28 August 2012

Hapis


Napakalawak ng mundo. Napakaraming tao. Sa araw-araw kong pag-pasok sa opisina, sa bus pa lang, halos siksikan na ang mga pasahero. Doble ang siksikan sa MRT. At konting ire pa sisikip na rin sa mga mall. Sa dinami-dami ng taong nakakasalubong ko, nakakasakay, nakakasabay, nakakasalamuha, nakaka-usap, nakakatinginan, nakakangitian, nakakasama… Iisa lang ang nagbigay ng kakaibang hilatsa ng ngiti sa mga labi ko. Iisa lang ang naglagay ng makinang na ningning sa mga mata ko. Iisa lang ang taong nagpatibok ng puso ko. Sa dinami-dami ng nagmamahal sa ‘kin… S’ya lang ang tanging minahal ko rin, ng lubos at sa tingin ko... Walang hanggan. At sa dami ng pwedeng mang-iwan... S’ya pa... Bakit s'ya pa na hindi ko kayang mawala sa buhay ko?

Gusto ko ng tumalon mula sa itaas ng condo. Hawak ang bote ng mapait na alak, walang tigil ang pagpatak ng mas mapait na luha. Tila walang katapusan ang paghikbi. Halos di ko na mawari ang paligid. Konting oras pa ng pag-alaala sa sakit, baka hindi ko na mapigilan ang sarili. Baka bukas makita na akong nakahandusay sa sahig. Dumulas ang bote ng alak sa kamay ko, nauna nang nahulog at nagkalasog-lasog. Handa na ko. Gusto ko nang matapos ‘to. Inilapat ko na ang nanlalamig na kamay sa bakal na humaharang sa biranda. Paahon na ako para bumagsak nang biglang may humawak sa kanang kamay ko… Napalingon ako at nagulat sa taong pumipigil sa pagtalon ko. Hindi ako halos makapaniwala... Walang iba kundi ang taong pinakamamahal ko.

Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng mas marami pang luha. Akala ko nauubos ang mga ito. Niyakap ko s’ya ng mahigpit na para bang hindi na ako sisikatan ng araw bukas. Walang katapusan ang mga tanong na puro “bakit?” kalakip ang ‘sanlibong sakit. Ilang minuto pa ay pumagitna ang nakabibinging katahimikan. Ayaw ko nang matapos ang sandaling ito. “Kailangan ko nang umalis.” ang tangi n’yang sinambit. Muli akong napayakap sa kanya ng mahigpit, hindi ko alam kung kakayanin ko pang ngumiti.



“Chikee… Chikee… Gising na… Gumising ka na please…”

“Ahhhhmmmm… Ano ba yon???” ang hapdi ng mata ko, ang hirap idilat.

“Gumising ka na… Magmumukmok ka na lang ba dito sa condo mo? Magbihis ka na…”

Dito na lang ako… Wala ako sa mood.”

“Hay Chikee… Kailan ka magiging nasa mood? Tingnan mo nga ‘tong lugar mo ang kalat! Tapos pagpasok ko kanina sabi nung guard naghagis ka daw ng bote ng alak kagabi.”

“Paki-alam ko sakanila???”

“Ano ka ba neng??? Ito ba gusto mong mangyari sa buhay mo? Magbihis ka na. Bilisan mo!”

“Ayaw ko! Please lang May! Ipipilit mo na naman ba?”

“Pero Chikee??? Kailangan mong pumunta. Hindi sa pinipilit kita. Pero kailangan mong harapin lahat ng ‘to.”

“Hindi ko kaya!” halos maghalo ang nginig at sakit.

“Kayanin mo… Please… Kahit sa huling hantungan man lang... Chikee, sana makapag-paalam ka sakanya...” 

Hinawakan ako ni May ng mahigpit at nauwi ulit ako sa walang hanggang hinagpis.

27 August 2012

BMIM: Ika-apat na Sabak


"Im sooo eksaytoood!" eksaherada na kung eksaherada. Sadyang ganyan ang nararamdaman ko tuwing sasapit ang araw ng sabak ng BMIM o Blog Mo Ipasuot Mo. Ito yung araw na hindi kayang pigilan ng malakas na ulan at matinding init ng araw ang kagustuhang makapaghatid ng payak na ligaya sa mga piling bata. 

At laking pasasalamat ng grupo sa bigtime na pagtulong ng SG Pinoy Bloggers - samahan ng mga blogero't blogera sa bansang Singapura. At syempre, ang walang kapagurang pagtulong ng indibidwal sa BMIM. Mula sa paghahanda at paghahatid ng mga kagamitan sa napiling lugar ng sabak, sa registration, sa pagkakabit ng tarpaulin, sa (walang kamatayang) pagdidisiplina na tumahimik at sumunod ang mga bata, sa pagdadasal, sa maikli at pampasiglang ehersisyo, sa palaro, sa story telling, sa pagkuha at pagdodokumento ng mga kaganapan, sa pagdi-distribute ng pagkain, tshirt, school supplies at iba pa. 

Organized. Yan ang top most mindset ng grupo bago pa ang araw ng mismong sabak. Organized things are the result of organized thoughts. Yan ang tanging inaakala namin. Ngunit, sapagkat, datapwat, kahit gaano pa kaplanado ang lahat, may ibang pwersa pa rin na nakaapekto sa itinalagang maayos na daloy ng kwento. Oo, sobra, as in sobrang kulet lang ng mga bata. Siguro given na yung kulet sa mga bata, pero iba yung pagka-kulet nila. Ibang level. Minsan hindi na pambata. Pero kebs pa rin. Lagi ngang sinasabi nina Kuya Jesse at Pablo "Para sa mga bata!". Kaya't para sa kanila ay kinaya ng bawat isa ang lahat.

Lamang pa rin ang ligaya kaysa paubos na pasensya. Ang mga batang ito, bigyan man nila tayo ng sakit sa ulo at nginig sa buto, walang pag-aalinlangan ko pa ring sasabihing "nakakataba ng puso" ang pasasalamat at walang dayang ngiti nila sa bandang dulo.

Marami pang ipanganganak na bata. Hangga't patuloy ang supply ng T-Shirt sa mundo at buhay pa rin ang diwa ng mga blogero't blogera, magpapatuloy pa rin ang saya. Marami pa ang susunod na sabak.  










At para maka-silip sa naganap na sabak, panoorin lang ito (baka sakaling ma-enganyo ka sumama):



Kung na-enganyo ka, punta ka lang dito:



Related post:
http://tksalaulasatinta.blogspot.com/2012/08/blog-mo-ipasuot-mo-4th-sabak-solb.html


14 August 2012

SLAMBOOK ni POTPOT ft. Biboy Ordinario






Una sa lahat, pasensya na ho sa mga taong nag-aabang ng portion na ito, oo meron, tiwala lang. Pangalawa, pahinga na muna tayo sa mga katahang-isip na tragic at bitin na love story. Tutal naman, nagself-declare na ko na ang Agosto ay magiging buwan para sa Slam Book ni Potpot. Matagal na din 'tong na tengga. Pero kebs na din, mas epek na epek ang pagka-slambook kasi lumipas na ang ilang buwan mula nung pinasugutan ko 'to sa ilang blogero't blogerang sumakay sa trip ko. Alam n'yo yung babasahin n'yo ngayon yung mga sinagot n'yo sa slambook nung elementary pa kayo? Ganun yung gusto kong maging peg ng kalokohang 'to. Kaya yung mga gustong mabasa yung slambook nila sa January 2013 eh magsulat na din kayo dito, segue syempre! O s'ya ang dami kong sinasabi, ang daming ka-echosan! Eto na nga...

Ang susunod na SLAMMER natin ngayon ay ang pinaka-una sa mga hinangaan kong photo blogger. Nganga kasi ako lagi sa mga litratong ma-ala-adobo. Achieve na achieve! So eto na...

Lesdudis!

Palakpakan para kay Kuya Biboy ng Ang Litratistang Bulag.













Part 1: Easy Round

Personal Information:

Name: Biboy Ordinario
Nickname: Biboy
Age: 22
Marital Status: Single
Location: Taytay, Rizal








Blog Profile:

Blog(s): Kalsada Photography http://angkalsada.blogspot.com (2012 - Present), Adobo Photoshop http://biboyordinario.blogspot.com (2010-2012) Totally Inspired http://bla07.multiply.com (2007-2010)
Blog objective/purpose(if any):
Blogger since: 2006
Blog influence: lantaw.blogspot.com
Describe your blog(s): 
Kalsada is a photo and video blog which focuses majorly on street and travel photography captured in monochrome or color.
Paano ka nag-umpisang mag-blog:
It started when I was in highschool during the Friendster era. Nag-launch ang FS(Friendster) ng blogging feature so out of curiosity gumawa naman ako ng blog. At first di ko talaga alam kung para saan ang blog until sa nadiscover ko rin through self-studying kung para saan ba siya :)

Describe the following:

Yourself: Simpleng tao, Friendly, Honest :)
Love: An essential factor lacking on our society nowadays
Death: The start of a new beginning
Pain: A stimuli produce by some noxious source
Happiness: An elated state of mind produce by love :) (Hindi merriam webster mga yan ah HAHAHA)

Favorites:

Food: Sinigang na Baboy, Tinolang Manok
Hobby: Photography, Blogging
Singer/Band: Hillsong, Planetshakers, VST & Company
Song: Mighty to Save by Hillsong
Color: Red
Book and its author: Purpose Driven Life by Rick Warren and The Bible


Part 2: Average

Give new meaning to the following:

WTF -  WAIT TIME FIRST!
FU - For u!
SOP - Sobrang OK Pare! HAHA
ASAP - Ang sakit ah Pare! HAHA
LQ - Lower Quadrant
TL - True Love
LOL - Live on Land (Ano daw?)

What and Who:

What is your most unforgettable moment? Pagkakaen ng breakfast sa umaga (unforgettable yun!) haha
What is your most embarassing experience? Nag-acting sa harap ng crowd, hindi praktisdo at nagwala sa stage haha
What drives you everyday, to strive and survive? God :) My family and friends :)
What is your motto in life? Trust in the Lord with all your heart, not in your own instincts - Proverbs 3:5
What are the simple things that make you happy? Seeing others smile because you know na nakatulong ka :)
What is your greatest dream? To become a Certified Nurse Anesthetist
What are your unique talents? Playing the piano? hehe
What are the weird things about you? Pag may naaalala akong funny memories natatawa ako bigla hahaha kaya para akong baliw haha
What/Who completes you? Same from above, God, Family and Friends
Who is your crush? Natalie Portman
Who is your first kiss, except your parents/relatives? HAHA nung bata ako... Grade 1, Xmas Xchange gift kasi, eh dapat hahalikan daw yung nabunot mo. Eh lalake nakabunot sa kin! HAHAHA :))
Who is your hero? your idol? your great influence? God alone :)
Who is your favorite blogger? lantaw.blogspot.com, teacher mots, asiong32.blogspot.com


Part 3: Difficult

Please answer seriously.

Kaninong cartoon character mo maihahalintulad ang sarili mo at bakit? 
I think I'll be Bluto sa Popeye the Sailor man. I may look tough sometimes but deep inside I'm the weakest (weh haha)
Kung gagawing telenovela ang buhay mo, anong title nito at sinong artista ang gusto mong gumanap bilang bida? 
Munting Heredero hahaha wala akong maisip
Kung manalo ka sa lotto ng 100M, saan at paano mo ito gagastusin? 
10% will go to our Church. The rest sa charity, then will start my own business, pay debts, travel and save. 
Kung bibigyan ka ng chance maging member ng super friends o mas kilala ngayon sa tawag na justice league, anong super power meron ka at anong pangalan mo?
I just want to fly... Flying Biboy AHAHAHA
Kung magkakaroon ng pambansang gulay, ano dapat ito at bakit? 
Malunggay, very useful HAHA
Kung mabibigyan ka ng pagkakataon maging isa sa bananas in pajamas, sino ka? si B1 ba o si B2? Bakit? 
Pwedeng ako na lang si Doding Daga? HAHAHA
Kung babaguhin mo ang nakasanayang tunog ng tawa from hahaha, hehehe, at hihihi, ano na dapat? 
Jejemon naman? JEJEJEJE HAHAHA
Kung ikaw si Elisa, bakit hindi ka na lang naging si Budoy? 
HAHA di ko alam yan, di ako masyadong nanunuod ng TV haha
Sino sa mga artista, local o foreign, ang sinasabi nilang look-alike mo? Kung wala huwag ipilit please. 
Kamukha ko daw si Biboy Ordinario. Ako ata yun HAHAA :))


Part 4: Bonus Round

Dedication to Potpot.

God bless and Keep up the good work :)


-END of SLAMBOOK-

Mga naki-slam:


03 August 2012

Now I know

Naisip ko lang…

Paano kaya kung magkasabay kami sa daan? Sa isang lugar? Sa isang di inaasahang pagkakataon? Paano kung dumating yung panahong may iba ng naka-akbay sa balikat ko? Na mayroon nang kamay na gagapi sa palad ko? Paano kung may mahal na kong iba at s’ya, na dati kong minahal, ay nakatingin mula sa aming harapan? Paano ko sasabihin? Paano ko sila ipapakilala sa isa’t isa? Paano kaya magbabangga ang mga nakakailang na tingin? Ano kayang mararamdaman n’ya sa sandaling maayos na ang lahat sa akin? Na naka-usad na ko sa buhay ko at tuluyan ko nang tinalikuran ang pag-asa na muling magsasalo ang aming mga damdamin? Paano?


Walang tigil ang pagpatak ng ulan nang araw na ‘yun. Wala ring humpay ang pag-ihip ng malakas na hangin, dahilan para kanselahin ang klase sa unibersidad namin. Nagpasya akong umuwi na lang ng bahay kaysa magpalipas ng oras sa dormitoryo. Ayaw ko lang mabagot habang tinitingnan ang sarili sa salamin. Wala rin naman akong makakausap na matino, hindi kahit ang aking sarili. Sadyang magulo ang isip ko, lalo na sa katahimikan at kawalan. Ayaw kong mapag-isa, ayaw kong lumagay sa tahimik ng walang kasama. Ang dami kong naiisip. Punong-puno ng imahinasyon ang kapirangot na utak. Aktibo, walang pahinga sa paggawa ng hinuha, tuloy-tuloy ang takbo kahit napapagod na ako.

Nag-aabang ako ng dyip sa may di kalayuang waiting shed sa dormitoryo. Basa na ko ng ulan, halos magkagutay-gutay na ang dala kong payong. Aligaga ang mga pasaherong kasama kong nag-aabang, akala mo’y mauubusan ng oras at dyip na masasakyan. Nakikipagsiksikan sila, nakikipagbalyahan, bahala na kung maapakan at may maapakan. Humupa na ang malakas na ulan, tanging ambon na lang ang kumakalat sa daan. Wala na rin ang mga pasahero, tanging ako na lang.

Huminto ang isang dyip sa kintatayuang paradahan. Sa wakas. Sumakay na ako ng walang pag-aalinlangan. Naupo ako ng maayos sa hanay ng tsuper. Umandar na ang dyip at huminto na ang ambon. Tahimik na napa-bugtong hininga ako ng malalim, lumakas ang kabog ng aking dibdib. Muling naghalo ang mga nilalaman ng aking isip, napatigil ang mga mata at bibig sa pagngiti. Sapagkat sa aking harapan, sa dyip na aking sinasakyan, naka-upo ang dati kong mahal. Nakaakbay ang bisig n’ya sa isang babae, nakatuon naman ang ulo nito sa kanyang balikat. Walang duda, hindi na nahaluan ng pagtataka ang aking palagay. Hindi ko rin alam kung paano sila susulyapan. May bago na s’yang kasintahan. Nakakailang ang katahimikan. Nahiya ako sa paraang hindi maipaliwanag.

Ngayon alam ko na kung paano. Ipinamukha na ang sagot sa mga tanong ko.