kontaminasyon
Tulad ng nakasusulasok na polusyon

Sa sinag niya ako'y nabulag
Kalikasa'y binalot ng pagkabagabag
Naghihingalo't humihiling
Nangungusap "wag kang umiling"

Ibinulong ng malayang hangin
Kasama ng mga punong dumadalangin
Nagsusumamo pati ang tubig
Sumisigaw ng may isang tinig

Nanlilimos ng pagpapahalaga
Kahit saglit, enerhiya ay ipahinga
Hayaan muna ang bilog na buwan
Magdulot ng payapang kaliwanagan

Sa panahon ng gabing mahinhin
Sabay-sabay nating gawin
Isang payak na kontribusyon
Sama-sama ang lahat ng nasyon

Pahingi ng isang oras
Para sa 'ting yamang likas
Sa loob ng animnapu'ng minuto
Mapapanatag ang buong mundo

--------------------------------------

Ito ay partisipasyon ni Jhengpot para sa "Earth Hour: Go Beyond the Hour Blogging Contest"



Isponsor:



26 March 2012

Kung PAGOD ka na


Pinoy Henyo Word : KUTSILYO

Juan: Tao ba ‘to?
Pepe: Hindi!
Juan: Hayop?
Pepe: Hindi din!
Juan: Lugar?
Pepe: Hindi!
Juan: Pangyayari ba ’to?
Pepe: Hindi pre!
Juan: Bagay?
Pepe: Oo!
Juan: Nasa bahay?
Pepe: Oo!
Juan: Ah ginagamit sa loob ng bahay?
Pepe: Oo nga!
Juan: Sa kusina?
Pepe: Oo!
Juan: Matalim ba ‘to?
Pepe: Oo!
Juan: Ginagamit panghiwa?
Pepe: Oo! (excited much na)
Juan: Pass!
Bossing: Enk! Time’s up!

Moral Lesson : “More often than not, people are defeated and lose the battle because they are tired, because they chose to give up the fight.”
-Bro Jon Escoto of The Feast Laguna, The Fighter Series 3/25/2012

Tutulo na yung luha ko sa part na 'to, kaso naunang tumulo yung sipon ko kaya nawalan ng momentum yung drama serye ko, wasak. I know God bless me as always, pero this time was different. Na-feel ko yung mahigpit na yakap sakin ni Lord which made me realize "I’am more than bless". Tama sila, tama Siya, If you just let Him lead your life – sigurado pa sa sikat ng araw ang blessings na siksik liglig umaapaw ang darating sa buhay mo.

Tulad ng isang simpleng mamamayan ng Pilipinas, marami din akong pangarap at gustong marating sa buhay. Mga pangarap na tumutulak sa ‘kin para gumising sa umaga, pumasok sa trabaho, maging isang mabuting empleyado, maging isang mabuting anak, maging isang magandang Filipina, maging isang magandang ehemplo sa kabataan – oo na naliligaw na ang usapan. I mean, lahat kaya at kakayanin kong gawin para maabot ko ang rurok ng tagumpay (whatta word: rurok). Alam ko lahat naman tayo maraming pangarap, KKD o kanya-kanyang diskarte na lang kung paano natin ito makakamtam (wagas word: makakamtam).

Along the way, sa ayaw at sa ayaw man natin ay dadaan ang mga mga pagsubok, problema, balakid and a lot more para pigilan tayo. Kung kadalasan paulit-ulit na lang nga ang mga problema, unli? naka-line? postpaid?  Kaya natural ang pagod, likas ang mapagod. Kung pagod ka na sa buhay mo magpahinga ka. Kung pagod ka na sa in-a-relationship status mo, magpahinga muna kayo. Kung pagod ka na sa trabaho mo, mag-leave ka, mag rest day ka. Kung pagod ka na sa gawaing bahay, magsiesta ka. Kung pagod ka ng tumakbo, maglakad ka muna. Lahat  tayo napapagod, lahat nakakapagod. Ultimo ang walang magawa napapagod, ang  tambay napapagod na din yan tumambay. Simpleng logic - kung pagod magpahinga. Hindi ibig sabihin nito ay susuko o sumuko ka na.

Kung may pinagdadaanan ka, ako din mayroon, lahat tayo mayroon. Kaya wag mong isipin solo flight ka. Kung pagod ka na, ako din, marahil sila din. Kaya kung kaya nila, kaya ko din, at malamang kaya mo din. Wag ka mapagod lumaban, wag ka masyado magpakapagod, wag ka susuko at isigaw mo "I can do all things through Christ who strengthens me." -Philippians 4:13

 

22 March 2012

Panaginip


Sa isang silid-aklatan nakaupo ako sa isang gilid habang pinapanood ang dalawang kulisap na tila naghahabulan sa ere. Di kalaunan nagkaroon ng nakasisilaw na liwanag mula sa kabilang dulo ng silid kung saan isang pamilyar na hugis ng tao ang aking nasilayan. Kaagad akong tumayo sa aking pagkaka-upo at nagmadaling tumungo sa kanyang kinalalagyan. Ilang hakbang pa lang aking natatahak ng bumungad ang isang nakakatakot na nilalang sa aking harapan - isang maligno! Kumaripas ako ng takbo, hindi alintana na nagpabunggo-bunggo sa estante ng mga libro. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa hanggang sa tuluyan akong natisod dahilan para bumagsak ako sa sahig. Tumulo ang luha at bumuhos ang takot ko na baka maabutan ng nakakatakot na nilalang. Sunod-sunod ang aking hikbi ng may tumapik sa aking balikat. Ayaw ko lumingon, ayaw kong makita ang malignong iyon! Ngunit isang malambing at pamilyar na boses ang aking narinig... ”tahan na anak ko”  tinig na matagal ko ng hinahanap-hanap mula sa aking hinagap. Hindi ako nagkamali sa aking hinuha, sa aking paglingon ay walang pag-aatubiling aking nasambit ang salitang “Mama ko!” kasabay ang sabik at mahigpit na yakap.

“Ate! Gising na! Anong petsa na!” sigaw sa akin ng aking nakababatang kapatid habang inaalog ang aking nahimbing na katawan.
“Ha? Ano ka ba! Natutulog yung tao e!” at agad naman akong bumangon upang ihanda ang aking sarili para sa araw na iyon.

Pasado alas nuebe na, habang nagmumuni-muni ng kaunti sa banyo ay naalala ko ang aking panaginip at binigkas sa aking isip "Ikaw talaga ma, hindi ko naman nakakalimutan eh. Naalala ko birthday mo ngayon". Sabay buhos ng malimig na tubig.

“Kumain ka na diyan. May galunggong diyan sa lamesa. Ibinalot ko na yung ibang ulam na dadalhin natin, yan na lang muna ang i-almusal  mo.”  bungad sa akin ni papa pagkalabas ng banyo.
“Opo!”  sabay nagtungo sa hapag upang pag-pistahan ang natirang ulam.

Saktong alas diyes ng umaga ng lisanin namin ang aming bahay patungo sa bagong tahanan ng aking ina. Wala pang isang oras ay narating namin ang sementeryo. Ibinaba ang lahat ng gamit at pagkain mula sa kotse at agad na nagtungo sa kanyang puntod.

”Kamusta ka na dito Ma? Happy birthday!” ang aking unang bati at agad na nag-alay ng payak na panalangin. Pagkatapos nito ay napatingin ako sa malawak na kalangitan at nasilayan ang saranggola na animo’y ibon sa paglipad. "Alam ko isa ka ng ibon, malayang lumilipad. Ako naman ang saranggola, pilit kang inaabot, pilit kang gustong makasama, ngunit nakatali pa din akong mamuhay sa mundong ibabaw." 

Masaya ako na kahit man lang sa panaginip nakakasama siya panandali. Banayad ang aking pakiramdam na isiping mapayapa siya sa piling ng Ama. Sa puntong ito ay isang ngiti ang gumuhit sa aking pisngi at muling ibinaling ang tingin sa kalupaan. Lumapit ako sa kanyang lapida. Pinagmasdan ang larawan na nakapatong dito habang hinahagod ang mga damong nakapaligid. Luntian ang paligid sa sementeryo dahil sa bermuda o damong bumabalot dito. Sa ganitong paraan, nababawasan ang pangamba ko na sa ilalim ng kulay berdeng ito ay libo-libong bangkay ang nakabaon. Ini-unat ko ang aking katawan at humiga sa damuhan. Ipinikit ko ang aking mata, unti-unti sa aking imahinasyon ay nilamon ako ng lupa papunta sa panahong nabubuhay at masigla pa ang aking ina...

Katapusan na naman. Kapag pumapatak ang araw na ito at ang akinse ay kusa akong pumupunta sa opisina ni mama. Malaya kaming nakakapasok sa kanyang pinagtatrabahuhan. Marahil natural na labas-masok ang mga tao dito. Nagtatrabaho siya sa isang kagawaran sa aming munisipyo. Malapit ang puso ni mama sa pagtulong at paglilingkod sa mga tao. Dati siyang kapitana ng baranggay at kagawad ng aming lungsod. Sa magulong mundo ng pulitika ay binansagan siyang Amazona dahil sa tapang niya sa pagharap sa lipunan kahit isa siyang eba. Noong matapos ang termino ng paglilingkod ay pinili niya pa ring magtrabaho sa lokal na pamahalaan. Tila isang bayani sa panitikan ang tingin sa kanya ng ilan. Ngunit para sakin ay isa siyang uliran at mapagparayang ina. Hindi naman ganoon kalaki ang sinasahod niya sa kanyang trabaho ngunit hindi niya pinapalagpas ang mga pagkakataong may pera siya upang ibigay ang mga luhong bagay bukod sa aming pangangailangan. Ang lahat ng ito ay bunga ng kanyang pagsasakripisyo. Siya ang pinakaunang taong nagigising sa aming munting tahanan. Lahat ng gawain sa bahay ay kanya ring inaako. Hanggang sa dumating ang araw na unti-unting nanghina ang kanyang pangangatawan kung saan ang bahay at buhay naming puno ng sigla ay binalot ng pagkabalisa.
                                                                             
”Ginagawa namin ang lahat ng paraan pero hindi ko kayo mabibigyan ng kasiguraduhan sa ngayon sa kalagayan ng mama niyo. Unti-unting bumabagsak ang vital signs niya. Ang tanging magagawa natin sa ngayon ay magdasal” ang sabi ng doktora sa amin ng kapatid ko habang nasa labas ng Intensive Care Unit o ICU ng ospital.

Tila nauna na kong nawalan ng malay sa puntong ito. Napahigpit ang kapit ko sa dingding upang suportahan ang nanlalambot kong katawan. Huminga ng kaunti at lumapit sa altar na malapit sa bukana ng ospital. Kung mayroon lang hihigit sa panalangin upang hilingin ang paggaling niya ay ginawa ko na. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari sa mga susunod na sandali. Lubos ang aking pagsamo na sana ako’y pagbigyan ng Diyos kahit saglit. Binuklat ko ang bibliya sa aking harapan at binasa ang talatang unang nasilayan ng aking mga mata.

”At bakit pa kami nalalagay sa panganib sa lahat ng oras? Walang araw na di ako nabibingit sa kamatayan, mga kapatid! Sinasabi ko ito sapagkat ikinararangal ko kayo alang-alang kay Cristo Jesus na ating Panginoon!  Kung ang pakikipaglaban ko sa mababangis na kaaway sa Efeso ay para sa tao lamang, ano ang mapapala ko? Kung hindi rin lamang bubuhaying muli ang mga patay, mabuti pa'y sundin na lamang natin ang kasabihang ito, "Kumain tayo at uminom, sapagkat bukas tayo'y mamamatay."”
- 1 Corinto 30:32

Dito tuluyang nablanko ang aking isip.

Nagmadali akong tumakbo sa ICU, doon nakita ko ang aking kapatid at mga pinsang umiiyak na puno ng hinagpis. “Wala na si mama…” sambit ng aking humahagulgol na kapatid. Matindi pa sa lindol at bagyo ang sa aki’y humagupit sa oras na ito. Nagkalat ang mga piraso ng aking mundo na parang dinurog na bato. Wala ng hihigit pa sa sakit na makitang nakahimlay at walang buhay ang iyong nanay...
                                                                                                                                                                             
Hoy! Gising! Tulog ka na naman!” sigaw sa akin ng aking nakababatang kapatid habang inaalog ang aking nahimbing na katawan.
“Ha? Ano ka ba! Natutulog yung tao e!”  tugon ko sa kanya at agad akong bumangon. Nakatulog pala ako sa damuhan, panaginip na naman.

Muli akong napatingin sa kanyang lapida, hinawakan ito ng bahagya at hinawing muli ang mga damo sa gilid. Alam ko malalim ang kanyang kinalalagyan mula sa aking kinauupuan. Marahil nakababagabag kung masisilayan ko pa ang kanyang katawan sa ilalim ng lupa. Mabuti na lang at natakpan ito ng luntiang bermuda ng sa gayon ay maaliwalas tingnan. Katulad ng isang sugat na naging peklat at sa pagdaan ng panahon ay tuluyang naghilom. Sa lugar na ito maalala ko ang lahat patungkol sa aking ina. Ngunit ang damuhan na bumabalot sa kalupaan nito ay sumisimbolo ng paghilom at bagong usbong na pag-asa.


---------------------------------------------------------------------------------------------------

Ito ay lahok ni Jhengpot sa pakulo ni Kuya Bino ng Damuhan na ”Bagsik sa Panitik”

19 March 2012

SLAMBOOK ni POTPOT ft. Kuya Rence



Kung mayroong nag-iisang word na matitira sa mundo na makakapag-salarawan sa taong ito, ipupusta ko ang ganda ko, ang "BRIGHT" ng taong to. Sa sobrang bright niya, minsan di na kinakaya ng capacity ng utak ko at nagfo-force shut down na ito ng kusa. Isa siya sa mga nakakatanda (peace) na blogger na nakilala ko. Pero kahit ganun, at kahit bigtime siya, napaka-humble at simple pa rin ng taong toh. Tama na nga na tong mga papuring sinasabi ko, at medyo nasusuka na ko. echos!


C'mon lesdudis!


Kilalanin natin ang ating slammer na si Kuya Rence ng Making A Difference (MAD).




Part 1: Easy Round


Personal Information

Name:  Laurence
Nickname:  Rence / Kuya
Age:  45
Marital Status:  Single
Location:  Sucat, Parañaque


















Blog Profile

Blog(s):  Making A DiffeRENCE and Soltero
Blog objective/purpose(if any):  1) as a resource for myself when I need help and for others in similar circumstances  2)  a tool for self-realization and making peace with my past  3)  to fill the need to be heard
Blogger since:  June 2011
Blog influence:  Lahat kayo
Describe your blog(s):  According to Blogs ng Pinoy, they are just about anything, but mainly about me.  Ako si anything.
Paano ka nag-umpisang mag-blog:  Try-try lang, hanggang naging adik.


Describe the following:

Yourself:  Chinito. Matangkad. Minsan serious, minsan kalog, minsan normal.  Gwapo noong kabataan.  Ngayon, may ebidensiya pa naman na gwapo noong kabataan.
Love:  You have to learn to love yourself first before you can truly love someone else.
Death:  Inevitable.  One must learn to live the days of his life to overcome the fear of death.
Pain:  Pain is a necessary evil.  Just like love, feeling pain means you are alive.
Happiness:  It is an attitude.  It is eating a newly cooked crunchy turon.


Favorites

Food:  Pasta. Bread. Pastries. Fruits. Sinigang. Kare-kare.  Sushi.  Cakes.  Chichiria.  Chocolate.  Donut.  Pizza.  Ice Cream.  Halo-halo.  Kakanin.  Veggies.
Hobby:  Blogging.  Watching downloaded movies.  Music.  Reading in CR.  Food.
Singer/Band:  None in particular, as long as I like the music.
Song:  Ever Since the World Began
Color:  Blue
Book and its author:  None in particular.  I read anything that interests me.



Part 2: Average

Give new meaning to the following:

WTF:  Welcome to Facebook
FU: Pasosyal na tae.
SOP:  Sheet of Paper
ASAP:  Asa Sa Asal Palaka
LQ:  Tinuhog na L
TL:  Tulo Laway
LOL: Grandparents, Lolo o Lola

What and Who

What is your most unforgettable moment?  When I was depressed and my best friend took me to his date with his girlfriend.
What is your most embarassing experience?  Nung tumae ako sa salawal nung elementary ako.
What drives you everyday, to strive and survive?  Love of myself.
What is your motto in life?  Life is unfair and living it is one way of saying, "Fuck you, life."
What are the simple things that make you happy?  Spending time with my twin nieces.
What is your greatest dream?  To make a difference in other people's lives.
What are your unique talents?  Cooking pacham. Crack impromptu jokes.
What are the weird things about you?  Nangungulangot ako habang nanonood ng pelikula.  Naglalaba ako in the nude.
What/Who completes you?  Only God can complete me.
Who is your crush?  I get a crush on myself when I look at my old pics.
Who is your first kiss, except your parents/relatives?  Scandal yan.
Who is your hero? your idol? your great influence?  Wala akong maisip.
Who is your favorite blogger?  Ron Silvoza, McRICH



Part 3: Difficult

Please answer seriously.

Kaninong cartoon character mo maihahalintulad ang sarili mo at bakit? 
Kenshin Himura, dahil siya ay gentle pero mabagsik.
Kung gagawing telenovela ang buhay mo, anong title nito at sinong artista ang gusto mong gumanap bilang bida? 
Soltero, starring Christopher de Leon
Kung manalo ka sa lotto ng 100M, saan at paano mo ito gagastusin? 
Magpapatayo ako ng apartment building.
Kung bibigyan ka ng chance maging member ng super friends o mas kilala ngayon sa tawag na justice league, anong super power meron ka at anong pangalan mo? 
Supermind.  Isipin ko lang ang isang bagay, pagkabigkas ko ng "Go," done na siya.
Kung magkakaroon ng pambansang gulay, ano dapat ito at bakit? 
Malunggay.  Dahil ito ang pinakamasustansiyang gulay sa balat ng earth.
Kung mabibigyan ka ng pagkakataon maging isa sa bananas in pajamas, sino ka? si B1 ba o si B2? Bakit? 
B1.  Dahil ito ang tawag nila sa akin noong nagpakalbo ako.
Kung babaguhin mo ang nakasanayang tunog ng tawa from hahaha, hehehe, at hihihi, ano na dapat? 
huhuhu
Kung ikaw si Elisa, bakit hindi ka na lang naging si Budoy? 
Di ako nanonood ng tv kaya di ako maka-relate sa tanong na ito.
Sino sa mga artista, local o foreign, ang sinasabi nilang look-alike mo? Kung wala huwag ipilit please. 
Sabi nila, si Alfie Anido noon.  Tapos si Tonton Gutierrez.



Part 4: Bonus Round

Dedication to Potpot (freestyle, kahit gano kahaba at anong sabihin mo pwede, basta para kay Potpot)

Dear Potpot,

Maraming salamat sa pagkakataon na ito to sign your Slambook.  I hope to get to know you and other bloggers more.  I enjoyed answering your questions, at kagaya ng sinabi ko, dumugo na naman ang utak ko, dahil naka-cache na ang ibang memories ko at kailangan ko pang i-defrag ang utak ko para masagutan ang ibang tanong.  Kung meron kang hindi kilala sa mga sagot ko, e paki-Google na lang, dahil sure ako, hindi ka pa ipinapanganak nung nabuhay ang mga taong yan.

Keep on blogging and more power to you.

Kuya Rence






-End of Slambook-

Gusto mo ba makigulo? Mag-email lang dito emjhay_bentedos@yahoo.com.ph

15 March 2012

iPon


Para sa isang empleyadong makakabasa nito. Tingnan natin kung gano ka-flexible ang imagination mo.

Imagine, akinse ngayon, kakatanggap mo lang ng payslip mo. Pagkabukas ng pay-slip biglang naisip mo yung petsa sa katapusan, sa madaling salita, looking forward ka na agad sa next payslip o sahod mo. Na-imagine mo ba? O Na-experience mo na? Isa ka ba sa mga katulad kong matumal ang pasok ng pera sa bulsa o pitaka? Kung isang malaking check ang sagot mo tara maghawak kamay tayo and let’s pray for our broken pockets. Chos.
Sabi nila kung baguhan ka pa lang sa pagtatrabaho bilang empleyado i-expect mo na ang financial losses or kung mapalad ka ay breakeven for the first year of your employment. Huwag masyadong mag-expect na malaki ang maiipon mo o may ma-iipon ka. Wala akong kinalaman sa sinabi nilang ito ha, defensive? Eh kasi yung iba naman nakakaipon. May mga iba lang talagang hindi – ehem ehem…

Maraming chenes o factor na pwedeng maka-apekto sa pag-iipon. Una, depende sa lifestyle mo. Kung marami kang pinagkaka-abalahan na bagay na nangangailangan ng kaperahan malaki nga ang chansa na wala kang maitago. Pangalawa, depende din kung ikaw ang bread winner sa pamilya niyo o bread winner ng jowa mo – bongga ka teh! Pangatlo, depende din sa source of income mo. Kung gano kalaki ang kinikita mo mula dito, gano kadalas o gano kadalang ang pasok ng datung sayo. Pang-anim, ayaw mo mag-ipon, nyewan ko sayo trip mo yun eh. Pang-sampu, napansin mo ba mali ang bilang ko? Pampam lang.

Moving on… Kung may mga dahilan kung bakit, mayroon ding mga paraan kung paano. Marami rin namang mga kachorvahan para makapag-ipon. Una, galingan ang pagbubudget. Kung kailangan gumamit ng envelope system, gawin mo. Pangalawa, maging kuripot. Keri lang kahit kantyawan ka sa tropa, ginusto mo yun eh. Pangatlo, magkaroon ng allocation for savings at ituring mo na rin itong parang expense mo na kailangan mo bayaran on a regular basis. Pang-apat, bawas-bawasan ang mga rampa na nangangailangan ng matinding pagwawaldas. Pang-lima, pwede kang gumawa ng alakansya para doon ilagay ang iyong ipon. Pang-anim, at marami pang iba.

“The ability to save doesn’t depend on the size of your income” – Ito ang isa sa mga nakaka-inspire na narinig ko from unknown financial consultant.

Ano bang kailangan para makaipon? Malamang kailangan mo ng pera, kasi kung hindi sige try mo mag ipon ng balat ng candy. Bago pa yun, kailangan may mga resources ka – trabaho, negosyo, allowance, jowa, mamasang, sugardaddy, etc. At higit sa lahat kailangan ng disiplina, self-control at self-denial para maiwasan ang gastos na hindi naman kailangan. Dapat winner ang attitude mo pagdating sa pag-iipon, pwedeng maging madugo ang mindsetting na kakailanganin mo para dito. Or kung gusto mo humanap ka din ng matindi at malupit-lupit na purpose kung bakit ka mag-iipon. Yung tipong kagipitan na pag sumablay ka sa pag-iipon.

“God provides” as always naman eh. God never leave us empty handed. Minsan lang di natin napapansin yung mga bagay na binibigay niya kasi we’re looking forward agad for more and more and more. Much better kung ganito na lang kaya - “Let’s SAVE what God PROVIDES” di ba?

So Potpot anong masasabi mo? May naipon ka na ba?
“Ahmmm… I’d like to keep it private.  Next question please.” CHAR!
"I'm temporarily broke but the blessings are on the way..." think positive wag kang aayaw!

12 March 2012

First Best Friend


Ito ang pinaka-unang blog na naisulat ko, kapanahunan pa ng friendster. Buti na lang naisalba ko siya. Sa tuwing babasahin ko toh napapangiti pa din ako at napapa-isip kamusta na kaya siya?.
---------------------------------------------------------------------------------------

Way back elementary days, I had my very first best friend. Her name is JESSICA. I call her JEC-JEC, tawag niya naman sakin JHENG-JHENG. Parehong pareho kami ng gusto, ng trip at ng ugali. Mejo boyish kasi ako nung elementary ako, at sya din. 

One time, pinagti-tripan namin yung balat ng chocolate, ung aluminum foil. Ginagawa namin braces, siguro na-experience niyo na din yun. Then, after 3 weeks, nagpa-retainer na talaga kami sa dentista,trip lang. Take note, grade five kami nun ha. Syempre pagkumakain tinatanggal namin. At isang beses nilagay ko siya sa lap ko, pagtayo ko tumalsik siya! My gahd! Dun pa napunta sa paa ng teacher namin. Iyak tawa kami e. At isang araw naman may nakaaway kami, si metal face! Kaya metal face may balat siya sa muka, mga kalahati ng muka niya. Behave naman kami, eh etong metal face pinagbintangan kaming nagnakaw ng gamit niya. At napaka-angas at yabang pa, babae po siya. Kada uwian, sinusundan namin hanggang bahay nila si metal face, kunyari pagtutulungan namin sya, sabay pag sumigaw ng tulong, takbuhan na kami! 

Uso noon ang ‘cleaners’ sa public school, lagi kaming naghihintayan sa kung sino ang cleaner. By row kasi and cleaners, row one ako at row two naman siya. Tapos minsan kami ung nagvovolunteer maglinis ng banyo. Nauso din noon ang walkman, kaya nakiuso din kami, favorite song namin ang nauuso noon na rap ng Salbakuta na “Stupid love”,talagang hit maker un noon. At sa tuwing susulat kami sa slam notes at autographs ng mga classmates namin, laging di sya mawawala sa “bestfriends” ko at siya din naman sa akin. 

She’s my very first best friend ever since. Naaalala ko pa dati na lagi kami sa likod ng tricycle nasakay, backride. Tapos isang araw naman nakaapak siya ng sigang nilalang sa daan, sabi ko “yay!tanga ka!!! naapakan mo ung t*e!”, sabi niya naman “anu naman,  t*e  lang yan!Naka tsinelas naman ako e’! at sabay tawa.

Siya ang nakakaalam ng mga crushes ko noon, at syempre siya din ang kasabwat ko pag-naglulumandi kami nung mga araw na ‘yon. Dati pumunta kami ng ‘Tibagan’ (bundok sa lugar namin) kasama ung mga classmates namin, ayun yung mga takbuhan moments namin. Dati nung Mr. and Ms. Valentines day, kami lang ung nasa room, nanonood kasi ng program ung iba, tapos biglang sumulpot ung classmate naming lalaki. Gusto din pumasok sa room, e ayaw namin dalawa, ayun. Bigla niya nalang nabuksan ung pinto bigla kaming hinabol ng walis tambo. Hala sigaw at takbo naman kami.

Magkapartner din kami nun sa gardening, tapos kasama din namin ung isa pang classmate naming lalaki, isiningit saming dalawa. Salit-salitan kami noon sa pagbubungkal ng lupa, at pagpipiko, talagang para naming inaararo ung lupa. Tapos lalagyan namin ng tali o bakuran ung property namin. Kasi inagkin na namin yun…talaga naman.

Our friendship stayed the best until we entered our Grade 6, di na kami magkaklase noon, pero nag-uusap at nagkakasama pa rin kami hanggang sa makagraduate na kami ng elementary. Pero naging malimit nalang ung pagkikita namin nung nag-high school na kami dahil magkaiba kami ng school, pero we always keep in touch pa rin kahit papano. Nagpupunta pa din sya minsan sa bahay.

Habang nagdadaan ang panahon, unti-unting nawala ung communication at connection naming dalawa. Minsan hanggang batian at ngitian nalang kami kapag nagkakasalubong sa kalsada.

I graduated in high school at nabalitaan kong bumalik siya ng isang year kaya hindi pa siya nakaka-graduate. Marami akong naging kaibigan nung high school - close friends, special friends, true friends, best friends and all. I admit na nakalimutan ko na siya, may mga pagkakataong di na kami nagkakapansinan sa daan, siguro nakakailang. It was a long time ago pa ng huli kaming magkausap.  Pero gustong-gusto ko siyang batiin at kausapin, di ko naman nagawa. Hanggang sa nakita ko nalang na buntis na pala siya. Bigla na lang sumagi sa isip ko na magplano one time na pumunta sa bahay nila at kamustahin ang kalagayan niya. I was thinking then na gusto kong maging ninang ng mga anak niya. Days passed by, di ko na siya nakikita at nakalimutan ko na rin ang plano ko.

July 19,2008 - Stressful day for me, prelim exams at kelangan ko pang pumasok para sa mga major subjects ko na maagang magsisimula at magtatagal ng 9 hours.Kamusta naman yun diba? Di na ko kumakain ng breakfast, diretso alis na at kape nalang ang ininom ko tapos ay nagbaon ng skyflakes,voice at kahit anong biscuit na meron sa bahay. Our first exam started at 7:30 AM, straight, nagtagal ng 1 and half hour. Nakakagutom tapos may discussion pa after. Habang nagtuturo si Sir Accounting sa harapan, kinuha ko ung baon kong ‘voice sandwich’ gutom na kasi ako. Sa gutom ko, pinwersa kong buksan ung voice hanggang sa sumabog at tumilapon siya. Nasaksihan yun ng mga classmates ko, at natawa sila at mamamatay na din ako sa kakatawa. Nakakahiya na nga wala pang nakain. Anyway, ayun yung pinaka-unforgettable na bagay na nagyari sakin nung araw na yun bukod sa pinakanta kami ng ‘Lupang Hinirang’ dahil walang nakasagot ng tama sa isang tanong sa recitation sa Law.

Gabi na ko nakauwi, pagkatapos kong ikwento yun sa mga tao sa bahay yung nangyari sa akin sa buong araw ay umakyat ako sa kwarto namin. Habang nagbibihis ako, narinig kong may pinag-uusapan si mama at yung tita ko na napadaan lang. May namatay daw malapit samin. Ako naman ‘tong nakiusyosa. Tinanong ko kung sino ung namatay, sabi ni mama “Jec-jec daw ung pangalan, apo daw ni Aling Antang at anak ni Junior” Oh God! It really shocked me! I told them and asked them kung si “Jessica” ba yun tinutukoy nila.  And confirmed siya nga. Super natulala ako, hindi ko alam kung anu ang magiging reaksyon ko. Di ako makapaniwala at ayokong maniwala. Nanghina ako, hindi ko alam kung bakit ganun ung pakiramdam. Napanaginipan ko siya that Saturday night.

July 20, 2008 - Gumising ako ng siya ang nasa isip ko. Hindi ako mapakali… Para akong tinanggalan ng pakiramdam na ang bigat pa rin sa loob. Dala-dala ko yun hanggang gabi at ipinilit ko na talaga kay mama na samahan akong pumunta sa bahay nila kung san siya nakaburol.

Kinkabahan ako habang palapit kami ng palapit sa bahay nila hanggang sa makarating na nga kami sa pinanaroroonan ng kabaon niya. As I walk closer, lalong bumibilis yung kabog sa dibdib ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko siya, walang malay, walang buhay.

She’s very beautiful and lovely like I knew her before. She’s wearing a white spaghetti dahil yun daw ang favorite niyang damit. As I looked at her , nagflashback lahat ng memories. Hindi pa rin ako makapaniwala. At the top of her coffin e may dalawang ‘voice sandwich’, that gave  me a lil’ bit curiosity. I asked her sister why at sabi nung ate niya it was the very thing na hinihingi niya nung gabi before siya mamatay. Oh God! Yung pangyayari sa classroom…the same day na namatay siya. Is it a sign? Nagparamdam ba siya? Hindi ko alam. 

At that point nagsink-in sa akin ang lahat, I've lost my very first best friend. Gustuhin ko man ibalik lahat ng pinagsamahan namin ay hindi na maari. Ang nakaraan ay mananatili na lang ala-ala. Hanggang ngayon ipinagdarasal ko pa rin siya. Hanggang ngayon iniisip ko kung paano kaya ang pagkakaibigan naming kung nabubuhay pa siya. Hanggang isip na lang lahat, hanggang ala-ala na lang. Pero ang pagkakaibigan namin habang buhay kong ite-treasure.

'Till we meet again Jec-Jec, love Jheng-Jheng.