09 July 2012

Deja Vu


“I’m Mark…”

Ang sabi niya habang naka-umang ang palad niya, nagbabadyang saluhin ang kamay ko para makipagkilala.

“Hello…” iniabot ko ang kamay ko.

Ang lambot ng kamay niya. Banayad. Mukhang mabango. May parang tumibok sa ‘kin. Hindi ko mawari kung sa palad ko ba o sa puso ko.

“And you are?”

“Hello…” Megad! Walang ibang nagpa-flash sa utak ko kung hindi HELLO, naba-blackout ako.

“Yes???” Medyo kunot ang noo niya, nagpapahiwatig na medyo naguguluhan na s’ya.

“Yes… I’m Jhen…” muntik ko ng makalimutan yung pangalan ko. Anubeyen. Buti na lang nahulasan kaagad ako.

“Ang haba ng pila noh?”

Hindi, hindi kaya, kanina pa nga ko nandito eh. Obvious ba?

Oo nga eh.” Ayan. Ayan nga ang naisagot ko. Mukang di gumana ang pagka-pilya ko this time. Mukha kasi s’yang kagalang-galang, disente. Tipong hindi nakikipag-biruan. Ewan ko lang din. Pero mukha naman s’yang mabait.

“OFW ka?” bigla ko na lang naitanong. Mukang sablay kasi yung sagot ko kanina. Oo nga eh. Bitin, parang ang labas tuloy ayaw ko magkaroon ng conversation sa kanya. Oh so, talagang gusto ko magkaroon ng conversation sa kanya? Wait! Nara-rattle ako. Pinagpapawisan ako hindi dahil sa init, inip at sikip ng pila dito. Parang kinakabahan ako na ewan. May kung ano sa tiyan ko. Eh hindi naman ako gutom. Basta.

“Sana… For requirement na ko as a nurse sa Dubai. Ikaw?”

“Talaga? San sa Dubai? Pareho pala tayo. Sa Dubai din ako, receptionist sa Burj Khalifa.” Bigla akong na-excite. Parang ngayon pa lang gusto ko ng lumipad pa-Dubai.

“Wow! What a co-incidence! Kailan ang flight mo?”

Baka earlier this August… Ikaw?” Takte! Bakit August ang nasabi ko? Eh, sa September pa alis ko. Excited lungs? Halatang nagba-buckle ako!

Sana this September, unconfirmed pa kasi eh.”

Yown! Nabuhayan ako sa sagot niya.

“Anyway, can I have your number so we can meet each other if ever nasa Dubai na din ako?”

Sabi na eh, eto talaga ang ending nito, I mean ang umpisa pala. Umpisa ng love story namin. Shaks! Agad-agad?

“Yes! Sure! Eto yung numb…”


Aray!” Powtek! Ang sakit! May tumapak sa paa ko. Kasaparan na ng tulog ko eh! Badtrip naman oh. Tss.

“Sorry Miss! I’m really sorry!”

Sorry sorry ka jan! Ang sakit sakit kaya! Lintek! Ayan parang dumugo ata. Oh no.

Pwede ba tingnan mo yang…” Aww. Nagulat ako pagtingin ko sa taong naka-apak sa ‘kin.

”Sorry talaga... If you don’t mind gagamutin ko ‘yang paa mo. My first aid ako dito.” Bigla niya na lang sinunggaban yung paa ko. Nakakahiya. Pero tiningnan-tingnan niya muna. May pinahid s’yang kung ano. Medyo mahapdi, pero keri lang. Tapos nilagyan niya ng band aid.

“I’m really sorry… Hindi ko sinasadya.”

Ahh okay lang. Anyway thank you, ginamot mo.” Ang amo ko sa part na ‘to. Anyare?

Walayun. Kasalanan ko naman eh.”

“Ahh okay…” Natameme ata ako. Wala akong masabi eh.

“By the way…” Dahan-dahan n’yang sinabi ‘yun. Parang nag-slow motion. Ganyan.

“Yes?” masingit ko lang, ang haba ng dead air eh. Kroo kroo

“I’m Mark…” Ang sabi niya habang naka-umang ang palad niya, nagbabadyang saluhin ang kamay ko para makipagkilala.

“Hello…”

Teka. Parang nangyari na ‘to?

-Wakas-



Paunawa: Kathang-isip lamang :)

02 July 2012

BMIM: Ikatlong Sabak

Walang imposible, walang hindi maaari, walang makakapigil, wala ng pero-pero, walang ng "eh kasi", wala ng "baka ano eh". Ang mayroon lang ay ang mga kaisipang may pagnanais mag-abot ng kamay at magbahagi ng bukal sa puso.


Higit pa sa tagumpay, higit pa sa salitang "nakaraos din" matapos ang sabak, higit pa sa saya na makitang nakangiti ang bawat isa, higit pa sa pagtulong, higit pa sa lahat. Higit pa sa kaya kong ipaliwanag kung "gaano kasaya". Hindi matumbok ng mga salita ang mga damdaming ubod ng ligaya --- Ansaveh??? Ayan tuloy kung ano-ano na nasasabi ko, saya kasi eh. LOL


Wala na kong masabi, kundi masaya, nakakataba ng puso, nakakabusog ang mga ngiti ng mga bata, nakakawala ng pagod at puyat ang mga salitang "thank you po ate". Yung feeling na "wooh heaven adre!". 


Hindi magiging matagumpay ang BMIM o Blog Mo Ipasuot Mo kung wala ang pagtulong, pagdadasal, suporta at pagsisikap ng bawat isa. Kaya saludo ako sa inyo mga BMIMers na sumabak at nakiisa sa likod nito, lalo na sa mga isponsors, hehe. 


"It's showtime! lels"


Hindi lang ang mga bata sa lugar namin ang napasaya ng grupo kundi, walang duda, ako din. Sinubok man ng bagyo ang ikatlong sabak, hindi pa rin ito nagpapigil. Salamat salamat salamat sa lahat. Isa itong "Epic". Isang himala kung paanong nagkasya ang singkwenta sa lagpas isang daan. Isang biyaya na maibahagi ang ating mga biyaya. Baw.









--------------------------
Gusto mo din bang sumabak?
Tara tena!

Iba pang eksena: