21 May 2012

Kalakal

Juan: Ilan  ang nakuha mo?
Pedro: Konti lang.
Juan: Maya-maya pagkatapos mo 'jan hanap tayo sa kabilang kalye.
Pedro: Sige sige! Konti na lang matatapos na ko dito. 

Ito ang pag-uusap ng dalawang batang si Juan at Pedro, mga hindi nila tunay na pangalan. Hindi tungkol sa chismis ang pinag-uusapan nila. Hindi rin patungkol sa pagkapasok ni Jessica Sanchez sa top 2 ng AI. Hindi rin tungkol sa mainit-init na diskusyon kung kanino mapupunta ang Scarborough Shoal. At lalong hindi tungkol sa mga PBB Teens. 

Seryoso. Walang halong biro, walang halong pagka-isip bata. Importante, mahalaga, tungkol sa bagay na ikabubuhay marahil nila.


Kainitan ng araw noong Abril, kasagsagan ng ikalawang sabak ng BMIM sa bandang Araneta ay nakita ko ang dalawang batang 'to.



Habang abala kami sa paghahanda ng ipapakain sa ilang bata ay abala din sila sa mariing pagpukpok ng mga plastik na bote at makakapal na hibla ng bakal. Sa murang edad ay pagbabanat na ng buto ang pinag-kakaabalahan nila. Malinaw ito para sa dahilang makakita ng kaunting pera. Wari ko'y dapat pagsusunog ng kilay at paglalaro sa ilalim ng araw ang dapat nilang inaatupag. Sadyang malayo ang sitwasyo'ng ito sa nararapat na ideya ng kamusmusan. 

Tagaktak ang pawis nila, animo'y construction workers na sige ang kayod para sa gatas ni bunso at kanin para sa buong pamilya. Ang mga kamay na dapat sana ay saranggola at kotse-kotsehan ang hawak ay martilyo ng isang karpintero ang tangan. Malalim ang pinaghuhugutan ng bawat pagpukpok sa plastik na bote at mga kapirasong bakal. Lahat ng pansin, ang buo nilang atensyo, ang lakas at ang pagpupursigi ay nasa mga payak na kalakal na ito. Bawat tipak nito may hatid na pag-asa. Kada pagpukpok may hatid na pangako. Walang sinasayang na oras sa paglalaro. Walang malay na hindi dapat ganito.

Hindi ko napigilang malungkot sa kalagayan ng mga bata. Ramdam ko ang gutom ng dalawa. Gutom para sa pagkain, pera, kaluwagan, karangyaan at kamusmusan. Gutom na sa murang edad ay laging lumilipas.

17 May 2012

Rated PG

Minsan talaga sa buhay kahit hirap na hirap ka na eh ipipilit mo pa rin 'yung isang bagay na gustong-gusto mo. Kasi alam mo sa sarili mo na 'dun ka magiging masaya. Kaya kahit masyadong maikli ang oras na nakalaan at todo piga na ang bulsa namin eh tumuloy pa rin kami sa aming pagkatagal-tagal na pinag-planuhang lakad - ang shumembot sa Puerto Galera for two days and one night. (Maka-intro wagas!)

Sandamakmak na sapilitan pa ang nagyari makapito o maging pito lang kami. Para hindi ganun kabigat ang hatian sa bayad ng room. Iba na ang wais. Busy much lang talaga ang iba, kaya ang inaasahang humigit-kumulang 25 na sasama eh nauwi sa pito. Pinilit ko talaga makasama. I have these very strong feeling kasi na eto na ang huling rampa ko. Haha anodaw? Echusera lungs.

Hanggang ngayon may hang-over pa rin ako sa nangyaring super laughtrip adventure. Kahit madaming sablay and semplang moments, keri lang. Ayun 'yung lalong nagpapasarap ng ekspedisyon. Napaka-memorable, cliche na kung cliche, ang dami naming tawa na sobrang nagpasakit ng panga, tyan at katawan namin. Talaga namang "It's more fun" ang peg nitong trip namin. At syempre pinaka-remarkable talaga sa lahat ay yung mga eksenang labas na esophagus namin at pakiramdam mo may-ulcer ka na sa kakatawa. Ngalay ang panga!

Laughtrip #01: Usapang Henna Tattoo


Habang kumakain ng lunch pagkatapos ng mahaba at nakakagutom na byahe from Batangas to Galera eh napag-usapan ang pagpapa-henna. Kanya-kanyang choice of tattoo hanggang sa kung anik-anik na elemento at espiritu ang sumanib sa isip namin. Pahabaan kasi ng ipapa-henna. Kulang na lang magpa-henna kami ng "Welcome to White Beach Resort, Puerto Galera, Mindoro, Philippines...and so on and so forth..." basta tawa much ako dito. Andami na kasing naduktong ng naduktong. Tipong mag-uumpisa sa sa paa mo yung tatto, paakyat sa katawan hanggang likod tapos lilibutin lahat ng kiliti mo. walang ligtas pati alak-alakan. Imba lungs. Pero bandang huli hindi naman mga nakapagpa-henna. Bubu much!



Laughtrip #02: Si Boy Buga at sina Neneng Dura sa Talon ng Tamaraw





Dito ako super nag-enjoy. Malay ko na may ibang anyong tubig pala sa Galera. Ito ang Tamaraw Falls. First time ko makaligo sa falls, insonente eh. Para kaming adik dito. Pauso kasi si Jun-jun, siya ang pinaka-malaki samin, yung nagwawacky d'yan sa picture. Tumitira patalikod at paharap! I mean, iinom siya ng tubig pero hindi niya naman as in lulunukin. Iipunin niya lang sa bibig niya, mumumugin ng kaunti tapos ibubuga niya sa amin. Umaabot ng 12 meters yung pagbuga niya, samantalang yung amin mga isang ruler lang naabot. Kaya basang-basa kami sa tubig na may kasamang laway niya. Kahit join forces na kami wa epeks pa rin. 



Laughtrip #03: Victims of Love - The Mindoro Sling Themesong at si Jessa



Medyo traydor din ang kilalang cocktail drink sa PG - ang Mindoro Sling. Four season siya actually na may touch of something alcoholic. Naka-dalawang towers kami. During the inuman session all-time favorite namin ang pag-tawag kay Jessa, isa sa mga staffs ng Dreamwave. Hindi nga kami masyadong nagpa-picture kasama siya eh, di kaya obvious. Halos halungkatin namin ang buong buhay niya. Ewan ba. Di pa naman kami lasing 'nung mga sandaling 'yun, parang hilo lang, lols. Ng maubos ang ikalawang tower ng MS ay biglang pinatugtog sa radyo yung kantang "Victims of Love". Todo kanta naman kami, as in super kanta. Parang amin yung bar. Di na namin napansin na agaw pansin at ume-eskandalo na ang peg namin.


Laughtrip #04: Wrestling

Ito yung nag-umpisa na kaming magkasakitan after magpartey-partey. Eh ikaw ba naman ang wrestlingin sa buhanginan hanggang sa maka-uwi kami sa aming tinutuluyang kwarto. Sakit sa bangs at katawan! You can't see me and John Cena effect!

Wasak Moment
Ang mga hindi na-inform na hindi magja-jumpshot.
Ano hilo??? Minsan ano rin eh!

Laughtrip #05: The Kwek-kwek Adventure

Eto ang isa sa mga ni look-forward namin sa isla. Ang mag-snorkeling! Kahit medyo may kamahalan at kakaunti lang kaming maghahati-hati sa renta sa bangka at gears eh gumora na kami. Pagka-baba ng bangka  eh agad na dinumog kami nung mga nagpaparenta ng sapatos. Syempre kami naman 'tong todo tanggi, for the bayad ulit kasi 'yon. "Para po di kayo maka-apak ng sea urchin, masakit po 'yun" - sales talk ni manang. Hindi kami agad nag-nadala, parang keri lang naman kasi kahit wala nun. Pero nung susugod na kami sa dagat nagdalawang-isip kami. Parang kumplikado nga kung magpapaa kami. Tapos yung mga nag-i-snorkeling 'dun lahat nakasapatos, baka sabihin mahirap lang kami, haha. Kaya ayun, bandang huli napa-renta na din kami ng sapatos. Hindi naman kami nagsisi kasi andami ngang sea urchins. Bubu much sana kami kung hindi kami nag-sapatos, ehdi sana naka-apak kami ng tinik sa dagat. Ehhhhh di sana tagumpay! Buti na lang ginamit ang isip!


Parang kalakaran lang nung pre-hispanic time

Muka kaming mga kwek-kwek

Laughtrip #06: Ng na-flatan ang bangka

Eto ang hinding-hindi ko makakalimutan sa tanang buhay ko! OA???. Na-stranded kami sa gitna ng dagat nung pauwi na. Mga isang oras din 'yun.

Nung mga 30 mins. pa lang kaming stranded, kung ano-ano naisip namin kung bakit hindi naandar ang bangka.

Feng: Na-flatan ata!
Jheng: Tumirik, kailangan daw itulak. Boys itulak niyo na!
Jonas: Sasagwanin na lang daw hanggang pier.
Jhen: Mai-text na nga si Nanay para mag-panic.
Feng: Maitext na nga boss ko "Ma'am na-stranded po kami sa dagat. Di na po ako makakapasok... forever! lol"
Jhen: Itetext ko si Nanay "Happy mothers day! Love you so much! Lulubog na po ang sinasakyan naming bangka."

At kung ano-ano pa. Laughtrip pa kami knowing na nastranded kami.  Pati si kuyang gwapo sa tapat namin nakikitawa, close??? Hanggang sa mag-iisang oras na hindi pa rin umaandar ang bangka. Lumalakas na ang alon, as in go wtih the float ang boat. Bigla kaming napahawak ng mahigpit sa life jacket sabay sabi "Ning hindi na toh nakakatawa!" After ilang minuto eh may rumescue naman para i-tow ang bangka. 



Hilong-hilo ako pagbaba ng bangka. Dinaig pa nun 'yung hangover ko sa Mindoro Sling. Thank God talaga at nakauwi kami ng maayos.

All is well!!! Kaya hindi pwedeng mawala ang super jumpshots... Jumpshots na hindi man lang namin maperfect-perfect! Sablay talaga eh!

For the record... wala talaga kaming naperfect na jumpshot!
Wacky pa din eh! LOL


Another epic fail!
Sana makasama me sa next adventure - sa Sagada on November. For sure epic laughtrip ulit 'yun. How I really really wish! *crossfingers*knockonwood*lels


STOLEN
Ito ang pinaka-gusto kong captured moment sa lahat.

Muntik na pumerpek!

08 May 2012

Pahinging 1/4!!!


"class get ¼ sheet of paper!"

Ito ang isa sa mga pamatay at hindi mawawalang dialogue ng mga teacher sa high school. Mapa-public or private school ka man. Sigurado ako hindi ito "never heard" sayo. Ito rin ang cue na may quiz, surprise quiz o magsisimula na ito na ang quiz. Split seconds bago sabihin toh ni chicher ay manlalaki na ang mata ng mga estudyante. Karamihan maaligaga o matataranta. May mga mangilan-ngilan namang magbubukas agad ng notes para kahit papaano makapag-review. Yung iba naman malakas ang pananalig sa stock knowledge. At syempre ang pinaka-common at logic sa ganitong event ay ang pagkuha ng papel. May iba't ibang klase ng papel ang ginagamit depende sa haba at uri ng ipapa-quiz.

1 whole - ginagamit to kapag major quiz. Minsan kapag walang na-print na exam materials eto na din ang test paper. Tapos ipapatupi na lang sa dalawa hanggang apat, depende kung test I to test IV.

½ crosswise -  malaki naman ang silbi nito kapag obejective type, definition of terms and essay ang labanan. Tapos magdadagdag ka na lang ng another sheet kung ganado ka magsagot.

½ lengthwise -  effective naman to sa sandamakmak na enumeration at multiple choice. Madalas to gamitin kapag may long quiz.

¼ paper - eto naman ang pinaka-sikat kapag may mga surprise at short quiz. Mainam to gamitin sa pure multiple choice.



Kung may uri ng mga papel. May uri din naman ng mga estudyante kapag dumadating na ganung eksena.

Reliable source. Ito yung mga may pambili ng papel. Mayroon silang one whole intermediate pad, ½ crosswise, ½ lengthwise at ¼ paper. Naka-ready na yan lahat, hindi na kailangan maghati at magpunit. Kumpleto sila sa gamit, name it they have it!

Dependents. Kung mayroong reliable source, hindi naman mawawala ang mga wala. Ang mga walang pambili ng papel o sadyang mga tinamad lang magdala. Ito yung mga matataranta kapag sinabing may quiz. Hindi dahil sa hindi mga nakapag-review kundi dahil wala silang papel. Mga friendly 'yan, este kami pala. lol.

Taga-punit. From the word itself, sila yung masipag maghati ng papel. Yung mga very much willing at attentive kung sakaling ¼ o ½ ang nirerequire ni chicher.

Madiskarte. Kapag nagkakagipitan na at wala ng mahingian ng papel sila naman ang maasahan mo. Pipilas yan sa notebook. Pagkatapos sukatin ay hahatiin na. Makaraos lang.

Madamot. Ito naman yung marami siyang papel pero paisa-isa lang ang inilalabas niya para walang manghihingi. 

Maraming nakakatawa at di makakalimutang karanasan patungkol dito.

For sure na-experience mo na hatiin ang papel sa pamamagitan ng pagdila muna dito with matching laway para madali pilasin. Siguro nakipag-agawan ka na din kung kanino mapupunta yung upper portion na may malaking space kapag nahati na ang intermediate to ½ crosswise o yung ½ lengthwise to ¼ paper. Minsan maghahagilap ka pa ng makakahati mo. O kaya muntik ka nang hindi makapag-quiz kasi bawal manghingi sabi ni teacher. O di kaya sa kasamaang palad ay walang gustong magbigay sayo o nagkaubusan na ng supply. Tipong itinaob mo na ang buong bag mo, tiningnan lahat ng pahina ng notebook kung may nakasipit pa. At kung sinswerte ka may mahahanap kang gula-gulanit na. Last resort yun. Kaya no choice kundi yun na lang ang gamitin. Minsan paputian at pagandahan pa ng quality ng pad paper. Dito pa lang magkaka-alaman na kung sino ang mayayaman. Pang-mayaman yung may lining na light blue. Pangmahirap yung muka ng paper mache. Kung sineswerte ka pa eh magkakasiraan pa ng tropa dahil sa di pantay na hatian. OA much. 

Ilan lang to sa mga nakakatawang experience sa classroom. Paano na kayo sa next 50 years? May mga ganitong eksena pa din kaya? Lalo't nag-eevolve na ang mundo. Hindi malayong mapapalitan na ang mga bayaning pad paper ng mga iPad, tablet, note at iba pang handy dandy gadgets. Kung san virtual at cyber na lahat ng exams at quizes. Nakow. Mukhang madali na rin ang pag-kopya pag nagka-ganun. Nyowks.

Speaking of Pad Papers, ipa-plug ko na rin ang lagi kong hinihingian ng yellow pad nung college. Hahaha. Wagas. Sumegue lungs! Reliable source tropapips yan!

06 May 2012

20 Something to 20 Someone


Kung sa showbiz ay usap-usapan ang balita tungkol sa pagkabugbog nila Alvie Casiño at Mon Tulfo. Hindi naman papakabog ang mga bloggers sa pagre-reveal ng mga nakakaintrigang blogpost. Isa na dito ang tumetrending na ”20 Things I Want to Say to Certain People” na inumpisahan ng mga ilan sa mga kilalang bloggers tulad nila Salbe, Leah, Bino, Madz, Khanto, Zen at Zyra. Nakakaaliw maging etchusera habang binabasa ko ang mga testamento nila. Para din kasing blind item. As if naman na kilala ko ang mga taong tinutukoy nila. Sort of lang. lol

Bago pa man magka-gera between China and Philippines dahil sa pinag-aagawang Scarborough Shoal at bago pa man magunaw ang mundo sa December 2012 eh makiki-gaya na ko sa kanila. Kaya gumawa ako ng sariling version ng 20 something to 20 someone.

1.  Mahal na mahal kita. Nalulungkot ako kapag malungkot ka. Pero wala naman akong ginagawa para mapasaya ka. Proud ako sayo. Kung ipapanganak ako ulit, ikaw pa rin ang pipiliin ko. Wag mo kami iiwan ha. Pakatatag ka please. Gusto ko ikaw ang maghahatid sa ‘kin sa altar kapag ikakasal na ko. Ang drama ko, mana talaga ako sayo. Tama na nga ’toh mag-pray na lang tayo.

2.  Miss na miss na miss na kita. Masaya ako kapag napapanaginipan kita. Kung san ipinaparamdam mo pa ring mahal mo ko. Gusto na kitang makita at mayakap. Alam ko alam mo ‘yun dahil lagi kang tinatawag ng puso ko. Tuwing payday naiisip ko sana tini-treat kita sa mall. Kung san bibilihan kita ng bag at sapatos na gagamitin mo sa office. Sana nasabi ko sayo kung gano kita kamahal bago ka umalis.

3.  Sorry hindi ko kayo matulungan sa pag-aaral niyo. Nasasaktan ako kapag hindi niyo ko nirerespeto dahil sa pagkukulang ko. Mag-tulungan tayo. Sana mag-mature na din kayo.

4.  I’m sorry. Alam ko sobrang madi-dissapoint kayo sa desisyon ko. I’m still gaining lots of courage para sabihin ‘yun sa inyo. Hindi ko alam kung paano at kung san ko uumpisahan. I’m hoping and praying na maintindihan niyo ako.

5.  Maraming maraming salamat sa tulong niyo. Kahit minsan lumalapit lang ako kapag may kailangan ako. Sobrang laki ng naitulong niyo. Salamat hindi niyo kami itinuring na iba.

6.  Oh kamusta? Gwapong-gwapo ako sayo dati eh. Pero DATI ‘yun. Never mind I’ll find someone unlike you. Lels

7.  Sana hindi mo sinabing “I love you”. Umasa kasi ako. Akala ko tayo na. Tapos bigla kang nawala. Awts.

8.       Ikaw na ang magaling. Lahat alam mo eh noh. Ang arte mo sobra. Walang mapaglagyan!

9.    Shut up! Non-sense naman mga sinasabi mo. Papansin???

10.   Please ‘wag mo muna ako kausapin. Inaantok ako.

11.   Pwede ‘wag mo kong simangutan ng ganyan? Wala naman akong ginagawa sayo eh.

12.   Hindi ako interesado. Huwag kang mapilit please.

13.   Hindi kita papatulan. Won’t stand on your level. Tse!

14.   Grabe ang galing mo! Super idol kita. Sana, kahit once upon a time maka-jam kita at maging mentor kita. Astig ka!

15.   Kailangan laging may kasamang mura?

16.   Tuwing nakakasabay kita sa jeep lagi kang nakatingin sa ‘kin. Ang masama dun ngumingiti ka pa na parang aso. Manyak! Subukan mo lang akong hawakan tigok ka!

17.   Minsan gusto kong itanong sayo kung kamusta na ang anak niyo. Nahihiya ako, nagdadalawang-isp. Dahil ayukong isipin mong ako pa din yung dati. Pero gusto ko malaman kung okay kayo.

18.   Konting energy please! Tinatamad akong makinig sayo eh.

19.   Tigilan mo nga yang pinaggagawa mo. Muntanga lang eh noh.

20.   Grabe. Ako na ang maswerteng babae sa piling mo. Mahal na mahal kita. San ka na ba? Sana makita at makilala na kita... soulmate. Para masabi ko sayo ‘toh. BOOM.


Ang haba. Muntik na ko maubusan ng sasabihin. Ayun lang naman. Babu na ang Da Who! chos.

02 May 2012

SLAMBOOK ni POTPOT ft. Xan Gerna



Dahil bakasyon, nag-bakasyon din ang slambook ni Potpot. Pero ngayon, sa gusto mo at sa gusto mo ay magbabalik ito.  At para naman sa mga sumusubaybay dito, mga dalawa sila, ako pati yung ipi-feature ko ngayon LOL. Heto na nga! Patuloy na ulit sa pang eechos si Potpot sa mga pumatol sa slambook niya.

Dahil labor day naman kahapon, ise-segue ko na siya. Malapit na siyang ma-promote sa trabaho, ichinismis talaga? Nabasa ko lang naman. Medyo hindi nagkakalayo ang pangalan nila ni Xian Lim, at mukhang hindi rin naman nagkakalayo ang aura nila (libre ha pag napromote). Kaya eto na nga siya, without further ado ipakikilala ko na ang slammer natin for the month of May.

Lego lego!

Si Xan Gerna ng When My Brain Stirs



Part 1: Easy Round
 
Personal Information
 
Name: Xan P. Gerna
Nickname: Crav, Moks.
Age: 23
Marital Status: Engaged.
Location: Ortigas, Pasig. pero taga Cavite talaga haha!
 






 



Blog Profile
 
Blog objective/purpose(if any): mag kwento lang ng mga kakulitan ko at kung papano nag iistir ang utak kong malabnaw
Blogger since: since 2006 pa yata yun nung sa friendster, dun ako talaga madaming post pero hindi pinapansin wala naman kasing sense haha! buong school ko lang nag babasa nun.
Blog influence: HHmmmm.... may nabasa lang ako dating blog pero hindi ko na matandaan kung sino yun, at yun! sabi ko mag blog din ako.
Describe your blog(s): tungkol sa kung ano -ano lang naman ang blog ko, hindi ko alam kung nag eenjoy sila mag basa pero yun na yun!
Paano ka nag-umpisang mag-blog: nag simula ito nung na realize kong madaldal pala ako at mahilig mag kwento, na enhance lang ng konti at lumawak ang aking imaginasyon kaya nag umpisa na akong mag blog.
 
 
Describe the following:
 
Yourself: dating macho chubby na ngayon pero babalik macho ulet :), 
Love: mahirap i describe ang love, isa itong malawak na mahika.
Death: masarap to. Pero bago to dumating dapat wala kang regret sa buhay,
Pain:   Theres a rainbow always after the rain.
Happiness: lagi itong nasa kaibuturan ng bawat tao, hindi lang napapansin sapagkat mas nangingibabaw ang sakit, problema atbp. pero kung huhukayin mo ito na parang ginto makikita mo.
 
 
Favorites
 
Food: Sinigang, burong mangga na gawa ni GF, buttered shrimp, at crablets!!
Hobby: blogging, graphic arts, dati basketball, skateboard, parkour.
Singer/Band: Nickelback, Parokya ni Edgar, E-Heads at Linkin Park. 
Song: Tayong Dalawa by Rey Valera haha! seryoso! ^_^
Color: Lavander at pink.
Book and its author: Chariot of the God, Gods from the outer space, Miracles of the Gods, Return to the star. -   Erich von Däniken


Part 2: Average
 
Give new meaning to the following:
 
WTF - wednesday Thursday Fuck!
FU - Fucking Urgent!
SOP - Site of Porn
ASAP - bagalan mo pa pakyu ka.
LQ - Laging Quiet
TL - Tamang Libog
LOL - Ulol
 
What and Who
 
What is your most unforgettable moment?
-  Hhhmmm siguro yung nag wre-wrestling kami ng classmate ko noong elementary sa damuhan.. tas nung hinagis ko sya tumama yung ulo nya sa bato ayun dumugo. potek para akong naging bato din nun sa takot. hanggang ngayon binabagabag paden ako ng ngiti nya.
What is your most embarassing experience?
- nung mag propose ako kay belle na maging GF ko sya.. wala kasi ako masabi kungdi "ano.... ah..... kasi....ano...." buti nalang nag Oo nalang sya kagad haha!
What drives you everyday, to strive and survive?
- mga kapatid ko, sila lang naman ang inspirasyon ko sa araw-araw kahit nahihirapan ako. Sa totoo lang isang text lang nila saken ok na, wala na pagod ko, ngayon nadagdagan pa... si GF.
What is your motto in life?
 - hHHmmm wala eh hehe.. ^_^
What are the simple things that make you happy?
- sabihin lang saken ni GF na mahal nya ako masaya na ako.
What is your greatest dream?
- mapagawa ang pangarap kong BAR.
What are your unique talents?
- Magpa lobo ng laway so dulo ng dila sabay ihip para lumipad.
What are the weird things about you?
- ako mismo weird.
What/Who completes you?
 - dati yung mga alaga kong goldfish sa aquaruim, kaso namatay sila. ngayon mga friends and family na + GF ^_^
Who is your crush?
- si Pauleen So.  yun malupit yun! tsaka si Sasha Grey!
Who is your first kiss, except your parents/relatives?
 - hindi ko matandaan kung si Igem F  oh si Ana M  eh.. sabay ko kasi sila naging GF nung highschool ako. ( magkakatabi lang kami ng classroom)
Who is your hero? your idol? your great influence?
 - si Papa ( Tatay ko) yup! sya ang aking Hero, Idol at Influence. sya nagturo saken sa mga bagay bagay dito sa mundo.
Who is your favorite blogger?
 - ay mahirap mag salita haha!
 

Part 3: Difficult
 
Please answer seriously.
 
Kaninong cartoon character mo maihahalintulad ang sarili mo at bakit?
 - kay nobita ng doraemon.. potek parang tanga kasi haha!

Kung gagawing telenovela ang buhay mo, anong title nito at sinong artista ang gusto mong gumanap bilang bida?
 - Hate ko ang telenobela sa totoo lang.. pero kung may gaganap saken gusto ko si Jerick Raval. action na telenobela gusto ko. title kahit ano basta si Jerick raval ang bida.

Kung manalo ka sa lotto ng 100M, saan at paano mo ito gagastusin?
 - papatayo ako ng Bar, tas bibili ako ng oldschool na volkswagen. yung iba ipapamudmud ko sa mga bata sa edsa.

Kung bibigyan ka ng chance maging member ng super friends o mas kilala ngayon sa tawag na justice league, anong super power meron ka at anong pangalan mo?
-  ako si MOKONG... ang kapangyarihan ko lang eh gawing baog ang mga tao, Oo tama, para hindi na sila mag anak ng mag anak tapos wala naman ipapakaen at ikakalat lang sa lansangan tengena.

Kung magkakaroon ng pambansang gulay, ano dapat ito at bakit?
- Marang. wala lang pangpa horny daw yun eh haha!

Kung mabibigyan ka ng pagkakataon maging isa sa bananas in pajamas, sino ka? si B1 ba o si B2? Bakit?
 - ewan.. si b1 siguro. teka pareho lang yun sila db?

Kung babaguhin mo ang nakasanayang tunog ng tawa from hahaha, hehehe, at hihihi, ano na dapat?
- hihihi dapat! gusto ko marinig yang tawa na yan kay GMA  sabay tingin kay Noynoy.

Kung ikaw si Elisa, bakit hindi ka na lang naging si Budoy?
-sino sila?

Sino sa mga artista, local o foreign, ang sinasabi nilang look-alike mo? Kung wala huwag ipilit please.
- waley ako look alike eh haha!
 

Part 4: Bonus Round
 
Dedication to Potpot 

Pots! salamat sa pagsali saken dito, verrrrry much appriciated HHmmm ui sana mapanood kita tumugtog kasama ang banda mo, mwuahhh mwuaaah tsuuup tsuuup!
 

 -End of Slambook-

Gusto mo ba makigulo? Mag-email lang dito emjhay_bentedos@yahoo.com.ph
Maki-join na tulad nila