23 June 2012

Unexpectedly

"Beep! Beep! Beep! Beeeeeeeeeeeeeeepppppp!"

Okray naman 'tong dyip na sinasakyan ko. Hindi magkumahog sa pagbusina. Trapik, stranded sa masikip na kalsada at sa kainitan ng araw. Eh, mabuti na lang nakataas ang trapal nitong dyip ni manong. Malayang nakakapasok ang kakapiranggot na ihip ng hangin.

As usual, nakadungaw lang ako sa bintana. Naiinip, nagmumuni-muni, paihip-ihip sa bangs, naka-kalumbaba, naiinitan. Hay nakakabanas.

"Ang ganda mo pa rin kahit pinagpapawisan ka..." bulalas ng lalaking nasa bandang kanan ko.

Maliwanag pa sa sikat ng araw ang ngiting gumuguhit sa labi niya. Ang pagtitig niya ay parang pagtawid sa kahabaan ng SLEX - oh em, nakamamatay. Matangos ang ilong, nakasalansan ng maayos ang buhok. Mabango, walang duda - gwapo.

"Hindi ako nagsasawa at magsasawang tingnan ka... I love you..."

Shet, kinikilig ako.

"I love you too..."

Ang sabi naman ng babaeng kanina niya pa katabi.

Ang sweet naman ng dalawang 'to. Sarap bangasan ng mga bangs, imbyerna!

Napatingin na lang ako sa cellphone ko. Pinagana ang Music Player. Now playing: Love Song for No One by John Mayer. Napapikit ako at umayos sa pagkaka-upo. Habang dinadamdam ang bawat linya ng kanta at ang tugtog.



09-john Mayer Love Song For No One


"Searching all my days just to find you. I'm not sure who I'm looking for. I'll know it. When I see you..."

Sana nga makita kita, 'wag sana akong mainip at mabulag sa iba. Hay...

"I could have met you in a sandbox. I could have passed you on the sidewalk. Could I have missed my chance and watched you walk away?"

Ewan, malay ko?

"I'm tired of being alone, so hurry up and get here. I'm so tired of being alone. So hurry up and get here..."

Hay... Buntong hininga sabay bukas ng aking mga mata sa pagtatapos ng musika.

Wala na pala yung lovers sa tabi ko. Wala na rin yung ibang pasahero maliban sa lalaking nasa di kalayuan, nakaupo malapit sa estribo ng dyip.

Nakabaling siya sa direksyon ko.

Maliwanag pa sa sikat ng araw ang ngiting gumuguhit sa labi niya. Ang pagtitig niya ay parang pagtawid sa kahabaan ng SLEX - oh em, nakamamatay. Matangos ang ilong, nakasalansan ng maayos ang buhok. Mabango, walang duda - gwapo.

"Ang ganda mo habang natutulog ka." ang sabi niya.

Napatingin ako sa likod ko. Wala namang ibang tao kundi ako, siya at si manong driver.

"Mas maganda ka pala kapag gising ka." sambit pa niya.

"Ako???" ang nasabi ko na lang habang itinuturo ang sarili ko.

Ngumiti siya. Itinango ang kanyang ulo.

Hindi ko na rin napigilang ngumiti habang umiiling ng bahagya. Totoo ba to?

Kinikilig ako.

Wakas.

12 June 2012

Do More What Makes You WASTED

Lumipas ang isang oras...


"Nasaan na kayo ni Mayk?" sabi ko.


"Sa puso mo!" sagot niya.


"Yung totoo!?!" sabi ko.


"Sa puso mo nga!" sagot niya ulit.


"Ewan ko sayo!" asar na ko.


"Ewan ko din sayo!" lalo s'yang nag-asar.


Sabay baba ng selepono. Tapos tatawag ulit ako "Oh nasan na kayo? Lapit na ba kayo?"


"Andito pa rin sa puso mo..." 


Walanjo. Laging ganyan. Kaya minsan ayuko nang tanungin kung nasaang lupalop siya.


I admit, nafi-feel ko talaga paminsan-minsan na kawangis at ka-uri niya si Budoy.










Hindi ko siya masisisi. I admit na ganun din ako minsan, e. Hawa-hawa na siguro yown, rekta-rekta na.






Kaya nga naniniwala ako ng buong puso at isip na "birds with the same feathers super lipad together."


Ow yes. Madami-dami na rin kaming napagdaanan. Tulad ng San Juanico bridge marami na ding dumaan na pagsubok ang dumating sa buhay namin. At tulad nga ng peg ni Katarina at Daniel sa Walang Hanggan, e, ganon din naman ang naging effect namin sa buhay. Walang Hanggan. Bumangga giba.


Pero bago 'yan. Naghalungkat muna ako ng mga bagay sa baul na magpapa-alala ng ma-ala-instagram naming nakaraan.








Napakahilig niya talagang mag-sulat noon pa man. At hindi pangkaraniwan ang style niya sa pagsusulat. May kung anong ewan, weird pero artistic. Kaya siguro kami nagkasundo.


Five or six years ago habang naglalakad papunta sa school, sa Liceo, eh pinabuhat ko sa kanya yung dala kong paper bag. Nandon lahat ng libro ko, e, kasi wala pa kong laquer 'nun (oo ganan pa ang pagkaka-alam kong spell ng locker 'nun). May locker na ang kaibigan kong oso nang mga panahong 'yon. Nagmagandang loob siya'ng bitbitin ang paper bag ko habang buhat ko naman ang atachi case (tama ba spell?) at bag pack ko. Ako ang nauuna sa paglalakad, siya nasa likod. Naramdaman kong humampas sa pwet ko yung paper bag tapos biglang ilang hakbang pa lang, eh, bumigay yung paper bag ko. Bumulwak yung mga libro ko sa gitna ng pedestrian line. Pagkalingon ko sabi ko "oh anong nangyari?"/ Hindi ko alam kung maiinsulto, mababastusan o hahagalpak ako sa tawa nung isagot niyang "Eh kasi yang pwet mo ang laki-laki eh!". Imbes na mangambang nakahambalang kami sa gitna ng daan eh napatawa na lang kaming dalawa habang dinadampot ang mga libro ko. Bwiset na paper bag yan, iniwan ako sa ere. Langyang pwet yan, ipinahamak pa ko! Nasisi pa! Di 'ko 'yon makakalimutan sa tanang buhay ko. Pero I think nakalimutan niya na 'yun.


Anyway. Moving on...


"Bakit s'ya nandito? Ininvite ko ba s'ya? At bakit kayo nagho-holding hands? Kayo na ba?" 


Seryoso, nakataas ang kanang kilay at parang papatayin ako ng nguso niya ng ipakilala ko sa kanya ang unang lalaking ipinakilala ko sa tropa. 19th birthday n'ya 'non. Prangka at straight to the point, ala nang ligoy-ligoy, ala ng sabon-sabon, ala ng palabok, ala ng pagpapabango-bango. Sasabihin niya kung anong nakikita n'yang di kaaya-aya. "Bes naman..." Alam ko eto lang ang nasabi ko. Hindi naman ako makakapalag sa kanya. Bukod siya ang pinakamatanda sa barkada, eh, s'ya din ang pinaka-matured (may choice ba kami? hehe peace). Pero hindi rin naman n'ya ko napigilan, bwahahaha. At the end, minahal n'ya din ang taong minahal ko. Pero as usual, nangibabaw pa din ang pagiging "ate" niya sa amin. Those days... I've been there, done that! Charot!


"Nahihilo ako bes, nasusuka ako!!!" 


Ang sabi niya sa akin habang pagewang-gewang papunta sa sofa nila Bultrag, pero take note: nakangiti siya, yung pangiting aso pa. "Ginagago mo ba ko?" ang nasabi ko na lang. Pero tawa ako ng tawa sa kaitchurahan niya nung mga panahong 'yon. I believe hilo na talaga s'ya, willing naman akong akayin siya sa banyo sa pinakamalapit na paso sa bahay ng kaibigan namin. Pero imbes na mangibabaw ang concern ko sa kanya eh tinawanan ko siya't pinag-pepekturan. Nahihilo, nasusuka pero nakatawa? Sinong niloko mo??? lels


"Yeah I did my best..."
"...but I guess my best wasn't good enough. I'm totally WASTED."
Ow yes, we called our bonding moment as "wasted time". Making ourselves WASTED, any time is being wasted.


At dito ko nasubukan at napatunayan na kahit anong wasted ko, niya, namin eh hindi pa rin kami nag-iiwanan. Ano ba naman yung tawanan niyo ang isa't isa habang umiiyak toh, o kaya umiyak ka din habang umiiyak s'ya, bakit? wala lang. Or yung lait-laitin n'yo yung isa't isa habang kumakain kayo ng chooks to go. "Ang taba mo bes", "Ang payat mo bes, mukha ka nang bangkay.", "Grabe bes ano ba yang tigyawat mo! Angdami!" Ganyan kami mag-mahalan.




Hinding-hindi ko makakalimutan 'yung...


Patatas - patatas na niluto n'ya kasama ng corned beef bago kami magfield trip nung 4th year high school kami. Doon kasi kami nag-overnight sa bahay nila. As  usual s'ya ang nagluto ng breakfast. Pagakagat sa corned beef, hmmmm... sarap... maalat-alat. Nung kinagat ko ang patatas... "Ano toh? niluto mo ba? Ang tigas eh!" Walanjo! Ginawang asin, nilagay sa kawali nung paluto ang corned beef. Binaon na lang namin. Kinahapunan lumambot naman s'ya. Nalata na.


Doodle book - s'ya ang nagbigay nang pinakaiingat-ingatan ko ngayong notebook. A million thanks talaga!


Unang hosting career - ginawa ba naman kaming host nung 18th bday niya. Pakiramdam ko doon nagsimulang bumagsak ang career ko. Anyway, proud naman s'ya sa mga pinaggagawa namin.




Blog - mahabang kwento kung paano ako nagsimulang mag-blog. Pero sa history siguro ng blogging career ko (meron ba?), e, di mawawala ang ginampanan niyang papel. Siya ang dahilan kung bakit ako napunta sa blogspot. Kahit pa nasa Tate siya nun at ako dito sa Pilipinas nagmumukmok eh gumawa s'ya ng paraan para turuan ako mag-blog. Gumawa pa s'ya ng mga tutorial video sa youtube para sa'kin. I labs yow for that!


Gitara - may kasalanan kasi ako sa kanya. Hiniram ko 'yung kauna-unahang gitara niya. Kasi trip ko lang. Tapos binaha 'yung bahay namin, nadamay yung gitara niya. Ayun nasira. So sabi ko pag yumaman ako papalitan ko yung gitara n'ya. Take note : Pag yumaman ako.


Self-confidence - di ko toh maitatanggi. kamusta naman ang pagsasayaw, pagkanta at kung ano pang talent na ini-youtube niya. Wala talagang tatalo sa fighting spirit ni Poks! Ugatet! Sabi na eh di nagkamali ang Batinghaw Dance Group na kunin ka nung high school tayo. hahaha




Narcissistic - wala lang, bukang bibig niya kasi toh lage.


Pagmay nang-away sa amin. Kow, humanda na sila kay super poki!!! Bumangga giba!


Nung mawala si Mama one week s'yang tumira samin para samahan kami sa bahay. Kahit pa minsan eh wala ako sa bahay, s'ya andun pa din. Nanirahan s'ya na parang taga dun lang din. Nakita niya lahat ng iyak at hinagpis ko, namin. Sa lahat ng 'yon isa lang ang ginawa niya, di niya ako at kami iniwan. Lahat ng hagod, lahat ng pagpapatahan ginawa niya na siguro. 


Masyado nang mahaba 'tong mga sinasabi ko. Eh ang gusto ko lang naman sabihin ay...


"Happy Birthday BES POKLAY! Labs na labs kita. Alam mo yan! Makakapasa ka, don't worry!!! God is with you."


Alam mo lahat ng wish ko sayo ay lahat din ng winiwish mo para sa sarili mo. Kung maari lang ay ipag-novena ko ang mga nasa bucket list mo. Basta 'yon na 'yon!


Dito na lang tayo sa pekture mag-celebrate at mag-inuman. Kampay!






"DO MORE WHAT MAKES YOU WASTED, FOR IT WILL BRING YOU THE UNFORGETTABLE HAPPINESS."


06 June 2012

KM3: TINIG (May Mukha ang Tinig)




May sistema ang pag-iisip, may laya ang damdamin. Katulad ng hindi maipaliwanag na mahika ng pag-ibig may mukha ang bawat tinig. Tinig ng salita, pag-iisip at gawa. Isinalaysay, isina-tinta at ipinahiwatig ng malaya. 

Sa Pilipinas largado ang lahat sa pagpapahayag ng diwa. Ang lahat, bagama't pinag-buklod ng lipi, ay may bukod na disposisyon na sila lamang ang makakapili. Isa ang bayan, iba't iba ang mamamayan. Puntong Pilipino, may wangis ang tinig at pagbaybay nito.

May tinig na may himig, kay ganda sa pandinig. Kalakip ng musika, isinasalaysay sa pamamagitan ng awit. Nakilala sa buong mundo dala ang ngalan ng perlas ng silangan.

May tinig ng katapangan. Malayang ipinahahayag ang kaloobang palaban. Nasaksihan natin sa Edsa, sa Mendiola, sa harap ng munomento ng mga bayani, sa embahada ng bansang uma-alipusta sa lahing kayumanggi. Hangad ay pagbabago at pantay na karapatan.

May tinig sa saliw ng wikang banyaga. Kinilala't nanguna ang abilidad ng Pinoy sa lumalagong industriya kung saan pagsasalita ng wikang Ingles ang puhunan.

May tinig ng intriga, nakasanayang tsismis ng madla. Malaman, mapanira, mapag-puna, may dagdag, may bawas. Likas sa may matatalas at makakating dila.

May tinig na pinid. Pinagkaitan ng pag-batid o 'di kaya'y binusalan ng pera o pananakot sa bibig. May nais iparating ngunit may pangamba kung sakaling marinig. Kabado ang dibdib, nabubuhay na parang kuliglig. Munti ang tinig, minamaliit ng mapanuring nagmamasid.

May tinig na agresibo. Walang pakundangan sa mga salitang binibitawan. Malakas ang loob sa pakikipagtalastasan. Bato-bato sa langit ang tamaan ay huwag magalit. 

May tinig para sa pagkakaisa, sa kalayaan, sa pakikipag-ugnayan, sa pagkaka-unawaan, sa pagmamahalan.

Ang tinig ng bayan ni Juan ay maraming kulay at anyo. Sa pagdaan ng panahon, patuloy na nagpapakilala sa mundo. Pinasok ang iba't ibang larangan at nagbigay ng bagong larawan. Imaheng sumisimbolo sa katangian ng lahing palaban kahit nagigipit sa pagtahak ng ma-ugoy na daan. Binigyang buhay ang mga tigang na damdamin at kaisipan. Pinatlangan ng boses ang mga salitang gustong magkaroon ng saysay at kahulugan. Higit pa sa nakasanayang paraan ng malayang pagpapahayag. Mula sa payak na bahag, si Juan ay nagkaroon ng bagong gayak.




------------------------------


Salamat KM3 !!! Sana'y marinig mo ang tinig pasasalamat ko.

04 June 2012

Anyare


“Yeah bitter, but better.”

Bitter-bitteran ang peg, pero pinipilit maging hindi bitter. Where in fact bitter na bitter. Whatever.

Lately, para akong binudburan ng asin habang kumekembot sa gitna na patag na damdamin. Neutral, eto na marahil ang the best word na makakapag-describe ng estado ng buhay ko this past few weeks. Plain, walang burloloy, walang arte, walang masyadong palamuti. Pero hindi rin naman ganun ka-boring. Basta gusto ko lang manahimik sa kabila ng impeachment trial ni Corona. Isa pa hindi ko rin naman ‘yun napanood o nasubaybayan. Anyway, gusto ko lang ngumiti, gusto ko lang tumawa, gusto ko lang maging masaya. Walang iba. Hindi ko na muna inaasam ang paglabis at lalong hindi rin ang kulang. Basta tahimik lang ako. Ayaw ko magsalita, ayaw ko magdrama, ayaw ko maging etchusera. For a moment low profile muna.

Sabi ko nga, okay na ko ng ganito. Kaso biglang may umusbong na ampalaya sa tanimang pinuno ko ng mababangong sampaguita at pampalinaw ng matang kalabasa.

Oo ang bitter ko. 

Kasi bakit ganun. Hindi ko naman dapat nararamdaman 'to. Dahil alam ko sa sarili ko na lagpasan ko na ang bagay na ‘yun. Oo nga nalagpasan ko na nga, pero kailangan may ganitong effect pa din? Artey lang? PBB Teens???

Move on. Let go. Carry on. Nasasabi ko na noon na “I’ve been there, done that!”. Pero kung kailan naman na-eenjoy ko na ang tag-araw, tsaka naman bumuhos ang tag-ulan. Making me realize na hindi sa lahat ng pagkakataon maganda ang panahon. At hindi sa lahat ng panahon ay akin ang pagkakataon.