27 April 2012

JAYESSLEE - Simple pero Rock

May bago akong kinababaliwan! Pak na pak kasi sila. Para sa 'kin ito yung masasabi kong SIMPLE lang pero ROCK. Nabihag nila ang puso ko. Love na love ko na sila! Ang JAYESSLEE!


hinarabat mula dito
Ang kambal na humahakot sa kasalukuyan ng milyon-milyong views sa Youtube. Australian twins sina Janice at Sonia. Pero nakakapagtaka kasi muka silang koreana. Syempre nag-research ako. Korean pala ang parents nila, pero ipinanganak sila sa Australia. 

Jayesslee o "jay-ess-lee" kapag binigkas ang pangalan ng tambalan nila. Jay mula sa unang letra ng pangalan ni Janice, Ess naman para kay Sonia at Lee na kanilang apelyido. Ang kyut lang nila. Ang ganda pa, parang ako lang (anodaw?). Napaka-talented. Simple lang ang style nila sa pagkanta. Napahanga ako sa blending ng boses nila. Ang lambing, malumanay at parang may magic ang bawat pagkanta. Trip na trip ko ngayon ang bago nilang cover ng Jetlag, originally sang by Simple Plan, kasama ang kaibigan nilang si Anna.



At may na-ispluk akong balita. Magto-tour sila sa Pinas. Omegad! Wish ko lang makanood ako. Hindi ko pa naman ikamamatay toh, pero baka mahimatay lang ako pagnangyari 'yun sa sobrang tuwa. Eksaherada much lungs. 

reliable source

Sa June pa naman toh. Kaya may dalawang buwan pa ko para mag-dasal. Speaking of dasal. Kaya ako lalong natuwa sa Jayesslee dahil sa faith nila kay Lord. Natuwa ako sa ultimate goal nila and I quote "Their (Jayesslee) ultimate goal and motivation behind every video is to share about the hope they have found in knowing Jesus. The two are not shy in expressing their faith and indicate they would not be doing what they do if it weren't for His grace and providence. All the glory to Him. " Nakakatuwa yung mga ganitong tao. Yung ginagamit nila ang talent nila to glorify and praise the Lord. Amen! hehe


24 April 2012

PNR Love Story


Sa kauna-unahang pagkakataon ay narating ko ang estasyon ng PNR sa Alabang. Full force ang sikat ng araw kahit na alas syete pa lang ng umaga. Nagtungo agad ako sa pila kung saan makakabili ng ticket. May kainitan sa pwesto ng pila sapagkat walang anumang sukob o bubong na pwedeng paglimliman ng mga pasahero. Lumingon ako sa kaliwa, sinisipat ang bawat mukha ng mga taong nandodoon. Lumingon din ako sa kanan, patingin-tingin sa paligid bilang baguhan sa ganitong lugar. Ignorante ako sa pagkakataong 'toh. Nagpatuloy lang ako sa pagmamasid nang mapansin ko ang isang lalaking naka-checkerd na black and white. Maganda ang kanyang tindig, maayos ang pananamit at ang datingan pa lang niya ay mukha mabango na. Naka-shades siya, pero tagusan at kita ko pa rin ang mata niya dahil hindi naman ito ganoon ka tinted. Tila tren na nagsalpukan ang aming mga paningin. Tiningnan ko siya mula paa hanggang ulo. Habang siya naman ay nakatitig pa rin sa mukha ko. Pinilit kong huwag umiwas ng tingin. Mga limang mabagal na segundo bago ako nailang namakipagtitigan sa kanya. Sa peripheral view ay pansin ko pa ding nakatitig siya sa akin, habang ako naman ay pakunwaring walang malay. Nagbuntong hininga at patuloy na nagpanggap na wala akong pakialam. Pero sa isip-isip ko siguro type ako nito ni Kuya, ansaveh??? 

Pagkatapos ng ilang minuto ay gumalaw na sa wakas ang pila at nakabili na rin ako ng ticket pa Sta. Mesa. Nag-umpukan ulit ang mga tao sa mga nakatakdang hihintuan ng tren. Dagsa ang mga kababaihan sa parte kung saan puro babae lamang ang pwedeng sumakay. Kaya't pinili kong pumila sa kasunod nitong hantayan, yung pangbabae't panlalaki, kung saan wala pa masyadong nag-aabang. Ramdam ko ang sikat ng araw na tumatama sa kanang bahagi ng aking pisngi kaya't ini-iwas ko ito at lumingon sa kaliwa. Naaninag ko na naman si kuyang naka-checkerd, na nag-aabang din pala sa kaparehong pila. Napa-iwas ako ng tingin sa pangalawang pagkakataon, ipinapahiwatig na kunyari suplada ako at hindi batid ang kanyang presensya. Ibinaling ko na lamang ang aking atensyon sa paghihintay ng tren habang nakikinig ng musika sa earphone'ng nakakabit sa aking selepono. 

Isang pamilyar na tunog ang umalingawngaw, hudyat na parating na ang tren. Nag-unahan ang mga tao na makapasok dito kahit hindi pa mang lubusang nakakalabas ang ibang pasahero. Nakipagsiksikan din ako upang prenteng maka-upo sa limitadong upuan ng tren. Papa-upo na sana ako sa kaliwang bahagi ng biglang sumulpot ang isang babae'ng may karay-karay na bata kaya nagpaubaya na ko. Bigla namang inginuso niya ang katapat na bakanteng upuan, pampalubag loob teh? Pag-lingon ko, agad-agad na nakita ko ang checkerd na damit bago ko pa makita ang itinuturo niya. Nagmadali akong umupo sa tabi ni kuyang naka-checkerd dahil baka maunahan na naman ako ng iba. Co-incidence ba ito? Talaga bang pinag-lalapit kami ng tadhana? Feelingera much lungs? 

Sa aking kinauupuan ay tila ba hindi ako mapakali. Paunti-unting gumuguhit ang payak na ngiti sa aking labi, habang ramdam na ramdam ko ang aking pag-eemote habang tumutugtog sa background ang kanta ni Yeng Constantino na "ayoko ng pumara ahit san magpunta, ayoko ng pumara kung ikaw ang kasama... lalalalalala". May mga nakikita na akong paro-paro sa paligid, mga bulaklak na nagsasayaw, at si Kupido sa harapan ko na may hawak na pana. Habang umaandar ang tren, pasimple akong lumingon kay kuya, kunwari'y nagmamasid sa bintana. Sa pagkakataong ito wala na siyang suot na shades. Katulad ng mga napapanood ko sa koreanobela, tila nanlaki ang aking mata sa puntong makita siya ng malapitan. Habang nakapikit siya at umiidlip sa byahe ay patago akong nagnanakaw ng sulyap sa kanya. Ang kinis ng balat niya, walang duda - gwapo nga siya, ang bango pa kahit maalinsangan sa loob ng tren. Nabasag ang aking pagtitig ng magising siya para tingnan ang tumunog niyang cellphone. Bigla akong napaiwas ng tingin sabay ihip sa bangs kong bitin. Hindi ko napagilian maki-usyoso, pasimpleng sinilip ko ang kinakalikot niyang cellphone. Hindi naman naka-caps lock ang format ng text niya, pero kitang kita ng 20-20 vision ko ang itina-type niyang text message...


"Lapit na ko bhe" 


WASAK. Sabi ko nga eh wag magiging masyadong feelingera't assumera. Talanders lang oi! Shonga-shonga much.

22 April 2012

BMIM: Ikalawang Sabak

"Manonood ako ng Up Dharma! Wooooh!" dito ako naka-mindset, ayan ang plano ko para sa kahapon. Week before, ini-imagine ko na kung paano ako magpapa-picture kay Armi. Hindi naman ako masyadong eksayted, kasi pati kung paano ako mag-eemote sa kanta nila pinractice ko na din. 


Gabi pa naman ang gig, kaya sa umaga ay sumama muna ako sa munting pakulo ng ilang mga blogero't blogera na naglalayong damitan ang mga bata na hindi pinagkalooban ng sabihin na natin ay magarang pamumuhay at kasuotan. 


Blog Mo Ipasuot Mo: Ang Ikalawang Sabak


http://blogmoipasuotmo.tk/


Halos first time ang lahat ng nagyari sa akin nung araw na iyon. Pers taym sumakay ng PNR, makapunta ng SM Sta. Mesa, ma-meet ang mga tumblr bloggers, ma-meet si J. Kulisap (as in omegad di ko na-predict yun), makapunta ng Araneta Ave., at marami pang iba.


Pagkarating sa tagpuan, sa SM Sta. Mesa, ay ibinalot na namin ang mga T-shirts na ipamimigay sa mga bata c/o Bulakbolero (naka-harbat ako ng isa). Pagkatpos at naglakad ng kaunti at sumakay sa jeep na may "pull string to stop", nakaka-ignorante lungs, as in lahat kami na-eksayt hilain yung tali. Makailang tumbling, isplit, baktayb at bending pagkababa ng jeep ay narating na namin ang destinasyon. 


Araneta Ave. Quezon City




On the spot, walang kagatol-gatol, walang pasabi at agad-agad kaming napadpad sa bahaging ito. Feeling ko nga parang nasa "Juan for All, All for Juan" kami ng Eat Bulaga. Bigla na lang nagdagsaan ang mga bata, nag-uunahang pumila at magpalista. Matapos mailista ang lahat ng batang may edad pito hanggang labing-tatlong gulang ay nagsimula na ang mga palaro sa pangunguna ni Joleah (ispeysyal mention).Nakakatuwa lungs ang mga bata, bukod sa ayaw nila na ini-ingles sila ay nagkarambola pa ang mga ito. Kagulo sila nung sinabing lulubog ang barko sa bilang ng labing-lima, yung iba nagsasapakan, yung iba naipit na. Mabuti na lang at sumigaw si Poy ng "Oh pila na!", at nag-unahan na ulit silang pumila. 


Wala ng arte-arte, wala ng angal-angal, kahit sobrang tindi ng sikat ng araw ay nagpatuloy pa din kami sa aming pakay. Pagkatpos ng ilang palaro ay ipinamahagi ng ang mga damit c/o Bulakbulero (kailangan paulit-ulit, isponsor eh). Nagmadali naman itong isinuot ng mga bata para na rin makapag-picture taking kami.




Hindi pa 'dun natapos ang lahat, nagkaroon din ng konting salo-salo sa pamamagitan ng pancit, tinapay at juice sa tulong na din ng mga nakakatatanda doon.


Naging masaya talaga ako. Bukod sa nakita ko ang ibang parte ng mundo eh nakatagpo din ako ng bagong mundo. Mundo ng mga blogero't blogerang may layuning makatulong at magbigay saya sa iba. Kahit minsan paulit-ulit sila (literal na pulit-ulit) eh napapasaya nila ako, umabot sa puntong napi-feel ko labas na tonsil ko kakatawa. Minsan kasi ano eh... Kung tropa niyo sila pagsabihan niyo ha... Ahh basta wala akong masabi sa kanila. Ang sarap tumawa kasama sila. Kaya sa susunod na sabak ay makaka-asa silang sasama ulit ako sa ayaw at sa gusto nila. lol


Pagkatapos ng mga pangyayari ay hindi na kami natuloy sa gig ng up dharma down. Pero masaya pa din kasi ang gondo ng snowhite miror miror lalo na pag-libre. Minsan ganun talaga eh, hehe. 


Maganda talaga kung may plano ka sa buhay mo, plano para sa araw-araw, plano mulang letrang A hangggang Z. Pero mas maganda din kung ang masusunod ay ang plano Niya na nagplanong mabuhay ka. Yung plano na tutupad sa makabuluhang plano ng iba ang siyang pinakamagandang plano sa lahat. (bilangin ang salitang plano.lol)

13 April 2012

Si JORAZON, ang Unang Bakla

Araw ng Huwebes noon, habang naglalakad pauwi, humuhuni ng banayad ang mga ibon. Akala ko nga si Anne Curtis lang na gumagawa ng showtime chant sa gilid, tipong "tweet tweet, tik tak, it's showtime (with echo effects)" . Echuserang mga ibon nag-islow motion tuloy yung paglalakad namin, ang lakas maka-endless love peg. Emote na emote na ko, andun na eh ng biglang nagtanong si Ateng Kuya (name undisclosed) "Paano kaya kung nabubuhay pa rin yung mga dinosaurs noon at normal lang sila sa atin ngayon?". Hindi ko alam kung anong elemento ang gumulo sa pag-iisip niya bukod sa naguguluhan siya sa pagkatao niya at nabanggit niya tong mga 'to. Pero napaisip ako, sampu ng mga kasama namin (over e apat lang kami), paano nga kaya kung nabubuhay pa sila?
 
Tipong...
 
Naglalakad ka sa kalsada tapos walang kaabog-abog na may tatawid na dinosaur sa harapan mo, pero keri lang, kasi nga normal lang. ang kewl diba!
 
Pagpupunta ka ng mall o park karay-karay mo ang paborito mong pet - na dinosaur, good luck sayo teh!

Galing ng advertisement na toh.

 
Pagsumapit ang kapaskuhan, habang nangangaroling, na-bwiset yung bantay na pet sa bahay na iniistorbo niyo. Imagine tinahulan ka, yung matinde dun hinabol ka pa - take note, hindi ng aso - ng dinosaur!


 
Mababawasan na ang paglaganap ng mga asong ginagawang asusena, kasi iba na ang mamamayagpag - ang dinosera, mula sa pagala-galang dinosaur.
 
Malalaos na din ang askal, aspin, dog-whisperer, dog tag, at dog show. Mapapalitan na ng dinokal o dinosaur na tambay sa kalsada, dinopin o dinosaur na pinoy, dino-whisperer, dino tag (kasing laki ng isang standard size na yero) at dino show kung san pwede din silang mag-cosplay.

Panigurado ako magiging icon na talaga si Barney, lalaganap na din ang identity crisis sa mga dinosaurs. O kaya makikita mo sila sa kanto, may inuman session.

 
Ang bright ni ateng, andaming naisip. Paano daw kung ganito pa ang mangyari...
 
Yung mga butiking bahay kasing laki ng aso. Pano na lang pag umipot yun? Eh ang tanong, ipot pa bang matatawag yun? Paano kung sumakto sa ulo mo o sa kinakain mo? Lintik lang ang walang ganti! O kaya mas malupet dun nahulog pa siya mula sa kisame,sana maka-iwas ka sa loob ng 2 seconds.
 
Naisip ko naman...
 
Paano na lang kung kasing laki ng daga ang mga langgam? Yung kanin mo may langgam - kasing laki ng daga, OA much lang? Lol
 
Wala akong masabi sa mga realizations ni ateng! May isa pa siyang napagtanto sa buhay niya and I quote "Minsan gusto kong bumalik sa pre-historic time kung san pwede ko pa turuan ang mga lalaki na pwede sila magmahal ng bakla. Alam mo yun, para naging parte na ng kultura natin ngayon." May ganung level teh? Kung ganun man, siya na nga si JORAZON, ang Unang Bakla. Lol
 
Nakakatuwang-nakakatawang isipin na naiisip niya yung mga bagay na 'to na kung hahalukayin, idi-digest at ipa-process mo eh may sense din naman. Ika nga sa commercial "imagination mo ang limit!"

10 April 2012

Return and Rejoice

Gabi pa lang naligo na ko para kinabukasan magbibihis na lang ako at lalarga na. Sa sobrang excited sobrang babaw ng apat na oras na tulog ko. Pakiramdam ko pumikit lang ako ng kaunti at handang-handa na bumyahe pa-Batangas. I thank God for giving me this kind of enthusiasm. Feeling ko kasi lagi akong ignorante sa lahat ng bagay. Parang batang sabik sumakay sa tsubibo sa perya, parang bang teenager na sabik sa overnight swimming ng barkada at parang payak na empleyadong sabik makatanggap na 13th month pay. Na-feel mo na ba 'yun? Once in for all naging sabik ka na din ba sa pagmamahal ng Ama?


Kapag may mga bagong kapatid sa FYM o Franciscan Youth Movement at nagtatanong kung ano ba ang EYC o Easter Youth Celebration, ang kauna-unahang salitang maiisip namin at masasambit ay "Masaya". Yung iba napapa-isip "Araw ng pagtitika tapos masaya?" "Mamamatay si Kristo tapos masaya?", sa madaling salita "Ang weird!". Pero bakit nga ba masaya?


Tulad ng parating bilin ng mga elders ng FY, ang ikatatagumpay ng selebrasyon ay nakasalalay sa aming mga kamay. Tulad ng kwento ng matandang ermitanyo at ng batang sinubok ang kanyang husay sa pamamagitan ng pagkubli ng ibon sa kanyang mga kamay.


Bata: Lolo hulaan mo kung buhay o patay ang ibon na hawak ko?
Ermitanyo: Ang buhay ng ibon na yan ay nakasalalay sa iyong mga kamay. Kapag sinabi kong buhay maari mong sakalin ang ibon hanggang sa mamatay. Kapag sinabi ko namang patay, luluwagan mo ang iyong palad at ito'y pakakawalan.


Isang simpleng logic. Parang isang pick-up line na madaling ma-gets. Parang isang kantang madaling pakinggan at intindihin. Parang mukha ng crush mo, madaling tandaan.


RETURN and REJOICE ang tema EYC ngayong taon. At para sa akin naman ay magsisilbing "gabay" sa magdadaan na panahon. God provides us 25 years of journey at ang panalangin namin ay another 25 years pa para sa mga susunod na henerasyon. Hindi sapat 'tong mga sinasabi ko para isalarawan kung paano ako kasama ang mga kapatid ko sa FYM nagbalik, patuloy na nagbabalik, nagalak, at patuloy na nagagalak sa pagmamahal ni Lord.


Kaya't eto ang isang simpleng video na ginawa ng aming kapatid.




Going back sa na-pending na tanong: "Araw ng pagtitika tapos masaya?" "Mamamatay si Kristo tapos masaya?", sa madaling salita "Ang weird!". Hindi pa tapos kapatid "...on the third day He rose again, he ascended into heaven and seated at the right hand of the Father..."


"...it is in dying that we are born to eternal life." - St. Francis of Assisi


FYM Philippines all the way to love


The Lord has truly risen! Hallelujah! Hallelujah

03 April 2012

Paghahanda sa Paglalakbay


Panahon ng mahal na araw.
Panahon ng pagtitika sa kasalanan.
Panahon ng pag-gunita sa muling pagkamatay at pagkabuhay ni Kristo.
Isang tulog mula ngayon.
Apat na araw mula bukas.
Sasariwain ang pagsasakripisyo at tunay na pagmamahal niya.
Heksayted much na ko...
Dahil dito nagsisimula ang bagong taon ko...


FYM's Easter Youth Celebration...


FYM Philippines
Ang aming paglalakbay,
Sama-sama, sabay-sabay,
Magkakapatid, nagbabahagian...




Naging tradisyon ko na 'to sa loob ng anim na taon.
Dala-dala ang aking misyon, dito pinagpapala ako sa aking bokasyon.
Kasama ang mga kapatid...





Handa na ko!
Bukas na!
Kaya hiatus muna sa twitter, fb, tumblr, ymail, blogger at sa teteteks-ting.
Si potpot ay magre-retreat muna :)


We're coming CRC!!!